NME 101

Mabilis akong pumunta kina Kashmira, hindi naman kasi porket ayaw ko sa kapatid niya ay iiwasan ko na rin siya. Hanggang sa maaari, hindi ko isasama ang bata sa kung anong meron kami ni Viktor. Mabait naman si Kash, ayos lang 'yon.

Nag-door bell ako at laking gulat ko nang makita si Kash na binuksan ang gate nila. Agad kong tiningnan ang temperature niya, wala namang sakit. Hindi naman siya mainit.

"Ano bang nangyari? Anong masakit sayo?" tanong ko sa kanya.

"Hmm, pasok muna tayo sa loob ate. Okay lang ba?" sagot naman niya sa akin.

Ramdam kong may kakaiba pero sumunod pa rin ako kay Kashmira. Napailing na lang ako nang makita si Viktor sa loob ng bahay nila na nakaupo sa sala. Kabadong-kabado siya nung makita niya ako.

"Really? Ginamit mo si Kash para-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol niya 'yon.

"Kash, thank you. You can go up now.  I owe you big time," he smiled sadly. Tininangnan naman ako ni Kash at kita ko sa mukha niya na she's sorry for what she did. Well, kuya pa rin naman niya si Viktor kaya sure ako na susundin niya ito kahit ano pa ang mangyari.

"Sit down," sabi niya.

"At sa tingin mo kakausapin kita dahil sa pakisuyo mo kay Kash? No, I'll go home." sabi ko naman.

"Will you just sit down? Mag-uusap lang tayo. Huwag kang mag-alala."

Usap? Ilang beses na ba tayong nag-usap pero nauuwi lang naman sa halikan?

Umupo na lang ako. Hindi ko pa rin siya pinansin, kahit na lumapit siya sa akin sa sofa. I know this, dito niya ako nakuha e.

"Gusto lang kita makausap kasi ayaw ko naman na ilang ka sa akin sa trabaho. Please, Carilley. Can you be civil to me? Sa tuwing nagkikita kasi tayo, parang ayaw mo na ako mabuhay sa opisina. Ganoon na ba tayo ngayon?" nakakaawa ang mukha ni Viktor noong sinabi niya iyon.

"Kung gusto mo, lumipat ka ng trabaho. Alam mo namang ako ang mas karapat-dapat sa company natin, hindi ikaw." Ouch, masakit yun ah. Paano mo nakaya na sabihin kay Viktor 'yon?

"Pwede ba? Huwag nating gawing issue kung sino ang lisensyado at hindi.  Alam mo naman na pangarap nating dalawa 'to. Magkaroon ng trabaho. Lisensyado man o hindi, okay na. Basta may trabaho ako,"  sabi niya sa akin.

"Ano nga ang gusto mo? Maging civil tayo sa isa't isa?" ulit ko, baka mali ako ng pagkakarinig kanina eh. 

"Yes, or at least be friends. Again. Just don't ignore me like that. Hindi ko kaya. Alam ko namang may Astro ka na at hindi ako manggugulo sa inyo. Ang sakit lang sa akin na nakikita nga kita pero para mo naman akong gustong ibaon sa lupa dahil sa mga titig mo."

Napangiti ako nang konti doon pero hindi ko pinakita dahil baka akalain niya'y okay na ang lahat.  Viktor is such a nice man, ako lang naman itong lumayo sa kanya dahil kay Harley Maie at sa pesteng feelings ko na ito na alam ko namang bawal.

"Okay. Friends, at least." sabi ko na hindi man lang tumitingin sa kanya.

"Talaga?" gulat ang mukha niya noong sinabi ko 'yon. Para siyang bata na binigyan ng candy dahil kita ko ang saya sa mata niya.

"Yeah."

Yayakapin sana niya ako pero pinigilan ko siya. Nawala rin ang ngiti sa kanyang mga mata nang ma-realize na wala pa rin pala akong pake sa kanya.

"Uuwi na ako," sabi ko.

"Ihatid na kita sa gate," tatayo na sana siya pero napigil siya ng mga salita ko.

"Huwag na. May paa naman ako, kaya kong maglakad mag-isa.  You stay here."

Malungkot siyang ngumiti.  Umalis naman ako sa bahay nila na para bang walang nangyari, but deep inside me.. Nasaktan ako sa mga sinabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko makakayanan na ganito ang maging treatment namin sa isa't-isa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top