๐ช๐ฏ๐จ๐ท๐ป๐ฌ๐น 1
GHEOHARRA'S POV
"tsk, ikaw na naman, kababae mo pero suki ka dito sa guidance" masungit na saad ni Leighton "kailan ka ba magtitino?" seryoso ng sabi nito at, tinignan din ako ng seryoso
'pakyu ka dre' sabi ko sa isip ko
"sisisguro saka na ako titino kung wala ka na sa pwesto mo, hahahaha biro lang, namiss ko ang guidance eh" sagot ko
"araw araw kang napupunta dito, namimiss mo pa?" walang emosyong ani nito "nagsasawa na ako sa pagmumuka mo dito sa guidance, pasalamat ka mga minor lang ang cases mo, kung hindi, papatalsikin ka"
"sa tingin mo ba ay hindi nakakasawa yang pagmumuka mo? lagi nalang ikaw ang bumubungad, pag bukas ko ng pintong yan? ikaw lang ba ang officer ha mister?" pabalang kong sagot dito
paano kasi di na matanggal tanggal sa pwesto, mula grade 7 to 8 P.I.O na yan tapos nung grade 9 hanggang ngayong senior na kami ay presudent na, ewan ko ba kung bakit pinayagang maging presidente toh nung grade 9 kami dapat nga grade 10 eh, kesyo daw, maganda ang pamamalakad, magaling maghandle, haish basta ganun
"pay or detention" biglang saad nito at masamang nakatingin sa'kin, agad naman akong yumuko, alam na alam kung paano ako patahimikin ng bwisit na ito
"pay" parang tutang usal ko at nilabas ang pera ko at binigay ang bayad, opo ganito ho sa paaralan na toh, mamimili ka ng parusa, bayad o detention dahil sa ayaw kong madetention I choose to pay
"lumayas ka na, ayoko ng makita ang pagmumuka mo dito sa guidance office" sabi nito, palihim naman akong umirap
"nasa senior ka na, di ka parin nagbabago" mangangaral na naman bwisit, wala naman akong magawa kundi ang manahimik dahil wala ka talagang palag kapag ito ang nagsasalita, nakakaguilty pero nawawala din yun agad pag labas ko hahahaha
"naintindihan mo?" he ask "hindi" parang tangang usal ko
"tsk, umalis ka na" madiing saad nito
"suplado talaga kahit kailan" bulong ko pa bago tumayo
"may sinasabi ka?" matara na tanong nito
"ha? wala, ang sabi ko salamat, lalabas na ako" sabi at tuluyan ng lumabas at nagulat ako nang makita ko si Jonah sa harapan ng office at nakapamewang at tinitignan pa ako pataas pababa
"hey, yow, what's up beautiful cousin hehehehe" sabi ko
"sabi na nga ba't dito kita matatagpuan, ano na namang kalokohan ang ginawa mo ha? Gheo???"
"well minor case lang daw, sabi ni Pres,binully ko kasi yung nasa parking lot kanina hehehehe kasi binubully niya yung walang kalaban laban"
*BOINK*
"aray" kinutusan ako "anong problema"
"binully mo yung may binubully, antanga mo? eh anong pinagkaiba niyo? engot"
"mas maganda ako, yun ang big difference" sabi ko, sininghalan ako nito at inirapan
"hindi ka ba nagsasawa na laging labas pasok diyan sa guidance na yan ha?" sabi nito
"medyo" sagot ko at tumawa pa
"kahit kailan ka talaga.....ratatatatat, boom! bang! bang! bang! ratatatatatatatatatatatatatatat" sa haba ng sinabi ni Jonah ay yun ang naintindihan ko dahil sa bilis niya magsalita para siyang armalite
"gusto mong masapak?" tanong pa nito "hindi Jo, ikaw gusto mo?" seryoso kong sabi pero nainis siya lalo
"nakakabwisit ka, sabunutan kaya kita" nanggigigil talagang aniya
"ano ba, ano ba? kinutusan mo ko kanina, tapos tinanong mo'ko kung gusto kong masapak tapos ngayo mananabunot ka? wooii ang sungit mo... may mens ka?" anas ko
"kailan pa ako hindi nagsungit tuwing may nagagawa kang kalokohan ha?"
"sabi ko nga araw araw may mens ka" sabi ko dito
"tsk una na ako sayo sa room, nakakaasar ka" sabi nito
"okay" sabi "gawa ka ulit ng kalokohan ha?" sarkastiko nitong sabi
"oo ba" pang aasar ko sa kanya, pero inambaan ako ng suntok umilag naman ako at tumawa hahahaha tsaka niya ako pinakyuhan bago ito umalis, gago talaga
dumeretso na ako sa canteen para mananghalian, nagwewelga na ang tiyan ko eh, agad na akong umorder na kakainin ko at agad na itong nilantakan
"saan na naman kaya galing yan at ngayon lang mananghalian?"
"saan pa nga ba? malamang sa guidance"
"bakit na naman?"
"may binully na naman daw eh"
"di pa siya nagsasawa?"
"malay ko ako ba siya?"
tang inang bulungan yan, tsk
agad kong tinapos ang kinakain ko tsaka sila hinarap
"tapos na kayo magchismisan?" tanong ko sa kanila, di naman sila nakaimik
"sa susunod kung pag uusapan niyo lang din naman ako, sabihin niyo at saluhan ko kay, at harap harapan mas maganda yun okay?" sabi ko, napayuko lang ang mga toh
"baka gusto niyong masample-lan ha?" saad ko
"chill down Harra"
"chill down mo muka mo Ank" sabi ko sa pinsan ko ang campus queen kuno, ang pinsan ko na kahit kailan ay hindi kami magkasundo
"tanghaling tapat masiyadong mainit ang ulo mo" mataray nitong sabi
"oo nga eh lalo na ngayong kaharap kita, baka mabangasan kita at mapunta ang talino mo sa talampakan mo eh" sabi ko sa kanya
yes, matalino ito kasi tutok na tutok sa pag aaral
"Gheoharra Ava Medina, tsk tsk tsk, napaka pikunin mo talaga, bakit kasi nananatili kang bobo, subukan mong magseryoso, huwag mong iasa ang grado mo sa extra curiculars" sabi nito
"well Anastasia Katherine Medina, no need, baka magpakalunod ka kung malamangan kita eh" nakangisi kong saad dito sa pinsan kong bruha, maganda nga sana kung hindi langa isa't kalahating higad ang puta
"bakit di mo subukan" saad nito at taas noo pang nakatingin
"hahahahaha hindi ko kailangang makipagcompete sa'yo Ank, wala akong balak agawin ang korona sayo kahit lunukin mo pa yun sa harapan ko dahil unang una palang mas lamang na ako sa'yo, masiyado ka lang trying hard" sabi ko, agad sumama ang tingin nito sa'kin
"hold your eyes at ihanda mo ang tubig kung hindi mahulog baka magliyab" sabi ko at tininan ito mula ulo hanggang paa bago ko lisanin ang canteen
BWAHAHHAHAAHA EDI BUO NA NAMAN ANG ARAW KO
heto ako ngayon naglalakad papunta sa room namin
"Medina" biglang may tumawag sa apelido ko kaya naman ay napalingon ako
"yes Miss?" tanong ko sa guro na tumawag sa'kin, opo miss po ang tawag namin sa teacher naming babae, may asawa man o wala at cher naman kapag lalaki
"napakababa mo sa General Mathematics, baka gusto mong magremedial, you only got 10 over 35" sabi nito sa'kin
"hindi na po miss okay na po yun" sabi ko
"you sure Medina" sabi nito
"Yes Ms. Monteverde" sabi ko at tsaka na ako nagpaalam sa kanya at umakyat sa room ko
pagdating ko dun
"uiii Harra, bagsak ka sa quiz natin ah" bungad nila
-_- ano naman???
"okay lang tss" sabi ko sa kanila
"delikado yan, paano kung bumagsak ka?"
"okay lang, edi lilipat ng school, hindi lang ito ang school noh" natatawa kong saad
"kahit kailan talaga Harra oo, buti namemaintain mo ang 84 kung hindi baka pinatalsik ka na dito" sabi ni KIan ang VP ng room na toh at laging top 2, siyempre si Leighton ang laging top 1 pumapangatlo ang pinsan ko, oh dibha?
"hindi pa ba kayo nasanay" kailan pa nagseryoso yan" tsk, nandyan na ang President bakulaw
"eh ano naman , mister top 1. baka kasi malampasan ko ang talino mo kapag nagseryoso ako eh" mayabang kong sabi
"matutuwa pa ako kung ganun Harra" nakangisi nitong sabi
"nye nye" pagmemake face ko at pumunta na sa upuan ko at maya maya pa ay, nandyan na ang guro at nagturo na
*yawn*
nakakaantok naman, kaya wala akong nagawa kundi ang yumuko sa desk ko at matulog
*fast Forward*
-4:30-
..ginusot gusot ko ang mata ko nang makagising ako
"oh gising ka na, punyeta ka, pasalamat ka at puro discuss lang ang ginawa"
"edi salamat" sabi ko
"oh gising ka na pala Medina, tawag ka ng coach mo" sabi nung teacher
coach ko sa taekwondo, malamang nakarating sa kanya yung ginawa ko, paparusahan na naman ako
"Miss hindi po maganda ang pakiramdam ko eh"
"haist palusot mo Medina"
0_0
"waaah coach" nagulat ako nandiyan pala si Coach eh huhuhuh
"tara" sabi nito
"waaah coach naman eh" sabi ko
"halika na" sabi pa, wala akong nagawa kundi ang sumunod
"goodluck mabalian ka sana" sabi pa ni Jonah pero pinakyuhan ko siya sa likod ko
*taekwondo room*
"gawin mo na ang dapat mong gawin" sabi ni coach
naman eh
ginawa ko yung parusa na laging ipinaparusa sa'kin ni coach tuwing nakakagawa ako ng kalokohan, bawal kasi, dapat daw model kami eh malay ko ba kung pang model lang ako sa kama.... oh huwag kayong grin minded, mga utak niyo jusko, ang ibig kong sabihin ay, pang natutulog lang ako, maliwanag pa, ikaw kung ano ano iniisip mo ha
lumipas ang trenta minutos at natapos ko na din, at hingal na hingal talaga ako, nakakapagod eh
"yan na ang huli na mapaparusahan ka ng ganyan dahil graduate ka na iha, salamat sa limang taon, you never failed to make me feel proud, pero ang pakiusap ko lang sana ay tumino tino ka na... yun lang naman. oh sya sige, lumayas ka na dito, magpakatino ka na" sabi nito
"Waaaahhhhh Salamat-salamat coach" hingal na hingal pang sabi ko at agad na tumakbo sa parking lot at nandun na si kuya Howard
"oh pawis na pawis ka?"
"naparusahan ho kuya" sabi ko sa driver namin
"may ginawa ka na naman kalokohan noh?" sabi ni Kuya
"kuya naman eh, tara na nga" sabi ko tinawanan naman ako nito at tsaka na ako dinrive pauwi
*house*
pagkauwing pagkauwi ko ay sinalubog ako ni mommy
"oh himala atah at maaga ka ngayon?" sabi ni mommy
"masyado bang maaga mommy? balik muna ako?" tanong ko, tumawa naman toh dahil sa sinabi ko, pati ako,sanay na sanay sina mommy sa ugali ko sa totoo lang pero siyempre napapagalitan parin hahahaha
"oh ano na naman ang kalokohang nagawa mo?" bungad din ni Daddy
"As usualย po daddy" sagot ko, iiling iling naman toh
"ikaw talaga di ka na nagbago haist proud ka pa, batukan kaya kita" sabi pa ni daddy
"daddy naman, nagtanong kaya kayo, sinagot ko lang eh" sabi ko pa
"yan, malamang pinarusahan ka na naman halata sa hitsura mo eh" sabi pa nila, napapout naman ako, alam nalang nila eh kung ano ang nangyayari sa'kin tch, agad naman na akong naglakad papunta sa hagdan pero natigilan din ako nang makita ko si kuya na nakastop sa hagdan nakatingin sa'kin at nakangiti
"waaaaaaaahhhh kuyaaaaaaa, youre hoooommmmeee" tili ko at tumakbo at sinalubong naman ako, tinalon ko pa ito buti at nasalo niya ako
"hahahahaha miss me?" sabi nito
"suuuuupeeeeeerrr kuya" sabi ko, agad naman akong bumaba sa pagkakakarga niya sakin, ginulo niya ang buhok ko
"kuya miss you too" sabi ni kuya Harry
"kumusta naman ang pag aaral sa ibang bansa kuya?" tanong ko
"ayos naman, at itutuloy ni kuya dito ang pag aaral " sabi
"waaaaahh finally" sabi ko naman
ngumiti naman ito sa'kin, sige na akyat ka na dun sa taas, ang asim mo na eh" sabi pa nito
"tsk, ang sama nito" sabi ko
"nagsasabi lang ng totoo eh, ghe amuyin mo sarili mo" sabi nito
"hindi na, hmp" sabi ko at tuluyan ng umakyat, narinig ko pa ang pagtawa nito at yabag niya pababa ng hagdan at pumunta kina mommy, narinig kong may sinabi perp hindi ko naintindihan pa, nagtuloy tuloy nalang ako sa kwarto ko at naligo
nagbabad pa ako ng kalahating oras at pagkatapos nun ay nagpalit na ako, at naupo sa kama habang nakaupo ay nagpupunas ako ng buhok, naramdaman ko ang pagod sa buong katawan ko, waaaah nakakapagod talaga hhuhuhuhuhuhu, buti nalang at last term ko na yun
hirap kayang maparusahan araw araw, ang sexy ko na masyado, tsk feelingera lang self?
ayan ugali ko po talaga na kinokontra din minsan ang sarili ko, parang tanga dibha? pero subukan niyo, masaya yun minsan,, si author ginagawa yun eh, parang tanga, ehehehehe nandamay pa
malakas talaga ang sapak ko sa ulo kaya pagpasensyahan niyo na ha?ย
Anyway nang matuyo ang buhok ko ay di na ako nag abalang bumaba ulit, miss na miss ko si kuya pero masakit ang katawan ko eh kaya naman, magpahinga nalang muna ako, labas nalang siguro ako kapag nagutom ako, hindi ko na talaga kaya, night night
๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ .......
๐จ/๐ต: ๐บ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ช๐ฏ๐จ๐ท๐ป๐ฌ๐น 1 ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐
๐๐'๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐
๐ฐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ "๐ต๐ถ ๐ป๐จ๐ณ๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฐ๐ป๐บ". ๐บ๐๐๐๐๐๐ ๐๐, ๐๐๐
๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐, ๐ฐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐
๐๐๐๐ ๐ฐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐
ย ๐ ๐จ๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฐ:ย Andy_Riema
๐ ๐ฐ๐ข๐ฅ๐ฅ ๐๐จ๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฐ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐๐๐๐ค ๐ฎ๐ฌ๐ข๐ง๐ ย
๐
๐๐๐๐๐จ๐จ๐ค ๐๐๐๐จ๐ฎ๐ง๐ญ: ๐๐ง๐๐ฒ ๐๐ข๐๐ฆ๐ ๐๐
Bแบกn ฤang ฤแปc truyแปn trรชn: AzTruyen.Top