Nasaan si Bugel? (Completed)
This is a short story for Filipino Readers.
Ang inyong mababasa ay isang comedy-based na istorya. Sana ay mag-enjoy kayo sa mababasa ninyo. Paki-comment naman po at pakivote kung nagustuhan nyo. Thanks po ha! Asahan ko po mga votes nyo.
_______________________________________________________________________________
Nasaan si Bugel?
"Alahooooooooooy!!! Kanina pa akong tuktok ki tuktok dine ah! Makaramdam naman kayo! Aba, gusto pa'y ako ang gigising sa kanila eh. Hindi ga magkusa na laang at nang ako'y hindi nahihirapan. Haa, dali! Bangon kayo at tanghali na! Ay mag-a-alas sais na ay nakahilata pa eh, mauubusan tayo niyan!"
"Wala pa. Kitang kadilim pa ho. Natutulog pa ako"
"Sigurado kang tulog ka pa niyang lagay na 'yan? Ala'y nakakausap pala ang tulog. BANGON! Sulong at ika'y bumili ng pandesal!"
Araw-araw na itong dinadalubhasa ni Ina na takot maubusan ng pandesal, kung bakit ga naman hindi pa kami masanay-sanay.
Mumukat-mukat pa ako ng sandaling iyon at hindi ko pa man lubos na nalilibot ang aking paningin ay pilit akong babangon at saka hahalubilo ang aking kamalayan sa paligid. Madilim. Malamig. Matahimik, maliban na lang sa ingit ng aming lumang bentilador, sa malayong manok na nag-aalangan kung titilaok na o hindi pa, at sa bunganga ni Ina'ng nag-o-orasyon naman sa isa ko pang kapatid, si Ate Bogarta.
Malaki ang pasasalamat ko at nauna siyang ipinanganak sa akin. Dahil kung nagkataon, ako ang tatawaging Bogart ng buong Pilipinas. Ang wild ng pangalan niya ano? Bogarta, parang gamot. Noon daw kasing ipinagbubuntis siya ni Ina, akala nila lalaki ang dala-dala niya sa kaniyang sinapupunan. Sabi kasi ni Ama, hindi blooming si Ina kaya sigurado siyang lalaki ang sanggol. Tamang wala naman silang pera pampa-ultrasound kaya kumapit sila sa paniniwala nila at napagkasunduang pangalanan siya ng tumataginting na Lord Bogart. Ayun! Nung si Ina ay nanganak, ay tinamaan ng magaling! Ang Lord Bogart ay naglaho, at naging----------*drumrolls*------LADY BOGARTA! Ayos. Ideya iyon ni Ama, Napamahal na rin daw kasi sa kanila ang pangalan na yun sa loob ng ilang buwan kaya 'yun na lang.
"Ate..Ate!"
"Ano?"
"May sasabihin ako sa'yo"
"........"
"Wag ka magagalit?"
"Ano nga sabi?"
"Lady Bogarta!"
"HE! TUMAHIMIK KA!"
Sa aking pagkaka-alam, ang ating panga-pangalan ang pinaka-kaaya-aya sa ating pandinig. Ganun nga rin kahit sa mga alaga kong hayop. Mayroon akong manok na pinangalanan kong Sgt. Kutitap. Hindi ako nun papansinin kung tatawagin ko siya sa pammaagitan ng pag-psssst!, Hoy!, at pag-kruuuuuuuuukya! Hindi naman magkamayaw sa paglingon 'yun kapag nauulinigan na ang kaniyang pangalan sa paligid.
Ako ang kaniyang perfect opposite.
Siyempre, kinailangan ko ng mahabang panahon para maintindihan 'yang perfect opposite na 'yan. Nalaman ko na lang isang araw na buong buhay ko na pala'ng ihinihinga at ikinukurap 'yun, Perfect opposite. Tama naman si ate dun. Si Ate, babae (natural), ako, lalaki. Siya kayumanggi at malinis ang katawan; ako, sin-puti ng labanos.......na bagong bunot sa ilalim ng lupa. Siya, masipag mag-aral at marunong sa mga gawain kumpara sakin na masipag din naman, pero pagdating lang sa pagkain at sa paghingi ng pera. Pareho naman ang apilyido namin, at pareho kaming mayroong nais marating at mapatunayan. Hindi naman pala kami ganoon magka-salungat.
Hindi mahirap kay Ate na may marating siya. Hindi rin mahirap sa kaniya ang mapatunayan ang miski na anong naisin niyang mapatunayan. Kahit nga yata 'yung pagkakasali ko sa bago matapos ang theory of evolution eh kaya niya.
Ako. Paano ako? Alam ko namang kaya ko eh, na maging katulad ni Ate. 'Yun nga lang, ako'y tinatamad. Dahil sa katamaran na 'yan, 'di ako nakapagpatuloy ng pag-aaral. Ang nangyari ngayon sa akin, pauli-uli lang sa bahay at kain ng kain. Para akong si Garfield.
"Oy Bugel. Ikuha mo naman ako ng maiinom."
Isang napakasimpleng utos sa akin, ngunit hindi maaaring walang karibukang magaganap bago ko iyon magawa.
"Saan ko ilalagay?"
"Malamang ay sa baso! Ikaw nga Bugel ay matutong gumamit ng common sense."
Sabi ni Ate, hindi daw niya alam kung anong lenggwahe ang alam ko. Sa tuwing nahihirapan akong umintindi ng utos, tinatanong niya ako ng pagkakalakas na "HINDI KA GA NAKAKAINTINDI NG TAGALOG?!!" Sa aking pagkaka-alam, ginagawa ko na ang lahat ng abot ng aking makakaya upang kahit sa pag-intindi man lang eh mapantayan ko siya. 'Yun lang naman ang gusto ko eh, 'yung magkaintindihan kaming lahat.
"Bugel, gusto mo magkaroon ng maraming pera?"
"Oo naman! Bakit, magbibigay ka ga?"
"Asa. Hindi ah. Ibenta mo iyang utak mo, tiba-tiba ka diyan."
"Yown! Bakit, dahil madaming laman?"
"HAHA! Hindi! Kitang 'yang utak mo eh di pa gamit masyado! Slightly used, good as new"
"Luko"
"Mr. Bean!"
Iyon ang tawag sa akin ng mga pinsan at mga kalaro ko. Mr. Bean. Bakit kamo? Kasi sikat ako sa pagiging palpak. Hindi nga lang ako madiskarte kagaya ni Mr. Bean. At magkamukha kami. Pero sabi ni Ate, lamang lang daw ako ng kaunti kay Mr. Bean! Dahil daw mayroon akong 'kisabulips'. Ano kaya 'yun? Narinig ko lang kasi. Sabi niya, mayroon daw akong labi na kasing-pula ng namamagang tagihawat. Kaya pala kisabulips. Gusto ninyo ng patunay? I-add nyo ako sa Facebook! Oha! Alam ko na ngayon ang Facebook na 'yan. Akala ko kasi dati nabibili 'yun sa palengke. May nagtatanong sa akin ng "Bugel, may Facebook ka ga?", at sasagutin ko sila ng "Wala. Wala akong pera'ng pambili nun." Per tapos na 'yun, nag-improve na ako. I-search 'nyo ang 'Mr. Bean Ulagz' para ma-meet nyo ako online. Astig.
Kapit na yata sa balat ko ang pagiging palpak. Nananalantay na rin sa akin ang pagka-sanay ko sa paraan ng pagtrato sa akin ng mundo. Mahirap man o nakakauto, tatanggapin ko dahil bahagi ito ng pagiging Pambansang Bugel. Parte ito ng pagtamo ng ninanais ko, pero itong 'kamalasan' ang mas pinili ko, sa maniwala kayo at sa hindi. Walang perpektong tao. Wala.
P.S.
'Wag n'yo kalilimutan 'yung bilin ko sa inyo ha, yung sa Facebook.
______________________________________________________________________________
I hope nag-enjoy po kayo sa inyong nabasa. Paki-comment naman po at Paki-Like na rin.
Ang kwento po na ito ay isinulat ni Ms. Aya Kriztina Parole. Nais ko po siyang pasalamatan sa nakakatuwang istorya na ito. Asahan ko po yung mga like at comment nyo. Thanks!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top