TRACK TWO: Last Night Was Epic!

RIE

Nang matapos naming patugtugin ang kantang iyon, lahat ng mga tao’y pumalakpak at humahanga sa’ming lima. Ngayon pa lang ay ramdam ko nang nagsisimula na kami, maski ako ay umaabot hanggang sa sistema ko ang adrenaline rush na naramdaman habang kinakanta namin ni Miko mula simula hanggang dulo. Nakakaya ko pa rin namang habulin ang paghinga ko, pero natigil iyon nang pinatugtog ang B-side para sa’ming unang extended play. Lahat ng mga tao ay agad nang na-hype sapagkat pamilyar sa kanila ang ilang mga nota ng naturang tono, at nang magsimulang magbilang si Miko’y tuluyang lumala ang sigla ng mga taong nasa harapan namin. May iilan naman na tumatalon, ang iba’y sumisigaw sa lyrics nito; at kahit hindi pa kami nagpapakilala, nakikita ko pa rin ang mga masasayang ngiting bumabalot sa kanilang sistema.

Kaming dalawa’y nababalot ng spark habang sabay naming kinakanta ang chorus nito. Bawat titig ko sa kanya’y nababalutan ng konting kilig sa loob-loob, pero dahil trabaho ‘to at nagdedebut pa, pipigilan ko muna ang sarili ko na gawin iyon. Pansin ko rin ang tinig ni Dale na buma-back up sa’ming dalawa, maging si Gabo na pinapakiramdaman ang beat ng tugtugin sa tuwing tinitipa ang kanyang bass guitar. Si Luis nama’y tila winawasak ang snare drum habang mabilis iyon pinapalo sa gitna ng tugtugan namin. And as we created our own sound, together, we are making our own harmony, and most importantly, an unexpected bond between the five of us.

*****

GUNITA 🤘🏻🤘🏻
active now

TODAY AT 11:24PM

Rie:
Wow! That was wild!

Dale:
Oo nga. Salamat sa jamming, guys!
Success ‘yung first gig natin!

Rie:
| Success ‘yung first gig natin!
Yes! And not only that, you know what’s our small win?
50k views na ‘yung music video natin!
💖🥳 4

Rie:
Alam kong baguhan pa tayo sa Shine, pero gaya ng sabi ni Kuya Alfonse, maiimprove pa ‘yung mga talents natin. Tama?
Tsaka, for this round, we started out strong. Pero bukas, maaga tayo ng alis

Gabo:
Bakit?
Patulog na sana ako e

Rie:
Gabo, mamaya ka na muna matulog. May announcement tayo.
Sabi ni Miss Janice, mayron tayong another music show filming dahil bukas, ipapalabas na ‘yung nashoot nating performance sa TV

Miko:
As in? 🫨

Rie:
| As in? 🫨
Oo
Nakapagshooting na tayo three days before our debut. Tsaka bago ‘yung mismong filming, magpopromote muna tayo sa radyo before lunch. Then after lunch, punta tayo ng ZTE Media para i-tape ‘yung kanta natin. Gets?
💖 4

Luis:
| Patulog na sana ako e
Kaya matulog ka na ngayon
😆 2

Luis:
Or else mapagalitan ka pa ni Rie

Rie:
Kaya nga, Gabo. Matulog ka na, ke iyon lang ang announcement ko for today.
Ay, oo nga pala
😫 1

Gabo:
Rie naman e
Patulugin mo muna ako

Rie:
May bukas pa naman para tignan ‘yung chats
Anyway, may isa pang announcement. Kararating lang
Nagchat sa’kin si Kuya L.A. ng Someity, tinatanong kung willing ba nating kantahin ‘yung sinulat niyang kanta
😮 2

Luis:
AGAD?
As in agad-agad?

Dale:
| Nagchat sa’kin si Kuya…
Teka kakabanyo ko lang kanina
Kalma ka lang leadonim

Miko:
One song after the other, huh?

Rie:
Yeah
Ano, G ba kayo? Kasi ako rin game na.

Luis:
Sabi ni Gabo, oo raw
❤️ 1

Luis:
sends a photo

Rie:
Hala tulog nga siya…

Luis:
Napagod na kakasayaw gamit gitara niya

Dale:
Good luck kapag makita niya bukas
Baka mamaya magwala yan sa’yo

Luis:
Hindi iyan, trust me

Miko:
| Hindi iyan, trust me
Duda.

Luis:
Walang duda sa taong natutulog pa

Rie:
Hay nako, Luis
Tinatanong ko nga kayo ke antok na ako

Dale:
Syempre, oo! Si L.A. pa?
❤️ 1

Miko:
| Syempre, oo! Si L.A. pa?
Syempre, tropa mo.
Basta ako game ako.
❤️ 1

Rie:
Iyown
Update ko na lang si Kuya L.A.
Pwede na kayo matulog. Again, congrats to our debut @everyone 🎉🎉
💖🤘🏻 3

Miko:
Congratulations and good night!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top