TRACK ONE: The Debut Showcase

RIE

The last thing I remember: many people are taking pictures, and some were even cheering at us.

Because after months and months of training and jamming, we're officially debuted as a new co-ed group called Gunita, which means remembering or recollecting memories of their lives. Sa sobrang ingay ng nasa paligid ko, pakiramdam ko pati tainga ko'y hindi na nakapagpigil kahit gusto nitong sabihin na "tama na." Pero pinilit ko pa ring ngumiti at kumaway sa maraming tao bago pa ako binulungan ng lalaking matangkad na nasa tabi ko: "huwag kang mag-alala, Rie. Masasanay ka rin."

Napalingon ako sa kanya bago niya ako kinindatan, at kahit gusto ko mang kiligin sa harapan ng maraming tao, nagkunwari na lang akong nagpapakipot dahil syempre, I have to remain professional. At 'yung taong kausap ko ngayon lang, siya si Miko, ang main vocalist ng nasabing grupo. Masasabi nating hindi siya magaling sumayaw, pero palong-palo naman siya pagdating sa pagkanta. Kahit pa minsan ay mababa ang range ng boses nito, lumalakas ang epekto ng marami sa'min, especially noong nirerecord namin ang debut single as a band.

I tried to remain calm and composite, and when the photographer asked us to take a picture, agad kaming nag-compress bago kami ngumiti sa harapan ng camera. Napapaisip ako, finally, matutupad ko na rin ang pangarap ko na maging isang performer. Makakaya kong magpasaya sa harap ng maraming tao at hindi lang iyon: makaka-jamming ko ang mga ka-miyembro kong handang magpoprotekta para sa'kin.

Bukod pa rito, kakatapos lang namin mag-shoot ng music video nitong isang buwan, at may nagsabi sa'min na inilabas na ito kaninang alas-singko ng hapon kaya as expected, maraming tao ang magtataka at mapapaisip kung sino ba talaga kami, lalo na noong pagkatapos nilang panoorin iyon. Nang matapos kaming kunan ng litrato ay nagpasalamat kami sa mga press bago kami dumiretso sa Studio 1 at maghanda para sa'ming debut stage.

"Ano, Rie? Kinakabahan ka pa rin ba?" tanong ni Luis, ang drummer ng nasabing banda. He has father-like features and he seems like a leader to all of us, including the instrumental crew. Napalingon ako sa kanya bago sabihing, "Medyo."

"Anong medyo? Rie, don't be too nervous!" litanya ni Gabo na nasa tabi ko't inakbayan habang kami'y naglalakad papasok. He's the bassist of our group, at sa'ming anim, siya ang pinakakomedyante sa'min. Kapag stress na stress na kami at pagod na pagod kada instrumental practice or band recordings, nandyan siya para pagaanin ang mood namin. Si Dale naman, siya ang founding member ng grupo namin. Minsan, kasabayan ko siya sa pagle-lead ng kung ano ang gagawin, pero looking back, siya rin ang nagpapasok sa'kin sa Shine Entertainment para i-train ako kasama ng iba pang mga members.

We're now rocking behind our studio while promoting our first extended play, which is called "Something's New". Naka-ilang practice kami roon sa title track pati na rin sa mga b-sides, at kami naman ni Miko ang in-charge hindi lang sa vocals, kundi maging sa pagsayaw. Good thing kasama namin si Kuya Alfonse, ang isa sa mga tinitingala kong miyembro ng 5Rise, at siya rin ang naging choreographer ng ilan sa mga parts ng kanta namin.

Bago magsimula ang performance ay tumingin ako sa cellphone ko at pinindot ang notification ng magiging first ever live performance namin. May mga tao na tuwang-tuwa at excited, may mga iilan na curious kung sino sila, iyon nga lang, hindi pa kami nakakapagsimula, may mga bashers na agad sila.

"Sino ba iyang mga iyan?"

"Ampanget ng bassist niyo HAHAHAHAHHAHA"

"Feeling ko mas pogi 'yung Miko kaysa sa Luis na iyon. Like who the fuck is he?"

At marami pang iba. Kahit kabado, as a leader, kailangan ko silang bantayan at i-shield laban sa mga nananakit sa kanila, pero huwag naman sanang umabot sa puntong below the belt ang mga sasabihin nila, ano?

Nagpabuga na lamang ako ng hininga at nanlumo sa sarili ko. Ganito na ba ang tingin ng mga tao sa'min? Lalong-lalo na ang mga nasa instrumental? Feeling K-pop, pasikat, ganoon? Pero isinawalang bahala ko na lang iyon at pinatay ang video saka ko inilagay sa bag. Ang mahalaga sa ngayon, mairaos itong debut performance namin nang sabay.

"Thank you for supporting Gunita and their first debut stage! Marami pong salamat sa mga taong nandirito po ngayon sa live at maging sa mga team bahay na nanonood ng livestream. Before we begin, we would like to announce some important reminders: all audiences must be seated in a designated positions and we request everyone to silence your cell phones and refrain from taking photos and videos during the entire performance. For our at-home viewers, feel free to share your thoughts via chat, and please make it friendly and responsible. Excited na ba kayo? Kami rin! For this event will start in a few minutes. Thank you!"

May kung anong tunog ang lumabas galing sa kaliwang bahagi ng backstage. Siya si Miss Janice, ang manager ng aming grupo at siya rin ang naging shadow announcer bago magsimula ang aming debut stage. Nakita kong pinatay niya ang microphone na hawak niya at agad itong lumapit sa'min, "Hi, Gunita! Are you guys nervous?"

"Kanina po," pag-amin ko sa kanya. "I mean, sanay na po akong magperform kapag sa school or sa mga events sa fiesta, paano pa po ngayon na maraming tao ang nag-aabang sa'min? Tsaka kanina po, habang naglalakad po kami sa red carpet, feeling ko nangangapa pa rin ako tas tumitingin-tingin pa po ako kina Dale, kay Miko..."

Tumango-tango naman si Miss Janice bago hawakan ang dalawa kong kamay, "It's okay to feel nervous, Rie."

Humarap din siya pati sa mga kagrupo ko na nasa likod, "Tsaka, ngayon pa lang tatapatin ko na kayo: maraming tao ang magsusuporta, magtataka, at macu-curious kung bakit kayo nandito. Kahit sa livestream, mayroon akong nakikitang nagbabash sa inyo, lalo na sa mga male members. Yes, there are impressions about you guys, pero sabi nila, 'what you see is what you get.'"

Nakikinig naman kami sa usapan, maliban kay Luis na patuloy ang paglilinga-linga sa mga tao-maski sa mga babaeng staff ng Shine Entertainment. Tinapik siya ni Dale at itinuro si Miss na nagsasalita sa harap namin, hudyat na mag-focus siya sa sinasabi niya.

"I want you to face the reality: you are now officially part of Gunita. People will think that you guys are living the best life... until it's not. Hanggang ngayon, naiintindihan ko dahil nag-aaral pa rin kayo and at the same time, jam-packed ang magiging schedule niyo. Maadjust niyo pa iyan in the long run, but for now, sanayin niyo na ang sarili niyo sa bagong mundo na tatahakin niyo. Okay?"

Tumango kaming anim sa sinabi ni Miss Janice.

"Ready to rock the audience, guys?" masiglang saad niya bago kami sumigaw nang may buong determinasyon. Kahit alam ko sa sarili ko na mayroon akong pag-aalinlangan, kakayanin kong isugal lahat.

Sabi ko sa sarili ko noon, 'hindi ba pangarap ko 'to?' Because of what she said to us, I decided not to be nervous and just go with it. And by seeing the beaming smiles and roaring cheers even backstage, I know to myself that I will start this event with a positive energy, with matching vocal harmony and bodily synchronizations.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top