INTRO: The Recruitment

RIE

Kung kailan naglalakad ako papuntang kabilang village na malapit sa subdivision namin, saka pa magpaparamdam itong taong 'to sa'kin. Bakit ba siya sunod nang sunod? Isa pa, anong kailangan niya para rito?

"Rie, sige na," tugon ng lalaking sa hitsura pa lang ay tila isa siyang miyembro ng sikat na P-Pop boy band, kabilang na ang 5Rise, another group na iniistan ko. "Alam kong may potential ka sa singing. Palagi pa nga kitang pinapanood, Grade 10 pa lang habang nagkakaroon ng Teacher's Day sa school natin. Tsaka, tropa ko si L.A ng Someity kaya paniguradong makikilala ka niya kapag sumali ka sa'min."

Totoo nga ba kaya ang sinasabi nitong taong 'to? Mas lalo kong hindi pinaniwalaan ang sinabi niya kung kaya sa huli'y nagpatuloy ako sa paglalakad habang tinatawag niya pangalan ko nang paulit-ulit. Binilisan ko ang pagpadyak ng aking mga paa dahilan para hindi ako masundan ng taong iyon, baka kasi stalker 'yung tao tsaka... paano niya nalaman ang pangalan ko? Mukha siyang nakakatakot!

Kumakaripas pa rin ang takbo ng paa ko. Kahit naglalakad pakiramdam ko'y sinusundan niya ako habang tinatawag ang pangalan ko. Bumibilis. Pumepreno. Umaandar ang aking katawan kasabay ng pagliko sa ibang direksyon upang magtago.

Pero ang totoo, para hindi niya ako malubayan na sumali sa banda nila. Oo, performer ako. Bata pa lang pinapangarap ko na. Pero sa pagkakataong iyon, hindi pa ako handa sa ganoon - bagay na hindi ko inaamin sa kanya. Baka kasi mamaya scam iyon, tactic niya, ganoon.

But what if totoo nga? bulong ng isa pang parte ng utak na nasa kalikuran. What if join na lang ako sa band na iyon? Wala namang masama kung susubukan ko, hindi ba?

Iyon nga lang, nasundan pa ako ng loko. Talagang iniistalk niya ako hanggang sa milk tea stall na nasa malapit sa school. Sarap kasuhan, sinasabi ko sa inyo!

"Ano, are you willing to join? Aantayin ko hanggang 11:59pm."

Ginagago ba ako nitong taong 'to? Binibigyan ako ng deadline - hanggang gabi pa? Napakawalanghiya naman!

"11:59?" nagtataka kong tanong. "Gabi naman iyan, a!"

"O kahit ngayon na? Pwedeng huwag mo namang sagutin-"

"Ayoko."

"Sasali ka?"

"No."

"Sure ka ba?"

"Oo."

Tumango naman siya sa harap ko bago niya pa ako tanungin ulit. "Pero Rie, what if last chance na 'to? Sasali ka pa rin ba? May naghihintay sa'yo roon."

"Still no."

"Even if you must bear the consequences of your actions?"

"Wala akong pake kahit manlumo ako."

Ininaas niya ang dalawang kamay niya habang nagsasabi ng mga katagang, "Okay. Hindi kita pipilitin. Inieexpect ko sana na um-oo ka. May jamming pa naman kami mamaya."

Jamming? Hindi ba past time ng mga kaklase ko sa classroom? Nang matapos siyang magsalita ay tumalikod na ito, ngunit na-realize ko na lang na: "shoot! Bakit ba ako tumanggi? Dapat ginrab ko na lang, e!"

At dahil hindi pa final ang decision ko, agad akong tumakbo papalapit sa kanya sabay sabing, "Kuya! Kuya sandali!"

Humarap naman ito kahit pa sabihin ko sa sarili ko na napakapogi niya. "Bakit?"

Agad akong huminga nang malalim at dahil dito'y binigkas ko ang anim na salitang makakapagpabago sa takbo ng buhay ko hindi lang bilang isang indibidwal, kundi ito na ang simula ng bago kong karera bilang isang idol.

"Kailan ba iyang jamming na iyan?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top