Nang Maging Sigurado Ang Siguro
This poem is dedicated to Mr_Bimow
*****
Noong una kitang nakilala ay hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman
Iba ang saya kapag nakakausap kita,
Ibang-iba sa sayang nadarama ko sa tuwing kasama ang aking nobya,
At alam kong kataksilan itong sayang aking nararamdaman.
•
Sinubukan kong isara ang isip at kinadenahan ang puso,
Para hindi ka makapasok
At hindi ito makatakbo,
Ngunit isa kang suwail na bisita ko.
•
Nagawa mong masuong ang lahat,
Sinira mo ang balakid na ginawa
At ang mga harang na aking nilagay,
Kaya aking napagtanto na—
•
Baka pwede?
Baka posible?
Baka maari?
Baka hindi mali?
•
Maraming baka ganito, ganiyan
Nalilito ang isipan
Pati ang puso ko ay naguluhan
Bakit ganito ang nararamdaman?
•
Pero ang aking mga baka ay nasundan ng bakit?
Bakit ba kasi kita nakilala?
Bakit kasi ikaw pa?
Isama na rin natin ang mga sana—
•
Sana hindi nalang kita nakilala,
Sana hindi naging ganito kagulo ang lahat,
Na sana hindi ko nalang hinayaang mahulog ako sa'yo ng tuloyan,
Edi masaya parin sana kami ng aking nobya.
•
Ngunit wala na—
Ang relasyong na aking pinakaiingatan,
Pagmamahalan na sana'y pang walang hangganan,
Ngunit bakit hindi ako nanghihinayang?
•
Siguro ay umaasa ako na pwede ang sana,
Posible ang aking mga baka,
At ang aking siguro ko ay naging sigurado,
Ang lahat ng pagmamahal ko sa kaniya ay napunta sa'yo.
•
Naniwala akong posible,
Na ang pag-ibig natin ay hindi imposible,
Na may nakilala akong nakakapagpangiti sa akin,
Nagpapasaya, nagpapakilig at nakikinig.
•
At may isang katulad mo
Akong makikilala sa mundo
Kahit sa konting oras na nakasama kita
Ay nagawa mo akong mapasaya na hindi ko inakalang mararamdaman ko pa pala.
•
Ngunit mapaglaro ang tadhana
Nalaman ng aking nobya
Nilayuan niya ako at iniwan
Nalungkot ako ngunit hindi nanghinayang.
•
Umaasa ako na posible na ang tayo
Na maari nang magsama ang ikaw at ako
Malaya na ako at sayong-sayo
Ikaw ang pinipili ko.
•
Ngunit nagbago ang timpla ng ugali mo
Humakbang ka palayo at akmang tatalikod
Pinigilan kita at tinignan nang may pagtatanong
Ngunit ang lumabas na salita sa labi mo ay patawarin mo ako—
•
Patawad sapagkat hindi kita masasamahan
Patawad kasi hindi ko kayang masuklian ang pagmamahal
Patawad kahit gusto kita ay lalayo ako
Patawad ngunit hindi pwede ang magsama tayo.
•
Gumuho ang mundo ko sa sinabi mo
Hindi ko inakalang ganiyan ang iyong magiging sagot
Naging sigurado ako sa aking mga siguro
Pero bakit ganito ka gayong ikaw ang pinipili ko.
•
Minsan lang ako naging sigurado
Puro ako baka at siguro
Mahirap ang desisyong ginawa ko
Pero bakit sa pagpili ko sayo ay nawala kayong pareho?
•
Siguro nga ay hindi lahat ng pwede ay dapat
Hindi lahat ng dapat ay maaari
At hindi lahat ng maaari ay magaganap
Tanging magagawa ko lang ngayon ay ang tanggapin—
•
Nawala kayong pareho sa akin
Na sa aking pagpili, ako ay naging sawi
Na ang akala kong posible ay hindi pwede
Na ang kagustuhan kong lumigaya kasama mo ay hindi maari.
•
Akala ko kasi sa pag-abot ko ng aking kamay
Ay tatanggapin mo ito at ako'y iyong sasamahan
Sa paglalakbay sa daang tungo ang pangwalang hangganan
Pero naiwan lamang sa ere ang aking kamay.
•
Babalik na naman ako sa mga bakit at sana
Sa mga baka at aking pag-asa
Tinanggap ko ang mga masasakit na salita
At ang mga binato sa aking panghuhusga.
•
Pero ngayon ay kakalimutan na kita,
Ang mga alaala na ating pinagsaluhan,
Mga pangarap na tutuparin ko sanang kasama ka,
Kahit alam kong ito ay hindi basta-basta.
•
Pero kakayanin ko
Dahil sa sigurong naging sigurado ako
Ay nabigo ako, natalo ako
Nawala kayo sa aking pareho.
•
Siguro nga ay tama sila,
Tao lamang akong nagmahal at nasaktan.
Tao lamang akong lumigaya kasama ka,
Kahit iyon lamang ay naging pansamantala.
•
Siguro nga ay tama sila
Ito sa akin ay ang naging karma
Nasaktan ko ang aking nobya
Naging taksil ako sa kaniya.
•
Siguro nga ay tama sila,
Tao lamang akong naging sigurado
Pero naging bigo sa aking mga siguro
Kaya ngayon ay mag-isa na lamang ako.
•
Pero baka kailangan ko munang magpahinga
Nagmahal kasi ako ng dalawa
Parehas rin silang sa akin ay nawala
Kaya tama nga rin siguro sila
•
Na baka ako muna,
Mahalin ko muna ang aking sariling nasaktan,
Papahalagahan ko muna ang aking sariling naiwan,
Pipiliin ko munang pasayahin ang sariling minsan kong kinalimutan.
•
Gigising rin ako kinabukasan
Ligaya na sa akin ay minsa'y pinagkait ni tadhana
Ay sisilip sa aking bintana at ngingiti
Dahil sa araw na iyon ako ay nagwagi.
•
Nahanap ko ang sarili sa alaalang aking kinubli
Sakit na nilimot ng puso at isip
Sakit ng kahapon na mistulang naging isang masamang panaginip
At tuluyan ko nang napawi.
•
Magagawa ko na ring tignan ang sarili sa salamin,
Sa wakas ay natagpuan ko na rin
Ang nalimot kong sarili,
Ang minsang naging sawi sa pag-ibig.
—Writer_Lhey✍️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top