VEINTISIETE

Mabilis na lumipas ang mga araw. Ngayon ay abala na ang bawat estudyante para sa gaganaping party mamayang gabi. Pumasok ako para masabing nakikibalita dahil nga sasali nga raw ako kuno.

Ipagdarasal ko nalang na sana ay hindi makausap ni Mama si Peter kung sakali.

Naging usap-usapan yung eksenang ginawa ni Cherry noong nakaraan. Pero dahil nga kilala ako bilang isang mabait na estudyante ay wala rin namang naniwala. Lalo na yung mga hindi nakakita. Sana lang talaga mapagtakpan ko pa to ng matagal, hindi ko na alam ang sunod na gagawin ko sakaling mangyari ulit iyon.

Hindi na ako nag-abala pang maghanda para sa mamayang gabi dahil si Grayson na daw ang bahala sa lahat.

Sa tuwing nagkakasalubong naman kami ni Cherry ay ako na ang unang nag-iiwas ng tingin. Dahil may guilt akong nararamdaman sa pagtataksil naming dalawa ni Grayson sa kanya.

She did not say sorry for what she have done four days ago. And I think that's fine. Mas malaki naman ang kasalanan ko kumpara sa kanya.

Four-twenty na kami nakauwi dahil pumasok pa yung teacher namin sa math. Nagreklamo pa nga ang nga kaklase ko dahil wala daw konsiderasyon. Overnight daw ang party mamaya tas pinagod pa daw sila ng math subject ngayon.

Ako naman ay wala lang. Piling ko ay hindi ako makakaramdam ng pagod sa pag-akyat sa kulapad dahil kasama ko naman si Grayson.

"Hindi ka na ba talaga sasama?" Huling tanong ni Peter ng pasakay na ako ng tricycle.

Umiling ako at tinitigan sya. "Hindi na. Sa susunod na lang."

Nakaramdam ako ng konsensya dahil gusto ko rin namang sumama at makipag-bonding sa nag-iisa kong kaibigan. Pero si Gray na kasi ang humiling. Hindi ko matanggihan.

Exited, kabado, at malaki ang konsensya ng makauwi ako sa bahay. Sinabi ko na rin kila mama na sasama nga ako sa party. Ang sabi ko'y suit nalang ang susuutin ko at magpapa-makeup nalang ng zombie kasi hindi naman talaga ako tutuloy sa party.

Muli ay nakaramdam na naman ako ng konsensya. Halos sa paglipas ng oras ay nadadagdagan ang konsensyang nararamdaman ko.

Lalo na ng magpatawag pa si Mama ng makeup artist para sa akin. Para daw yung makeup nung akin ang pinakangmaganda at manalo sa best in costume.

Hindi na ako nakatanggi dahil magtataka lamang sila. Maigi ng wala silang alam kaysa mabuking nila ang plano ko.

Saktong alas-sais ng matapos akong ayusan. Naligo pa kasi ako pagkadating ko kanina. Makapal din ang makeup na inilagay sa mukha ko kaya medyo mainit sa pakiramdam.

Hinarap ko sila mama at Papa kasama si kuya Tom na nakatayo lang sa aking likod. Umalis din kaagad ang makeup artist dahil may nag-aantay daw sa kanya sa parlor.

Gulat ang ekspresyon ni mama, habang si Papa ay tila proud sa kinalabasan ng makeup. Si kuya Tom naman ay tila nandiri pa sa akin pero halata mo namang nagbibiro lang.

Masaya na sana ako kung hindi lang umatakeng muli ang aking konsensya. Pero para hindi mahalata ay pilit akong ngumiti para maitago ang kabang nararamdaman.

"Grabe! Nakakatakot ka. Ihhh... Baka kainin mo ako."  Naginig pa kunwari sa takot si kuya Tom habang nagtatago sa likod ni Mama.

Pinalo naman sya ni Mama sa may braso at nagtawanan sila.

"Magtigil ka nga dyan Tom. Ihatid mo na lang yang kapatid mo." Sabi dito ni Mama.

Nataranta naman ako bigla. Kaya bago pa man makasagot si kuya ay inunahan ko na sya.

"Hindi na po!" Gulat silang napatingin sa akin.

"Oh? Bakit?" Takhang tanong ni Papa.

"Kaya ko na po. Didiretso na lang ho ako sa kanto at doon na sasakay sa tricycle." Napagdikit ko pa ang aking mga palad.

Lito pa rin nila akong tinitigan. "At talagang gusto mong ibalandra sa lahat yang ayos mo ano?" Pang-aasar ni kuya.

Sinimangutan ko ito. "Sige na. Hindi na ako kaylangang ihatid. Manghihiram pa ng tricycle. Gagastos pa sa pagbabayad ng gas." Dahilan ko.

"O sya. Sige. Ikaw ang bahala." Pagpayag ni Papa.

Halatang tutol si Mama pero wala na rin namang nagawa. Nagpaalam na ako sa kanila at dumiretso na paaalis.

Habang naglalakad ay palingon-lingon ako sa aking likod dahil baka nakasunod lang sa akin si kuya Tom. O kahit na sino sa kanila. Para akong kriminal na may tinatakasan.

Five hundred pesos ang ibinayad nila papa sa makeup artist. Hindi sila basta-basta naglalabas ng pera kung hindi kaylangan. Pero dahil nga may dadaluhan akong party ay naglabas sila. Supurtado pa nila ako dahil first time ko daw ito na sumali. At proud sila para sa akin.

Nilalamon ako ng aking konsensya dahil sa mga pinagagagawa ko, pero hindi ko maitatangging ayos lang sa akin.

Ayos lang sa akin na makaramdam ng ganoon basta para kay Grayson. Para masunod ko lahat ng gusto nya. Para hindi sya magsawa sa akin dahil boring akong kasama. Gusto ko masaya lang sya kapag ako ang kasama.

Ito ang unang pagkakataong magsisinungaling ako sa mga magulang ko. Ito ang ang unang pagkakataon na gagawa ako ng kalokohang ganito.

Pero wala akong ibang maramdaman ngayon kundi excitement. Lalo na ng makita ko na sa di kalayuan si Grayson. Nakatayo at nag-aantay sa akin.

Halos wala ng tao sa paligid dahil gabi na. Bukas na din ang mga street lights. Pero sa kinatatayuan ni Grayson sa tapat ng Sapang Patay ay wala ng ilaw doon.

May ilaw sa katabing bahay pero hindi iyon naanigan dahil sa mga puno.

Nakangiti akong naglakad palapit sa kanya at napansin ko kaagad ang isang bag na punong-puno ng laman. Pero hindi ko alam kung ano ba ang laman niyon.

Meron pang isang paper bag syang dala at siguro'y kumot ang laman niyon. Pinagkasya nya kaya sa bag ang mga pagkain? Ano kayang mga pagkain ang dala nya? May kanin kaya? O puro chichirya?

Nang malapit na ako sa kanya ay umaatras naman ito papalayo sa akin. Napatigil ako at napakunot ang noo sandale. Tsaka ko lang napagtanto na marahil ay hindi ako nito nakilala dahil sa makeup. Kaya nakaisip ako ng magandang ideya para sa kanya.

Kunwari ay isa akong zombie. Hirap na hirap pa akong pagbali-baliin ang katawan ko habang palapit sa kanya. Gusto ko ng tumawa ng makitang mas lalong natakot ang mukha nya.

"H-hoy! Sino ka!?" Pasigaw nitong tanong sa akin. Handa ng tumakbo.

Gusto ko ng tumawa pero pinigilan ko ang sarile ko. Ng mga anim na hakbang nalang ang layo namin sa isa't-isa isa ay tsaka ako patakbong lumapit sa kanya.

Pero bago pa man ako makalapit ay nauna na itong tumakbo papalayo habang nagsisisigaw. Ako naman ay tumigil sa paglalakad at hinayaan ang sarileng tumawa.

Halos sumakit ang tyan ko kakatawa ng ma-realize na nya kung sino ako.

Nakasimangot itong lumapit sa akin habang nakanguso. "Yung mukha mo ang epic." Pang-aasar ko dito habang tumatawa. "Ang siga ng Niogan may kinakatakutan pala." Tinusok ko ang tagiliran nito at umiwas lamang sya. Nakasimangot pa rin.

Pero ng muli ko sana syang tutusukin sa tagiliran ay hinuli na nito ang kamay ko at pabigla akong hinila palapit sa kanya.

Natigilan ako ng maglapat ang aming mga dibdib at napalunok ako sa seryoso nyang tingin.

"Sabi mo hindi mo na ako aasarin?" Seryoso at pabulong nitong sinabi.

Muli akong napalunok ng manuot sa sistema ko ang bango ng kanyang hininga. Bigla ay parang gusto ko na syang mahalikan.

"Pero sabi mo din pwede kitang asarin kahit kaylan ko gusto." Bumaba ang tingin ko sa kanyang mga labi.

Tumaas ang sulok ng kanyang labi kaya napaangat ulit ako ng tingin sa kanya. Mapaglaro na ang mga tingin nito.

"Pasalamat ka mahal kita." Wala sa sarili nitong sinabi at marahang dinampian ng halik ang aking mga labi.

Hindi ko magawang kumilos at sumabay manlang sa kanya dahil sa narinig.

Mahal nya ako? Totoo ba iyon? O halusinasyon ko lang iyon?

Natapos na lang ang kanyang halik ng hindi ko manlang nagawang gumanti dito.

Nakangiti na ito habang matamang nakatitig sa akin. Gusto kong itanong kung totoo ba yung narinig ko, pero natatakot ako sa maaring maging sagot nya.

Na baka itanggi nya. Na baka ako lang talaga yung nag-iisip na narinig ko iyon mula sa labi nya.

"Let's go?"

Kinuha nito ang bag at isinukbit sa kanya. Habang sa kabilang kamay ay yung paper bag. Pinapanood ko lang sya sa ginagawa nya hanggang sa matapos.

Nakangiti ito ng lumapit sa akin tsaka inilahad ang kanyang kamay.

Sandali akong napatitig doon bago tinanggap. Mas tumamis ang ngiti nito dahil sa ginawa ko.

How can I not be able to love this man? Kung simpleng pagngiti lang nito ay tunaw na ang puso ko?

"Ah. Sandale." Bigla nitong sinabi bago binuksan yung paper bag at naglabas doon ng isang pares na rubber shoes. Kulay pink iyon at unisex ang style.

"Bundok ang pupuntahan natin. Bawal yang black shoes." Ngumiti ito bago lumuhod sa harapan ko.

"Uy! Ako na." Pigil ko sa kanya ng mabagal nitong tanggalin ang black shoes na suot ko.

Tiningala ako nito kaya nadepina ang kanyang Adams apple at nanatili ang paningin ko doon.

"Ako na ang bahala. Saglit lang naman to." Ngumiti ito at muling ibinalik ang atensyon sa dating ginagawa.

Napalunok nalang ako at tsaka sya hinayaan. Habang abala sya ay inabala ko din ang aking sarile na pagmasdan ang bawat pagkilos nya. Natural lang naman yun pero iba ang dating sa kanya. Very manly.

Nang matapos ay tumayo na itong muli at muling hinawakan ang aking kamay. Ako naman ay napapatulala pa dahil hindi ako sanay sa mga ganito. Heck! Di pa ako nagkaka-boyfriend ano.

"Ano kayang mga pwede nating gawin dun?" Tanong nito habang nakatingala pa sa taas.

Nilingon ko sya at nakita ko ang mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi. Humarap ito sa akin at itinagilid ang kanyang ulo.

"Ano sa tingin mo?" Tinaas baba nito ang kanyang kilay.

Napaisip naman ako sa maari naming gawin. Bukod sa kumain at humiga, ano pa nga ba?

"Magbilang tayo ng mga bituin!" Excited kong sinabi na para bang ngayon ko lang iyon magagawa.

Nagtaka naman ang ekspresyon ng mukha nito at tila hindi inaasahang iyon ang isasagot ko.

"Hay! Ang dami-daming pwedeng gawin. Yun talaga?" Kunwaring inis na sabi nito.

"Ano ba ang mga gagawin natin?"

"Hay! Basta. Doon na nga lang." Nagpabulong-bulong pa ito pagkatapos. Dahil hindi ko din naman maintindihan kung ano yung mga ibinubulong nya pinabayaan ko na lamang sya at nag-concentrate nalang sa paglalakad.

Wala pa kami sa kalahati ng inaakyat namin ay hinihingal na kaagad ako. Lalo na si Gray dahil sya ang may dala ng halos lahat ng gamit namin.

Tumigil na muna kami sa gilid ng kalsada. Tanaw mula dito ang kepilko sa may Malaya. Naupo kaming parehas habang tanaw ang Barangay Malaya.

Sumandal ako sa kanyang balikat habang magkahawak pa rin ang kamay naming dalawa.

Kapwa pa kami hinihingal habang nakaupo. Hindi naman sya gaanong nakakapagod pero masyado kasing matarik ang daan para lakarin. Nakakapagod talaga sya lalo na kung hindi ka naman sanay.

Naramdaman kong hinahaplos nito ang kamay ko gamit ang kabila nyang kamay. Nagdo-drawing sya ng kung ano-ano doon. Pinabayaan ko na lang dahil masarap din naman sa pakiramdam.

"Pano kaya..." Tumingin ito sa akin ng may lungkot sa mga mata. "Kung mas nakilala kita ng una?" Humigpit ang hawak ko sa kanyang kamay. "Mangyayari kaya to?"

Iniiwas ko ang paningin ko sa kanya at muling isinandal ang ulo ko sa kanyang balikat.

"Siguro... hindi mo ko malalapitan." Mapait akong napangiti. "Kasi hindi mo ako makikilala kung hindi dahil kay Cherry. Nakita at nakilala mo lang naman ako dahil kaklase ko sya hindi ba?" Malungkot ko iyong itinanong sa kanya.

Humigpit ang kapit nito sa kamay ko bago hinalikan ang ibabaw ng aking ulo. "Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako sa mga nangyayari o makakaramdam ng konsensya. Mahal na kita." Pag-amin nito kasabay ng pagkabasag ng kanyang tinig. "Pero hindi ko kayang iwan si Cherry para lang sayo." Kasabay ng pagkakaluwag ng hawak nya sa aking kamay ay ang pagkadurog ng aking puso.

Para lang sakin? Lang? Yun lang talaga ang tingin nya sa akin? Mahal nya ako, oo, pero hindi sapat na dahilan yun para iwan nya si Cherry? Pwede bang magmahal ng dalawang tao ang iisang tao lang? Paano nya ako nagawang mahalin kung gayong mahal nya pa pala si Cherry?

Tuluyan na akong bumitaw sa pagkakahawak ng kamay naming dalawa. Namuo ang luha sa aking mga mata habang tinitingnan sya.

Puno ng guilt ang kanyang ekspresyon. Na para bang hindi na dapat nya pa iyon sinabi pero kaylangan. Para hindi ako mag-expect. Para hindi ako lalong masaktan.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tumalon ng dalawang beses para lang hindi tumulo ang aking luha. Pagkatapos ay bumuga ako ng malakas at pilit na ngumiti sa kanya.

"Tara na? Excited na ako!" Pinilit kong itago ang lungkot sa aking tinig.

Nakatulala lang ito sa akin ng ilang saglit bago tumango at tumayo na rin.

Kinuha ko yung paper bag at ako na mismo ang nagdala. Tumakbo din ako ng ilang hakbang palayo sa kanya bago sya hinarap. "Woohoo... Bilisan mo dyan." Kumaway ako sa kanya.

Tiningnan lang ako nito ng may pag-aalala bago naglakad papalapit sa akin.

Hindi ko na sya hinintay pa na makalapit at nag-umpisa na akong muling maglakad. Hindi ko pa kayang hawakang muli ang kamay nya. Nakakatakot.

Parang kapag ginawa ko kasi yun, makakalimutan ko na namang umaasa lang ako na sa kanya ako. Na ako lang ang mahal nya.

Naging tahimik ang aming paglalakad kahit na nakasabay na sya sa akin. Nakakaramdam na ako ng pagkahingal pero hindi ko iyon pinahalata. Hindi na rin naman na sya nagtangka pa na hawakang muli ang aking kamay na ipinagpasalamat kong talaga.

Kaya naman sa sobrang tahimik ay naisipan ko nalang tanggalin ang makeup na nasa aking mukha habang naglalakad.

Napapansin ko ang paglingon nito paminsan sa akin pero hindi ko sya tinapunan ni isa mang tingin. Madalas ko ding marinig ang pagbuntong hininga nito na tila ba nag-aambang magsalita pero hindi naman itinutuloy.

Hanggang sa makarating na kami sa pinakangdulo ng kalsada. Mula doon ay lupa na ang aming lalakarin. Mabato at madilim dahil sa mga nagtataasang puno sa paligid.

Napansin kong nagkaroon ng ilaw mula sa aking likod. Nilingon ko ito at nakita ko si Grayson na hawak ang isang flashlight habang mabilis na naglalakad patungo sa akin para lang masabayan ako sa paglalakad.

"Dahan-dahan ha... Mabato dito, baka matisod ka." Nag-aalala nitong sinabi ng pumantay na sa aking paglalakad.

"Hmm..." Tumango ako nagpatuloy ng muli sa paglakakad.

"Pagod ka na ba? Pahinga na muna tayo?" Tanong nito.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sya. "Sige. May tubig ka bang dala?" Kaswal kong tanong sa kanya.

Natataranta naman itong naghalungkat sa loob ng kanyang bag. "Oo meron. Sandale, hanapin ko." Nang makita na ay inabot nito sa akun ang tumbler na kulay maroon.

Binuksan ko kaagad iyon tsaka mabilis na uminom
Nalingunan ko naman si Grayson na papaupo sa isang malaking bato malapit lamang sa kinatatayuan ko.

Nakatitig ito sa akin habang ako'y umiinom kaya iniiwas ko na lang ang tingin ko sa kanya.

Nang matapos ng uminom ay naglakad ako papalapit sa kanya para ibalik ang bote ng tubig.

Malamlam ang mga mata nito ng tanggapin iyon habang nakanguso. Muli nitong ibinalik sa bag ang bote at ganoon pa rin ang ekspresyon ng harapin ako. Para bang nagmamakaawa.

Tinapik nito ang magkabilang hita gamit ang dalawang kamay. Tinaasan ko sya ng kilay at pinagkunutan ng noo dahil hindi ko maintindihan kung ano iyong isinesenyas nya.

"Upo ka dito." Nagpapa-cute pa rin nitong sinabi habang tinatapik pa rin ang kanyang mga hita.

Nakagat ko ang labi ko dahil sa ka cutan nya. Dapat nagtatampo ako sa kanya eh. Dapat deadma lang ako. Pero bakit ganito? Parang ang sarap sa feeling na isiping uupo ako sa mga hita nya. Do it look sweet right?

At dahil nga sa marupok ako ay isang malakas na buntong hininga lang ang ginawa ko bago naupo sa kanyang mga hita.

Narinig ko ang pagsinghap nito na para bang masaya sya sa ginawa ko.

Itinukod ko ang mga kamay ko sa aking mga tuhod habang nakaupo sa kanyang mga hita.

Naramdaman kong pumulupot ang isang kamay nito sa aking bewang habang ang isa namang kamay ay dumausdos patungo sa aking isang kamay.

Sa isang mabilis na galaw ay hinapit ako nito palait sa kanya. Sa gulat ay hindi ko napigilan ang aking sariling balanse. Nagkadikit ang aming likod at harap ng ganun-ganun lang.

Naglaro ang mga kamay nito sa aking tyan habang ang isa ay nakahawak sa parehas kong kamay. Napasinghap ako sa nangyari.

Bakit kapag sya isang ngiti isang pagpapacute lang okay na ako. Wala na yung galit o tampo ko. Okay na sa akin ang lahat at handa ko ng kalimutan ang mga yun.

"Konti nalang ang lalakarin natin." Pabulong nitong sinabi bago isinandal ang kanyang baba sa aking balikat.

Nilingon ko sya at nakita kong nakapikit ang kanyang mga mata. Gusto kong haplusin ang kanyang mukha pero hindi ko magawa dahil hawak nya ang kamay ko.

Nang magmulat ito ng mata ay agad na nagtama ang aming paningin. Tila ba doon ay nag-usap ang mga isip.

Na ang lahat ng nangyayaring ito ay may katapusan. Na kahit gaano na kalalim ang aming nararamdaman ay sadyang hanggang doon nalang yun.

Oo mababa ang tyansa na magkatuluyan kaming dalawa. Pero kahit na ganun, ilalaban ko to. Kahit na anong mangyari ilalaban ko to. Kahit na dignidad ko pa ang kapalit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top