VEINTIOCHO
Warning: SPG
"Yes!" Sigaw ko. "Nakarating din tayo." Hinihingal pa akong pinagmasdan ang paligid.
Nakangiti lang akong pinagmamasdan ni Grayson habang inaayos nya ang mga dala namin sa kung saan.
Hindi naman ito ang first time kong makapunta dito. Pero parang iba yung pakiramdam ko ngayon. Siguro dahil kasama ko yung taong nagpapasaya sa puso ko? Dahil kasama ko yung taong gusto kong mahalin sa buong buhay ko?
Hindi ko na alam ang sagot, basta ang alam ko lang ngayon ay umaalon ang damdamin ko sa saya dahil sa mga nangyayari.
"Ang saya-saya mo ha."
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Gray. Niyakap ako nito mula sa likuran at hinawakan ko naman ang kanyang mga kamay na nakayakap sa akin. Sabay naming pinagmasdan ang mga bahay sa ibaba.
Kita din ang malawak na lawa ng Laguna kung saan napakapayapa nitong pagmasdan.
"Kasama kita eh." Bago ko pa man mapigilan ang aking sarile na sabihin iyon ay nabigkas ko na.
"Ako din, masaya. Masaya ako kapag kasama kita." Sinsero nitong sinabi at mas humigpit pa ang yakap sa akin.
Gusto kong maging masaya ng walang pag-aalinlangan. Nang walang kumukontra sa bahagi ng aking puso. Pero alam kong hindi iyon mangyayari.
"Sayang, walang star." Pag-iiba ko ng topic.
Tumingala ito sa kalangitan. "Bakit kaylangan mo pa ng bituin?" Tiningnan ako nito.
"Kasi..." Mas sweet sana itong ginagawa natin ngayon kung merong mga stars. "Para lumiwanag yung kalangitan. Para may maganda tayong mapagmasdan."
Tumango ito sa sinabi ko. "Ako hindi ko na kaylangan ng stars." Lumamlam ang mga mata nito na para bang puno ng pag-ibig ang kanyang susunod na sasabihin. "Because you are the person that makes my life shine." Malambing nitong ibinulong sa tenga ko.
Nanuot sa sistema ko ang tamis ng kanyang mga salita. Na para bang dinala na ako nito sa langit kaagad.
"Puro ka pambobola." Pabiro kong sinabi at inalis ang pagkakayakap nya sa akin.
Mabilis naman syang bumitaw at natutuwa akong pinagmasdan.
"Hindi kaya. Alam mo namang lahat ng sinasabi ko sayo totoo eh."
Tinaasan ko sya ng kilay at naglakad na papalapit sa mga gamit namin. Hindi na ako nagulat ng makita kong may nakalatag ng kumot sa may damuhan. Nakaayos na rin ang mga pagkain. Bigla tuloy akong nagutom.
"Tama, honest ka nga." Matabang kong sinabi ng maalala na naman yung sinabi nya kanina.
Sa sobrang honest nya, nasasaktan na ako minsan ng sobra.
"Kumain na tayo?" Mabilis kong idinugtong upang hindi nya mahalata ang pagiging bitter ko.
Nauna akong naupo at naghalungkat ng pagkain. Sya naman ay naupo sa tabi ko at kumuha ng plato at kutsara. Inagaw nito sa akin ang kanin at nilagyan ang kinuha nyang plato. Nilagyan nya rin ng ulam na Chicken Carry ang plato at isang pirasong fried chicken.
Balak siguro nitong magkaroon ako ng pakpak kaya puro manok ang dinala.
Nang matapos na ito sa ginagawa ay ibinigay nito iyon sa akin. Alam ko ng para sa akin iyon pero nagulat pa rin talaga ako. Hindi ko iyon naitago kaya tinaasan nya ako ng kilay. Nagpasalamat nalang ako sa kanya bago kinuha ang pinggang puno na ng pagkain.
Hindi pa sya doon natapos, dahil naglagay pa ito ng tubig sa bago at ibinaba sa harap ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarile kong mapatitig at panooorin sya sa pagiging maalaga nya. Hindi ko akalain na mame-meet ko ang ganitong personality ni Grayson. Ang alam ko lang noon tungkol sa kanya ay palaasar, siga, hambog, at syempre gwapo. Hindi yung ganito. Parang may nalagpasan akong linya sa buhay nya at hindi manlang sya nag-abalang pigilan ako sa pagpasok.
Matapos nya akong asikasuhin ay yung sa kanya naman yung nilagyan nya. Hindi ako sumubo kahit isa dahil gusto kong sabay kaming kakain. Nang matapos na sya ay akmang susubo na ako ng itapat nito ang pinggang huli nyang nilagyan ng pagkain.
Nagtataka ko iyong tiningnan habang ang bibig ay nakabukas at ang kutsara'y nakatapat doon.
"Itong sayo, akin yan." Simple nitong sinabi sabay bawi sa hawak ko ng pinggan.
Nilagay nito sa palad ko ang isa at ako naman ay hindi alam kung ano ang ire-react. Nauna pa itong sumubo sa akin kaya naman sa inis ko ay hinampas ko sya sa braso.
Kamuntik pang malaglag ang kanyang pagkain kaya inis ako nitong nilingon na may halong pagtataka.
"Bakit ba?"
"Nakakainis ka. Akala ko akin yan, hindi pala." Nakasimangot kong sinabi.
"Pinahawakan ko lang to sayo." Tumaas ang sulok ng labi nito.
"Eh wala ka namang sinabing pinapahawakan mo eh." Sigaw ko.
"Hindi ko na kasalanan kung nag-assume ka." Diretso nitong sinabi at hinanda ang sarile sa magiging hampas ko.
"Bwisit ka talaga." Sabi ko dito ng di tumama ang palo ko sa kanya.
Tumatawa itong tumayo at tumakbo papalayo. Sa inis ko ay bigla ko na lang ibinaba ang pagkaing hawak bago tumayo at hinabol sya sa kung saan.
"Ikaw Grayson! Lagot ka talaga sa akin kapag naabutan kita." Sigaw ko.
Tumigil ito sa pagtakbo at hinarap ako. "Kung mahabol mo." At nagmamadali ng tumakbo paalis.
Dahil sa nadagdagan ang inis ko sa kanya ay mas binilisan ko pa ang aking takbo.
Hanggang sa lumipas ang oras at hindi ko namalayang tumatawa na pala kaming pareho habang naghahabulan. Ang huling tanda ko ay nag-umpisa kaming tumawa ng batuhin ko sya ng maliit na naputol na sanga.
Hanggang sa gumanti sya at nagsalit-salitan na kami ng habulan.
Nang mapagod ay sabay kaming napahiga sa dulo ng bangin at tiningnan ang maliwanag na buwan sa kalangitan. Quarter moon. Parehas pa kaming tumatawa habang nagpapahinga.
Hindi ito yung inaasahan kong mangyari kapag nakaakyat kami dito. Iniisip ko yung mga romantic scenery nitong mga nakaraang araw.
Kung saan bilog ang buwan, maraming bituin sa kalangitan, mahangin at walang kahit na anong ulap sa itaas.
Pero hindi ko din inakala. Na ang ang ganitong tanawin, maulap, kalahati ang buwan, walang bituin, at payapa ang kapaligiran dahil halos hindi mo ramdam ang hangin sa iyong balat. Ay magiging romantic bastat kasama mo ang taong mahal mo.
"Piling ko hindi pa ako nakatawa ng ganito sa buong buhay ko." Kwento nito ng makahugot na ng hininga.
Nilingon ko sya at kita ko pa ang hingal sa kanyang mukha. Ang ngiti ay napakupuro, na para bang kahit na isang problema ay wala sya. Gumalaw ang Adams apple nito ng lumunok sya upang mas makahinga ng maluwag.
"Imposible naman yun." Kontra ko dahilan upang ako'y lingunin nya.
Tumagilid ito ng higa at iniunan ang kanyang kanang braso. Hinaplos nito ang pisngi ko pababa sa aking labi.
Ang mga mata nya'y puno ng saya na para bang yung pagkontra ko'y hindi nakaapekto sa kanya.
Nang walang sali-salita ay itinuon nito ang katawan papalapit sa akin at binigyan ako ng banayad na halik.
Nakakalasing ang sobrang babaw ng kanyang halik, na para bang inaanod ako sa ibabaw ng dagat.
Tumagal ng sampung segundo iyon bago sya humiwalay. Naliliyo pa rin ang aking paningin ng dilaan nya ang kanyang labi dahil sa nangyari.
Nakagat ko ang aking labi ng pumisil ang kanyang kamay na nasa kaliwang dibdib ko na pala. I was so turned on right now. Piling ko ay sasabog na ako anumang oras.
Hinanda ko na ang aking sarile sa mga susunod na mangyayari. Pero ganun nalang ang paglaki ng mata ko ng tumayo na ito at pagpagan ang suot na damit.
"Kumain na tayo." Mapanuya nitong sinabi bago inabot ang kamay sa akin.
Dahil ayokong ipahalata na nabitin ako ay tinanggap ko na rin ang kamay nya para makatayo. Nangingising aso pa ito habang pinagmamasdan akong pagpagan ang sarile.
Alam kong alam nya na nabitin ako. And fuck! Hindi ko aaminin iyon sa kanya no.
Nauna akong naglakad sa kanya dahil ayokong makita nito ang reaksyon ko. Mabuti nalang at gabi, hindi nya kita ang paniguradong pula ko ng mukha ngayon.
Humabol ito sa akin at pinadausdos ang kanyang kamay sa aking bewang. Nagulat pa ako pero hindi ko na pinahalata.
Pansin pa rin ang hindi maalis-alis na ngiti sa kanyang labi hanggang sa alalayan nya ako sa pag-upo.
Mabilis kong kinuha ang pinggang para sa akin pero laking gulat ko ng kuhain nya iyon. Inilapit nito ang labi sa aking tainga bago may ibinulong.
"Susubuan na lang kita." He sexily said. Kumindat pa ito sa akin dahilan upang mapalunok ako.
Lalong lumaki ang ngisi nya dahil sa nangyari. Nagkunwari akong hahampasin sya upang maitago ang kilig na nararamdaman ko. Tumawa lang ito at naglagay na ng pagkain sa kuntsara.
Nakataas ang kilay ko ng itutok nya sa aking bibig ang kutsara. "Ah..." Sabi pa nito.
"Kaylangan pa ba nyan? Kumpleto naman ang kamay ko para subuan mo pa." Pinilit kong gawing naiirita ang aking tinig pero mukhang hindi iyon nangyari.
Malambing pa rin ang aking pagkakasabi at kahit na anong tago ko sa aking ngiti ay kusa iyong lumalabas.
"Hindi mo naman kaylangang maputulan ng kamay para subuan kita. Anong gusto mo? Putulan muna kita ng kamay para pumayag kang magpasubo?" Dire-diretso nitong sinabi.
"Ok na. Isusubo ko na yan. Yun lang sinabi ko ang dami mo ng nasabi." Ngumuso ako at tsaka kinain ang laman ng kutsara.
"Syempre. Hindi ka makikinig kapag pinakiusapan lang kita. Ang mga taong pasaway, kaylangan mo muna yang bungangaan para makinig dahil sa pagkairita sa kaingayan mo." Pangangaral pa nito.
"Oo na po, Pa." Biro ko dito habang puno pa ang bibig.
Tumaas ang kilay nito at kinagat ang pang-ibabang labi. Bago lumapit sa akin at mabilisang dinampian ng halik ang aking labi.
"Yes babe, I'm your Daddy." He huskily said before laughing so hard.
Hindi ko nasabayan ang kanyang pagtawa dahil sa kilig. Wala akong ibang ginawa kundi ang ngumiti lamang habang sya ay tawang-tawa.
Gusto ko mang umarte na naiinis na naman, ay hindi ko na ginawa. Sa tingin ko ay hindi ko rin naman iyon magagampanan dahil alam ko na hindi na maalis ang ngiting ito sa labi ko ngayon.
Nagpatuloy kami sa pagkain na iisang kutsara at pinggan lamang ang ginamit. Ultimo ang pag-inom ko ng tubig ay kaylangan nya pa akong alalayan. Sa katunayan ay hindi nga ako nakahawak ng baso para lamang uminom dahil hindi nya iyon hinayaan.
Kaya ng matapos kami sa pagkain ay ako na ang nagligpit ng mga iyon. Tumanggi pa nga sya pero tinarayan ko na. Masyado naman yata akong abusado kung ganoon.
Habang nagliligpit ako ng mga pinagkainan ay nasa likod ko lamang sya. Nakayakap habang nakasandal ang baba sa aking balikat. Pinapanood ang aking ginagawa.
Medyo nahihirapan nga ako pero hindi ko na iyon isinatinig. Gusto ko rin naman kasi ang pwesto namin.
"Hmm. Tapos na." Nilingon ko sya at halos magdikit na ang labi naming dalawa.
Hindi na ako nagulat pa sa ganoon dahil palagi naman nya iyong ginagawa. He likes teasing me anyway.
Dinampian nito ng halik ang aking labi. "Anong gusto mong gawin natin ngayon?" Muli nyang dinampian ng halik ang aking labi.
Napaisip ako. Ano nga ba ang gagawin naming dalawa dito bukod sa mag-picnic. Ang sabi nya ay mag-o-overnight daw kami dito. Edi matutulog na? Ang pangit naman nun.
"Ikaw ano bang gusto mong gawin?" Ako naman ang nanghalik sa kanyang labi.
He lick his lips before biting it so hard. Tingin ko ay namula iyon sa aking paningin. Puno na ng pagnanasa ang mga mata nito, pero ilang segundo lang ay umamo ang kanyang anyo.
"Let's cuddle under the moon." Suhestiyon nito.
Matamis akong ngumit bago siniil ng halik ang kanyang labi. Nang maramdaman kong gumaganti na sya sa aking halik ay itinigil ko na.
Awang ang mga labi nito habang pinagmamasdan ang tikom ko ng bibig. Ngumiti ng nang-aasar. Ganito mo ako binitin kanina, kaya ganyan din kita bibitinin ngayon.
"Tara." Natatawa kong tinapik ang kanyang kamay na nakapulupot sa aking bewang.
Nang-hahamon ang mga tingin at ngiti nito sa akin. Ayaw akong pakawalan.
"Binibitin mo na ako ngayon ha?" May pagbabanta sa tinig nito.
"Ano ba Grayson, paalisin mo na ako!" Ang dapat na na naiinis na tinig ko ay nauwi sa malambing. Nakagat ko na lamang ang sariling labi dahil sa katangahan.
"Ayoko nga. Paparusahan muna kita bago kita pakawalan."
Matapos nito iyong sabihin ay bigla na lamang nito akong kiniliti dahilan upang magpumiglas ako sa kanyang yakap.
Panay lang ang sabi ko sa kanya na tigilan na ang ginagawa, pero ang loko, wala yatang balak.
Nakahiga na ako sa kumot habang kinikiliti pa rin nya. Maging sya na hindi kinikiliti ay tuwang-tuwa sa nangyayari.
"Gray! Tama na! Hindi na ako makahinga!" Pasigaw kong sinabi dahilan upang tumigil sya sa ginagawa.
Ako ay hinahabol ko pa ang aking hininga at wala ng emosyong tinitigan sya. Siguro ay naubos na dahil sa pagkiliti nya sa akin.
Lumuhod ito sa harapan ko at itinuon ang isang braso sa kumot habang ang isang kamay ay pinaglandas sa aking mukha.
"Ngayon, hindi ka na makakapalag. Hindi mo na ako mabibitin." Namamaos nitong sinabi.
Napalunok ako dahil tila ba naubusan ako ng laway sa dami kong itinawa kanina.
Marahan nitong inilapit ang labi sa aking labi. Hanggang sa tuluyan na itong maglapat. Mabilis akong gumanti kahit na magaan lamang ang kanyang halik. Tila ba ako pa ang sabik sa aming dalawa.
Gumapang ang kamay nito sa aking dibdib. Marahan nya iyong pinisil dahilan upang kumawala ang isang mahinang ungol sa akin.
Tila hindi ito nakuntento sa lapit ng aming katawan at nagawa pang idantay ang kanyang kanang binti sa gitna ng aking mga hita.
Marahan nitong itinaas baba ang kanyang sarili dahilan upang maramdaman ko ang unti-unting pagkagalit ng kanyang alaga.
Dahil sa kakaibang sensasyong nararamdaman ay wala na akong ibang nagawa kundi ang ipulupot ang aking mga braso sa kanyang batok para doon kumuha ng lakas at upang maibsan na rin ang init na nararamdaman.
Tuluyan na itong pumatong sa akin ng maramdaman ang aking pananabik. Kapwa na kami hinihingal ng magkiskis ang aming mga ari. Tila dalawang sandatang naglalaban hindi para pumatay, kundi para magbigay aliw sa isa't-isa.
Hinahaplos nito ang aking buhok pataas bago didiin ang hawak doon na mas lalong nagpapasarap sa aking pakiramdam. Ganundin ang ginawa ko sa kanya. Kung kanina'y nakapulupot lamang ang aking mga braso sa kanyang leeg, ngayon ay marahan ng sinasabunutan ang may kahabaan nyang buhok.
Halos habol ko ang aking hininga ng bigla syang bumitiw sa halik naming dalawa. His eyes were full of lust. Para bang hindi na makapaghihintay pa ang kung sino mang nasa kanyang loob.
"Tama na ang romansa. Gusto ko ng labasan." His mouth was almost close when he said that.
Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil bigla akong nahiya. Bakit ba sobrang bulgar ng taong ito? Pwede namang hindi na sabihin yun at basta nalang akong hubaran tas tirahin dito sa damuhan. Kaylangan pa talagang sabihin?
Naramdaman ko nalang ang kamay nito na tinatanggal na ang butones ng aking suot na tux. Habang sya ay nakatitig lamang sa aking mga mata habang nakaawang ang mga labi.
"Ayaw mo ba dito?" Tanong nito ng matanggal na ang butones.
Napalunok ako. Hindi alam ang sasabihin. Syempre gusto. Pero kaylangan talagang itanong iyon?
Marahan nitong dinampian ng halik ang aking labi. "Kaya ko namang magtiis kung hindi ka kumportable dito." Nanunuyo ang kanyang tinig.
Kahit na nahihiya man akong umamin ay gagawin ko ito para sa kanya.
Hinaplos ko ang kanyang pisngi at inabot ang kanyang labi ng aking labi.
"As long na walang nakakakita sa atin. Ayos lang sa akin." I give him an assuring smile.
Nagliwanag ang mukha nito at mabilis na binigyan nang mapupusok na halik ang aking labi.
Kung saan-saan napupunta ang kanyang mga halik. Sa aking noo, pisngi, panga, ilalim ng tenga, at sa may leeg.
Kakaibang pakiramdam ang mga ginagawa nya sa akin. Ngayon ko lang iyon naramdaman.
Hindi ko na napigilan ang aking sarile at ako na mismo ang naghuhubad ng kanyang damit. Nang mapansin ang aking ginagawa ay tumigil na muna ito sa paghalik at sya na mismo ang naghubad ng mga ito.
Muli nitong ibinalik ang kanyang labi sa akin matapos nyang hubarin ang kanyang damit.
Hinaplos ko ang kanyang likod at dinadama ang bawat butil ng pawis na namumuo roon.
Hindi ko namalayan na naiupo na pala ako nito at mula sa aking likod ay hinila nya ang laylayan ng aking damit upang hubadin din.
Muling naghiwalay ang aming mga labi dahil dito pero hindi din iyon nagtagal dahil parang uhaw kami sa halik ng bawat isa.
Humagod ang palad nito sa aking likod pababa sa aking pang-upo. Hanggang sa biglaan na lang ako nitong iangat dahilan upang mapaupo ako sa kanyang mga hita. Tapat sa kanyang alagang ngayo'y nangangalit na. Hindi man lang namin nagawang maghiwalay sa halikan.
He pinch my both butt hard making me moan. Mas idiniin ko pa ang aking dibdib sa kanyang dibdib dahilan upang maghalo ang pawis naming dalawa.
May kung ano sa loob ko ang gusto ng sumabog pero hindi iyong mangyari-yari dahil ayaw bitiwan ni Grayson ang aking labi.
Kaya naman ay marahas ko syang itinulak dahilan ng pagkakahiga nya sa sapin. Gulat at hingal ito habang pinagmamasdan akong nakaupo sa kanyang itaas.
"Kaylangan na natin tong mailabas." Sabi ko habang tinatanggal ang sinturon sa suot nyang maong pants.
Bigla itong natawa sa pagmamadali ko. Nakaramdam ako ng hiya pero binalewala ko iyon. Tulad nga ng inaasar nya sa akin dati. I don't masturbate that much. Nagma-masturbate lang ako dahil kaylangan. Hindi naman ako inosente para hindi malaman yun no.
"Ilang araw ka na namang hindi nagsalsal? Ha?" Mapang-asar nitong tanong at sya na mismo ang nagbaba ng suot nyang short at boxer. Revealing his glory.
"Kaylangan ko pa bang sagutin yan?" Nahihiya kong tanong, kahit na mas nakakahiya naman itong ginagawa ko.
Kinagat nito ang labi at mapaglarong ngumiti sa akin. "I just wanna know," then he shrugged.
I bite my lips hard. Tingin ko ay naipon ang aking dugo mula roon. Hindi ko alam kung paano iyon sasagutin.
Kahit na may nangyari na sa amin. Kahit na ilang beses na kaming naghalikan. Parang nakakahiya paring pag-usapan yung tungkol sa sarile mo. Kung ano yung mga ginagawa mo maibsan lang ang tawag ng laman.
"Since... nung... huling may nangyari sa atin." Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang aking mga palad. Hiyang-hiya sa pag-amin, kahit na sa sarile ko ay hindi ko alam kung bakit pa ba ako nahihiya.
Matipid itong humalakhak at hinawakan ang aking dalawang pulso. Tinanggal ang pagkakatakip sa aking mukha.
Nakangiti pa rin ito ng titigan ko sya. "Alam mo bang pwede kang magka-cancer kung madalang ka lang magsalsal?" Kaswal nitong tanong bagamat hindi maalis ang ngiti sa labi.
Hiyang-hiya akong tumango. Halos magtayuan pa ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Gusto ko ulet takpan ang aking mukha pero hindi na nya pinakawalan pang muli ang aking mga kamay.
"And to avoid that..." He sensually said.
Kinulong nito sa iisang kamay ang aking dalawang palapulsuhan at marahang bumangon gamit ang isang malayang kamay.
"We should make love everyday." Then he showered me with soft kisses. May kung anong kiliti akong naramdaman sa aking tiyan ng marinig iyon. Make love. Kahit kaylan siguro ay hindi ako masasanay sa dalawang salitang iyon.
It was like I'm in heaven. Wala na akong ibang maisip pa kundi ang halik lamang nya. Tila limot ko na lahat ng problema ko dahil sa halik na iyon. Hindi ko alam kung paanong tutugon pero kakatwang nasosolusyunan nya ang kawalan ko ng kaalaman.
Gumapang ang kamay nito sa aking slacks at kinapa ang sinturon na aking suot. Pinakawalan na rin nito ang aking mga kamay at mabilis akong kumapit sa kanyang batok upang hindi mawalan ng balanse.
Tinanggal nito ang pagkakasinturon nito at mabilis na ipinasok ang kanyang kamay sa loob na mismo ng aking boxer.
Napadaing kaagad ako sa una palang nitong haplos. Tumutusok na rin sa aking likod ang kanyang kahabaan at wala akong ibang magawa kundi itutok iyon sa aking bukana.
"Hmm..." Daing nya ng maitutok ko iyon ng sakto.
Inulit-ulit ko iyon hanggang sa hindi na nya napigilan pa ang sarile.
Marahas nitong binitawan ang aking alaga at mabilis akong inihiga sa sapin. Parang kanina lamang ay ako ang gumagawa noon sa kanya pero ngayon ay sya na. He's really the top.
Ibinaba nito ang aking slacks hanggang sa maabot na nito ang sapatos na aking suot.
"Shit!" Mura nito ng mapagtantong hindi nya mahubad iyon ng tuluyan.
Nagmamadali pa ito sa pagtanggal ng aking sapatos at sa taranta'y tila nakalimutan na nya kung paano ba iyon gawin.
Sa isang mabilis na kilos ay nahubad na nito ang aking suot na slacks kasama na ang suot kong boxer. Mabilis itong pumaibabaw sa akin at tinutok ang kanyang sandata sa aking butas. Napadaing ako ng maramdaman ko iyon doon.
Binuhat nito ang aking dalawang hita at ipinatong sa kanyang magkabilang balikat. Agad akong namula sa aming posisyon. Pero nawala din iyon kaagad ng mabilis nyang ipasok ang kanyang kahabaan sa akin.
Hindi ko manlang naramdaman na nakapaglagay na sya ng lubricant doon.
Namilog ang mata at bibig ko sa magkahalong sakit at sarap sa agaran nyang pagpasok. Unang bira sagad agad. Hindi ako makapaniwala na kinaya ko iyon. Noong una ay halos mamilipit pa ako sa sakit, pero ngayon ay tila ba sanay na ang aking kalooban na pasukin ng ganun kabilis.
"Shit! You're still tight." Mura nito ng tumigil muna saglit upang makapag-adjust ako.
Tila may kuryenteng dumaloy mula sa katawan ng hawakan nya ang aking ari. Kasabay ng kanyang pag-ulos ay ang pagsalsal nya sa akin.
Mahigpit ang yakap ng kaliwa nyang kamay sa aking mga hita habang patuloy syang bumibira.
"Ah... Gray... Shit!" Hindi ko na alam kung saan ba itutuon ang paningin dahil sa halo-halong sarap na aking nararamdaman.
"Do you like it? Huh? Babe?" Hinihingal nitong tanong na sa ngayon ay mas bumilis pa ang pagbayo.
Tila mawawasak ang aking butas sa uri ng kanyang pagbayo. Sa bawat ulos nito papasok ay sagad na sagad hanggang aking dulo, dahilan upang may maramdaman akong kakaiba doon.
"Gray..." I can't completely say his name. "I'm..."
Natigil ako sa ambang pagsasalita ng mas binilisan nya pa ang paglabas-pasok sa akin.
"What is it babe?" Gigil nitong sinabi.
"Cum- ming."
"Ito na rin ako."
Binitiwan nito ang aking ari pati na rin ang pagkakayakap sa akin. Dumagan sya sa akin habang ang mukha ay nakapirmi sa aking leeg.
Doon ay pinagpatuloy nya ang sagad na pagbayo. Makalipas lamang ang ilang segundo ay narinig ko na ang malakas nitong pag-ungol kahit na nakakulong ang kanyang bibig sa aking leeg.
Naramdaman ko ang pagsabog ng kanyang katas sa aking loob. Ako naman ay napaliyad sa hindi malamang kadahilanan. Doon ko lang napagtanto na maging ako ay nilabasan din sa gitna ng aming mga tiyan.
Kapwa kami hinihingal nang tumigil na sya sa paggalaw. Nakakaramdam ako ng kiliti dahil sa kanyang paghinga pero hindi ko na yun napagtuunan ng pansin dahil sa kapaguran.
Nahihirapan akong huminga dahil sa pagkakadagan nya sa akin pero hindi ako nagreklamo dahil gusto ko ang aming posisyon. Hindi pa rin nya hinuhugot ang kanyang sandata pero nararamdaman ko itong lumalaki na naman sa aking butas. Tila handa na naman sa panibagong laban.
Nag-angat ito ng tingin sa akin at mapaglarong ngumiti. Hinaplos nito ang aking pawis sa noo pataas at inayos ang aking gulong buhok.
Idinikit nito ang kanyang labi sa aking pisngi bago bumulong. "Gusto ko pa ng round two." Mapang-akit nitong sinabi.
At kagaya nga ng gusto nya, ay naulit na naman ang aming laban. Ang kaibahan nga lang ay ako na ngayon ang ng nagtatrabaho sa kanyang ibabaw.
Habang ginagawa namin iyon ay naisip ko na mukhang hindi na namin magagawa ang kanyang plano.
To cuddle under the moon. Because I think, this night was about our sex under the moon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top