VEINTINUEVE

Sa buong buhay ko, palaga'y ko ang gabing iyon ang pinakang-pagod ako. Pero sobrang saya ng puso ko.

Kaya naman ng mag-alas tres na ay naghanda na kaming dalawa para bumaba at umuwi na sa aming bahay.

Literal na wala kaming tulog na dalawa. Siguro'y naiglip ako sa kalagitnaan naming dalawa ng pagme-make love. Pero paggising ay nasa ibabaw ko pa rin sya. Nakakaramdan na ako ng pagod,  pero sya'y tila ganadong-ganado pa.

Hindi ako makapaniwala doon. Sobrang lakas ng kanyang stamina at hindi ko alam kung ano ba ang kinakain nya para kayanin nya ang maka pito sa isang gabi lang.

Inaalalayan ako nito habang kami ay pababa. Hindi naman ganun katarik pero dahil nga siguro'y alam nyang napagod ako'y grabe ang kanyang pag-aalala.

Pipikit-pikit pa ang aking mga mata habang naglalakad kami pababa. Tila ba ngayon lang naramdaman ang pagod.

"Gusto kong buhatin kita?" Tanong nito ng mapansin ang pagpikit ko.

Mabilis akong tumingin sa kanya at umiling. Mas pagod sya sa aming dalawa dahil sya naman itong naglabas ng maraming likido at sya ang trumabaho halos lahat. Kaya tingin ko'y mas mapapagod sya kung magpapabuhat pa ako. Tsaka mamaya baka magpagulong-gulong kami pababa.

"Hindi naman ako pagod." Sagot ko at nagpatuloy ng muli sa paglalakad.

Nauuna ako dahil hindi kami kasya sa daan. Pang-isahang tao lamang iyon kaya kahit gustuhin man nyang dumikit sa akin ay wala syang magagawa.

"Napagod ata kita." May pag-aalala sa tinig nito.

"Hindi naman. Ano ka ba? Ayos nga lang ako." Tumawa pa ako para maibsan ang kanyang pag-aalala. Hindi ko na sya nagawang lingunin dahil nakakangawit iyon sa leeg.

Natahimik na rin naman sya at hindi na muling nagsalita. Siguro'y nakumbinsi na ang sarile na ayos nga lang ako.

Naririnig ko na naman ang daloy ng tubig ng sapa sa may di kalayuan. Nadaanan namin ito kanina, hindi ko lang masabi kung malinis ba ang tubig o hindi dahil gabi na kaming pumunta rito. Hindi ko rin masabi sa ngayon dahil madilim pa. Hindi sapat ang ilaw ng flashlight dahil nag-iiba lang din ang kulay noon.

Nilagpasan namin iyon at maingat na tumapak sa mga bato. Nang malagpasan na ay tsaka lamang muling nagsalita si Grayson.

"Sa Sunday..." Pinutol nito ang sasabihin dahilan upang lingunin ko sya. "Pupuntahan ko si Mama sa kanila."

Natigil ako sa paglalakad at nilingon sya. Nagkausap na kaya sila ng maayos matapos noong napag-usapan namin ang buhay nya?

Tumigil din ito sa paglalakad at tipid na ngumiti sa akin.

"Handa ko ng ibigay sa kanya ang kapatawarang hinihingi nya." Bagama't nakangiti ay hindi nakatakas sa aking paningin ang pamumuo ng kanyang mga luha.

I smiled genuinely at him. Pinaparating ang suporta ko sa desisyon nya. After all, that is his mother. Kahit na anong gawin mo, kahit na anong kasalanan sayo nung tao. Wala kang magagawa kundi tanggapin sya ulet dahil sya ang magulang mo. Sya ang nagluwal sa iyo.

"At gusto ko, samahan mo ako." May pag-aalinlangan sa tinig nito. Nananantya pa ang bawat tingin.

Mabilis na nawala ang ngiti sa aking labi at napalitan iyon ng kaba. Meet the parent na ba to? Shocks! Hindi ako handa.

"If that's okay with you?"

Mabilis akong umiling at tumango. Naguguluhan sa isasagot ko.

"I mean, okay?"

Tumawa ito at lumapit sa akin upang bigyan ako ng magaan na yakap. Tila ba tuwang-tuwa sya sa naging desisyon ko. I hugged him back, na mas nagpahigpit ng yakap nya sa akin.

"Ikaw ang gusto kong makasama doon. Nitong mga nakaraan, sayo na lang ako kumukuha ng lakas eh." Pag-amin nito.

May kung anong humplos sa aking puso dahil sa sinabi nya. Paano ko ba hindi mamahalin ang taong ito? Masyado na akong nahuhulog sa mga kilos at matatamis na salita nya.

Masama ang magmahal kung nasa maling gawi ka. Noon iniisip ko na napakadesperada ng mga taong nagmamahal kahit na may sabit na. Kahit na maging kabit sila. Kasi, bakit ka nga ba magmamahal ng taong mayroon ng unang minahal diba? Para agawin? Para manira ng relasyon?

Naisip ko na ang sama-sama nila. Pero ngayon, parang unti-unti ko ng nauunawaan ang side nila. Alam nilang mali yung ginagawa nila pero hindi alam nung iba kung gaano kahirap pigilan yung sarile na magmahal sa taong pagmamay-ari na ng iba.

Ang hirap eh, hindi mo kakayanin na mawala pa sya sayo kasi abot kamay mo na. Pinaparamdam nya sayo na mahalaga ka, na mahal ka nya. Kaya ang hirap-hirap ng umahon at magparaya nalang ng ganun.

"Wag ka nga," pabiro kong hinampas ang likod nito. Bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin at inis akong nilingon. Tila ba sinisi ako na sinira ko ang magandang mood naming dalawa. "Baka masanay ako ng ganyan." Malumanay kong sinabi.

Lumambot ang ekspresyon nito, tila nakuha kaagad ang nais kong sabihin. Hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya dahilan upang bumangga ako sa kanyang dibdib.

"Wag muna nating isipin yung ngayon please? Nahihirapan na rin ako eh." Pagsusumamo nito.

Tumango ako, kahit na hindi sang-ayon basta iyon ang kanyang gusto ay gagawin ko.

"Ang mahalaga kung ano yung ngayon. Kasi kung iisipin natin yung mangyagari sa hinaharap, pipigilan lang tayo nitong maging masaya sa kasalukuyan." Hinaplos nito ang aking buhok sa likod habang mahigpit akong niyayakap.

Kaya ko ba yun? Kaya ko bang hindi isipin kung ano yung problemang kinakaharap namin? Pwedeng ako yung maiwang mag-isa sa huli at sila pa rin sa dulo. Pwedeng ako yung piliin nya, pero tututol ang halos lahat ng taong nakapaligid sa amin hanggang sa magdesisyon nalang kaming maghiwalay. Sa tingin mo, kaya ko bang hindi mag-isip?

"Basta, ang plano nating dalawa bukas. Wag mong kakalimutan ha?" Dinungaw ako nito mula sa pagkakayakap. Pinigilan ko ang pamumuo ng aking mga luha ng lingunin sya. "Susunduin kita bukas ng mga alas-otso. Ipagpapaalam narin sa magulang mo."

Tumango at ngumiti nalang ulit ako. Kung ano yung gusto nyang gawin, susuportahan ko sya. Tiwala ako sa plano nya. Tiwala ako sa binibigay nyang pagmamahal sa akin ngayon. Sana lang talaga...

"Tara na?" Halos matunaw ako sa ganda ng ngiti nito sa akin.

Ito yung ngiti na matagal ko ng pinapangarap. Noon, iniisip ko kung sino ba sa mga lalaking gusto ko ang makapagbibigay noon sa akin. Akala ko masarap sa pakiramdam, pero hindi pala. Dahil sa saya na nararamdaman ko, kumikirot ang dibdib ko.

Kahit na pang-isahang tao lang ang daan ay hindi na sya humiwalay sa akin. Mahigpit nyang hawak ang aking kamay habang ako ay nasa tamang daan, at sya ay nasa damuhan.

Sinaway ko na nga kanina at baka maahas sya. Ang sagot lang nya sa akin ay ayos lang daw na matuklaw sya ng ahas basta ako ang kasama nya. Pang loko lang. Nakakainis! Haha.

Kaya naman laking pasalamat ko ng makabalik na kaming dalawa sa kalsada. Saglit kaming tumigil para uminom ng tubig pero nagtuloy na ulet.

Sa daan ay wala kaming ibang ginawa kundi ang mag-usap tungkol sa mga nakikita at experience namin sa lugar na ito. Hindi pa nga ako makapaniwala ng makakita kami ng isang insektong parang dahon lang, pero may mga paa.

"Uy! Babe, tingnan mo to oh."

Luh! Parang tenge naman to! Kung makababe kala mo magbebe talaga kami.

Hinila ako nito sa tabi ng kalsada kung saan nya nakita ang insekto. Nagpapahinga ito sa manipis na sanga at kung hindi mo tititigan ay mapagkakamalan mo lang talaga syang isang dahon.

"Wow! Ang galing." Tangi ko na lang nasabi sa pagkamangha.

Hindi ko akalain na may ganitong uri ng insekto sa mundo. Sadya talagang mahiwaga anv mundong ating ginagalawan.

Kumuha ako ng isang maliit na sanga sa baba. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita at gusto ko lang  iyong kumpirmahin.

Nang akmang tutusukin ko na iyon ay sya namang paggulat sa akin ni Grayson, dahilan upang mabitawan ko ang hawak na sanga at tumilapon ito sa malayo. Tawang-tawa pa ang gago sa ginawa nya.

Tiningnan ko sya ng masama at sunod-sunod na hinampas sa braso. Panay ang iwas nito pero dahil sa pagtawa nya ay hindi sya makalayo.

"Bwisit ka talaga!" Inis kong sinabi dito.

Isang beses ko pa itong hinampas pero sinalo na nya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. In just a split second, magkalapit na ang aming mga mukha.

"I'm sorry. Okay?" Medyo natatawa nitong sinabi.

"Hindi ka naman sincere eh." Pilit akong kumawala sa pagkakahawak nya, pero masyadong mahigpit iyon.

"Ito na! Ito na!" Pilit ako nitong pinirmi at nagseryoso na.

"Ang oa naman ng baby ko. Parang ginugulat lang eh." Ngumuso ito at nagpacute sa harapan ko.

Tila ba bigla nalang natunaw ang aking inis sa kanya. Pilit ko iyon hinanap para bumalik pero sadyang wala na.

Kahit na anong kunot ng aking noo ay hindi ko maitago ang aking ngiti sa kanya.

"Sabi ko na hindi mo ako matitiis eh." Mapang-asar itong ngumiti sa akin.

Pinalo ko ang kanyang dibdib ng lumuwag ang hawak nya sa aking nga kamay. Dumain ito habang tumatawa at muling hinuli at kinulong sa kanyang mga palad.

"Ikaw! Wag mo ng uulitin yun ha!" Banta ko sa kanya.

Hindi ko alam kung saan ako titingin. Sa mga mata ba nya, o mamasa-masa at mapulang mga labi.

"Yes po!" Mabilis nitong sagot at mabilis ding dinampian ng halik aking labi.

Mariin ko tuloy na naitikom ang mga ito at nahihiyang tumingin sa kanya.

"Tara na? Aabutin tayo ng umaga dito." Hinila na ako nito pababa kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang.

Nagtatawanan pa kaming dalawa dahil patuloy nya parin akong inaasar. Madilim pa ang paligid pero palagay ko'y mga four thirty na ng umaga. Malapit na naman na kami.

Naging tahimik na ang aming paglalakad dahil siguro sa pagod. Mas lalo syang pagod dahil sa ginawa namin kanina.

Mabilis na nag-init ang aking mukha ng maalala na naman na parang hindi sya nauubusan ng likido sa katawan. Dahil kada tuwing sasabog na sya ay ramdam kong palaging napupuno ang akin.

"Ngayon palang namimiss na kita." Nilaro ang kamay kong hawak nya.

Malapit na kami. Saktong alas-singko. Hindi pa kita yung street namin dahil paliko pa iyon. Natatabunan  pati ng matataas na damo na may bakod na alambre.

"Magkikita naman ulet tayo bukas." Sabi ko ang tinutukoy ay pagpunta namin sa mama nya.

"Tagal pa nun." Matamlay nitong sinabi habang nakanguso pa.

Pinisil ko ang pisngi nito. Alam ko na kahit hindi nya sabihin, ay isa ito sa mga way nya ng paglalambing sa akin.

"Matulog ka ng maghapon sa bahay para hindi mo ako ma miss." Suhestiyon ko sa kanya.

Nilingon ako nito at pinaningkitan ng mata. Nang siguro'y rumihistro sa kanya ang aking sinabi ay tsaka lamang ito ngumiti.

"Okay! Sige, yun ang gagawin ko." Mabilis nitong hinalikan ang aking labi bago binitawan ang pagkakahawak sa aking kamay at umakbay.

Sabay kaming humarap sa daanan at sabay ding natigil sa paglalakad ng makitang may babaeng naka gown ang nakaupo sa may sapang patay at tila naghihintay sa aming pagdating.

Rumihistro  ang gulat at takot sa akin gayundin kay Grayson. Hindi dahil natatakot kami doon, dahil sa multo sya. Kundi dahil hindi sya multo. Si Cherry ito.

Mabilis akong lumayo kay Grayson ng biglang tumayo sa pagkakaupo si Cherry. Ang mga mata ay namamaga na tila ba ay galing ito sa matinding pag-iyak.

Tila sya si Maja Salvador sa palabas na The Killer Bride.

Tinitigan nito kaming dalawa na tila ba sinasabing tama nga ang kanyang mga hinala. Na napagmukha namin syang tanga.

Sumikip ang dibdib ko ng hindi manlang ako pinigilan ni Grayson sa ginawa. Ang lahat ng kanyang atensyon ay nakay Cherry na. After all what happened, sa kanya pa rin talaga.

Mabilis na naglakad papalapit sa kanya si Gray. Kita ko ang bigat sa paghinga ni Cherry. Nag-unahan pa sa paglandas ang kanyang mga luha.

Ako naman ay nanatili sa kinatatayuan at hindi alam ang gagawin. Naghihintay sa pagsabog ni Cherry.

Akmang hahawakan ni Gray ang kamay ni Cherry, pero nauna ng lumipad ang palad nito sa pisngi ng kasintahan.

Nagulat ako sa nangyari at doon lamang tumulo ang luha. Ito ang ginawa ko. Ito yung resulta ng pamimilit ko. Ito yung gusto ko diba? Ang magkasira sila? Pero bakit parang pinagpipira-piraso ang puso ko?

Tumagilid ang ulo ni Gray dahil sa lakas ng sampal ni Cherry.  Dinuro pa nito si Gray bago nagsalita.

"Hindi ako nagduda sa pagmamahal mo!" Mabagal ang bawat bigkas nito sa salita. Tila ba nahihiirapan dahil sa nagbabara sa kanyang lalamunan. "Ang akala ko umiiwas ka, akala ko ako lang talaga." Nasapo nito ang sariling noo at ang isang kamay ay nasa bewang. Tumagilid ito at tila hindi alam ang gagawin.

"Nagtiwala ako sayo kasi kala ko iba ka. Ang tagal-tagal kitang sinagot sa pag-aakala kong sa ganong paraan, makikita ko ang tunay na ikaw. Pero hindi," umiiling-iling ito, "ngayon pa talaga na tayo na? Bakit hindi noong nililigawan mo palang ako?!" Sigaw nito kay Grayson.

Nanatili namang tahimik ang lalaki at naluluhang pinagmasdan si Cherry. Takot akong gumalaw sa pag-aakalang matikman din ang bagsik ni Cherry.

Pero kahit na anong behave ko yata ay hindi ako makakatakas sa sitwasyon na ito. Lalo na noong dumapo sa akin ang galit na galit na mga mata nito.

Mabilis akong nakaramdam ng kaba. Guilt spread on my face that time. Ilang beses ko bang sinabi na wala kaming relasyon ng boyfriend nya? Friends lang kami. Friends with benefits huh?

Mabilis ang naging hakbang nito palapit sa akin. Hinanda ko ang sarili. Wala akong karapatang takbuhan sya o anuman, deserve kong masaktan. Deserve kong maramdaman ang galit nya.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang lakas ng kanyang sampal sa aking kaliwang pisngi. Muntikan pa akong mahulog sa irrigation sa pagkakawala ng balanse.

"Hayop ka!" Halos bumakat na ang mga ugat nito sa kanyang leeg dahil sa lakas ng kanyang pagkakasigaw.

Tingin ko ay maririnig pa ito ng mga kalapit bahay. Sana nga lang ay walang tao dito sa pinakamalapit na bahay, kung saan nakatira yung isang teacher namin sa Malaya.

"Cherry, kumalma ka nga." Pagod at iritadong sinabi ni Gray.

Hinahawakan nito ang kamay ni Cherry pero hinahawi lang ito ng huli.

"Ilang beses kitang tinanong! Ilang beses akong nakiusap sayo kahit hindi naman dapat. Pero wala kang ibang sinabi kundi magkaibigan lang kayo? Ano?" Tinulak ako nito ng isang beses. Napaatras ako. "Ano? Sumagot ka!"

Out frustration ay naitulak ako nito ng malakas, dahilan upang mahulog ang isa kong paa sa may irrigation.

Nadulas pa ako dahil may kalakasan ang rumaragasang tubig. Naituon ko kaagad ang aking kamay sa magkabilang gilid dahilan upang hindi ako tuluyan lamunin ng irrigation.

Nanakit ang mga binti at braso ko. Siguro ay dahil sa pagkakahulog ko.

Narinig ko pa ang pagmumura ni Gray bago ako daluhan doon. At dahil sa ingay ng tubig na dumadaloy, ay hindi ko iyon masyadong naintindihan.

At nandoon lang si Cherry, pinapanood akong mahirapan habang lumuluha.  I wish this scene can satisfied her. Alam ko na walang-wala ito sa sakit na nararamdaman nya. Pero sana manlang, sa pamamagitan nito. Maibsan yung sakit na naipadama ko sa kanya.

Mabilis akong inubo ng makalunok at may pumasok na tubig sa aking ilong. Mahigpit kaagad ang pagkakahawak sa akin ni Gray habang tinutulungan akong makaahon.

Mabilis akong napaupo sa tabi ng kalsada dahil sa pagod. Na kahit na iyon lang ang nangyari pakiramdam ko ay naubos ang aking lakas.

"Look at what you did Cherry! Nakasakit ka!" Masama ang tinging ipinukol ni Grayson dito.

Bumaling sa akin si Gray at kinuha ang paper bag na bitbit ko kanina. Hindi ko na namalayan na tumilapon pala iyon sa kung saan.

"Kulang pa yan sa lahat Grayson. Yung sakit na binigay nyo sakin? Hindi matutumbasan ng pisikal na sakit yung pinaramdam ninyo sa akin." Marahas nitong pinunasan ang kanyang luha.

Ibinalot ni Grayson sa aking katawan ang kumot na ginamit namin sa pagsisiping kanina. Bago ako inalalayang makatayo. Basang-basa ang katawan ko.

"Ano bang pinagsasabi mo? Anong pinagdadrama mo?" Sunod-sunod na tanong ni Gray kay Cherry.

"Ano? Magmamaang-maangan ka pa? Kita naman sa inyong dalawa na may relasyon kayo, tas itatanggi mo?"

Nasapo ni Grayson ang kanyang noo dahil sa frustration.

"Iniisip mo talaga na may relasyon kami? Hindi kita niligawan ng matagal Cherry para lokohin lang. At sa lalaki ka pa talaga nagdududa? Naririnig mo ba ang sarili mo?"

Tila isang asidong kumalat sa katawan ko ang mga salitang binitiwan ni Grayson. Kung kanina ay nilalamig ako, ngayon ay tila nagyelo na ako sa kinatatayuan ko.

Hindi sa hindi ko ine-expect to. Pero sobrang sakit pala talagang marinig. Yung kaninang masasaya naming mga moments. Yung paulut-ulit naming pagme-make love ika nga nya.

Akala ko lang kaya na nya. Na ipaglaban ako sa lahat, na kapag dumating ang oras na ito, ako na ang pipiliin nya. I give everything to him eh, so I'd expect too much. But, is everything not enough?

Nanliit ang mga mata ni Cherry. Halatang hindi naniniwala. Tinitigan nito si Gray na para isang malaking kasinungaling ang sinabi nito.

Hindi na ako makatingin ng maayos. Nag-uumpisa ng mamuo ang mga luha sa aking mata. How can someone love you and hurt you at the same time?

Kaya ng lingunin ako ni Cherry upang sa akin maghanap ng sagot ay nag-iwas kaagad ako ng tingin. Pinigilan kong tumulo ang mga luha.

Nasasaktan ako, pero hindi ko iyon aaminin. Hahayaan ko si Gray sa mga desisyon nya. After all, alam ko naman na magakakayos din kami.

"Hindi mo ako maloloko." Agarang sagot ni Cherry. "Nakita ko kayong naghalikan tas sasabihin kong walang kayo? Wag mo akong ginagawang tanga Grayson!"

Napapitlag ako sa biglaang sigaw ni Cherry. Mabilis kong inayos ang kumot na lumaylay dahil sa aking pagkakagulat.

Pagak na natawa si Gray dahilan upang kumunot ang noo ni Cherry. Ako naman ay natulala at hindi malaman ang sasabihin.

Nagawa nya pa talagang tumawa sa ganitong sitwasyon? Sabay nya kaming sinasaktan dito tapos ganito?

Anong klaseng plema ang meron sa utak ko para mahulog sa lalaking ito?

"Sweetheart, hindi ka ba nandidiri sa sinasabi mo?" Masuyo nitong hinawakan ang siko ni Cherry. Hinayaan ito ng huli at pinakatitigan lang si Grayson.

"Nakaakbay ako sa kanya kasi magkaibigan kami. May ibinulong lang akong kalokohan sa kanya kung yun yung kiss na tinutukoy mo. Diba brad?" Sabay baling nito sa akin.

Natataranta naman akong tumango. Hindi ko alam kung hanggang kaylan ko kayang magpakatanga dito. Magmukhang hindi nasasaktan kahit sobra-sobra ng nasasaktan.

"Ikaw lang ang mahal ko. Hindi ko pa ba yun napatunayan sayo?"

Sumisikip ang dibdib ko habang pinapanood kong marahang haplusin ni Grayson ang pisngi ni Cherry. Pero ang mga mata ng babae ay nakatingin lamang sa akin, pinapanood ang magiging reaksyon ko.

Pinanatili kong blangko ang aking ekspresyon. Takot na baka mahuli ang katotohanan.

Sa huli ay marahas na huminga si Cherry at hinawi ang kamay ni Gray na nakahawak sa kanyang pisngi.

"Bakit ka nandito? Ng mag-isa?" Madiin na tanong ni Cherry.

"Nag-aya si Maru. Eh hindi naman natuloy eh nakapaghanda na ako. Sayang naman kung hindi ako tutuloy kaya umahon akong mag-isa. Tapos naabutan ko tong kaklase mo doon, kaya nagkaroon ako ng kasama." Paliwanag nito. Tila bihasa na sa pagsisinungaling.

Umiling si Cherry. Binaling ang paningin sa akin. "Hindi pa rin ako naniniwala. Wala akong sapat na ebidensya ngayon kaya palalagpasin ko to. Sa oras na malaman kong niloloko ninyo ako, hindi ko na alam ang gagawin ko." Pagkatapos nito iyong sabihin ay tumalikod na ito at naglakad papaalis.

Natataranta naming dinampot ni Grayson ang kanyang mga gamit. Tinanggal ko din sa pagkakayakap sa akin ang kumot at nanginginig iyong inabot sa kanya.

Nang mag-angat ito ng tingin sa akin hinayaan kong makita nya kung gaano akong nasasaktan. Saglit syang natigilan at marahang tumayo ng tuwid.

Ngumiti ako kahit na ang puso ay puno ng hinanakit at sakit. Guilty ang itsura nito pero tila ayos lang sa kanya.

Nakapili na kaya sya? Si Cherry na ba talaga? Na mas pipiliin nyang ako ang masaktan kaysa sa nauna?

"Gamitin mo muna sa pag-uwi. Lalamigin ka." May pag-aalala sa tinig nito.

Mabilis akong umiling. Hindi na malaman kung para saan. Ayoko ng paniwalain ang sarili ko na nag-aalala sya sa akin. Sa ngayon ay tama na muna yung sakit. Ayokong umasa kaagad, pagkatapos ay dobleng sakit naman yung kapalit.

"Hindi n-na." Mariin akong napalunok ng may bumikig sa aking lalamunan. Mabilis na namuo ang luha sa aking mga mata. "Isa pa, magtataka sila Mama san galing tong kumot. Sasabihin ko na lang na nagpaulan sa party kaya ako nabasa."

Marahan itong tumango at tila sumang-ayon na sa aking sinabi. Tinanggap nito ang tuwalya at isinabit sa kanyang balikat.

Isang nag-aalalang tingin ang iginawad nito sa akin bago pa nagdesisyong magpaalam na.

"Mag-iingat ka sa pag-uwi." Tanging sinabi nito bago nagmamadaling tumalikod at umalis sa harapan ko upang sundan ang kanyang pinakamamahal na babae.

Hindi na nito nahintay ang aking pagtango kaya mag-isa nalang akong tumango, kahit hindi naman nya kita. Pinanood ko na lang sila sa malayo habang pinipigan ang sarile ko na mapaluha. Hindi ko kaylangang umiyak para malaman pa ang katotohanan. Nasa harapan ko na hindi ko lang kayang tanggapin.

Nang makalapit na kay Cherry ay mabilis nya itong inakbayan at hinila palapit sa kanya. Pero marahas lang na tinanggal ng babae ang kamay nito sa kanyang batok at pinaghahampas pa sa braso ni Gray.

Pinanood ko kung paanong tumawa si Gray na parang walang problema. Na parang wala syang iniwang tao dito na umaasa sa pagmamahal nya.

Sa ganoong kabilis na oras, nagkaayos na kaagad sila. Tingin ko ay ganun talaga kapag mahal mo. Kahit na may pagdududa, kahit na nakikita mo ng may mali. Isang hingi lang tawad ay tatanggapin mo na ulet ng buong puso.

Isa pa, ako naman talaga ang kontrabida sa love story nilang dalawa. Sinusubukang maagaw ang taong malabo namang maging akin.

Masisisi nyo ba ako na umasa? Kase nagpapaasa naman sya.

Maybe the love story that I want is like this. Full of complicated things to challenge myself. To challenge the person who's willing to give his heart to me. To test him so I can assure myself that there's a one person, who's willing to give his heart, wholeheartedly to me no matter what complicated my life is. Because that is love, you will love unconditional.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top