VEINTIDOS

Kahit na nakainom ako kagabi ay maagap pa rin naman akong nagising. Sakto lang para hindi ma lete sa eskwela. Kakaiba ang gising ko ngayon. Sobrang saya ko.

Dati hindi naman ako nagliligpit ng higaan. Pero iba ngayong umaga. Masyado akong masaya at nagawa ko pa talagang ayusin ang aking kama.

Nang makuntento ay kinuha ko na ang aking tuwalya at dumiretso na sa labas. Naabutan ko si Mama sa may sala at nagtataka pa ako bakit sya nandoon, dahil kadalasan ay wala na sya dito sa bahay ng mga gantong oras.

Maging si kuya Tom ay hindi nag-eehersisyo at tutok lamang ang paningin sa tv. Hanggang sa pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Napalayas nga pala si kuya Stefan.

Agad akong nakaramdam ng konsensya dahil imbes na malungkot din ako sa pag-alis nya ay heto ako. Nagawa pang maging masaya sa kabila ng mga nangyari kagabi.

Nang makalapit kay Mama ay tumungo ako para halikan ito sa kanyang pisngi. Napatalon pa ito sa gulat dahil sa ginawa ko.

Pero ngumiti nalang ako at binati sya ng magandang umaga. Si kuya Tom naman ay hindi manlang ako nagawang lingunin. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at dumitetso na sa banyo para maligo.

Gusto kong malungkot para kay kuya Stefan pero... Masyado akong kinakain ng saya para malungkot. Napabuntong hininga ako.

Hindi ko na lang ipapakita sa kanila na masaya ako para hindi na sila mainis sa akin. Tama! Yun na lang ang gagawin ko.

Lumabas ako ng banyo na naka-poker face lang. Nakita kong nilingon ako ni kuya Tom kaya kahit gusto ko ng ngumiti dahil naalala ko ang ginawa namin ni Gray. Ay hindi ko na lang ipinakita.

Mabilis lang akong nagbihis. Ewan ko ba, parang inaasahan ko ng susunduin ako ni Gray ngayon. Iniisip ko pa lang para na akong bulateng binudburan dito ng asin.

Paglabas ko ay poker face parin ako. Wala na si Mama sa sala at mabuti nalang ay nakita ko itong nagwawalis sa labas. Si kuya Tom naman ay kakatayo lamang para patayin ang tv.

Nilingon ako nito saglit at malalim na huminga at lumabas ng bahay. Ipinagkibit balikat ko na lang ulit iyon at ngumiti habang papasok ng kusina. Wala na, hindi ko na talaga mapigilan.

Nagtimpa lang ako ng kape at kumuha ng pandesal. Hindi pa naman ako late, pwede pa akong kumain dito ng matagal. Tsaka may maghahatid naman sa akin eh. Babe. Ahhhhh... Kinikilig talaga ako kapag naalala ko yung sinabi nyang yun.

Kaya naman nakangiti lang ako doon habang isinasawsaw ang pandesal sa may kape. Iniisip ko pa ngang ito ang pandesal ni Gray at kinakain ko. Rawr. Haha.

Nang mapansin kong papasok si Mama sa kusina ay nagpoker-face kaagad ako. Dumiretso ito sa may ref at kinuha ang pitsel at naglagay ng tubig sa may baso.

Nginitian ko si Mama at tumango naman ito at lumabas na sa may kusina. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain at naghanda na sa pag-alis pagkatapos.

Hindi ko na nahagilap si Mama at kuya paglabas ko kaya nagdiretso na lang ako sa pagpasok.

Nakaramdam ako ng pagkadismaya ng hindi makita si Grayson sa aming labasan. Okay lang naman yun, hindi naman nya sinabing susunduin nya ako. Siguro tulog pa yun dahil puyat sya kagabi.

Pero habang naglalakad pababa ay hindi ko pa rin maiwasang umasa na baka susunduin nya pa rin ako at makakasalubong ko sya sa gitna ng kalsada.

Pero nakarating na lamang ako sa paradahan ng tricycle ay wala pa ring dumating. Dismayado ako pero hindi ko dapat yun maramdaman. Tulad nga ng sinabi ko kanina. Wala syang ipinangako kaya wala akong dahilan para magtampo.

Parang iyon na ang pinakamahabang byahe ko sa tricycle ng mga oras na iyon. Lutang ang isip ko at iniisip ang mga posibleng dahilan kung bakit hindi ako nagawang sunduin ni Grayson.

Napansin ko na lang na tumigil na pala ang sinasakyan kong tricycle at ako na lang ang naiwang mag-isa sa loob. Nagtataka pa ang driver sa akin kaya naman mabilis akong bumaba at iniabot ang bayad ko sa kanya.

Papasok na sana ako sa school ng may marinig na pamilyar na tunog ng motor. Nakita ko ang kakarating lang na si Grayson. Habang nakasakay sa kanyang likuran si Cherry.

Tila doon palang ay alam ko na ang dahilan kung bakit hindi nya ako nasundo. Oo nga naman, hindi ako ang priorities. Hindi ako ang girlfriend. Well... Sinabi nyang gusto nya ako. Pero si Cherry ang mahal nya.

Huminga ako ng malalim at lumunok para humugot ng lakas na lagpasan silang dalawa. Nagtatanggal na ng helmet si Cherry. Samantalang wala namang suot si Grayson.

Hindi ko na lamang sana sila papansinin pero tinawag ako ni Cherry. Napapikit muna ako ng mariin bago humarap sa kanila.

Una kong nakita ang humihinging tawad na mga mata ni Grayson. Bago dumapo ang paningin ko kay Cherry na ngayon ay nakangiti sa akin.

Ngumiti din ako at pinigilan ang pait na namumutawi sa aking sistema.

"Sabay na tayo." Aya nito sa akin.

Binaling nito ang paningin kay Gray na ngayon ay nakatitig pa rin sa akin.

Nilingon lang sya ni Gray ng halikan nya ito sa may pisngi. "Una nako." Nakangiting paalam ni Cherry.

Hilaw na ngumiti si Gray bago ibinalik ang paningin sa akin. Binalot ng pangamba ang mukha nito. Nginitian ko na lang sya para iparating na okay lang. Kahit na nasasaktan na ako.

Ngumiti ako kay Cherry ng harapin ko ito. Sabay na kaming naglakad papasok sa loob ng School at iniwan ang nakatulalang si Grayson. Hindi ko na rin ito nilingon dahil nasasaktan lamang ako kapag naalala kong, sa kahit na anong bagay, hindi ako ang uunahin nya. Si Cherry. Sya ang dapat na unahin dahil sya ang girlfriend. Sya ang mahal.

May kasabay kaming ibang mga estudyante pero nanatili lang kaming tahimik. Walang nagsalita. Ngayon ko lang din napansin na malalim ang iniisip nya.

Ano na kayang mga nalalaman nya? Hindi ako sigurado pero sana naman wala. Natatakot kasi ako na baka bigla nalang mawala sa akin si Gray. Nag-uumpisa pa lang kami. At paniguradong hindi pa ganun kalalim ang nararamdaman nya sa akin. At sisiguraduhin kong palalalimin ko iyon. Para kapag dumating man ang oras na kaylangan na  nyang mamili, ay may pag-asa akong ako ang pipiliin nya.

Nauna syang humakbang pataas sa hagdan. May naalala na naman tuloy ako sa hagdan na ito. Nasa kalahating palapag na kami ng ikalawang palapag ng tumigil sya at lingunin ako.

Napatigil din ako sa paglalakad at pinagmasdan ang kanyang itsura. Puno ng sakit at takot. May halong inis at galit. Siguro alam na nya? Ano ba kasing nalalaman nya?

"Hinatid ka daw ni Grayson kagabi?" May pagtataka sa tinig nito.

Napalunok ako sa naging tanong nya at nakahinga ng maluwag. At least. Yun lang ang alam nya diba? Kaya pang pagtakpan.

"Ah..." Ngumiti ako. "Oo eh, nagpumilit kasi. Hindi na ako nakaangal sa kalasingan ko. Di ko naman namalayaan na hinayaan pala ako ni Peter kay Gray. Sorry ha?" May mapaglarong ngiti na namutawi sa aking mga labi.

Hindi ko alam pero hindi ko maiwasang gawin ang mga bagay na to. Siguro kaya kong gawin ang lahat para lang mapasakin si Grayson.

Napansin nya iyon kaya kumunot ang noo nito. "Hindi mo pa naman siguro nakakalimutan ang pangako mo diba?" Nagseryoso ito.

Tumango ako. Hinding-hindi ko yun makakalimutan. Pero hindi ko rin makakalimutan ang pangako ko sa sarile ko na isang sabi lang ni Gray na gusto nya ako ay gagawin ko ang lahat maagaw lang sya. Sa kung sino man ang nagmamay-ari sa kanya.

"Wag kang mag-alala. Hindi ko yun kakalimutan." Tila nakahinga ito ng maluwag sa narinig mula sa akin.

Ngumiti ito at tumango. "Mabuti. Sana tuparin mo." Inisang pasada nito ang buo kong katawan sabay talikod at lakad paakyat ng hagdan.

Naiwan naman ako doong hindi makapaniwala. Lumalabas talaga ang pagka-bitchy ng babaeng iyon. Pagak akong natawa at sumunod na sa kanya pataas.

Pagkapasok ko ng classroom ay nakita ko ang kakaibang tingin sa akin ng mga kaibigan ni Cherry. Siguro ay pinagchismisan nila ako kagabi? Sino kayang nagsabi sa kanila kay Cherry na hinatid ako ni Gray sa amin kagabi.

Mukhang napansin din iyon ng iba kong mga kaklase pero ipinagkibit balikat ko na lang. Wala naman akong mapapala kung papansinin ko pa hindi ba? Magalit sila pero wala naman silang alam. Kung ano man yung nakita nila kagabi, hanggang dun nalang yun.

"Kakaiba ang tingin sayo ng grupo nila Trish ah?" Usisa ni Peter.

Inilagay ko na ang bag ko sa may upuan at naupo. "Ewan? Dahil yata sa paghatid sa kin ni Grayson kagabi?" Binaling ko ang paningin ko sa kanya. "Ba't ba kasi hinayaan mo akong ihatid nun kagabi?" Sa kanya ko ibinaling ang sisi.

Kumunot ang noo nito. "Ikaw kaya ang may sabing sa kanya ka na sasakay." Pabulong nitong sinabi.

"Pero alam mo namang lasing ako kaya dapat mas pinigilan mo ako."

"Ang kulit-kulit din kasi ng Gray na yun eh." Inis nitong sagot.

Sasagot pa sana ako ng tumunog ang phone ko. Sinilip ko ito at nakita ko ang cellphone number ni Grayson. Di ko pa pala sya nalagyan ng pangalan.

Let's talk? Ang tanging laman ng text.

Napabuntong hininga ako at nag-angat ng tingin. Nakita ko kaagad ang mapagmatyag na mga mata ni Cherry sa akin, bago bumaba ang paningin  sa aking cellphone.

Itinago ko kaagad iyon at bumaling kay Peter. "Labas lang ako." Paalam ko dito at hindi na hinintay pa ang kanyang sagot.

Mabilis akong lumabas at saktong tumunog ang aking cellphone hudyat na may tumatawag. Mabilis ko iyong sinagot ng masigurong walang nakasunod sa akin.

Pumunta ako sa pinakang-dulo ng hallway at sumandal sa may railing. Diretso lang ang tingin ko sa kabilang dulo sa takot na baka may bigla nalang dumating at marinig ang aming pinag-uusapan.

"Hello." Problemado ang tinig nito.

"Gray." Naibulong ko.

"Sorry kung hindi ko nasabi sayo na hindi kita masusundo." Hingi nito ng paumanhin.

Malalim akong huminga at tumalikod at hinarap ang kabilang building ng mga grade 8 students. Nag-uumpisa na ang klase sa kanila pero sa amin ay hindi pa.

"Ok lang. Naiintindihan ko." Lumunok pa ako para lang mapaniwala ang sarile kong okay nga lang.

"Hatid kita mamaya sa inyo?" Medyo sumigla na ang tinig nito.

Gusto ko mang tanggapin ang alok nya, pero kaylangan kong mag-ingat dahil naghihinala na naman si Cherry sa amin.

"Wag na. Magta-tricycle nalang ako." Sagot ko kahit na hindi naman talaga ako nagta-tricycle kapagka hapon.

"Bakit?" Usisa pa nito.

"Wala." Nilingon ko ang aking likuran. Ng makitang walang tao ay muli na akong humarap. "Magtataka sila kung bakit mo ako ihahatid."

"Sabihin nating kaibigan kita."

Nasapo ko ang noo sa naging sagot nito. "Walang magkaibigan ang gumagawa nyan." Sagot ko dito.

"Edi tayo."

"Hindi pwede." Pinal kong sinabi.

"Franz." Nagmamakaawa ang tinig nito.

Napailing nalang ako dahil bumibigay na naman ako sa pagmamakaawa nya.

"Please..."

"Fine." Sabi ko kasabay ng malalim na paghinga.

Narinig ko pa ang pagsabi nito ng 'Yes' kaya naman napailing nalang ako.

Hindi naman na tumagal ang usapan namin dahil dumating na rin ang teacher namin. Pinutol ko kaagad ang tawag at dumiretso na sa classroom.

Hindi na nabaling sa akin ang paningin ng mga kaklase ko dahil kasabay ko sa pagpasok si Sir Harry.

Normal lang ang naging buong maghapon ko maliban nalang sa mapagmatyag na mga mata ni Cherry na wala yatang balak na tantanan ako.

Pero hindi ako nakakaramdam ng takot. Hindi ko alam kung bakit. Kaya naman ng mag-uwian ay nagpaiwan na lang muna ako. Paniguradong unang ihahatid ni Grayson si Cherry kaya sa may vegetable garden na muna ako.

Wala pang tanim doon. Palagay ko ay tataniman namin iyon pagka-January na. Pero binigyan na naman na kami ng assigned plot kaya bubunutan ko na lang muna siguro ng damo habang naghihintay.

Habang nagbubunot ay naabutan ako ni sir Guinto. Ang aming guro sa subject na Agri.

"Oh? Ang sipag mo ah." Lumapit ito sa akin. Dahilan upang makaramdam ako ng hiya. "Mabuti yan para bubungkalin mo na lang ang lupa."

Tumango nalang ako. "Oo nga po eh." Tangi kong sinabi.

Umalis na rin sya ng biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko kaagad iyon.

"Ba't ka nakikipag-usap dun?" Iritado nitong tanong.

Napalingon naman ako sa paligid at nakita ko sya na nakasandal sa isa sa mga poste ng canopy at nakatitig sa akin.

Kumunot ang noo ko bago dinampot ang aking bag na ibinaba ko kanina sa may damuhan.

"Eh ano naman? Teacher ko yun. Ano gusto mong gawin ko?" Tanong ko dito habang naglalakad papalapit sa kanya. Nananatiling nasa tenga ang cellphone.

Binaba ko na ang cellphone ng medyo makalapit na sa kanya. May mga nagpa-practice ng sayaw sa court ng makarating ako sa kinatatayuan ni Grayson.

Nanatili lamang ang tingin nya sa akin dahilan upang mailang ako at ibaling na lang ang paningin sa mga sumasayaw. Doon ay may namataan akong isang gwapong grade 10 student na halatang nahihirapan sa kanyang pagsayaw. Ito iyong nakita namin ni Ernalyn habang pauwi kami galing shooting. Hindi pa pala sila tapos?

"Kung kani-kanino ka na nga nakikipag-usap kung kani-kanino ka pa rin tumitingin?" Iritadong nitong sinabi.

Nilingon ko ito at pinagkunutan ng noo. "Ano bang problema mo?" Hindi ko mapigilan ang inis sa aking tinig.

Nakita kong nilingon kami ng ibang mga nagsasayaw pero hindi ganun katagal dahil hindi pa sila tapos sa pag-eensayo.

"Tss. Wala." Mabilis itong tumalikod at naglakad papaalis.

Nagtataka naman akong sinundan sya sa kanyang paglalakad. Half run ang ginawa ko para lang maabutan sya.

Hindi ko magawang mahawakan ang kanyang braso dahil may mga makakakita.

"Gray! Bumalik ka lang ba dito para magsungit sa akin ha?" Inis kong tanong sa kanya.

Tumigil ito sa paglalakad at iritado akong tiningnan. Tumigil din ako sa paglalakad at ipinakitang mas iritado ako sa kanya.

"Eh, ikaw kasi eh. Nandito na nga ako kung sino-sino pang tinitingnan mo." Nag-iwas ito ng tingin

Napanguso ako ng may mapagtanto. "Nagseselos ka ba." Nakangiti kong tanong. Nang-aasar.

Tumingin ito sa akin at nawala na ang pagkakakunot sa noo nito.

Mabuti na lang at lagpas na kami sa court kaya pwede ko na syang maasar.

"Ba't naman ako magseselos?" Masungit nitong sinabi at muling tumalikod at naglakad.

Ako naman ay hindi tumigil sa pang-aasar sa kanya hanggang sa makarating kami sa kanyang motor.

Tahimik ang paligid at may iilang sasakyan lang ang nadaan. I guess ako na lang pati yung mga nagsasayaw sa court ang natira sa school.

"Ba't ba ayaw mong aminin na nagseselos ka." Tumatawa kong sinabi.

Sumakay ito sa kanyang motor at inabot sakin ang itim na helmet. "Hindi nga ako nagseselos inis nitong sinabi.

"Kung di ka nagseselos ba't naiinis ka?"

Nilingon ako nito. Halatang naiinis ng talaga.

"Iiwan kita dito kung hindi ka titigil kakatanong." Banta nito sa akin.

Ngumuso naman ako at hindi nagpatinag. "Edi iwan mo. Hindi naman ako sasama sayo kung hindi mo sasabihing nagseselos ka sa akin."

"Bahala ka." Inis nitong pinagana ang makina ng kanyang motor at pinaandar papaalis.

Naiwan naman akong nakanganga doon at hindi makapaniwalang iniwan nga talaga nya ako. May biglang bumikig sa aking lalamunan at namuo ang luha sa aking mga mata. Unable to move sa kung ano man ang nangyari.

Sa inis ko ay pabagsak kong ibinaba ang helmet sa may bench sa harap ng school at naglakad papaalis. Kung hindi nya ako ihahatid, ay magji-jeep na lamang ako.

Nasa tapat na ako ng school ng elementary ng marinig kong may tumatawag sa pangalan ko. Hindi ko ito nilingon. Kilala ko na kung kaninong tinig ba iyon.

Narinig ko ang pagmumura nito at ang pagbaba sa kanyang motor para mahabol ako.

"Franz. Fuck!" Hinila nito ang braso ko at iniharap sa kanya.

Isang hawak nya lang natutunaw na kaagad ako. Biglang lumambot ang ekspresyon nito ng makitang tumulo ang luha ko sa aking mga mata.

Hindi ko na napigil. Sobra akong nasaktan sa ginawa nya.

Nagulat na lamang ako ng bigla ako nitong niyakap ng mahigpit. "Sorry." Bulong nito sa aking tenga.

Mabilis na dumapo ang aking paningin sa may covered court sa tabi ng barangay. Napansin kong may iilang taong naglalaro ng basketball doon ang napalingon sa amin.

Kaya mabilis kong itinulak si Gray at naglakad lalalayo.

"Franz... Kausapin mo naman ako. Sorry na." Wala na akong pakialam sa mga taong nakakakita sa amin. Hindi naman nila ako kilala kaya bakit pa diba?

Hindi pa man ako nakakalayo ay natigil na ako sa paglalakad sa narinig kong sigaw ni Grayson.

"Nagseselos na ako okay?" Frustrated nitong sinabi sabay hila ulet sa kamay ko.

Nakaramdam naman ako ng hiya ng lingunin kami ng mga matatandang dumadaan. But it seems walang pake si Gray sa kanila.

Kaya ako na lang mismo ang bumawi sa aking kamay at baka ma-issue pa. Pinunasan ko pa ang aking mga luha.

"Tara? Uwi na tayo?" Nag-aalinlangang tanong nito.

Tumango ako at hindi na nag-inarte pa. Napansin nitong wala na ang helmet kaya nilingon nya ako. Hindi ko sya tiningnan at nagpatuloy lang sa pagsakay.

"Ang helmet?" Sabi nito kasabay ng malalim na hininga.

"Iniwan ko sa bench." Tangi kong sinabi.

Tumango ito at pinaandar na ang kanyang motor. Nang makabalik sa tapat ng school ay tinigil nya ang motor para kunin ang helmet.

Hindi ako bumaba kaya sya ang kumuha. Akmang isusuot nya sa akin iyon ng pigilan ko sya. "Wag na."

Humugot ito ng malalim na hininga bago isinabit iyon sa hawakan ng motor. Hanggang sa makaalis kami ay nanatili lang akong tahimik.

Hindi nya kayang tagalan ang kakulitan ko. Kaya nya pa kayang tagalan ang isang tulad ko kung maging official man kami?

Yan lang ang namutawing tanong sa akin buong byahe.

___

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top