UNO

Franz
Grayson Pillas Salor sent you a friend request.

Yan kaagad ang nakita ko pagkabukas ko palang ng FB account ko.

Napaikot ako padapa sa aking pgkakahiga dahil sa nabasa. Parang kilala ko to ah. Ni-click ko ang photo nito upang makasigurado.

Sya nga! Sya ang boyfriend ni Cherry, ang kaklase ko. Napakagat labi ako sa nalaman. Lalo na sa larawan nitong kahit mukha lang ang kita ay alam mong topless naman.

Agad ko itong ni-confirm. At ganun din naman ang paggapang ng lungkot sa aking buong sistema ng makita ang bio nito.

Cherry Abad Solmerano.

Mabigat ang aking loob na nahigang muli sa aking kama. Tinitigan ko na lamang ang kisame habang nakahawak sa aking cellphone na nasa aking dibdib.

Hindi naman na lingid sa kaalaman ko ang aking kasarian. Alam ko sa sarili ko na umpisa palang, hindi talaga ako isang tunay na lalaki.

Although nagkakagusto rin naman ako sa mga babae, mas lamang nga lang ang sa lalaki.

Ewan ko nga ba kung anong meron sa mga kapwa ko lalaki at palagi akong nahuhumaling. Eh kung anong meron naman sila ay mayroon rin ako. Kaya bakit diba?

Halos maitapon ko naman ang aking cellphone sa sobrang gulat, ng biglang tumunog ito. May nag pop-up na message galing sa messenger.

"Aray!"

Nahimas ko pa ang aking ilong dahil bigla na lamang bumagsak ang cellphone sa aking mukha.

"Lagi na lang bang ganito?"

Naiinis kong kinuhang muli ang aking cellphone at dumapa nalang sa kama. Sino naman kayang nag chat sa akin?

Hmm. Si Laynes? Anong kaylangan nito?

Agad kong pinindot ang message nito at binasa.

'Tuloy ba tayo bukas?'

Napaisip naman ako  dahil doon. Anong meron bukas? Napaupo naman kaagad ako ng may maalala. Ako na nga pala ang tumatayong leader sa aming grupo sa isang short film na gagawin namin.

Dahil ang walang kwenta naming leader ay nang-iwan sa ere. Nagkaroon lang ng project nagkasakit na kaagad?

Agad akong nag-type ng message dito.

Oo tuloy tayo. Photoshoot muna, at editing. And in the next day. Start na ng shoot.

Nang ma-isend na ang message ay sakto namang bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Sumilip doon ang mukha ng aking nakatatandang kapatid.

"Kakain na daw. Lumabas ka na dyan." Inilibot nito ang paningin sa aking kwarto.

Agad naman akong bumangon at naglakad patungo doon at pilit na isinara ang pinto. Paano ba naman kasi. May idinikit akong poster ng hubo't-hubad na lalaki sa may salamin ko. Nakalimutan ko pang tanggalin.

"Oo na, susunod na ko. Mauna ka na dun."

Tiningnan muna ako nito ng naghihinalang tingin bago napagdesisyunang umalis. Napabuntong hininga naman ako ng tuluyan ko ng maisara ang pinto.

Mabilis akong pumunta sa harap ng salamin at tinanggal ang larawan. Jusme! Hindi ko naman ko kilala, bat ko ba to pinagnanasahan?

Ang ending? Tinapon ko nalang sa basurahan. Pinagpupunit ko muna para hindi halata.

"Nak! Maupo ka na at kumain na." Anyaya sakin ni Mama.

Ngumiti naman ako dito at naupo. Akmang kukuha na ako ng kanin ng bigla namang magsalita si Papa.

"Ang tagal mo yatang lumabas?" Tanong nito.

Kinakabahang nilingon ko ito habang nananatili sa ere ang kamay ko? Luh? Nagsususpetya na kaya to?

"Naku may tinatago yan dun kaya ganyan." Sabat naman ni Kuya Tom.

Sabay-sabay kaming napalingon dito. Ako naman ay napalunok. May nakita ba sya?

"Ano namang tinatago?" Pang-uusisa pa ni Papa.

Nagkibit lang si kuya. At binigyan ako ng pang-asar na tingin. Sa inis ko ay inangilan ko ito.

"Baka may girlfriend na?" Pang-aasar naman ni Papa.

Gulat naman na nilingon ko si Papa. Talaga bang yan naiisip nila? Gosh! Di pa ba ko halata? Kaloka.

"Naku malabo po yan." Singit naman ni kuya Tom.

Sumusobra na talaga tong kuya kong to. Nakakainis na.

"Naku magsitigil na nga kayo at kumain na." Saway ni Mama.

Napangiti naman ako sa sinabi ni Mama. Savior ko talaga si sya. Akmang kukuha na ulit ako ng kanin, ng bigla kong maramdaman ang pangangalay ng kamay ko. At doon ko lang naalala na kanina pa pala ito nakataas.

Sandale ko muna itong ibinaba at hinimas. Naku! Nakakainis naman kasi tong si kuya. Masyado akong pinapakaba.

Natatawa lang ang loko ng balingan ko ng tingin. Tinarayan ko nalang ito ng bonggang-bonggang at ipinagpatuloy ang unang ginagawa.

"Stefan. May problema ba?" Si Mama.

Napalingon naman ako sa tahimik kong kuya. Hindi naman to tahimik talaga. Slight lang. At nakakapagtaka na sobrang tahimik nya ngayon.

Nagugulat na napalingon ito kay Mama bago samin. At pilit na ngumiti.

"W-wala po. May naalala lang." Ngumiti pa ito ulet pero halata mong may hindi sinasabi.

Halatang hindi naniwala si Mama dito, pero hindi na nag-usisa pa. Samantalang napailing-iling nalang si Papa.

Natapos namin ang hapunan ng tahimik. Wala na kasing nagtangkang magsalita pagtapos nun.

Dumiretso na ako sa kwarto upang gawin yung script namin sa gagawing short film.

Binuksan ko ang laptop at nagsimula ng magtipa. Mabuti nalang may nagawang kwento na yung leader namin bago sya mawala. Dibale yung ending nalang ang poproblemahin ko.

Habang nagtitipa ay may naririnig naman akong nagbubulungan sa labas ng kwarto ko. At dahil sa ingay ng mga yun ay hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko.

Inis kong inilapag ang laptop sa aking kama at nagtungo sa pinto. Akmang bubuksan ko na ito ng marinig ko ang sinabi ni kuya Tom.

"Umamin ka na kasi kila Mama at Papa. Wala namang mawawala sayo eh. Mababawasan pa yang bigat sa dibdib mo."

Anong ibig sabihin nun?

Nagulat naman ako ng marinig kong humikbi si kuya Stefan.

"Hindi ganun kadali kuya, ang hirap."

"Wag kang mag-alala, lagi akong nandito okay? Hindi kita iiwan."

Yun na ang huli kong narinig. Naguguluhan akong bumalik sa kama. Nawalan nako ng gana na gawin pa yung script.

Ano bang pinag-uusapan nila? Tungkol saan ba yun?

Dahil sa aking pag-iisip ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako umaga na. Hay! Di man lang ako nakapag-toothbrush kagabi.

Bumangon kaagad ako dumiretso na palabas ng kwarto. Akmang tutuloy na ako sa banyo ng makita kong nagkakatuwan sila sa may sala. Maliban kay Mama na nagluluto sa kusina.

"Naku may binabae na pala ako ng hindi ko manlang alam?" Tumatawang sabi ni Papa.

Naguguluhan naman akong napatingin kay kuya Stefan, dahil sa kanya nakatingin si Papa.

Nakatungo lang ito at halatang nahihiya. Ano ba talagang nangyayari?

"Naku pa! Wag na kayong mangamba, may magtatayo pa rin ng bandera natin. Nandito pa ako oh?" Sabi ni kuya Tom habang ipanapakita pa ang muscles nya sa braso.

"Hindi lang naman ikaw ah? Nandyan pa si bunso."

Napapitlag naman ako sa kinatatayuan ko ng makitang nakatingin na pala sa akin si Papa. Nanginginig ang buong katawan kong iginala ang paningin sa kanila.

Nag-aalala ang tingin sa akin ni kuya Tom, samantalang ang kuya Stefan ay nananatiling masaya.

"Hindi pwedeng maging bakla ang nag-iisang Jr ko."

At tila doon lang pumasok ang lahat sa isip ko.

Eh ano bang magagawa ko? Bakla na ako.

Mapakla akong napangiti at pinigilan ang pagtulo ng aking luha. Inilagay ko pa sa likod ng aking gilagid ang aking dila para mapigilan ko ang namumuong emosyon sa aking katawan.

Nagkibit balikat nalang ako at dumiretso na papasok sa banyo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top