Tres
Tres
Buong klase akong naging lutang dahil sa kindat moment na yun. Hindi ako sigurado, pero parang sakin talaga yun. Haha.
Kahit medyo naging pangit ang umpisa ng araw ko. Bumawi naman ito ngayon.
Bigla naman akong napahawak sa noo ko ng maramdaman kong sumasakit iyon.
"Hindi ka na naman nakikinig sa akin Mr Marquez." Sigaw sa akin ni Mrs Galano.
Binato pala ako nito ng chalk. Paano ba naman kasi, namumuti na ngayon ang palad ko dahil sa ginawa nya.
Nilingon ko ang paligid ko. Parang gusto ko ng lumubog dito sa kahihiyan. Pinagtatawanan ba naman ako.
"Ikaw Mr Marquez umayos ka ha. Puro bagsak ang grades mo sakin tas nagagawa mo pang hindi makinig? Ang lakas din naman ng loob mo." Tuloy-tuloy na sabi nito.
Wala na akong ibang nagawa kung hindi makinig nalang, at isantabi muna ang aking kalandian. Pisti kasi eh.
Nang mag-uwian na eh tinipon ko na lahat ng kasale sa grupo ko. Isa pa sa mga dahilan kung bakit ko tinanggap ang pagiging leader, ay hindi nako kaylangan pang umarte.
Di bale anim lang kami sa grupo. Ako, si Mark, Rufa, Laynes, Ernalyn, at Cherry. Di ko na isinama ang leader naming wala namang kwenta. Although sya yung nagsulat nung kalahati nung story.
"Ang sabe kase, kaylangan daw may tig-isang picture yung mga characters. Pagkatapos nun yung pinakang-cover nung short film naman natin ang kukuhanan." Paliwanag ko sa mga ito.
Tumango-tango naman sila sa sinabi ko. Siguro hindi naman na magiging mahirap to since grade 11 na kami. Mas nakakaintindi at mas nakakaunawa na kami.
"Tsaka, I already posted our script sa group natin sa fb, sinabi ko naman kung anong pangalan ng character na gaganapan nyo. Kayo nalang ang bahalang tumingin at magkabisado."
Wala namang naging problema, at naintindihan naman nila ang mga gagawin. At since sa school ang setting namin, okay na yung uniform na suot nila.
Inumpisahan na namin ang pagpi-picture. Busy ang lahat sa paghahanda. Yung iba eh nagpapaganda pa, samantalang mini-makeup-an naman nila si Ernalyn na gaganap bilang multo.
Kasalukuyan ko ng kinukuhanan ng litrato si Mark, ng may biglang pumasok sa loob ng classroom namin. Natahimik kaming lahat at sinundan ng tingin kung sino ba iyon.
Ganoon na lamang ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng makilala kung sino ito.
Grayson...
Wala sa amin ang paningin nito, kundi na kay Cherry lamang.
Bigla namang nanlamig ang katawan ko ng ma-realize kong dadaan ito sa harapan ko upang malapitan lamang si Cherry.
Bago pa man ako makapaglakad papaalis ay nakadaan na ito. Tila ba bumagal ang ikot ng paligid ng nasa harapan ko na ito.
Kahit naka sideview sya dito sa pwesto ko, lumulutang pa rin ang kanyang kagwapuhan. Ang kayumanggi nitong kulay. Ang makinis nitong balat.
Makapal na mga kilay, na mayroong hiwa sa kanan. Matangos na ilong, may kaliiting panga, at ang may kalakihang labi na mapula.
It's just that. He's too goddamned perfect.
And his smell, it's soothing. Kahit na nasa malayo ako, naamoy ko pa rin.
Hanggang sa makalampas ito sa akin ay sinundan ko pa rin ito ng tingin. Napakaswerte mo Cherry.
Inilayo ko na ang paningin ko sa kanilang dalawa dahil nag-umpisa na silang magharutan sa harap ko. Nagpatuloy ulet kami sa ginagawa.
Pero hindi na ako makakilos ng maayos dahil para bang may nakatitig sa akin. Ayoko namang mag-assume at pinagpatuloy nalang ang ginagawa.
Naghanap pa ako ng mas magandang shot hanggang sa makuntento.
"Grabe ka naman kaarte Franz. Hindi ko akalain na nakakapagod din pala yung Photoshoot." Reklamo ni Mark habang hinuhubad ang polo nya.
Sandali akong napatitig dahil sa ginawa nito. Pero umismid din kaagad. Hindi nila maaaring malaman kung ano talaga ako.
"Dami mong reklamo, para rin naman sa grades mo to."
"Oo nga, puro ka reklamo. Eh hindi ka naman napunta kapag nagkikita-kita na." Sabi ni Rufa.
"May trabaho kasi ako."
"Oo na. Yan naman lagi mong sinasabi." Inis na sabi ni Rufa at ibinalik ng muli ang atensyon sa kanyang cellphone.
"Tama na yan. Baka mamaya magkainitan pa kayo." Saway ko dito.
Aba. Lagi nalang bang may bangayan kapag may groupings. Kala nila hindi nakakakabang pumagitna sa away. Aba nakakatakot kaya yun. Baka mamaya ako naman ang mapag-initan.
Binilang ko na lahat ng napiktyuran at isa nalang ang kulang. Si Cherry.
Nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko na ba ito kay Cherry o hindi na. Pero ang tanga ko naman kung hindi diba?
Dahan-dahan akong humarap sa gawi nilang dalawa. At ganun nalang ang gulat ko ng makitang nakatingin sa akin si Grayson.
Agad ko namang inayos ang sarile ko dahil sa kahihiyan. Ano ba naman yan, bat ba kaylangang mapaigtad pa?
I cleared my throat first, bago nagsalita. "Uhm... Cherry? Ikaw na ang sunod." Tawag ko dito.
Napalingon naman ito sa akin at natigil sa ginagawa nyang pagseselpon habang nakadantay sa balikat ng boyfriend nya.
"Oh? Ako na ba? Sorry." Dali-dali itong tumayo at pumuwesto sa harapan ko.
Ginawa ko naman ang lahat para hindi na mapatingin sa mukha ni Grayson. Piling ko kasi, nakatitig pa rin sya sakin. O assuming lang talaga ako?
Malamang sa girlfriend nakatingin, ano ba naman tong iniisip ko.
Kumuha ako ng ilang shots, at ewan ko ba. Wala akong mapili, naiirita ako. Nakakainsecure kasi na, kahit anong anggulo ang ganda pa rin nya.
"Ah, tayo ka dun ah. Sa malapit sa bintana. Katulad ng dating post ha." Utos ko dito.
Kasi jusko! Gusto ko syang makuhanan ng kahit isa manlang na pangit na shot.
Nang makapwesto na doon si Cherry, ay akmang pipindutin ko na yung capture button ng may maramdaman akong tumabi sa akin.
Hindi ko na sana papansinin ito dahil baka isa lang to sa mga ka-grupo ko. Kaso nga lang familiar yung amoy. Mabango na nanunuot sa ilong.
Natigil ako sa akmang gagawin ng maramdamang nakisilip ito sa camera.
Sobrang lapit ng mukha nito sa akin at nararamdaman ko na ang hininga nito sa pisngi ko. Na kapag luminga ako ay maaaring magdampi ang labi naming dalawa.
"Pangit ba lahat ng shots?" Tanong nito, medyo namamaos ang boses.
Halos matuod naman ako sa kinatatayuan ko ng maamoy ko ang hininga nito. Alam nyo yung amoy na parang meatloaf yung kinain nya? Ganun yung amoy. Nakakalasing na tipong mapapatayo nito yung mga utong mo sa dede.
Shet! Ano ba tong iniisip ko?
Mariin akong lumunok at sinubukang magsalita ng maayos.
"H-hindi naman. Naghahanap lang ako ng mas babagay sa theme." Sagot ko rito at bigla nalang pinindot ang capture button.
Nakita ko pa sa peripheral vision ko na tumango-tango ito. At bago pa man sya makapagsalita ay lumayo na ako dito at dumiretso sa mga kagrupo ko.
"Ayos na. Umuwi na kayo." Sigaw ko sa lahat.
Nagi-guilty ako kasi parang ang bastos ko naman ata kay Cherry? Dapat sinabihan ko rin sya na tapos na.
Lumapit sa akin si Ernalyn at sinilip ang camera.
"Ang gaganda ng shots ah." Papuri nito.
"Thanks." Tanging naisagot ko at iniligpit na ang mga gamit ko.
"Franz!" Tawag sa akin ni Rufa. Napalingon ako dito. "Kaylangan ba kabisado na namin lahat bukas? Ang dami nun eh." Reklamo nito.
Umiling naman ako at ngumiti. "Hindi. Diba per chapter yun?" Nakita kong napalingon sa akin lahat ng magsimula na akong mag-explain. Pero hindi ko na iginala pa ang paningin ko at itinuon nalang ito kay Rufa. "Chapter one lang muna, tapos sa sunod na araw na yung ibang chapter."
Nagsitanguan naman sila at nagsimula ng magligpit ng mga gamit. Ako naman ay inayos na ang camerang bitbit at isinabit na sa aking leeg.
Nagtatalo pa ang aking isip kung kakausapin ko ba si Cherry na, wag ng magdadala ng boyfriend bukas. Kasi nakaka-distract. O ako lang ang nakakaramdam nun?
Ako na rin naman ang tumatayong lider nila, so siguro meron akong karapatang sabihin yun diba? Pero anong idadahilan ko? Nadidistrak ako? Ako ba yung umaarte?
Sa huli ay napailing-iling nalang ako sa naiisip. Hindi sang-ayon sa nais mangyari.
Isinukbit ko na ang aking bag sa aking balikat at nilingon ang paligid. Kakalabas palang ng mag-jowa. Nakakapit pa sa braso ni Grayson si Cherry. How sweet.
"Hoy! Bilisan mo naman dyan. Ang bagal-bagal." Reklamo ni Ernalyn. Nasa pinto na ito at halatang hinihintay ako na matapos.
"Oo na, eto na nga." Naglakad na rin ako palapit sa kinatatayuan nito.
"Bagal-bagal." Rinig ko pang bulong nito.
Kumunot naman ang noo ko dito. Sino bang nagsabi sa kanyang hintayin ako?
Halos wala ng estudyante ng maglakad kami papalabas ng school. Merong iilan na nagpapractice ng sayaw sa may covered court.
"Ihh... Ang gwapo talaga nun oh." Bulalas ni Ernalyn sabay turo sa isang matangkad at maputing grade 9 student.
Well, gwapo nga. Pero hindi ganyan ang mga type ko. Moreno na may pagkasiga ang mga natitipuhan ko. Ayoko ng mga may pagka-good boy ang datingan. Tapos nasa loob ang kulo. Nakakatakot.
Nanatili nalang akong tahimik, dahil puno pa rin ang isip ko ng mga nangyari kanina. Ewan ko ba sa sarile ko, alam kong wala lang iyon sa kanya. Pero bakit nagkakamalisya sa akin?
Nang malapit na kaming makalabas sa School ay napansin kong nandoon pa rin si Grayson sa labas.
Ano naman kayang ginagawa nya dyan? Nasagot lang ang katanungan ko ng makita kong lumapit si Cherry sa kanya na may bitbit na isang basong fish ball.
Iniiwas ko na lang ang paningin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko talaga maiwasang hindi maging bitter sa tuwing nakikita ko silang dalawang magkasama.
Nakalabas na lang kaming dalawa ni Ernalyn sa loob ng school nandoon pa rin silang dalawa, kumakain ng fish ball.
"Uy, sakto. May jeep na." Tinapik nito ang balikat ko. "Una nako sayo." Tumawid na ito sa kabilang banda ng kalsada at pinara ang jeep na paparating.
Nginitian ko nalang ito ng hilaw ng mapagtantong kaylangan ko pa palang daanan ang dalawa para lang makauwi.
Nakaalis na ang jeep na sinakyan ni Ernalyn pero nananatili pa rin akong nakatayo doon. Ayoko ng umuwi.
Natauhan lang ako ng biglang tawagin ni Cherry ang pangalan ko.
"Franz," sabay subo ng isang fish ball, "sasakay ka rin ng jeep?"
Napangiti ako ng hilaw at umiling. Pilit kong iniiwasan na mapadapo ang aking mata kay Grayson.
"H-hindi." Utal kong sagot.
Mas nakakahiya pala yung ginawa ko. "Maglalakad lang ako." Nagsimula na akong humakbang upang makaalis na doon.
Ngunit bago ko pa man sila malagpasan ay narinig ko ng nagsalita si Grayson.
"Taga Niogan ka rin ba?"
Tumigil ako sa paglalakad at marahan syang tiningnan. Nakatitig lang ito sa akin habang ngumunguya at hinihintay ang sagot ko.
Pero ang puso ko. Sobrang lakas ng tibok. Sabayan pa ng kung ano mang tunatakbo sa loob ng aking tiyan.
"Oo eh." Napakamot ako sa batok ko. Hilaw na ngiti ang naibigay ko.
Napatango-tango naman ito at wala ng sinabi. Hinintay kong magsalita ito ulet, pero parang hanggang doon nalang talaga iyon.
Punyemas, parang ako pa yata ang napunta sa hot seats.
"Una nako?" Sabay turo sa daan patungo ng aking bahay.
Ngumiti sa akin si Cherry samantalang tumango-tango lang si Grayson habang nakatitig sa kanilang kinakain.
Mabilis akong tumalikod sa kanila at pikit matang humakbang papalayo.
Hays! Nakakainit ng pisngi yung boyfriend ni Cherry ha. Nakakagigil. Ako ang unang kinausap sya pa nawalan ng sasabihin.
Pero kinilig din naman ako sa isipin na, perpektong-perpekto sya sa tipo kong lalaki. HAHAHAHA.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top