TRENTA Y TRES

Umaga kinabukasan ay ramdam ko ang panlalamig ni mama sa akin. Ni hindi nga ako matingnan ng diretso sa mata.

Ibinilin nya pa nga kay kuya na ihatid sundo ako para lang makasigurong hindi ako makikipagkita kay Gray. Na imposibleng mangyari dahil wala naman kaming sariling motor o kaya ay tricycle.

Pero sabi ni Mama ay bago daw pumasok si kuya sa trabaho nito ay ihatid muna ako sa school. At kinausap pa nito ang kapit-bahay namin na may tricycle para lang sunduin ako sa hapon kapag uwian na.

Sa una ay nainis ako, pero naisip ko. Wala rin naman akong magagawa. Ang gusto ko lang naman ay lumamig ang ulo ni mama sa akin.

Maayos naman ang pakiramdam ko dahil sa mga napag-usapan namin kagabi ni Papa. Although alam ko na hindi pa hundred percent ang pagtanggap nya, pero alam ko na kaya nya akong suportahan sa lahat ng bagay.

Kaya heto ako ngayon, kasabay si kuya Tom sa pagbaba sa kabihasnan.

"Nakakainis ka talaga. Gawa-gawa ka ng kasalanan pati tuloy ako nadadamay." Bulong-bulong pa nito sa gilid ko.

Kanina pa ito naghihimutok dahil may date daw sana sya ngayon bago pumasok sa trabaho, pero mukhang malelate dahil sa paghatid pa sa akin.

Inismiran ko na lang ito at nagptuloy sa paglalakad. "As if naman may magagawa ka." Pang-aasar ko pa dito.

Binatukan ako nito dahil doon. "At mang-aasar ka pa ha."

Natigil ako sa paglalakad at masama syang tiningnan, hinimas ko pa ang likod ng ulo ko dahil medyo sumakit iyon.

"Ikaw..." Iyon pa lang ang nasasabi ay tumakbo na ito palayo sa akin. "Bwisit ka talaga!" Sigaw ko bago tumakbo para habulin sya.

Ngayon ay pinagsisihan ko tuloy ang ginawa dahil umagang-umaga ay pawisan na kaagad ako.

Napansin ko ang mga tingin sa akin ng mga kapwa estudyante. Nangangamoy na ba ako? Palihim ko pang inamoy ang sarile pero hindi naman.

Tsaka ko lang naalala yung eskandalong nangyari kahapon. Gusto kong sapuin ang sarileng noo ng mawala iyon sa isip ko. Paano ko makakalimutan iyon? Hindi ko tuloy naisip kung ano ang gagawin ko ngayong araw na paniguradong marami silang mga tanong.

Naglakad nalang ako ng diretso at taas noo para lang ipakita sa kanilang wala lang iyon sa akin.

"Diba yan yung mang-aagaw ng boyfriend?" Dinig ko pang tanong ng nasa di kalayuan sa katabi nitong nagwawalis.

"Oo sya yun, di naman gwapo at may kaitiman pa. Ba't kaya pumatol yung lalaki dyan?"

"Siguro malaki ang binibigay nyang pera kaya ganoon."

Hanggang doon nalang ang narinig ko dahil mas binilisan ko pa ang lakad para lang makaalis na ako doon.

Habang naglalakad sa may hallway ay kabado ako.  Ang tingin ng ibang estudyante ay puno ng pang-uuyam at panlalait. Para bang gusto ko na lang umatras at umuwi ulit.

Hindi pa man nakakarating sa aming building ay may naramdaman na akong humampas sa pwet ko. Mabilis na naghiyawan ang mga nakakita at ang iba ay tumigil sa mga ginagawa para lang makiusisa.

Tumigil din ako sa paglalakad para tingnan kung sino ang gumawa noon. Sa nanginginig kong katawan ay iniikot ko ang aking sarile patalikod. Nanlabo pa ang aking mga mata sa biglaang pamumuo ng luha.

I hate myself for being this weak. Konting galaw, konting asar. Naiiyak na kaagad ako.

"Uy, pare. Nilingon ka, gusto ka rin yata." Tukso ng isang maliit na freshman doon sa may katangkaran nyang kaklase.

Maangas na tumingin ito sa akin at lumapit. Ngumunguya pa ito ng bubblegum. Magsasalita pa sana ako pero naramdaman ko ang panginginig ng labi ko dahilan upang matigilan ako. Inikot ko ang paningin sa paligid para humanap ng kakampi. Pero tila iisa lang ang nasa utak nila, ang pagtulungan ako.

Maraming mga nagbubulungan at parang iisa lang ang pinag-uusapan, yung nangyari kahapon. Puno ng kantyawan ang buong paligid ng sulatan ng pentel pen ng lalaking lumapit ang aking suot na uniporme. I love you ang nakalagay.

Hindi ko yun namalayan ah! "Yan, may nagmamahal na sayo." Sabi nito sabay dura sa akin ng bubblegum na nasa bibig nya.

Tumalsik iyon sa aking pisngi bago pa man ako makaiwas. Dumikit iyon ng ilang sandali bago mabagal na nalaglag sa sahig. Muling napuno ng tawanan ang paligid.

Isa-isang lumapit sa kanya ang mga kaklase at hiniram ang pentel pen na hawak. Alam ko na ang gagawin nila. Kaya bago pa man sila makalapit sa akin ay mabilis akong tumakbo pero may pumatid sa paa ko dahilan upang madapa ako.

Puno na naman ng tawanan ang lahat. Nilingon ko kung sino iyon pero dahil sa dami nila ay hindi ko na iyon makita.

Ang dami-dami nilang sinasabi. Deserve ko daw to dahil mang-aagaw ako. Malandi. Bakla. Kaya hindi daw nirerespeto ang mga bakla dahil sa katulad kong makati at hindi makatiis ng walang titi.

Masakit ang tuhod ko at dibdib ng dahan-dahan akong tumayo. Nag-umpisa ng bumuhos ang luha ko. Pinunasan ko kaagad iyon at laking pasasalamat ko ng hindi na ulit nasundan pa.

Papatayo na sana ako ng maramdaman kong may bumuhos na mga tuyong dahon sa katawan ko, ang gumawa naman noon ay yung dalawang babaeng nakita kong nagwawalis kanina.

May iilan pang nagbato ng mga nilukot na papel sa akin. Well, sila naman maglilinis nito mamaya eh. Dinagdagan lang nila ang trabaho nila.

"Hoy! Ano yang ginagawa nyo ha?" Sigaw ng isang lalaki na nagpatigil sa hiyawan ng lahat.

Mabilis kong inalis ang dahon sa ulo ko at sa katawan ko ng maramdaman kong may humawak sa magkabilang balikat ko.

Napatingin ako dito at natulala ng makitang ito yung crush ko na laging pinapanood kapag may practice sila ng sayaw sa court. Nakasuot ito ng nerdy glass kahit na hindi naman sya nagmukhang nerd.

"Ayos ka lang?" Puno ng concern ang boses nito bago ako tinulungang makatayo.

Tumango ako ng makatayo na at tumungo nalang dahil sa kahihiyan.

"Kuya Reniel, lumayo ka dyan. Baka pagsamantalahan ka nyan." Sabi noong isa na sinang-ayunan naman ng lahat.

Hinarap nya ang mga ito dahilan upang mapaatras ang iba.

"Bakit ba yan ang iniisp nyo ha? Hindi porket nagawa nya yun ay masama na syang tao. Na pwede na nya yung gawin sa lahat. Palibhasa mga bata pa kayo kaya ang dali lang sa inyo ang manghusga."

Sigaw nito na syang ikinatigil ng lahat. Hiyang-hiya na ako. Hindi ko alam na  ang pagkakamaling ginawa ko ay ito ang magiging kapalit.

Sa takot na baka mapaaway pa ang lalaking nagtatanggol sa akin, ay mabilis nalang akong tumakbo papunta sa building namin. Narinig ko pang tinawag ako nito pero hindi ko na nilingon.

Hinihingal at namumuo ang luhang tinakbo ko ang hagdan patungo sa third floor. Natigil ako ng nasa second floor na ako at may marinig na mga lalaking nag-uusap. Kasabay ng pagtigil ko ang pagtigil din nila sa pag-uusap.

Agad na gumapang ang kaba sa akin ng seryoso nila akong tingnan. Napalunok pa ako habang dahan-dahang naglakad papataas. Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko ang paglapit ng tatlo. Napapikit ako ng mariin ng makatalikod sa kanila.

Pero hindi pa man nakakalayo ay halos mapatalon na ako sa gulat ng may biglang humampas sa pwet ko at hinimas iyon. Mabilis ko iyong hinawi at hinarap sila kahit na sobra na ang takot ko.

"Malambot nga mga pre. Siguro nilaspag na to ni Gray." Sabi nung isang halos matakpan na ang noo dahil sa bangs.

Napaatras pa ako ng isang beses ng may humawak naman sa kaliwang dibdib ko at mariing pinisil iyon. Napadaing pa ako ng maramdaman ang sakit sa ginawa nito.

"Malaki din ang suso." Hindi makapaniwalang sinabi nung matangkad na lalaking puno ng tagihawat sa mukha.

"Kasya na siguro ang yung titi nating tatlo sa butas nito." Sabay silang nagtawanan sa sinabi ng pinakang-maitsura sa kanila.

Nag-asaran pa sila sa harapan ko habang ako ay hindi na alam ang gagawin. Kaya naman ng magkaroon ng pagkakataon na makatakas sa kanila ay sinunggaban ko na. Narinig ko pa ang banta nila na aabangan nila ako mamaya sa paglabas at pupuwitan daw nila ako sa may sementeryo.

Akala ko ay doon na nagtatapos ang pagkapahiya ko. Pero sa pagpasok ko palang sa classroom ay bulungan kaagad ng mga kaklase ko ang narinig at nakita ko.

Hindi ko manlang nakitaan ng katuwaan sa mukha si Cherry kahit na ang mga kaibigan nito ay sobrang satisfied sa mga nangyayari sa paligid. Galit, iyon lang ang makikita mo sa kanya.

Nakakapagod ang umagang ito para sa akin. Kaya kahit na mahirap na magpatuloy sa paglalakad para maupo sa dati kong inuupuan ay patay malisya nalang akong nagpatuloy.

Medyo lumakas ang loob ko na magpatuloy ng makita ko ang nakangiting mukha sa akin ni Peter. Kaya imbes na pansinin ang mga kaklase ay si Peter nalang ang tiningnan ko.

At dahil focus nga lang ako sa kaibigan, ay hindi ko napansin na may nakaharang na palang paa sa daraanan ko. Mabilis akong bumagsak at napaluhod sa sahig dahil sa nangyari. Napuno ng tawanan ang buong silid dahil sa nangyari sa akin.

Naramdaman ko ang kirot at sakit sa tuhod ko pero wala manlang tumulong sa akin kahit na isa.

"Hoy! Ano ba kayo, wag nyo ngang inaaway ang ka federasyon ko." Boses ni Laynes.

Inangat ko ang tingin ko dito, nasa likod na nya si Peter.

Nakangiti ito sa akin, pero hindi ko makita ang concern sa mga mata nito. Nang-uuyam pa kung pamamasdan mo.

"Akala ko talaga straight yan, babakla-bakla lang kumilos. Pero yun naman pala bakla talaga." Si Mark sa bandang likod.

Nagpalit-palitan sila ng mga akala nila tungkol sa akin. Mukha lang daw pala akong mabait pero demonyo pala talaga daw ako. Ang iba naman ay alam na daw nilang bakla ako hinihintay lang nila ang pag-amin ko.

Ni isa sa kanila wala akong makitang kumampi sa akin. Kahit na yung mga naging kagrupo ko sa shoot, lahat sila masama ang tingin sa akin.

Tinulungan akong tumayo ni Laynes. May tuwa sa mga mata. "Ikaw ha, di mo sinabing kaisa ka sa amin."

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makalaban. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang ipagtanggol ang sarile. Kaya naman laking pasasalamat ko ng dumating na ang first subject teacher namin. Mabilis na umayos ang mga kaklase ko gayundin ako.

Kita ko ang paghingi ng paumanhin ni Peter sa kanyang mga mata. Nginitian ko na lang ito para iparating na ayos lang.

Naging tahimik ang klase dahil medyo istrikto ang teacher naming iyon. Yun nga lang ng nag recess na ay muling umingay ang paligid. Nagugutom na ako pero wala akong balak na bumaba.

"Canteen?" Aya ni Pete habang nagliligpit ng kanyang gamit.

Tahimik akong nagligpit habang nakaupo. Tumingin ako sa kanya at umiling. "Next time na lang." Magtutubig nalang ako.

"Papabili ka?"

Nakagat ko ang sariling labi sa alok nya. Nahihiya man ay tumango ako at nagbigay ng pera. Hindi na kaylangan pang sabihin kung ano ba ang gusto ko dahil kabisado na naman nya iyon.

Naging mahirap sa akin ang maghapon. Marami sa mga kaklase ko ang namamahiya sa akin sa gitna ng klase. Kapag sasagot at tatayo ay biglang may hahawak sa pwet ko at tutusukin iyon.

Napapalunok nalang ako habang tinatampal paalis ang kamay nito. Mahina silang magtatawanan bago muling babaling sa nagtuturo kapag naupo na ako.

Sa nagdaang mga taon, isa lang ang napatunayan ko. People's change their way of respect to you when they know your secret. Kasi kahit na gaano ka man kabait sa kanila, walang binatbat yun kapag nalaman nila ang sikreto mo.

Madali lang manghusga kung ibang tao ang huhusgahan mo. Kasi wala ka namang pakialam sa nararamdaman nila eh. Madali silang tuksuhin at alipinin kasi wala ka namang obligasyon sa kanila. Pero hindi kasi nila alam na yung taong tinutukso nila, inaasar nila. Sobra ng nahihirapan.

Hindi ko alam kung makakahinga ba ako ng maluwag ng tumunog na ang bell hudyat na uwian na. Hindi na muna ako nagligpit at hinintay na munang matapos ang mga kaklase. Piling ko na trauma na ako sa nangyari kanina.

"Tara na." Aya ni Peter.

"Hindi na, mauna ka na. May gagawin pa ako." Sabi ko ng makitang kaming dalawa nalang ang nasa loob.

"Natatakot ka bang bumaba?"

Nagulat ako sa diretsahang tanong nito. May alam kaya sya sa nangyari kanina?

"H-hindi." Tumawa pa ako tsaka tumayo. "May gagawin lang talaga ako." Mas maayos ko ng sinabi.

Kita ko pa rin ang pagdududa sa mga mata nito. Pero sa huli ay huminga nalang ito ng malalim. "Franz," tinapik nito ang balikat ko, "nandito lang ako palagi para sayo. Sana alam mo yan."

Hinawakan ko ang kamay nitong nakapatong sa balikat ko bago ibinaba at kinulong ng dalawang palad ko.

"Alam ko. Salamat." Ngumiti kami sa isa't-isa bago sya tuluyang lumabas.

Ang malamang may isa akong tunay na kaibigan ay nagpapataba sa aking puso.

Nang mapag-isa na sa loob ng classroom ay tsaka lamang ako nagligpit ng gamit. Sa sobrang tahimik ay tanging paghinga at tunog ng mga ball pen at papel lang ang maririnig.

Kaya naman mabilis ang pag-angat ng tingin ko ng makarinig ng tunog ng takong papalapit sa akin. Hindi kaagad ako nakapagsalita  ng makitang si Cherry ang tumigil sa harapan ko habang may yakap na dalawang libro sa mga braso.

Pagod at seryoso itong nakatingin sa akin. "Kaylan ka ba talaga titigil?" Naluluha nitong tanong.

Pinagpatuloy ko ang pagliligpit sa mga gamit ko. Walang balak na sagutin ang tanong nya.

"Tinatanong kitang bakla ka." Sigaw nito sabay hawi sa mga gamit ko na nasa arm chair dahilan ng pagkakatapon ng mga ito sa sahig.

Bumilis ang paghinga ko habang pinagmamasdan ang nagkalat kong gamit sa sahig. Sa inis ay mabilis ang naging pagtayo ko dahilan upang maglebel ang aming paningin.

May luha na ito sa pisngi habang ako ay mabilis ang paghinga dahil sa pinipigilang galit

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo kaya hindi talaga kita masasagot." Pilit kong kinalma ang tinig kahit na gustong-gusto ko na talagang sumabog.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit ko gayung wala naman akong karapatan. Marahil ay dahil sa mga kahihiyang natamo ko dahil sa pamamahiya nila sa akin kahapon.

Sa bilis ng kilos ni Cherry ay hindi ko na namalayan na nasampal na pala ako nito. Nanatili sa kanan ang aking mukha dahil sa lakas ng kanyang sampal.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo. Nagsasawa na akong makiusap at maniwala sa mga kasinungalingan mo." Sigaw nito sa akin.

Inayos ko ang sarile ko at matapang syang hinarap.

"Kung makapangbintang ka kala mo naman may ebidensya ka. Sawang-sawa na ako sa mga panbibintang mo, pati buhay ko sinisira mo—" hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ay sinampal na ako nitong muli.

At dahil hindi ko na nakayanan ang galit ay mabilis akong humarap at sinampal din sya.  Pero hindi sya nagulat doon kaya muli na naman nya akong sinampal.

"Ang kapal ng mukha mong sampalin ako eh kabit ka lang naman."

Nakahawak sa kaliwang pisngi, hinarap ko sya. Namumuo na ang luha sa mga mata.

"Kung hindi mo kayang layuan ang boyfriend ko, ako mismo ang maglalayo sayo sa kanya. At kung hindi ka pa rin talaga lalayong animal ka. Ilalagay na kita sa putik dahil kasindumi naman ng pag-uugali mo iyon." Madiin nitong sinabi.

"Bakit? Sa ginagawa mo? Sa tingin mo ang bait-bait mo? Sa ginagawa mo sakin? Sinisira mo yung pagkatao ko. Dahil sayo ang sama-sama na ng tingin ng iba sa akin. Dahil sayo nahihirapan ako. Dahil sayo—"

"Bakit? Hindi mo ba deserve? Deserve mo lahat yan dahil malandi ka. Kahit ilang beses mong  itanggi. Halatang-halata naman kayo eh. Pinapangarap mo yung taong kahit kaylan hindi naman magiging sayo." Sa sobrang frustrated nito ay muli na naman itong naluha.

Umiling-iling ako. Hindi naniniwala kahit na ang kalahati ng isip ko ay nagsasabing totoo nga yung sinasabi nya. Masakit para sa akin na marinig ang katotoohanan. Na para bang ngayon palang sinasabi na tumigil na ako sa kahibangan ko. Na wala na akong pag-asa at hayaan na lang ang dalawa na maging masaya.

Pero may parte ng pagkatao na hindi pumapayag. Na hanggat hindi ako sinusukuan ni Grayson, lalaban lang ako. Magmamahal ako kahit sobrang hirap na. Yun naman ang mahalaga eh. Yung lumaban ka habang pinaglalaban ka din ng taong mahal mo.

"Mahal nya ako." Napalunok ako ng mariin sa sinabi. Kita ko ang gulat sa mga mata ni Cherry sa pag-amin ko. "Sabi nya ako ang mahal nya," sa muli kong paglunok ay ang pagtulo ng luha sa mata ko, "nangako sya sa akin na ako ang pipiliin nya. Naniniwala ako sa kanya." Parang kinumbinsi ko na lang amg sarile sa huling sinabi.

Napailing-iling si Cherry sa narinig. "Umamin ka rin." Kahit na matapang ang pagkakasabi ay dumaan pa rin ang sakit sa mga mata nya. "At talaga naniwala ka sa mga pangako nya? How stupid." Tumawa pa ito.

"Kasi yun ang totoo!" Sigaw ko sa kanya dahilan upang masampal na naman ako nito.

"Putangina! Gago ka talaga." Hindi na ako pumalag ng sabunutan ako nito. Kung ano-ano ng mura ang sinasabi nito aa akin.

Nang mapaluhod sa harapan nya tsaka lang sya tumigil. Tumalikod ito at humakbang ng mga ilang hakbang bago tumigil.

Sa sobrang sakit ng dibdib ko ay hinawakan ko ito at halos mapunit na ang polo ko sa higpit ng pagkakahawak ko dito.

"Mahal ka? Ha? Kung mahal ka dapat nung una palang iniwan na ako." Sigaw nito sa akin nang muling humarap habang naglalakad palapit sa akin. "Eh nananatili kang kabit hanggang ngayon. Tapos maniniwala ka sa pangako nya? Hindi mo man lang ba naisip na baka parausan kalang? Kasi yun yung bagay na hindi nya magawa sa akin na mabilis mo lang maibigay kasi nga makati ka. Kahit kaninong titi yata ang ihain sayo kakainin mo. Mapa senior citizen man o sa pangit na lalaki. Kasi ganun ka kasabik. Ganun ka kababa." Dire-diretso nitong sinabi na halos hindi na ako makaangat ng tingin sa kanya.

Masakit yun. Pero hindi ko magawang maipagtanggol ang sarili ko. Wala na akong lakas para gawin pa iyon.

"Ang taas na ng tingin mo sa sarile mo porket pinatulan ka? Nakakaawa ka. Niloloko ka na nga naniniwala ka pa?"

Narinig ko ang pagsinghot nito dahilan upang lingunin ko sya.

"Makita lang kitang kasama ang boyfriend ko, tatanggalan na talaga kita ng mukha." Banta nito bago dinampot ang mga gamit nya na nalaglag kanina.

Hindi ko kaya, ngayon palang na iniisip ko na lalayuan ko si Grayson hindi ko na kaya.

Nang makuha ng lahat ni Cherry ang kanyang gamit ay tumalikod na ito sa akin at nag-umpisang maglakad papalabas ng classroom.

Sa sobrang kadesperaduhan ko na kay Gray ay mabilis ang naging pagtayo ko para lang mahabol si Cherry. Hinawakan ko ang kamay nito at iniharap sa akin.

Inis ako nitong nilingon kahit na bakas pa rin ang pagluha.

"Nag-Nagmamakaawa ako sa-sayo, hindi ko kaya Cherry. Mahal ko ang boyfriend mo." Hindi na ako matigil ngayon sa paghikbi at pag-iyak. Kahit na anong pigil ko sa luha ko ay para itong gripong sira na hindi na matigil sa pagpatak.

Namamangha at naiirita ako nitong tinitigan. "Hindi ka naawa sa akin, pero gusto mong kaawaan kita? Ganun?" Isang malakas na sampal ang binigay nito sa akin. "Layuan mo ang boyfriend ko. Tapos ang usapan."

Umiling ako, at kahit na nanginginig ang tuhod ay pinilit kong lumuhod sa harapan nya. Mapagbigyan lang ako na huwag layuan si Grayson.

Nakita ko ang pagak nitong pagtawa dahil nakatingala lang ako sa kanya habang lumuluhod. Muling namuo ang luha sa mga mata nito samantalang ang sa akin ay walang tigil sa pagbuhos.

"Mahal ko sya, please lang. Hindi ko kaya. Akin na lang sya. Maganda ka naman, marami ka pang mahahanap na iba."  Sinubukan kong hawakan ang paa nya pero sinisipa nya lang ang mga kamay ko palayo.

"Nababaliw ka na." Bulong nito. "Hindi na tama yang pagmamahal mo. Ang dami mong nasaktan. Sa tingin mo, kung gusto nang Diyos ang relasyon nyong dalawa kaylangan mo pa bang lumuhod sa harapan ko? Tingnan mo ang nagawa ng pagmamahal mo kay Grayson, luluhod ka sa harapan ko para lang makuha mo sya? That's not healthy. Tigilan mo na to, Franz please?" Pagod nitong sinabi.

Pero umiling lang ulit ako. Kahit na anong gawin ko, hindi ko talaga kaya.

"Bigyan mo ako ng pagkakataon na maagaw sya sayo. Please, wag ganto. Akin na lang. Isang pagkakataon lang." Nagkakabuhol-buhol na ang sinasabi ko. Buhol-buhol na rin ang utak ko.

Ang iniisip ko na lang ngayon ay kung paano ko makakausap si Grayson para gumaan naman ang pakiramdam ko. Gusto kong makita ang mukha nya para umaliwalas naman ang pakiramdam ko.

"Kahit na bigyan kita ng pagkakataon na maagaw sya. Hindi pa rin sya mapupunta sayo. Mag-aaksaya ka lang ng oras at panahon mo. Sa akin sya babalik dahil dadating ang panahon na magsasawa din sya sayo." 

Umikot na ito at akmang aalis muli pero hindi ko hinayaan. Halos yakapin ko na ang paa nya wag lang syang makaalis.

"Ano ba?" Sigaw  nito sabay tadyak sa akin.

"Parang awa mo na, isang pagkakataon lang. Cherry, isa lang."

Sa mga oras na iyon, wala na akong tinira para sa sarile ko. Kahihiyan ko. Ang pride ko. Ang gusto ko lang mangyari ay mapagbigyan ang gusto.

Na maagaw si Grayson sa kanya kahit na wala namang kasiguraduhan ang gagawin ko. Ganun ko na sya kamahal. Ganun na ako kahulog sa kanya na tipong hindi ko na kayang umahon sa pagkakahulog.

Kaya naman ng pumayag si Cherry sa gusto ko ay wala ng paglagyan ng saya ang puso ko. Kahit na madurog pa ang puso ko sa mga mangyayari titiisin ko.

Titiisin ko ang lahat basta para sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top