TRENTA Y CUATRO
Ilang araw na ang lumipas simula noong huling pag-uusap namin ni Cherry. At ngayon, katulad ng mga naunang araw pagod akong umuwi.
Syempre hindi pa rin natigil ang mga panlalait at pang-aapi nila sa akin. Hindi iyon nakakarating kila mama at papa.
Si mama ay medyo gumaan na ang loob sa akin habang si kuya Tom ay minsanan nalang umuwi dahil sa trabaho. Ramdam ko tuloy ang pag-iisa ko sa bahay dahil hindi naman ako gaanong pinapansin ni mama, si papa ay palagi pang wala sa bahay dahil may trabaho din.
Hindi ko pa rin nakikita si kuya Stefan. Nag-aalala ako sa lagay nya pero tingin ko naman ay ayos lang sya kung nasaan man sya.
Pabagsak akong nahiga sa kama dahil sa pagod sa maghapon. Medyo nakasanayan ko na rin naman ang mga pang-aasar nila sa akin kaya hinahayaan ko na lang. Mabuti na lang at sabado na bukas at makakapagpahinga naman ako sa mga panlalait nila.
Tumunog ang cellphone ko sa may bulsa ng pantalon hudyat na may nag text. Kinuha ko ito at napangiti ng makitang kay Grayson iyon galing. Grayson ko. Yan ang ipinangalan ko sa kanya sa phone book ko.
Grayson:
Nakauwi ka na?
Mabilis akong nagtipa ng mensahe, nangingiti pa rin.
Ako:
Oo. Ngayon-ngayon lang.
Ako:
Ikaw nakauwi ka na?
Tanong ko dahil naalala ko na pumunta nga pala syang airport kaninang tanghali dahil ngayon ang uwi ng kuya nya galing abroad.
May dumaan pang pait sa akin ng maalala rin na kasama nya si Cherry ngayon doon. Pabida kasi. Kaya naman nabawasan ang may galit sa akin sa school kanina. Paano kaya to nakapuslit ng text ngayon?
Grayson:
Pauwi na kami
Ako:
San ka nagte-text?
Hindi ko na napigilang itanong.
Grayson:
Cr
Hinayaan ko na lang iyon at hindi na muling nagreply pa. Baka mamaya mahuli pa sya ni Cherry at masumbong pa sa kuya nya. Ang laking problema pa noon.
Simula ng pumayag si Cherry sa gusto kong mangyari ay araw-araw na itong nagpapasundo kay Grayson. Piling ko nga inaantay pa ako nitong umalis din bago sya umalis para lang ipakita sa akin na sya ang sinasabay ni Gray.
Pero hindi naman ako affected kasi hindi rin naman ako makakasabay kay Gray kung sakali dahil may sarile naman akong sundo.
Nagpalit nalang ako ng damit at lumabas ng kwarto para sana makapag-muni-muni sa labas ng bahay. Wala pa si Mama at kung nandito man sya ay wala akong lakas ng loob na tanungin sya kung saan sya galing o kamusta ang lakad nya.
Naupo ako sa may upuan sa may labas habang hawak ang cellphone.
Aaminin ko, nitong mga nakaraang araw gumaan ang pakiramdam ko magmula ng payagan ako ni Cherry. Na parang kahit na sobrang dami ng nambubully sa akin ay ayos lang atlis inspirado ako.
Hindi ko na nga masyadong iniisip ang mga nambubully sa akin hindi katulad noong una na halos iyakan ko na.
Natawa nalang ako ng maalala ko na naman ang mga iyon.
Natigil lang ako sa pagngiti ng makita ang pagdating ni Mama na may dalang bayong. Mabilis akong tumayo at ng makalapit sya'y nagmano ako. Hinayaan naman nya ako pero hindi na pinansin at nagdire-diretso nalang papasok.
Napahinga nalang ako ng malalim at sinundan ng tingin ang pinasukan nya. Hindi pa rin pala malamig ang ulo sa akin ni mama.
Dahil wala namang magawa sa bahay naglakad-lakad nalang ako sa paligid. Maging dito ay iba ang tingin ng mga tao sa akin. Nahihiya lang sigurong magtanong dahil hindi naman kami close. Siguro may alam din 'tong mga to sa nangyayari sa buhay ko.
Nagpunta na lang ako sa taas sa may dulo ng kalsada sa lugar namin kung saan ko unang nakita ang abs ni Grayson. Kinilig pa ako sa naalala.
Naupo ako doon at tinitigan ang papalubog ng araw. Hindi ko alam kung bakit sa ganda ng sunset e tinatamad akong panoorin ito araw-araw. Hindi lang siguro ako fan ng nature.
Halos mapatalon pa ako sa gulat ng marinig na may tumatawag sa akin. Tiningnan ko ang cellphone ko at ng makitang si Gray iyon ay napangiti na kaagad ako. Mabilis ko iyong sinagot at nilagay sa tainga ang cellphone.
"Hello." Pigil ang ngiting sinabi ko.
"Di ka nakapag reply?" Maingay sa background nito. Palagay ko'y nakauwi na sila dito.
"Nakauwi na kayo?" Pag-iiba ko sa usapan. Alangan namang sabihin ko na baka mahuli sya ni Cherry. Ma-offend ko sya.
"Hm. Kanikani lang." How cold. "Bat nga hindi ka na nag-reply?" Balik nito sa tanong.
Umirap na lang ako sa kawalan at mukhang hindi ito titigil hanggat hindi nakakakuha ng sagot.
"Akala ko kasi busy ka na. Tsaka nagbihis ako ng damit." Kunwari ay pagalit kong sinabi ng matigil na sya sa pangungulit.
"Hindi naman kita itetext kung busy ako." Aw, that hurt.
"Akala ko lang okay." Natatawa kong sinabi.
"Magpapainom yata ito si kuya ngayong gabi. But I won't get drunk. May ibibigay ako sayo mamaya." Nawala na ang pagkaseryoso sa boses nito.
"Bakit mamaya? Baka hindi na ako makalabas mamaya." Sa higpit ba naman ni mama makalabas pa kaya ako.
"Saglit lang naman to. Iaabot ko lang tas pwede ka ng umuwi." Pilit nito.
Kung iaabot nya, bawal dito. Baka makita kami ng mga kapitbahay, paktay ako lalo.
"Magkita na lang kaya tayo. Mamaya? Kapag naka-tyempo ako dito." Kinagat ko ang labi dahil sa suhestiyon.
Basta para talaga sa lalaking ito handa kong suwayin ang magulang ko. And that's unfair. Pero wala akong magagawa, nagmahal ako sa murang edad eh.
"Sige, saan naman?"
"Sa may new road nalang. Malapit dyan sa inyo?"
Malayo iyon kung tutuusin. Tabing lawa na iyon. Dulo na kumbaga. At ngayon ko lang din napansin. Ang layo pala ng agwat naming dalawa.
"Malayo dito. Tsaka gabi ka na pupunta, delikado." May pag-aalala sa tinig nito.
Napangiti ako dahil lang doon. Ito yung tingin ko na hindi ko na mahahanap pa sa ibang lalaki. Para bang ngayon ibinigay ng Panginoon ang great love ko. Kaya dapat hindi sayangin ang pagkakataon at sunggaban kaagad dahil baka makawala pa.
"Hindi naman siguro." Mahina kong sinabi.
Narinig ko ang malalim nitong paghinga sa kabilang linya. Nakagat ko ang labi ko dahil alam kong frustrated na ito ngayon.
"Susunduin nalang kita dyan."
Iyon nga ang napagplanuhan. Susunduin nya ako dito at sa New Road na nya ibibigay ang kung anuman ang ibibigay nya. Pwede naman na nyang iabot pagkasundo nya sa akin mamaya tas pwede na kaming hindi pumunta sa may New Road.
Pero siguro kagaya ng gusto ko, gusto ko rin magkaroon ng quality time kasama sya. Ilang araw din kaming patingin-tingin lang sa isa't-isa ha.
Sa sobrang excited ay bumaba na ako para maihanda kung ano ba ang susuoting damit mamaya sa pagkikita naming dalawa.
Nasa may kusina si mama pagkadating ko kaya hindi napansin ang hindi na maitagong ngisti sa aking labi.
Balak ko na magsumbrero para hindi ako makilala kung sakali man. Tas jacket kasi malamig doon. Mahangin. Siguro sa short ay itong maigsi nalang para mabilis ang kilos kung may balak man kaming gawin mamaya
Uminit ang mukha ko sa naiisip. Hindi naman siguro, kalsada pa rin iyon. Kahit na minsanan lang ang nadaang mga tao at sasakyan ay hindi pa rin nakakasigurado dahil baka mamaya may makakita sa amin.
Sinampal ko na ang sarile. Siguro ay hindi yun naiisip ni Gray dahil pagod sya maghapon. Ako lang talaga itong green.
Nang maihanda na ang susuutin ay lumabas na ako para tumulong kay mama sa paghahanda ng pagkain sa may hapag.
Sa sala palang ay amoy ko na ang maasim na amoy ng sinigang. Gusto ko mang mangiti ay pinigilan ko na ang sarile ng makapasok sa may kusina.
"Ako na po ang maglalagay ng kanin sa may lamesa ma." Paalam ko dito na tinanguan naman nito.
Nagsandok ako ng kanin sa may malalim na lalagyan habang si mama ay abala naman sa ulam. Ilang minuto nalang kasi ay padating na rin si papa.
Nang matapos sa paglalagay ng kanin sa may lamesa ay kumuha naman ako ng plato at mga kutsara. Si mama ay sa tubig at sa baso. Dapat pala iyon ang sunod kong ginawa, mukhang mas mahirap iyon.
Tahimik lang kaming dalawa habang hinihintay si papa. Kaya naman halos mapatalon pa ako sa tuwa ng makita ang pagdating ni papa. Mabilis akong nagmano dito.
Lumapit naman ito kay mama para bigyan ito ng halik sa pisngi. Natapos ang hapunan at ako na ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Hindi na naman umuwi si kuya Tom. Malakas ang palagay ko na mag-aasawa na iyon.
Mabilis na natapos ang aming hapunan. Konting tanong lang ni papa sa araw ko ay tahimik na kami ulet. Matapos kumain ay hinugasan ko na ang aming pinagkainan. Dumiretso na rin ako sa kwarto pagkatapos.
Ang kaylangan ko na lang gawin ay hintaying makatulog ang mga magulang bago ako pupuslit paalis. Sa ngayon ay nanonood pa sila ng tv. Palagay ko ay mamaya pa ang tulog ng mga ito.
Nagbihis nalang muna ako habang naghihintay. Nang matapos ay sinilip ko ang sala. Nandoon pa rin si papa, nanonood pa ng boxing.
Kaya naman kinuha ko na lang cellphone ko para mai-text si Grayson.
Ako:
Mamaya-maya pa ako. Nanonood pa si Papa
Ok lang ang natanggap kong sagot mula sa kanya. Dahil sa sobrang bored sa paghihintay ay nakatulugan ko na ito. Nagising lang mga bandang alas-dose na ng madaling araw.
Sinilip ko kaagad ang cellphone ko at nakita ang apat na missed calls ni Grayson. Kaya naman kinontak ko kaagad ito na mabilis din namang sinagot.
"Ano? Ok na?" Tanong kaagad nito.
"Oo sandale lang. Maghihilamos lang ako. Sorry nakatulog."
"Ayos lang."
Pinatay ko na muna ang tawag bago lumabas ng kwarto. Nagdahan-dahan pa ako dahil baka may tao pa sa may sala. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang wala na at sarado na rin ang mga ilaw. Dumiretso ako sa may cr at binuksan ang ilaw doon at mabilisang naghilamos at nagsepilyo.
Parang akong ninja habang palabas sa bahay namin. Natatakot pa akong makagawa ng kahit na anong ingay. Suot ko na rin ang sumbrero ko ng maalalang i text si Grayson.
Ako:
Dyan ka na lang mag-antay sa mga Monje
Dumiretso na ako palabas at halos takbuhin ko na ang kalsada. Nagtahulan pa ang mga animal na aso na mas nagpalakas ng kabog ng dibdib ko.
Mabilis ang naging lakad ko pababa, may ilan pang mga aso akong nakalaban pero hindi naman sila nagtagumpay na makagat ako.
Sa may madilim na parte ng kalsada ay may nakita akong bulto ng isang lalaki. With his usual leather jacket, but with a pair of maong short and a slipper. He's still gorgeously handsome.
Napatayo ito ng tuwid ng mapansin ang pagdating ko. Ang bilis naman nitong makarating. Buong akala ko ay ako ang mauuna dahil manggagaling pa sya sa may baba pero heto at sya pa rin ang nauna.
Nangingiti na ako kahit na hinihingal habang papalapit sa kanya. Nang makalapit ay aasarin ko pa sana sya pero mabilis na dumausdos ang kamay nito sa bewang ko at hinapit ako palapit sa kanya.
Mabilis ako nitong binigyan ng halik sa labi na para bang isang taong kaming hindi nagkita. The kissed lasted long that we almost out of breath.
Hinaplos nito ang buhok ko na para bang kahit sobrang dilim sa pwesto namin ay kita nya pa rin ang mukha ko.
"I miss you." Bulong nito, sapat lang para marinig ko.
"I miss you too." Bulong ko rin habang nakatingala sa kanya.
Hinawakan nito ang baba ko at iniangat pa ang ulo ko para lang mabigyan pa ako ng isang matamis na halik. Isa-isa pang dinaanan ng dila nya ang bawat parte ng aking labi bago ako inayang umalis doon.
Sobrang init ng pisngi ko dahil sa huling ginawa nya. Buti nalang talaga nakapag-toothbrush ako.
Hindi na ako nagpasuot ng helmet gayundin sya. Malapit lang naman ang pupuntahan namin kaya ayos lang. Nakayakap ako sa kanya habang nakatungo. Sapat lang para hindi makilala ng kung sino mang makakakita.
Naging mabilis ang byahe, tumigil ang motor nito sa tabing kalsada. Nauna akong bumaba bago sya. Pero sya ang naghila sa akin patungo sa isang puno sa gitna ng palayan.
I swear, piling ko talaga may kababalagyang mangyayari ngayon. Lalo na't sobrang dilim ng paligid at halos wala talagang ilaw.
Sumandal ito sa may puno at ibinuka ang mga hita habang ang kamay ay ganoon din. Tila ba gustong sa gitna nya ako maupo.
Hindi naman sa gusto ko ha. Nakakahiya lang kasi haha.
Wala na akong nagawa sa huli kundi ang maupo doon. Mabilis akong kinulong ng kanyang mga braso at hita. Uminit ang pisngi ko sa mga naiisip. Kaylangan ko yung tigilan at mukhang wala naman iyon sa kanya.
Naging payapa ang naghuhurumintado kong puso ng marinig ko ang payapa nitong paghinga sa aking leeg. Magaan kong isinandal ang gilid ng aking ulo sa kanya para mas madama ang gwapo nitong mukha.
"Ano bang ibibigay mo?" Basag ko sa katahimikan.
Mas humigpit pa ang yakap nito sa akin, medyo napaawang pa ang labi ko ng singhutin nito ang leeg ko. Mabuti nalang ready ako hehe.
"Ganto muna tayo please, kahit saglit lang." Pakiusap nito sa akin.
Napangiti nalang ako at hindi na nagsalita pa. Nakalipas ang ilang sandale ng maramdaman kong nakatulog na ito sa aking balikat. Amoy alak din ang hininga nito kaya siguro mabilis inantok. Pagod pati ito sa byahe.
Bakit pa kasi nakipagkita gayong pagod naman pala? Dapat nagpahinga na lang sya sa kanila. Nanatili nalang akong tahimik sa kanyang tabi habang marahang hinahaplos ang kanyang buhok.
How I wish we'd stay this way forever. Pero alam ko na lahat ng nangyayari ngayon ay may hangganan. Ang kaylangan ko lang gawin ay namnamin ang bawat sandale para wala akong pagsisihan pagdating man ng dulo.
Pag natapos ang pag-ibig ko kay Gray, hindi ko na alam kung magmamahal pa ba ako ng iba na katulad ng ganito. Na halos ibuhos na ang lahat at wala ng itira sa sarile.
I know that I'm too young para masabi ko na ang mangyayari sa akin sa hinaharap. Pero alam ko rin naman sa sarile ko na binigay ko na ang lahat ngayon. At wala akong pinagsisisihan sa lahat ng mga bagay na natapos ko na, na naibigay ko na.
Gumalaw ito sa pagkakasandal sa aking balikat. Marahil ay naalimpungatan sa aking ginagawa. Kahit na madilim ay kita ko pa rin ang pisikal na pagod sa mga mata nito.
Ngumiti ako sa kanya. "Sorry, nakatulog ako." Inayos nito ang pagkaka-upo pati na rin ang pagkakayakap sa akin.
"Ayos lang, dapat nagpahinga ka na lang sa inyo. Pwede naman sigurong ipagpabukas kung anuman yang ibibigay mo." Sincere kong sinabi.
Dahil ang totoo ay nag-aalala talaga ako sa kanya. Mamaya ay magkasakit pa sya dahil sa kapaguran.
Umiling lang ito at may kinuha na sa kanyang bulsa. Ipinakita nito sa akin ang isang box na tingin ko'y kulay pula. Namamangha pa ako ng binuksan nya iyon sa harap ko.
Lalo lang akong namangha ng sa dilim ay kumislap ito. Hindi ko alam kung tunay na silver ba iyon o hindi. At kung tunay man, hindi ko alam kung matatanggap ko ba iyon.
Silver ang kabuuang necklace nito at half heart crystal naman ang nakasabit doon. Nanginginig at naluluha ko iyong inabot. Pinagmasdan ng may paghanga at hindi pa rin makapaniwala.
Akin ba to? Bakit? Deserve ko ba?
Maraming tanong ang namumuo sa isip ko pero isa lang ang namayagpag. Bakit ako? Diba dapat si Cherry?
"Isusuot ko sayo." Bulong nito sa tainga ko.
Mabilis ko itong pinigilan sa gagawin. Hindi pa rin makapaniwalang sa akin nga nya ibinibigay iyon.
"Sandale lang. Bakit ako?" Nanginginig ang boses kong sinabi.
Nakita ko ang pagkalito at iritasyon sa kanyang mga mata. Nabitin din sa ere ang kwintas. Hindi ko alam kung paano ko tatanggihan iyon na mukhang sa akin naman talaga ibibigay ang kwintas na iyon.
"Bakit naman hindi?" Irita nitong tanong.
Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang mukha. Bagaman halata mo ang iritasyon ay hindi pa rin maalis ang kagwapuhan nito. Mas nadagdagan pa nga yata.
Nakaawang ang labi nito at mabilis ang paghinga. Ang may kakapalang kilay na halos magsalubong na sa pagkalito ay bumagay sa madilim nyang titig sa akin.
"Diba dapat... k-kay Cherry mo ibigay yan?" Marahan kong tanong. Iniingatan na baka mas lalo syang magalit sa akin.
"Bakit sa kanya ko ibibigay? Eh ikaw ang mahal ko." Naiirita nitong sinabi. Na para bang ang tanga-tanga ko at tinatanong ko pa ang bagay na iyon.
Nagulat pa ako dahil nung sabihin nya iyon para bang hindi nya girlfriend si Cherry. Na para bang wala syang ibang mahal.
Ito naman yung gusto ko diba? Na ako lang yung mahalin nya? Pero bakit merong parte sa akin ang nasasaktan?
"O-ok..." Sabi ko nalang at tumalikod na sa kanya.
Natatakot na baka bawiin ang sinabi at ma realize na hindi talaga ako ang mahal nya.
Marahan itong nagpakawala ng malalim na hininga bago unti-unting isinabit sa akin ang kwintas. Pinagmasdan ko ang kagandahan noon. Hindi ko talaga na-imagine na makakatanggap ako ng ganoong klase ng regalo.
Mabilis kong pinunasan ang tumulong luha sa mata. Niyakap ako nito ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. Nilingon ko sya at nakita ko ang seryoso nitong mukha.
"I love you."
"I love you too."
Ngumiti ito sa narinig. At ilang sandali lang ay magkalapat ng muli ang aming mga labi.
Hindi ko man gustuhing matapos ang gabing iyon ay hindi parin nangyari. Mabilis lang ang naging takbo ng oras at heto't lunes na naman. Panibagong pakikipagbaka na naman sa mga manlalait sa akin.
Pero iba ang araw na iyon. Halos wala ng pumapansin sa akin. May iba na nagbubulungan kapag dumadaan ako pero hanggang doon nalang iyon.
Siguro nagsawa na rin sila sa pang-aasar sa akin. Mabuti naman kung ganoon. Masyadong maganda ang mood ko para masira ng ganito kaaga.
Malapit na ring magpasko at magki-Christmas break na naman kami. Naikwento nga sa akin ni Gray na bago daw ang aming bakasyon ay magkakaroon na sila ng Christmas party.
Kasi aalis daw ang kuya nya patungong probinsya. Titingnan yung lupang naiwan ng kanilang ama para sa kanila. Inimbita pa nga nya ako na ipinagdadalawang isip ko pa.
Wala akong ka close sa circle of friends nya. Si Maru na masyadong nakakaintimidate dahil masyadong seryoso. Yun lang ang kilala ko. Si Cherry, kung makikipag-usap iyon sa akin.
Nasa may hagdan na ako patungong third floor ng humina ang lakad ko dahil sa narinig na nag-uusap.
"Wala kang natanggap na kwintas?" Tinig ng malalim na boses ng isang lalaki.
"Wala kuya eh." Boses ni Cherry sa isang pabebeng boses.
"Baka hindi pa naibigay sa iyo."
Bago pa man makapagsalitang muli si Cherry ay tuluyan na akong nakapagpakita sa eksena. Natigil sila sa pag-uusap at sabay na napalingon sa akin.
Natigil ako sa paglalakad dahil sa pagka-intimidate sa titig nilang dalawa sa akin. Nagtagal ang tingin ng lalaki sa akin, hindi, sa kwintas na suot ko.
Napahinga na lang ako ng malalim ng maisip na baka maging sya ay natulala sa ganda ng kwintas kagaya ko ng una ko itong makita.
Naglakad na ako at akmang lalagpasan na silang dalawa ng magsalitang muli ang lalaki.
"Sandale." Seryoso nitong tawag sa akin.
Natigil ako sa paglalakad at nilingon ito. Nanatiling nasa kwintas ang paningin. Hindi ko alam pero ng mga oras na iyon ay nakaramdam na ako kaba. Kakaibang kaba.
Lalo na ng hawakan nito ang kwintas at pagmasdan. Inikot-ikot nya pa iyon na para bang sinusuri. Kaya naman hindi ko na pinalagpas ang pagkakataong iyon para kumpirmahin ang pagkakahawig nito sa isang tao.
Ang seryoso at mapaglarong mga mata. May kakapalang kilay, bagama't hindi gaanong malobo ang pisngi nito at mapanga ay hindi maiiwasang magkapareho sila sa labi. Manipis at mapula na para bang anumang oras ay handang magpahalik kahit na kanino. Ang may katangusang ilong na ibinagay sa maamo nitong mukha.
Walang duda. Hindi kaya...
"Sa kapatid ko to ah." Naghihinala nitong sinabi bago tumingin sa akin ng may pagtataka.
Maging ako ay nagtaka na rin bago hinawakan ang kwintas at pinagmasdan iyon
"Baka nagkakamali ka lang kuya." Si Cherry sa gitna ng pagkalito naming dalawa.
"Hindi Cherry. Hindi ako pwedeng magkamali. Yan yung binigay ko kay Grayson na sabi ko na ibigay nya sa taong mahal nya."
Kumalabog ang puso ko sa narinig bago muling binalingan ang lalaki sa harap. Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ng makumpirma na ito nga ang kapatid ni Grayson.
"San mo nakuha yan? Ha? Ninakaw mo?" Akusa nito sa akin.
Napailing-iling kaagad ako. Hindi makapaniwalang umagang-umaga ito ang mangyayari sa akin.
"Akin na yan. May nakaukit na Salor dyan eh, sa kristal." Sabi nito at lumapit sa akin para bawiin ang kwintas na sa akin ibinigay.
Umatras ako at lumayo. Hindi makakapayag na babawiin na lang ito gayong sa akin naman ibinigay.
"Ipapa-barangay kita kung hindi mo yan ibibigay." Banta nito sa akin.
At sa takot ay heto na naman ang luha ko at nag-aamba na namang pumatak.
"Sa akin po ito. Hindi ko to ninakaw. Bigay to sa akin." Kabado kong sinabi, pinipigilang maging emosyonal.
"Kuya, baka marami namang klase ng ganyang kwintas." Muling sambit ni Cherry habang pinipigilang makalapit sa akin yung lalake.
Kung bakit ako pinagtatanggol ni Cherry ngayon ay hindi ko na alam. Wala na ako sa wisyo sa sobrang kaba.
"Cherry, hindi ako pwedeng magkamali. Binili ko yan sa ibang bansa. May naka-ukit pa ngang Salor sa likod ng kristal nyan." Matigas nitong sinabi at pilit na muling hinawakan ang kwintas.
Hindi ko alam kung totoo ba yung sinasabi nyang may nakaukit ngang Salor dito. Hindi ko naman kasi gaanong pinagmasdan ito sa sobrang sayang nararamdaman.
"Ayan oh, ngayon mo sabihing hindi mo yan ninakaw." Sigaw nito sabay pakita sa akin ng Salor na nakaukit nga sa likod ng kristal na hating puso.
Natigilan ako at namuo ang luha sa mga mata. Hindi alam kung ano ang unang mararamdaman. Ang takot o ang saya ng aking puso.
Ibig sabihin, ako nga talaga ang mahal nya?
"Akin to. Binigay nya to sa akin." Matapang kong sinabi bagama't tumulo na ang luha sa mata.
Kita ko ang gulat at pagkakatigil ng lalake sa harap ko. Hindi makapaniwala.
"Nahihibang ka na." Umatras ito at tuluyan ng binitiwan ang kwintas.
"Cherry, anong ibig sabihin nito?" Baling nito sa hinahapong si Cherry.
Nakita ko pang may lumabas sa classroom namin, pero sinenyasan lang ito ni Cherry na bumalik na sa loob at mabilis namang nawala.
"Kuya..." Ang tanging nasabi mi Cherry habang pinaglalaruan ang kamay.
Takot at lito kong pinabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa.
"Si Grayson..." Mariin akong lumunok ng mapabaling sila sa akin. Umiiling na si Cherry na para bang nagmamakaawa na huwag kong sasabihin. Pero buo na ang loob ko. Ayoko ng itago kung ano man ito, gusto ko ng malaman ng iba. "Ang nagbigay nito."
Sapo ang noong napaatras ang lalaki. Bigla nitong binaba ang kamay at madilim na ang titig sa akin. Kumuyom din ang mga kamao nito habang umiigting ang panga sa galit.
Lalo lang akong natakot na baka saktan ako nito dito. Pero nasa school sya. Hindi nya iyon magagawa.
"Kakausapin ko ang kapatid ko dito." Pinal nitong sinabi bago naglakad pababa ng building.
Nakahinga naman ako ng maluwag habang pinapanood ang pagbaba nito. Pero nawala din ang atensyon doon ng biglang haklitin ni Cherry ang aking braso.
"Bakit mo pa sinabi? Alam mo ba kung anong gulo yang ginawa mo?" Inis nitong sinabi sa akin.
Binawi ko ang braso ko dahil masyadong masakit ang pagkakahawak nya. Bumabaon na rin ang mahahaba nitong kuko sa aking braso.
"Bakit hindi? Iyon naman ang totoo."
"Alam mo, dahil sa ginawa mo baka magpatayan pa yung dalawa." Inis nitong sinabi at nagmamadali ding bumaba.
Natigilan ako sa narinig at nakaramdam ng matinding pag-aalala. Magkapatid sila, hindi naman siguro iyon magagawa ng kuya nya?
Kahit na gusto kong sumunod at umawat sakali mang mag-away ang dalawa ay hindi ko na ginawa. Alam kong lalo lang magkakagulo sakali mang magpakita pa ako roon.
Buong maghapong hindi na nakabalik si Cherry sa klase. Patuloy na lang ang panalangin ko na sana walang nangyaring masama kay Gray.
Kanina ko pa tine-text at tinatawagan pero walang sumasagot. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko.
Nakakabaliw yung ganito. Na nandito ako sa school at prenteng nakaupo at nakikinig. Habang yung dalawang magkapatid ay maaring nagpapatayan na dahil sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top