TREINTA
Tulad nga ng sinabi ko. Dinahilan ko na nagkaroon ng biglaang shower party sa school bago kami umuwi. Mukha namam silang naniwala kaya ayos lang.
Mabilis ako na dumiretso sa aking kwarto dahil sa pagod at puyat. Hinayaan nila akong magpahinga dahil naiintindihan naman daw nila na pagod ako.
Naghubad ako ng tux at itinapon nalang iyon basta sa labahan. Tsaka ko lang napansin na may malalim pala akong sugat sa may siko at braso. Gasgas lang ang sa may kanan pero namumula pa rin iyon. Mahahalata ng kahit na sino.
Napahinga nalang ako malalim sa pag-iisip kung paano ba iyon matatago. Mabilis kong kinuha ang aking cellphone ng maalalang nasa bulsa ko iyon. Lalo lang akong namroblema ng hindi na mabuksan iyon, kahit na ilang beses kong sinubukan.
Grabe siguro ang pagkakabasa nito kanina. Kung bakit kasi nalaglag pa ako sa may irrigation eh. Dahil wala na rin naman ng magagawa ay kinuha ko na lang ang tuwalya at ibinalot iyon sa aking balikat. Kumuha na rin ako ng long sleeve na jacket, dahil plano kong sa cr na magbihis, para hindi nila mapansin ang sugat ko.
Maingat ang bawat lakad ko sa takot na mapansin nilang may iniinda akong sakit. Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok sa banyo ng walang pumapansin sa akin.
Siguro akala nila'y normal na araw lamang ito sa akin. Normal lang sana kung hindi lang nanyari yung sa kanina.
Mabilis lang ang aking naging pagligo dahil sa pagod. Pumipikit-pikit na ang aking mga mata ng magbihis ako ng damit. Pagkalabas ng banyo ay naabutan kong nag-aayos si mama ng kanyang sarile. Bumaling ito saglit sa akin bago nagpatuloy.
"Kumain ka na muna bago ka matulog."
"Mamaya na po ma, kumain naman po ako bago umalis doon." Tangi kong sinabi at nagpatuloy na sa pagpasok sa kwarto. Hindi na hinintay pa ang protesta nito.
Ang tanging kainakabahala ko na lamang ngayon ay kung sakaling may makarinig ng pag-aaway namin kanina. Paniguradong kakalat iyon at maaring makarating pa sa pamilya. Bukod sa mabubuking ako ay malilintikan pa dahil baka matuklasan nilang bakla ang bunso nilang anak.
Pabagsak akong humiga sa kama dahil sa pagod at dami ng iniisip. Masyadong mabigat ang aking damdamin pero kaylangan kong mag-isip ng mga posibleng mangyari sa mga susunod na araw at kung paano ko iyon malulusutan.
Ngayon palang ay ramdam ko ng malapit na akong mabuking. Naiinis ako sa aking sarile dahil masyadong magulo itong pinasok ko. Hindi ko na alam kung paano pang lalabas. O may paraan pa ba para makalabas?
Sa dami ng aking iniisip ay nakatulugan ko na iyon. Nagising na lamang ako na may kumakatok na sa pinto ng aking kwarto. Gumalaw ako mula sa pagkakahiga pero mabilis kong naramdaman ang sakit sa aking katawan. Napadaing kaagad ako doon dahil sa sakit na naramdaman.
Nagpatuloy ang katok sa kwarto pero nagpatuloy din ang pagdaing ko. "Lourd. Kumain na ng tanghalian." Malakas na sinabi ni mama sa labas.
Nang medyo mawala ang sakit ay sinagot ko si Mama na susunod na.
"Aalis ako hane. Nasa lamesa ang pagkain." Bilin nito bago tuluyang tumahimik.
Sandali muna akong natulala at naproseso ang lahat. Saglit kong nakalimutan ang mga problema nung tulog ako. Pero nung nagising ay para itong ilog na mabilis na umagos sa aking isipan.
It really happened. Yung masayang nangyari sa amin ni Grayson nung gabi at paulit-ulit na pagtatalik. Yung mga tawanan, habulan, at asaran. Hanggang sa pumasok sa eksena si Cherry at natapos lahat ng aming kasiyahan.
Marahas akong huminga ng makaupo na sa kama. Ang sakit na dulot ng pagkakahulog sa irrigation ay akin pang nadama. Marahan akong bumaba sa kama at lumabas ng kwarto.
May mumunting pawis pa ako sa noo pababa sa aking leeg at dibdib. Dahil siguro sa long sleeve na aking suot.
Mabining hangin ang sumalubong sa akin pagkalabas palang ng kwarto. Natigil pa ako saglit sa paglalakad para lamang damhin ito. Nakabukas pala ang pinto ng aming bahay.
Siguro'y mamaya sasabihin ko na kila mama na nasira ang cellphone. May ipon naman ako pambili kaya hindi na iyon problema.
Pagkadating sa kusina ay kumain na kaagad ako. Wala na akong ginawa matapos noon kundi ang matulog ulet.
Nagising nalang ako mga bandang ala-una na ng gabi. Hindi ko inakala na ganoon kahaba ang aking pagtulog.
Katulad kanina ay ramdam ko ulet ang sakit ng magkabilang braso. Pero hindi na iyon sobra. Nakaramdam ako ng pagkagutom kaya bumangon ako para muling kumain. Patay na ang ilaw sa buong bahay. Ang ilaw sa may kusina na lamang ang aking binuksan.
Nagmumog na muna ako bago uminom at nagsandok ng pagkain. Tulala ako habang mag-isang kumakain. Tila kulang pa sa tulog kahit sobra-sobra naman na.
Hinugasan ko na ang aking pinagkainan matapos kumain. Hindi na ako nakaramdam pa ng antom o kahit na anong pagod. Konting kirot nalang sa mga braso pero ayos naman na ako.
Babalik na sana ako sa kwarto para makapagselpon, pero naalala kong sira na nga pala iyon. Napagdesisyunan ko na lang na lumabas na lang ng bahay at magpahangin sa may patio.
Mabilis akong sinalubong ng malamig na hangin kaya napahawak kaagad ako sa aking magkabilang braso.
Lumapit ako sa may upuang katapat lang ng lamesita at naupo roon. Nasisinagan ng buwan ang aking mukha pero hindi iyon nakakasilaw. Wala akong ibang ginawa kundi ang pagmasdan lang ang payapang paligid.
Ang tahimik na paggalaw paminsan-minsan ng mga dahon nito, ang mahinang tunog ng hangin at lagaslas ng tubig sapa sa may di kalayuan. Ang matinis na tunog ng mga kuligkig at ilaw sa magkakalayong bahay.
Tahimik at payapa na sana ang lahat kung hindi lang dahil sa bulto ng tao na nakita ko sa may kalsada. Bagamat hindi naman iyon nasisinagan ng liwanag ng buwan ay nakasisiguro akong isang tao lamang ang nagmamay-ari ng katawang iyon.
Nag-umpisang magtahulan ang mga aso sa paligid. Kung paano syang nakarating doon ng hindi ko namamalayan ay hindi ko na alam. Kanina pa kaya sya dyan? Hindi nya ba dinala ang kanyang motor at naglakad lang dito paakyat.
Wala akong nakuhang sagot lalo na ng naglakad ito papaalis sa kanyang pwesto. Ang tibok ng aking puso ay hindi ko na masundan sa sobrang bilis at lakas niyon. Tila gustong lumabas pero hindi magawa.
Kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin ay ang aking pagtayo. Gumawa pa ng ingay ang upuang aking inupuan dahil sa aking pagtayo. Nilipad ng mumunting hangin ang aking may kahabaang buhok habang pinapanood ko ang mabagal na paglalakad ni Grayson sa aking direksyon.
His eyes was full of pain and regrets. Pero kahit na ganun ay hindi pa rin naalis sa mukha nito ang awtoridad, nakaigting ang mga panga at nanatiling seryoso ang mukha.
Pigil ko ang aking hininga ng makalapit na ito sa aming patio. Bahagya akong napaatras sa hindi malamang kadahilanan. Mabilis na gumuhit ang sakit sa kanyang mukha dahil sa aking ginawa.
Maybe, I was scared to be hurt again? To be deny by the person you love? Or not to be chose again?
"Can you come with me? Please?" He said. Almost begging.
I don't know what to do. Iniisip ko saan naman kami pupunta? Ano? Gagawa na naman sya ng paraan para mapagtakpan yung nangyari kahapon? Para makalimutan ko? Para bumalik ako sa kanya ng naghilom na ang mga sugat at parang walang nangyari? Ayoko na.
Pero sa twing titingnan ko ang mga nagsusumamo nyang mga mata. Yung sakit na mababanaag mula doon. Pagsusumamo. Nanlalambot yung puso ko. At ngayon pa lang, alam ko na, na wala na yung tampo, at galit ko sa kanya.
Marahas ang pagdampi ng hangin sa aking mukha. Mabilis ang pagpapatakbo ni Grayson sa kanyang motor. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil hindi naman na ako nag-abala pang magtanong.
Tulad ng dati ay napulupot ang aking mga braso sa kanyang bewang. Ayoko man iyong gawin, ay lumalamang pa rin ang kagustuhan kong maramdaman ang init ng kanyang katawan.
Hindi ako nakapagpaalam sa mga magulang ko na umalis ako, kasama ang taong nananakit sa aking puso. Pero nag-iwan naman ako ng sulat sa may ref. Sinabi doon na may pinuntahan lang ako.
Dahil sa haba ng itinulog ko kanina ay hindi manlang ako nakaramdam ng antok sa aming byahe. Kahit na lumampas na kami sa boundary ng Tanay ay hindi manlang ako kinabahan kung saan nya ba ako dadalhin. All that matters to me is me, together with him.
Hindi ako masyadong nilalamig dahil sa long sleeve na suot. Sapat na iyon para mabigyan ako ng sapat ja init. Isa pa, ang init ng katawan ni Grayson ay sobra-sobra na.
Pagkarating namin sa Morong ay tsaka lamang bumagal ang kanyang takbo. Madilim pa rin ang paligid pero may iilan ng sasakyang dumaraan.
"Saan ba tayo pupunta?" Hindi ko na napigilan pa ang pagtatanong lalo na ng parang wala naman itong balak na tumigil sa pagpapatakbo ng kanyang motor.
"Taytay." Kaswal nitong sagot.
Nanlaki naman ang mga mata ko at mabilis na napalayo sa kanya.
"Anong Taytay!?" Pahisterya kong tanong.
"Basta, may pupuntahan lang tayo." Sagot nito, medyo iritado.
"Wala akong balak sumama sayo sa Taytay, kaya kung hindi ko sasabihin ibaba mo nalang ako dito!" Mas iritadilo ko namang sinabi.
"Nangako ka sa akin na sasama ka ah? Bakit umaayaw ka ngayon?"
"Kasi nga hindi ko alam kung saan mo ako dadalhin." Tinulak ko sya ng bahagya mula sa likod.
"Ano ba! Baka maaksidente tayo." Sigaw nito sa akin. "Pwede bang tumahimik ka nalang at maghintay na makaerating dun? You promised me na sasama ka, kaya wala kang magagawa." Sigaw nito sa akin at binalewala na ang pagrereklamo ko.
Tumigil na rin ako sa pagtatanong ng mapagod. Busangot ang mukha ko habang nakayakap sa kanya. Dahil mas nagalit pa sya sa akin nung hindi ako nakayakap sa kanya. Idinahilan nya pang baka mahulog daw ako.
Tumigil pa kami sa isang kainan para lamang kumain. Ayoko mang kumain dahil kakakain ko lang kanina, ay pumayag na rin ako. Medyo malayo pa naman ang Taytay. Baka mamaya mahimatay nalang akong bigla sa likod nya.
Madilim pa sa paligid at nalilito na talaga ako kakaisip kung ano ba ang gagawin namin sa Taytay. Hindi kami nag-usap buong pagkain namin. Hindi ko sya nililingon kahit na alam kong parang hindi naman nya inalis ang paningin sa akin.
Kaya naman ng lumarga na kami ulit ay tahimik nalang akong sumama at hinayaan sya kung san nya ako dadalhin. Isa pa, masaya naman ako kahit saan nya pa ako dalhin, kahit na gahasain nya ako doon ayos lang. Pabor pa nga sa akin.
Sa kahabaan ng byahe ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kanyang likod. Nakatigil na rin ang motor pero sya nanatiling walang galaw doon.
Mabilis akong naupo ng tuwid at pinagmasdan ang paligid. Nasa tapat kami ng malaking gate at hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin doon.
Hindi kaya balak nitong mag-akyat bahay? Pero medyo maliwanag na.
"Gising ka na pala." Sabi nito at itinagilid lang ang ulo para maaninag ako.
"Anong gagawin natin dito? Don't tell me magnanakaw ka dito?" Gulantang kong tanong.
Kumunot ang noo nito. "Sinasabi mo?"
"Ano ba kasing gagawin natin dito?" Muli kong inilibot ang paningin sa paligid.
Sa harap ng malaking gate ay isang napakahabang daan papasok sa loob noon. Hindi kita ang loob at hindi ko rin sigurado kung may bahay nga sa loob noon, pero parang masyado naman iyong malaki kung bahay lang ang nasa loob?
"Sumunod ka nalang sa akin para malaman mo." Bumaba ito sa motor at humarap sa akin.
Natigilan pa ako ng sya na mismo ang nagtanggal ng helmet na aking suot. Mataman itong nakatitig sa kanyang ginagawa samantalang ako ay nakatitig lang sa kanyang mukha.
Hinawakan nito ang kamay ko matapos isabit ang helmet sa manibela. Iginiya ako nito pababa para lang pagmasdan ang napakalaking gate na nasa aming harapan.
Humigpit ang hawak nito sa aking kamay ng makarinig kami ng tunog ng sasakyang paparating. Nilingon ko ang pagkakahawak nya sa aking kamay bago sa kabado at tensyonado nyang mukha.
Nang mas papalapit na ang tunog ay nilingon ko na rin ang kahabaan ng daan sa loob ng gate. Doon ay nakita ko ang isang sasakyan na tingin ko ay papalabas.
Fortuner ang nakatatak sa unahan nito at kumikintab pa sa sobrang bago. Nang malapit na ito sa harap ng gate ay bigla nalang bumukas at sabay na nagkahiwalay ang nakasarang gate.
Mangha at di ako makapaniwala dahil kadalasan ay sa mga palabas ko lang iyon nakikita. Lumabas ang sasakyan sa gate at tumigil sa aming harapan.
Bumukas ang front seat nito, showing a beautiful woman at her 40's. Tuwid at pantay ang mahaba't itim nitong buhok. Bagaman natatakpan ng kolorete ang mukha ay alam mong sadya pa rin itong maganda. She's wearing a Hilda RuffleDress dahilan para mas lalong madepina ang hubog ng kanyang katawan.
She's a little bit shocked on what she was seeing in her front. Bumukas din ang drivers seat revealing an american man. Siguro'y mga edad fifty or more. Tuwid ang pagkakatayo pero tabain ang tyan. Asul ang mga, kita mo ang mga pekas sa katawan dahil sa kaputian. Gumuguhit na rin ang mga kulubot sa kanyang supladuhing mukha.
Bigla, ay nakaramdam ako ng panliliit sa sarili. Ang aming suot ni Gray ay pawang pambahay lamang. Bukod syempre sa suot nyang leather jacket. Pero ang pang-ibaba ay isang jersey short lamang.
"Anak!" Eksaheradang sinabi ng babae at mabilis na lumapit upang bigyan ng mainit na yakap ang anak.
Natulala ako sandali sa nasaksihan bago naproseso ang lahat. Kaya nya ako sinama dito para puntahan ang kanyang mama? Then I remember, nangako nga pala ako sa kanya na sasamahan ko syang pumunta dito.
Nang mapansin ang titig ng kano sa akin pababa sa magkahawak naming kamay ni Gray, ay mabilis kong binitawan ang pagkakahawak ko sa kanya, at mabilis na lumayo. Hinagilap nya pa ang kamay ko pero hindi ko na hinayaan pang mahanap nya iyon.
"Di ka nagsabi na pupunta ka ngayon." Sabi ng kanyang Mama ng humiwalay na sa yakap. "Sana hindi ako nagplanong umalis ngayon." May pag-aalinlangan sa tinig nito.
"Okay lang. May gusto lang akong ipakilala." Malamig na sinabi ni Gray bago bumaling sa akin. "Si Lourd nga pala, boy—"
"Kaibigan!" Agap ko ng matanto kung ano talaga ang dapat sasabihin ng kalapit.
Lumaki ang mata ng kanyang ina bago inilahad ang kamay sa akin. Tinanggap ko iyon at nakipagkamay sa kanya. "Geraldine, nanay ni Gray." Pormal nitong pagpalakilala.
"Franz Lourd po." Hilaw ang ngiti ko.
Bumitiw na ang kanyang mama sa pagkakahawak sa akin at napalitan ng kuryosong tingin. "Parang ngayon lang kita nakita."
Bumaling ako kay Grayson na ngayon ay madilim ang tingin sa akin.
"Kaylan lang ho kasi kami nagkakilala."
Tumango-tango ito bago bumaling sa anak.
"Bakit ka nga pala naparito anak?"
Nanatili ang madilim nitong mga titig bago bumuntong hininga. "Wala. Gusto may gusto lang ako ng ipakilala "
"Ganun ba?" Maliit ang boses ng kanyang ina. Tila ba hindi na alam ang gagawin.
Naisip ko lang, ilang taon kaya si Gray noong iwan sila ng kanyang ina? Dahil sa nakikita ko, para bang hindi nito kabisado ang ugali ng anak. Na kahit sya'y hindi kayang paamuhin ito kung sakali mang magalit ito ng sobra.
"Mom! Let's go! I'm so bored here."
Sabay kaming napalingon sa batang lalaki na sumungaw ang ulo sa bintana ng sasakyan. Naghalo ang Filipino-American feature sa mukha nito. Pero hindi ko maipagkakaila, na nakuha nito ang maamong mata ng kapatid. Kaya nga lang ay kulay brown ang kulay ng mga mata nito.
"Just a moment son." Napahinga ng malalim si Geraldine matapos ngumuso ng anak at muling pumasok sa loob.
Ang asawa nitong kanina pa nagmamasid ay hindi ko na nilingon pa. Bumaling ulet sa amin si Geraldine at nanghihingi na kaagad ng paumanhin ang tingin.
"Anak, sa susunod nalang ha? May pupuntahan kasi kami ngayon."
Tumango lamang si Gray ng hindi manlang nagbago ang ekspresyon. Nanatiling malamig hanggang sa bumaling sa akin.
"Masaya ako na nakilala kita, Franz Lourd." Ngiti nito at tumango nalang din ako.
Kaya naman ng tuluyan na silang makaalis ay tila nanghina ako. Hindi ko akalain na ganun pala ang nangyayari kada nalang magpupunta dito si Gray. Pero hindi naman siguro sa lahat ng oras, busy sila? Baka nagkataon lang ngayon?
Pagbaling ko kay Grayson ay diretso na ang tingin nito sa akin. Madilim at malamig. Alam ko na dapat makaramdam ako sa kanya ngayon ng takot, pero wala akong ibang maramdaman kundi ang awa. Awa para sa kanya at sa kuya nya.
Namuhay sila ng walang mga magulang na nakagabay. Namuhay na ang bawat isa lang ang kinakapitan. Namuhay na silang dalawa lang ang masasandalan.
"Tara na." Huminga ito ng malalim bago tumalikod sa akin at sumakay na sa kanyang motor. Pinanood ko pa ang pagsusuot nito ng helmet bago nagdesisyong sumakay na rin doon.
Inabot nya sa akin ang helmet ng nakatalikod. Nakanguso ko iyong tinanggap at napansin kong napatingin sya sa akin gamit sa side mirror ng motor. Nag-iwas nalang ako ng tingin, dahil masyadong seryoso ang titig nya sa akin.
Kung kanina, ang byahe namin ay mabagal. Ngayong pabalik na kami ay tila napakabilis naman niyon. Nang makarating na sa amin ay nakita ko kaagad si Mama na nakaabang sa bahay ng aming kapit-bahay.
Mabilis itong lumapit sa amin na may galit at pag-aalalang ekspresyon.
"Jusko kang bata ka! San ka ba galing ha?" Pagalit nitong tanong sa akin.
Hinuhad ko na muna ang helmet na suot bago bumaba at hinarap si Mama. Magsasalita na sana ako ng maunahan lang ni Grayson.
"Pasensya na po ma. Isinama ko po kasi si Lourd na mag-jogging." Ngumiti ito para masiguro iyon.
Kumunot naman ang noo ni mama doon. Pinasadahan nya ng tingin ang aking suot.
"Ng naka-jacket kayong dalawa?" Naguguluhan nitong tanong.
Naghanap naman ako ng mga salita. Tumingin ako kay Gray para manghingi ng tulong. Pero tinaasan lang ako nito ng kilay habang nakasuot ang mapaglarong ngiti sa mga labi.
"O sya, sige na. Nag-agahan na ba kayo?" Biglang pagbabago ni Mama sa usapan na ipinagpasalamat ko.
"Kumain na po kami kanina." Ani Grayson. Nananatiling mabait sa harap ng aking ina.
"Ikaw talagang bata ka. Hindi ako makaalis-alis dahil hindi ko alam kung nasan ka."
Nagpatuloy lang ang sermon ni mama sa akin kahit na may mga kapit-bahay na nanonood. Hiyang-hiya na ako pero parang hindi nya iyon napapansin. Sa huli ay nagpaalam na rin sya at may aasikasuhin pa daw sya.
Isinabay na sya ni Grayson sa motor pababa kaya naman naiwan ako ditong mag-isa. Tanguan nalang ang naging pagpapaalam naming dalawa kahit na kita ko sa kanya na masama pa rin ang loob nya sa akin.
Masama ba na pigilan sya pagsasabi nyang boyfriend nya ako gayung hindi naman? Paano kung hinayaan ko sya na sabihin iyon sa harap ng kanyang ina. Edi mamumuo na naman ang mumunting pag-asa sa aking puso na pilit ko munang isinasantabi?
Tama na muna yung sakit kahapon, ayoko muna iyong dagdagan. Lalo na't undas pa naman.
Ramdam na ramdam ko tuloy ang araw ng mga patay, dahil maski ang aking puso ay tila patay sa pagpigil sa pagtibok para sa taong minamahal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top