SIETE

"Oh? Anong drama mo ngayon?" Nang-aasar na tanong ni Peter. Naglalakad kaming dalawa ngayon papuntang Sala. Isa yun sa dinarayong sapa noon dito sa Malaya. Pero ngayon halos wala ng pumunta ng mahigit apat na bata na ang namamatay.

"Wala. Porke nakipagkita sayo may problema na kaagad?" Inismiran ko ito.

Medyo malayo pa kami sa pupuntahan namin, medyo sa taas pa kasi ng kaunti sa paanan ng bundok.

"Bakit? Kaylan ka ba sumama sakin maggala kung wala kang problema?"

"Nung ano... nung..."

"Tamo? Wala kang masagot. Kasi totoo." Diniinan pa talaga nito ang mga huling salita.

Grabe, parang nakonsensya naman ako doon. Piling ko ang sama-sama ko ng kaibigan.

"Dami mong drama. Nagyaya nga akong maggala para ma refresh naman ang utak ko. Tapos dadramahan mo lang ako." Umirap ako dito.

Halos mapasigaw naman ako ng matapilok ako, ng maapakan ko ang pabilog na bato sa daan. Parang nagslow motion ang lahat. At thanks kay Peter dahil sinalo nya ako. Gulat pa akong napalingon sa kanya habang ang aking kanang kamay ay nasa kanyang dibdib.

Ilang segundo kaming nagkatitigan bago ko sya itinulak at dali-daling tumayo. Ano bayan. Dadagdag pa ba sya sa love life ko? Jusme kay Grayson pa nga lang stress na, magdadagdag pa ba ako? Tsaka di ako pumapatol sa kaibigan ko no.

"Ayos ka lang?" Tanong nito ng makatayo na ako ng tuwid.

Mabilis naman akong tumango at sumagot ng "oo." Muli naming ipinagpatuloy ang paglalakad, malapit na kami.

Naririnig ko na ang agos ng tubig mula rito sa aming pwesto. Sa di kalayuan ay may nakita akong kubo at karatula sa tapat nito.

BAWAL TAMBAYAN

Kung maka bababala naman  sila, kala mo kagandahan ang kubo.

"Kanino bang kubo to?" Itinuro ko pa yung kubo kay Peter na ngayon ay nasa likuran ko.

"Malay ko."

"Ikaw nakatira dito hindi mo alam." Muli ko itong inismiran.

Nanahimik na kami at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Hanggang sa matanaw ko na ang rumaragasang tubig ng Sala. Medyo malakas ang agos ng tubig dahil kakaulan lang kanina bago ako umalis ng bahay.

Napatakbo pa ako dahil sa pananabik. Ang sabi nila ay dati daw itong imbakan ng tubig na nagsu-supply sa buong barangay. Kaya naman nahahati ito sa dalawa, yung isa sa kaliwa ay parang swimming pool. At sa kabila naman ay bangin na. Para bang itong isa ay buhay, at ang isa naman ay kamatayan. Siguro nahuhulog dito sa bangin yung mga batang namatay.

Marahan ang aking naging paglakad. Nanginig ako ng konti ng maramdamang umagos ang tubig sa aking paa. Parang sementadong pader naman ang naghahati sa dalawa kaya hindi sya mahirap lakarin. Para syang isang swimming pool na inabanduna. Medyo malawak din yun, kaya makakalakad kami ng ayos. Hindi nga lang kami sabay makakapaglakad ni Peter dahil mataba sya.

Nang makarating na kami sa dulo ay agad kong hinubad ang aking suot na tsinelas at umupo sa gilid ng sapa. Sementado rin ang bandang iyon hanggang sa pangpang sa kabilang banda, kung saan meron pa ulit isang kubo na nakatayo malapit doon.

Inilawlaw ko ang aking paa at hinayaan itong mabasa. Ginaya rin ni Peter ang ginawa ko. Actually, dito talaga ako palaging nagyaya kapag gusto kong gumala. Mabuti nalang talaga at free sya ngayon. Mamayang hapon pa daw ang shooting nila.

"Kamusta nga pala yung shooting nyo?" Pagbubukas ko ng topic. Kinampay-kampay ko pa ang aking paa sa ilalin ng tubig.

"Ayos naman. Mahirap tsaka nakakakaba. Si Tricia ba naman ang leader namin." Sagot nito.

Si Tricia. Yung maitim naming kaklase pero ubod ng talino. Kapag naging leader mo kasi ay dapat sumunod ka talaga sa gusto nya, or else. Tanggal ka. Edi mas nawalan ka ng grade.

"Ayos lang yun, paniguradong mataas ang grades mo, Tricia na yun eh." Tumawa pa ako.

"Kung alam mo lang." Malakas ang pagbuntong hininga nito.

Napalingon naman ako dito, mukhang problemado pa yata ang isang ito. "Bakit naman? May problema ba?" Nag-aalangang tanong ko.

Umiling naman ito ngunit nanatili ang paningin sa tubig. Malaki yata ang problema nito sa leader nila.

"Nakakainis lang kasi minsan ang ugali. Hindi maintindihan. Lagi nalang galit, konting kibot galit. Kapag nagsho-shoot kami hindi ko manlang sya nakitang ngumiti kahit isang beses." Reklamo nito.

"Ganun talaga, intindihin mo nalang. Alam mo naman sigurong lumaki yun ng wala ng mga magulang. Kaya siguro parang laging galit sa mundo." Natatawa ko pang sambit.

"Kasalanan ba namin yun? Dapat di nya kami dinadamay sa problema nya. Ako lagi ang sinisigawan." Ipinadyak nito ang kaliwang paa ng malakas, dahilan upang tumalsik ng may kataasan ang tubig.

Napa 'O' pa ang aking bibig sa nakita. "Baka naman may gusto sayo?" Pang-aasar ko pa sabay bunggo sa braso nya.

Tila biglang nag-iba ang mood nito. Namula ang pisngi nito at biglang nag-iwas ng tingin sa akin. Hala sya! Inlab yata ang best friend ko kay Tricia.

"Uuuyyy!" Tinusok ko ang tagiliran nito, umiwas naman agad ito. "In love na sya." Tumawa ako ng malakas.

"Hindi no. Bat naman ako maiinlab sa ganoong klase ng babae? Masungit, laging galit sa mundo, namimili ng kakaibiganin, at maitim." Umismid pa ito.

Napatawa naman ako sa sinabi nya. Kung makapanlapit, kala mo perfect sya.

"Bakit? Ikaw? Wala ka bang imperfections?" Tinaasan ko ito ng kilay.

"Nasobrahan sya eh." Angal pa nito.

"Hindi naman kayo nalalayo sa isa't-isa no. Ikaw laging naka focus sa music at nawawalan na ng time samin, nagcu-cut class ka rin, mabaho ang singaw ng katawan mo pag pinagpapawisan ka, at higit sa lahat, mataba ka." Buwelta ko sa kanya.

Umarte naman to na tila nasaktan sa mga sinabi ko.

"Ganyan ka ba talaga manlait sa akin? Sino ba talagang kaibigan mo? Sya o ako?"

Binatukan ko naman sya para matigil. "Tumigil ka nga."

"Masakit yun ha!" Sabi nito sabay ganti rin ng batok sa akin.

At dahil nga sa mataba sya at medyo napalakas ang pagkakahampas nya sa akin ay dumiretso ako sa tubig.

Agad kong naramdaman ang paggapang ng lamig sa aking buong katawan. Iisipin ko pa sanang manginig,   pero naisip ko namang kaylangan kong makabawi kay Peter.

Agad akong umahon at hinanap sya. Nakaluhod na ito sa tabi, at tila nagulat ng bigla akong lumitaw.

"Hoy! Ikaw!" Inis kong sigaw dito sabay saboy sa kanya ng tubig.

Iiwas pa sana ito pero wala na syang matatakbuhan, kaya nabasa na rin sya. Ako naman ay tumawa lang ng tumawa at ipinagpatuloy ang ginagawa. Tumakbo naman ito papalayo sa akin.

"Bumalik ka dito. Hindi pa ako tapos sa iyo." Sigaw ko pa, na binelatan lang nya.

Wala na akong iba pang nagawa kung hindi ang maligo nalang din at ubusin ang oras. Umahon lang ako ng magyaya ng umuwi si Peter. Ala-una ang shoot nila, at alas-dose na. Paniguradong lagot ito kay Tricia kapag na late sya.

"Hoy! Pahiramin mo ako ng damit. Hindi ako uuwi ng basa no."

"Oo na. Kasalanan kong nanlalambot ka?" Tumawa ito.

"Kasalanan ko bang ordinaryong tao lang ako, samatalang si hulk ka?" Ganti ko sa kanya, at tumawa ng malakas ng matigilan sya.

Haha! Mas magaling talaga akong bumanat sa kanya.

---

"Ano ba naman tong mga damit mo? Banlalaki, para nakong naka duster nito eh." Reklamo ko pa habang isa-isang tinitingnan ang mga damit nyang pwede kong masuot. Kasalukuyan na kaming nasa bahay nila ngayon at namimili ng maisusuot.

"Bang-arte naman nito, bilisan mo ng mamili at malelate na ako." Reklamo nito habang nag-aayos na rin ng kanyang buhok.

"Oo na. Eto na nga." Sabi ko sabay dampot ng malaki nyang painted shirt na kulay puti. "Ano nga palang isho-short ko?" Isa pa pala yun sa problema.

"Mamili ka lang dyan." Sabi nito habang abala pa rin sa pag-aayos sa harap ng salamin.

"Ang lalaki, mahuhubad ito sa akin." Reklamo ko pa.

"Kuya! Meron po akong hindi pa nagagamit na boxers dito, yun na lang po ang gamitin nyo." Singit ng kapatid nyang grade 9, na kanina pa pala kami pinag-mamasdan.

Nilingon ko naman ito habang kinukuha ang kaylangan ko. Lumapit ako sa kanya ng iabot nito ang akin ang naka box pang boxer short.

"Uy salamat." Malawak na ngiting sabi ko. Pasiring kong nilingon si Peter. "Hay! Buti pa ang kapatid mo maganda ang ipinahiram sa akin." Pagpaparinig ko pa.

"May kapalit yan kuya." Biglang sabi ni Carl.

Napakunot naman ang noo ko, aba hindi pala ito libre. "Punta po kayo sa birthday ko." Jusme, kala ko kung ano na.

"Naku! Yun lang naman pala eh. Makakaasa ka." Tinapik ko ang ulo nito at dumiretso na sa kanilang banyo.

Agad akong naghubad at nagbihis. Grabe, hanggang hita ko ang damit. Matangkad na ako sa lagay kong ito ha, pero tingnan mo naman ang damit ni Peter sa akin, sobrang laki haha. Para tuloy akong walang short.

Lumabas na ako ng banyo, wala na si Carl sa loob. Hinanap naman ng mata ko si Peter at nakita ko itong naghahanap ng pagkain sa may ref.

"Pahinge namang plastic bag." Sabi ko at humarap sa kanilang salamin upang magsuklay.

"Ito oh." Sabi nito sabay lapag ng plastic sa may lamesa nila. May hawak-hawak na itong chocolate.

Kinuha ko na agad ito ng matapos magsuklay at inilagay na ang aking mga basang damit. Nang matapos na kami sa kanya-kanyang ginagawa ay lumakad na kami papalabas ng kanyang bahay.

Nagkahiwalay lang kami ng landas ng nasa tabing kalsada na kami. Sya ay pa silangan, habang ako ay pa kanluran.

Naglakad lang ako ng kaunti at naghanap ng maaring maupuan. Mag-aabang na lamang ako ng jeep, hindi ko na rin kayang maglakad. Dahil kanina pa ako naglalakad, at isa pa, napagod ako sa paglangoy no.

Habang naglalakad ay napansin kong medyo kumulimlim na ang langit. Naririnig ko na rin ang mahinang pagkulog samahan pa ng pagkidlat. Mabuti nalang hindi ako nagdala ng cellphone ngayon. Na trauma pa rin kaya ako sa  nangyari kagabi.

Nang makahanap na ng waiting shed ay agad akong naupo doon. Katabi lamang ng waiting shed na ito ang school namin. Halos wala na akong nakikitang naglalakad na tao sa kalsada. Marahil ay dahil sa papalapit na pagdating ng ulan.

Nakakainis naman, para akong basang sisiw dito sa suot ko. Ang tagal pang dumating ng jeep. Ilang sandali pa ay bumuhos na ang malakas na ulan. Napatingin ako dito, pinanood ko lang ang malakas na buhos nito. Pero agad din akong napayakap sa aking sarili ng umihip ng malakas ang hangin at maanggihan ako ng ulan.

Yumuko ako at niyakap ang sarile. Grabe, sobrang lamig naman. Mayron akong narinig na motor na tumigil at sumilong din sa waiting shed. Hindi ko iyon nilingon at nanatili lang ako sa aking posisyon.

"Woo. Ang lamig." Rinig ko pang sabi ng lalaki.

Agad naman akong natigilan ng makilala ko ang boses na iyon. Agad kong iniangat ang aking ulo at halos manlaki ang mga mata ko ng maging tama ang hinala ko. Lagi ko nalang bang makikita ang pagmumukha ng Grayson na ito?

Nakasuot ito ng varsity jacket at naka faded jeans  pa, mukhang may pinuntahan to ah?

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari dito. Ganito nalang to palagi kapag nakikita ko sya.

Ngumiti ito sa akin at tila hindi na nagulat pang makita ako doon. "Oh? Hi." Sabi nito at naglakad papalapit sa akin.

Sumiksik naman ito sa tabi ko sa dulo, kahit na malawak naman ang sa kabila. Kusa naman akong napalayo ng makaramdam ng kakaibang kuryente ng bigla nalang magdampi ang aming mga balat.

"Ginagawa mo dito? Bat ganyan ang suot mo? Para kang ginahasa." Tumawa pa ito.

Ha! Ang lakas naman ng loob nyang sabihin iyon sa akin. "Ewan ko sayo." Pagbabalewala ko sa kanya.

Tumingin ako sa aking kaliwa upang tingnan kung mayroon na bang paparating na jeep, pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Kung kaylan naman talaga.

"Bad mood ka?" Tanong nito.

Tiningnan ko ito ng masama at umayos ng pagkakaupo. "Oo, dahil nandyan ka." Inirapan ko ito.

"Ganun?" Nang-aasar ang tinig na ani nito.

Sasagot pa sana ako, kaso nga lang ay may naamoy akong masarap na bagong lutong kalderata. Sinundan ko ng amoy kung saan ba nanggagaling iyon. At laking gulat ko ng makitang nasa likuran lang pala namin ang mini karenderya.

Tsaka ko lang naalala na meron nga pala noon doon.

Bigla naman akong natigilan ng bigla na lamang tumunog ng malakas ang aking tiyan. Natulala pa ako sa nangyari, hindi ko tuloy malaman kung haharap na ba ako o hahayaan ko nalang na ma stiffness ang leeg ko.

Dahan-dahan akong napaharap  ng tumunog ulit ito ng malakas. Na kahit ang malakas na buhos ng ulan ay hindi na kinayang pagtakpan ito.

Grabe, ito na ang pinakang-nakakahiyang pangyayari sa buhay ko.

"Grabe. Akala ko utot." Natatawang saad nito habang nakatakip pa sa ilong.

Dahil sa kahihiyan ay hindi ko na nagawa pang sumagot. Inis ko na lang na pinaikot ang aking mga mata at umayos na sa pagkakaupo. Wala akong oras para makipag-biruan pa sa kanya.

Kaylangan ko ng makauwi at makakain dahil gutom na talaga ako. Bakit ba kasi wala akong nadalang pera. Saktong pamasahe lang pauwi tong dala ko.

"Hmm. Mukhang nagugutom ako." Hinimas-himas pa nito ang tyan habang tinitingnan yung mini karenderya sa likod namin.

Dahan-dahan itong lumingon sa akin ng may ngiti sa labi. "Gusto mong kumain muna?" Pag-aalok nito sa akin. At dahil nga sa ma pride ako, ay tinanggihan ko ang alok nya.

"No thanks." Itinaas ko pa ang kaliwang kamay ko. Nahihibang na ako kung papayag nalang ako basta sa gusto nyang mangyari. "Mababawasan ng isang pack ang mga abs ko." Sagot ko dito.

Natawa naman ito dahil doon. "Meron ka ba nun?" Natatawang tanong nito.

Dahil dun ay sinamaan ko sya ng tingin. Anong tingin nya sakin? Hindi nag-eexcercise? Pero hindi naman talaga.

"Oo naman, mas sexy pa nga ako sa gf mo." Pabulong ko na lang na sinabi yung huling mga salita, bago nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Ano?" Takang tanong nito.

Magpapaliwanag na sana ako, ng may marinig akong busina ng jeep. Napalingon ako sa aking kaliwa, at laking pasasalamat ko na dumating din sya. Kanina pa ako nilalamig dahil sa ulan dito.

"Una nako." Sabi ko sabay tayo.

Agad kong pinara ang jeep, bumagal ang takbo nito kaya mas naging excited ako. Makakahinga na rin ako ng maluwag.

Nang tumigil na ang jeep sa aking harapan ay mabilis akong naglakad papasok doon. Nababasa na ako ng ulan dahil hindi na sakop ng waiting shed ang nilalakaran ko. Pero bago pa man ako makasakay ay may humila na sa palapulsuhan ko. Dahilan para inis kong lingunin ito.

"Ano ba?" Inis kong sigaw dito.

Pero binaliwala lang ako nito at hinila ako patungo sa driver. "Manong hindi na sya sasakay. Sorry po sa abala. Nagtatampo lang po tong boyfriend ko." Nakangiti pa nitong sabi, habang nakahawak parin sa akin.

Naghiyawan naman ang dalawang bakla na nasa loob ng jeep habang ang iba ay napapangiti. Maging si manong ay nakangiti.

Habang ako nanlalaki lang ang matang nakatingin sa kanya. Pero bago pa man ako makapagreklamo ay hinila na ako nito pabalik sa waiting shed. Agad namang umalis ang jeep ng makitang wala ng sasakay.

"Baliw ka ba? Uwing-uwi na ako oh? Hindi mo ba nakikita?" Naiinis kong tanong dito.

"Kakain muna tayo." Masungit nitong sinabi. Parang sya pa ata ang galit.

"Ha! Maninigas na ako sa lamig dito iniisip mo pa rin ang pagkain? Hindi ako mamatay sa gutom pero mamamatay naman ako sa gin—" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng bigla nalang nitong hubarin sa harap ko ang kanyang suot na jacket sa gitna ng aking pagsasalita. At bigla nalang iyong isuot sa akin.

Tulala lamang akong nakatingin sa kanya. Hindi makapaniwala. Habang sya ay seryoso sa kanyang ginagawa. At dahil nga sa hindi ako nakagalaw dahil sa gulat, ay sya na mismo ang nagsuot sa akin ng kanyang jacket. Itinaas pa nito ang kamay ko kaya naman agad akong natauhan at kusa ko ng itinaas ang aking kamay.

Habang sya ay abala pa rin sa pagsusuot niyon sa akin. Napatitig na lamang ako sa gwapong mukha nito. Hindi ko na din alam sa sarile ko kung bakit hinahayaan kong gawin nya sa akin iyon. Natatakot ako na baka may mga makakita at bigyan ng ibang kahulagan ang ginagawa nya. Pero lamang ang kagustuhan kong maranasan ang mga ganoong bagay mula sa kanya.

"Oh ayan. Hindi ka na mamamatay sa lamig." Sabi nito habang inaayos ang kwelyo ng pinasuot nyang jacket.

Matapos nyang gawin iyon ay tumingin ito sa akin. Nakatitig lang kami sa mata ng isa't-isa habang patuloy pa rin sa pagbuhos ng malakas ang ulan.

Sa hindi malamang kadahilanan, naging komportable akong titigan sya ng mga panahong iyon.

Walang nagtangkang magsalita. Tanging ang pagbuhos lamang ng malakas na ulan, at ang malamig na simoy ng hangin. Ang may lakas ng loob na mag-usap sa aming paligid ng nga sandaling iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top