QUINCE

"Oh? Bat nagdudugo yang leeg mo?" Nag-aalalang tanong ni Mama sa akin pagkauwi ko. Lumapit ito sa akin at inalalayang umupo.

Mabilis ko namang hinawakan ang aking leeg. Kanina pa nga ito kumikirot pero hindi ko lang pinapansin.

"Ano ba ang ginawa mo at nasobrahan naman yata." Pagalit na sinabi ni Mama.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. "Oh? Anong nangyayari dyan?" Naguguluhang tanong naman ni papa. Naupo ito sa kabilang sofa.

"Ah... Baka ho sa shoot namin." Paliwanag ko. Lumapit ako kay Papa at nagmano.

Medyo nabawasan naman ang pag-aalala sa mukha ni Mama. "Naku! Kaylangan ng mapalitan ang bandage nyan." Sabi nito habang sinisilip ang aking sugat sa likod ng bandages. "Sandale at tatawagin ko lang ang kuya Stefan mo." Tumayo na ito at umalis.

Kumunot naman ang noo ko. Nasan si kuya Tom? "Kaylan ka pa naging basagulero ha?" Seryosong tanong ni Papa.

Nakaramdam naman ako ng takot dahil sa pagkaseryoso ng boses nito. Hindi ako  sanay.

"Hindi po ako nakipag-away. Naipit lang." Paliwanag ko.

Bago pa man makapagsalita si Papa ay dumating na si Mama at kuya Stefan na dala ang mga kakailanganin ko sa pagpapalit  ng bandage.

"Sa kwarto na po." Sinabi ko sa kanila.

Tumango naman si Mama at papa at dumiretso na kami ni kuya sa aking kwarto. Naupo ako sa aking kama at naupo naman sya harap ko.

Naiilang ako dahil hindi naman kami gaanong nag-uusap pero heto at sya pa ang magpapalit ng bandage ko.

"Wala si Kuya Tom kaya ako muna ang magpapalit ng mga bandage dyan sa leeg mo." Sabi nito ng hindi tumitingin sa mga mata ko.

"Nasan si kuya Tom?" Hindi ko mapigilang itanong.

"Nakikipag-inuman." Tangi nitong sagot kaya nanahimik nalang ako at hinayaan syang palitan ng bandage ang leeg ko.

Nang matapos ay nagpasalamat ako sa kanya. Tinulungan na muna ako nitong mahiga sa kama bago sya umalis. Tinanggihan ko ang alok nyang pagkain dahil nawalan ako ng gana sa lahat ng mga nangyari sa akin ngayong araw.

Tinitigan ko lang ang kisame ng aking kwarto. Hindi ko alam kung magpapadala ba ako ulet sa aking damdamin at hayaang mabaliw na naman kay Grayson. O talagang lalayo na ako?

Mabilis na bumigat ang talukap ng aking mga mata pagkalapat pa lang ng aking likod sa malambot na kama. Hanggang sa makatulugan ko na ang pag-iisip tungkol kay Grayson at sa mga masasama nyang nasabi sa akin.

Tanghali na akong nagising kinabukasan. Nagulat pa ako dahil parang hindi nagbago ang posisyon ko sa pagkakahiga. Siguro ay dahil sa leeg ko. Kung gusto kong gumaling ito kaagad ay dapat bawasan ko ang mga kilos ko.

Bumangon na ako sa pagkakahiga at dumiretso na kaagad palabas ng aking  kwarto. Nagtungo ako sa banyo upang gawin ang mga morning routine ko.

Nagulat pa nga ako ng madaanan kong walang kuya Tom na nage-exercise sa may sala. Siguro'y may hangover pa.

Dumiretso ako sa may kusina para mag-agahan. Nagtimpla ako ng kape at naupo sa may tapat ng lamesa. Tahimik ang paligid at tanging ang mga kapitbahay na nagwawalis sa kanilang mga bakuran ang naririnig kong ingay.

Napatingin ako sa may wall clock na nakasabit sa taas ng aming lababo. 8:16. Ganun ba ako kapagod para magising ng ganitong oras?

Sumimsim ako ng kape at napapikit dahil sa masarap na lasa nito. Kahit kaylan ay hindi talaga ako magsasawang magkape sa umaga.

Ang sarap sa feeling ng ganito. Walang pinoproblema. Payapa. Kung sana hindi ko na lang pinilit ang sarile ko na mapalapit kay Grayson edi sana ganito lang ako palagi.

Natigil ako sa pag-iisip ng biglang pumasok sa kusina si kuya Stefan. Nasa tainga nito ang cellphone at parang may kausap.

Nagkunwari akong humihigop ng kape habang pinagmamasdan sya.

"Opo ma. Dalawang libo po para sa tuition this semester— opo kaylangan na— nasan po ba kayo? Kila aling Tasing?— sige po, papunta na." Ibinaba na nito ang tawag at kumuha ng malamig na tubig sa ref.

Nag-iwas kaagad ako ng tingin ng bigla itong napalingon sa akin. Mabilis akong napahigop ng kape dahilan ng pagkakapaso ng dila ko. "Arrray." Naibulalas ko habang humihinga ng parang aso.

Mabilis naman akong napalingon sa tabi ko ng may maglapag doon ng isang basong tubig. Mabilis ko iyong kinuha at ininom. Medyo nawala naman na ang paso kaya tiningala ko si kuya Stefan na ngayon ay matamang nakatitig sa akin.

"T-thanks." Ilang kong sabi at nag-iwas agad ng tingin.

"Kamusta leeg mo?" Kaswal na tanong nito ng hindi manlang nagbabago ang posisyon. "A-ayos na. Siguro natuyo na yung sugat." Pilit akong ngumiti.

Tumango ito at ambang aalis na. "Papasok na ako sa school." Paalam nito sa akin.

"Sige." Mabilis kong sagot.

Umalis na rin ito kaagad pagkasabi ko nun. Naninibago pa ako kasi ngayon lang sya nagpaalam sa akin. Madalas namam ay diretso na sya papasok, pero ngayon nagawa pang magpaalam. Ano kayang meron?

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkakape at pagkain ng pandesal  kaysa ma-stress kakaisip bakit nagpaalam  si kuya Stefan sa akin.

Patapos na akong magkape ng bigla namang pumasok sa loob ng kusina si Kuya Tom. Hawak-hawak pa nito ang noo habang naglalakad paupo sa katapat kong upuan.

"Shit!" Utas  nito.

Tinaasan ko ito ng kilay kahit na hindi naman sya nakatingin. "Hangover?" Tanong ko.

"Yea. Pagtimpla mo naman ako ng kape please?" Masuyo nitong pakiusap sa akin habang nakatitig sa aking mga mata.

I rolled my eyes at him bago sinunod ang kanyang utos. "Ang bait mo talaga. Haha." Mapanuya nitong sinabi.

"Nakakaawa ka kasi."

Tumawa ito pero muling napangiwi ng sumakit na naman ang kanyang ulo. Inilapag ko sa harap nya ang kapeng itinimpla. Tiningnan nya iyon bago nag-angat ng tingin sa akin  at ngumiti.

"Thanks."

Tumango lang ako at inisang lagok na lang ang natitirang kape. "Kanino ka nakipag-inuman?" Naglakad ako patungo sa lababo at hinugasan ang ginamit na baso.

"Dun sa kaibigan ko sa trabaho dati. Birthday kasi eh."  Humigop ito sa kanyang kape.

Tumango ako at inilagay na ang baso sa may lalagyan. "Masarap ba malasing?" Panunuya ko sa kanya.

Sinamaan ako nito ng tingin. "Ano sa tingin mo?" Tinaas nito ang kilay.

"Well, base sa nangyayari sayo ngayon," nagkibit balikat ako, "mukhang masarap." Tumawa ako pagkatapos.

"Umalis ka na nga dito." Inis nitong sinabi at tinangkang sipain ako. Pero mabilis akong nakaiwas at nakalabas sa kusina. Tumatawang naglakad ako sa aming sala.

Ano kayang maaring gawin ngayon? Nakakatamad naman kung wala akong gagawin.
Lumabas ako ng bahay at ipinalibot ang paningin. Nagsasayawan ang mga dahon ng saging dahil humangin ng malakas.

Malamig na rin dahil malapit ng magpasko. At sa tingin ko ay magiging malamig ang mga susunod na araw ko. Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang lamig ng hanging tumatama sa aking balat. Sana ganito na lang palagi.

Iminulat ko na ang aking mga mata ng maisip kung ano ang dapat kong gawin. Mag-facebook. Pero char lang yun, mage-edit ako ng aming video.

Muli akong pumasok sa loob at dumiretso sa aking kwarto. Mabilis kong inilabas ang aking laptop at kinonek ito mula sa aking cellphone.

Hindi na ako nahirapan pang pagsamasamahin ang mga videos dahil dini-delete ko din naman agad kapag nagkamali.

Medyo natagalan lang ako sa paglalagay ng sound effects dahil hindi naman ako ganoon kagaling mag-edit.

Sa sobrang busy ko sa ginagawa ko ay hindi ko na namalayang ala una na pala. Tapos na rin akong mag-edit kaya laking pasasalamat ko dahil makakapagpahinga na ulit ako. Ni-save ko lang ang files bago nag-unat-unat ng kaunti hanggang sa maramdaman ko ang gutom ko. Grabe, wala man lang tumawag sa akin para mananghalian. Dinampot ko ang cellphone kong kanina ko pa hindi binubuksan. Ewan ko ba. Natatakot akong buksan sya dahil baka may kung sino na namang tumawag ang magpapagulo ng isip ko.

Sa huli ay napagdesisyunan ko na lang na dalhin ito sa labas kahit na nakapatay pa sya. Paglabas ay naaubutan ko sina Mama at kuya Tom na nag-uusap sa may sala habang bukas ang aming tv.

Hindi nila ako napansin dahil mukhang  seryoso ang pinag-uusapan nila. Binagalan ko ang aking lakad at pilit na pinapakinggan ang kanilang usapan.

"Bakit naman nanghingi pa sya ng pera? Diba tapos na yung second sem nya? Diba nabigyan mo na sya ma?"

"Ewan ko, hindi ko alam. Pero yun kasi yung sinabi ng kapatid mo. Baka naman may kulang pa na babayaran."

"Imposible." Huling sinabi ni kuya at isinandal ang likod sa may sofa. Doon lang nya ako nakita kaya mabilis itong napaayos ng upo.

"Oh?" Gulat nitong usal.

Napalingon sa akin si Mama pero hindi naman sya nagulat. Anong meron kay kuya tom?

"Kamusta ang leeg mo?" Tanong ni Mama at tumingin na sa tv.

"Ayos na po." Dumiretso na ako sa may kusina.

Naghalungkat ako ng pagkain. Adobong baboy ang nandoon. Mabilis akong nagsandok at kumain. Grabe! Hindi ko akalain na ganito pala ako kagutom.

Tsaka ko lang naalala na hindi nga pala ako kumain kagabi tas nagpandesal lang ako kaninang umaga. Hindi na ako magtataka kung maging sexy ako makalipas ang ilang araw.

Natapos ang maghapon ko ng wala ng ginagawa. Pumasok akong muli sa kwarto matapos kong kumain at lumabas lang bandang alas-kwatro para manood ng pelikula sa DVD.

Nasa kalagitnaan na ako ng panonood ng dumating na galing eskwela si kuya Stefan. At sakto namang lumabas ng kwarto si kuya Tom.

Nagkatinginan pa ang dalawa dahil sa nangyari. Nakaramdam ako ng kaba ng biglang kumulog dahil sa pinapanood kong horror film. Sa tingin ko magkakaroon ng mainit na eksena ngayon.

"Mag-usap tayong dalawa." Seryosong sinabi ni kuya Tom.

Kumunot ang noo ni kuya Stefan pero nagkibit balikat na lang. Nagpalipat-lipat naman ang paningin ko sa kanilang dalawa hanggang sa nauna ng maglakad si kuya Tom palabas.

Binalik ko naman ang atensyon ko sa pinapanood pero ang isip ko ay nililipad patungo sa dalawa kong kuya. Ano kayang pag-uusapan nila? Nakaka-curious  ha!

Dahil sa hindi ko na mapigilan ang curiosity ko ay nag-ala ninja ako palabas ng bahay. Nagtago pa ako sa hamba ng pinto at sinilip kung nandoon ba sila.

At tama nga ang hinala ko. Doon lang sila nag-uusap. Idinikit ko ang aking tenga sa may pader para mas marinig pa sila.

"Para san naman yung dalawang libo ha?" Tanong ni kuya Tom. "Alam kong tapos mo nang mabayaran yung tuition para sa second sem pero bat nanghingi ka pa ulet?"

"Para sa tuition ko ang hiningi kong pera.  Bat ka ba nagtatanong?" Iritang sinabi ko kuya Stefan.

"Dahil alam kong niloloko mo lang sila Mama at Papa!" May diin na sinabi ni kuya Tom.

"Niloloko? Alam mo ba yang sinasabi mo kuya? Pinagbibintangan mo ako sa bagay na hindi ko naman ginagawa."

"Alam ko kung magkano ang tuition fee kada sem. Kaya hindi mo ako maloloko."

"Paano mong nalaman? Eh hindi ka nga nag-college." Narinig ko ang pagtawa ni kuya Stefan.

"Hindi man ako nakapag-college. Pero hindi naman ako tanga para hindi malaman ang mga bagay-bagay lalo na't pagdating sa mga kapatid ko."

"Edi sige. Magmatyag ka lang. Tutal dyan ka naman magaling." Narinig kong may papasok na sa bahay.

Kaya naman dali-dali akong tumakbo paupong sofa. Tinalon ko na nga ang distansya ng sofa sa pagmamadali.

Nang makapasok si kuya Stefan ay nilingon ko ito na para bang walang narinig. Pero inirapan lang ako nito at nagdire-diretso na papasok  sa kanyang kwarto.

Sumunod naman ay si kuya Tom na halatang frustrated. Kunot noo ako nitong tiningnan pero hindi din pinansin at nagtuloy na sa kanyang kwarto.

Pinagsawalang bahala ko na lang din iyon at nagpatuloy na lang sa panonood ng movie.

Tuloy ay tahimik kami sa hapag ng mag-umpisa na kaming kumain ng hapunan. Halata mong magkagalit ang dalawa dahil hindi manlang nila nililingon ang isa't-isa.

Siguro ay nasaktan lang si kuya Stefan sa pambibintang ni kuya Tom sa kanya. Samantalang parang piling ni kuya Tom ay nilait sya ni kuya Stefan.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoo. Madalas naman na kasing manghingi ng pera si kuya Stefan. Palagi nyang sinasabi na project o di kaya ay may babayaran sa school. Well, college naman na kasi sya kaya siguro magastos.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top