Por Amor

Prólogo

Grayson

Hindi ko alam, pero unang kita ko palang sa kanya sigurado na akong mamahalin ko sya.

Naglalakad ito ngayon patungong eskwela samantalang ako ay patungong covered court para maglaro ng basketball.

Patapon na ang buhay ko sa murang edad at tingin ko, hindi ko na ito muling maayos pa. Masyado akong naging pabaya at carefree sa mga bagay na ginagawa ko. Hanggang isang araw, hindi ko na alam kung anong daan na ba ako patungo.

Nakangiti ko itong sinundan sa kanyang paglalakad hanggang sa may paradahan ng tricycle. Nakita ko pang inabot muna nito ang bayad sa driver bago pumasok sa loob nito.

Lalo akong napangiti ng makita ko kung gaano ito ka bored, habang hinihintay na mapuno ng iba pang sasakay ang tricycle.

I like watching how her emotions change. It's like a TV series na dapat lagi kong abangan.

Lumipas ang minuto at napuno na rin ang tricycle, agad itong tumakbo papalayo upang ihatid ang mga nasakay na pasahero.

Ako naman ay tumayo na sa pagkakaupo sa harap ng tindahan ni Aling Tasing, at nagpatuloy na patungo sa court.

"Hindi ka magugustuhan non. Ang itim mo kaya, ang puti nun eh." Sabi ni Maru sabay hagis sa akin ng bola.

Agad ko naman itong ini-shoot sa ring bago bumaling sa kanya.

"Gago! Hindi naman sa kulay malalaman kung magugustuhan ka ng isang babae. Sa diskarte yan boy." Sabi ko habang pinapanood syang damputin ang bola.

"Diskarte? Alam mo ba yun? Haha."

Agad ko naman itong binatukan sa inis. Kahit kaylan talaga hindi ito matinong kausap.

"Basta ako. Alam ko sa sarili ko na mapapasagot ko din sya."

"Kaylan mo naman balak ligawan?"

Napangiti ako sa tanong nito. Kaylan nga ba? Actually ngayon ko na gusto. Kaso naiisip ko na baka busy sya sa school, maybe next time.

"Malapit na."

"Ano to?" Masungit at may pagtatakang tanong nito ng abutan ko ito ng isang piraso na gumamela. Pinitas ko pa ito sa convenient store ni Aling Necy.

"Bulaklak. Para sayo." Ibinigay ko na dito ang pinakamaganda kong ngiti. Pati kapal ng mukha ay ipinalangin ko narin sa mga Santo kagabi.

Kinuha nito ang bulaklak, pero hindi mabakas sa muka nito na natuwa ito sa natanggap. "Thanks. Pero last mo na to." Sabi nito sabay lakad papasok sa kanilang bahay.

Napabuntong hininga nalang ako lalo na ng marinig ko ang panenermon ng tita nito sa akin.

"Hey! Hatid na kita?"

Nagulat ito ng makita ako sa paglabas nya ng bahay. Nakaupo ako sa second hand na motor ko, na nabili ko pa sa junk shop nung nakaraang taon.

"Kaya kong maglakad. Tsaka, isa pa. May pamasahe ako."

Akma na itong maglalakad at lalampasan ako ng bigla akong bumaba sa pagkakasakay sa motor. At hinawakan ang braso nya. Tinitingnan na kami ng iilang mga dumadaan pero hindi ko na yun pinansin pa.

"Just this once please. Payagan mo naman akong ligawan ka." Nagpaawa ako sa abot ng aking makakaya.

Tila lumambot naman ang ekpresyon ng mukha nito at kalaunan ay napatango rin.

Ang una, ay nasundan pa ng pangalawa. Hanggang sa nasundan pa ito ng nasundan, at pati ang pagsundo sa kanya sa school ay ginagawa ko na.

"Masipag ang manliligaw mo ah. Paangkas naman." Biro ng maitim nitong kaklase na si Tricia. Nagtawanan naman silang magbabarkada at ginatungan pa ang pang-aasar sa isa.

Sa halos araw-araw ko itong ginagawa ay tila nakasanayan ko na rin. Grade ten na si Cherry at dalawang buwan na akong nanliligaw sa kanya. Hindi naman sya nagbibigay ng pahiwatig kung sasagutin na ba nya ako.

"Mano po tito." Sabi ko ng madatnan namin ang papa ni Cherry sa labas ng kanilang bahay.

Mabait ang papa nito. At nakapalagayan ko na ito ng loob. Hilig nito ang mag-inom gayundin ako. Kaya siguro magaan ang loob nya sakin.

"Ang aga ah? May lakad kayo?"

"Wala ho. Hinatid ko lang ho ang anak nyo." Sabi ko rito. Bumaling naman ito kay Cherry na ngayon ay natatawa, sa hindi malamang kadahilan.

"Sige na. Magbihis ka na sa loob Cherry Angeline, at mag-iingat ka sa pag-uwi Grayson." Bilin pa nito.

Tumango naman ako at nagpaalam na. Nararamdaman ko, na malapit na nya akong sagutin.

"Ano? Dalawang buwan na hindi ka pa rin sinasagot? Alam mo sa panahon ngayon, wala ng panliligaw ang umaabot ng ganyan katagal. One week-two weeks, sinasagot na dapat ng mga babae ang manliligaw nila." Pang-aasar pa sa akin ni Maru.

Panira talaga kahit kaylan. "Ibahin mo sa kanila si Cherry. Sigurado ako, pag sinagot ako nun, pangmatagalan na talaga ang relasyon namin."

Inismiran lang ako nito at tumayo na sa pagkakaupo at naglakad papalayo, habang isinusuot ang nakahubad na sando na nakasabit sa kanyang balikat.

Nanatili lang ako sa aking pwesto at pinagmasdan ang papalubog na araw. 'Mapapasakin ka rin.'

Sabado, walang klase. Inaya ko na makipag-date sa akin si Cherry. Pumayag ito at ngayon ay papunta na ako sa kanila, upang sunduin sya.

"San tayo?" Tanong nito ng makasakay na sa motor ko.

Pinaandar ko na muna ang motor bago nagsalita. "Tanay? SaveMore tayo?" Tiningnan ko ito sa likod at nakita ko na nakangiti ito.

"Sige."

Agad kong pinaharurot ang motor, habang dala ang malaking kompyansa na sasagutin na nya ako ngayon.

"Gusto ko yang Stitch." Sabi nito habang ako naman ay pinagpapawisan na sa pagkuha ng gusto nya.

Hindi ko alam kung ano ang tawag dito, dahil ngayon lang naman ako napunta dito. May daya yata  ang laro nato. Pang sampung try na namin to. Di ko parin makuha.

Sa huli ay lumabas kami sa loob ng Fun House na walang dala. Pero pinangako ko naman sa kanya na makukuha na namin iyon sa susunod.

Nagtungo na lamang kami sa food court at bumili ng siomai. Syempre, yung sakto lang sa budget ko. 1k lang ang dala kong pera, dahil ito lang ang kinita ko sa mga naging sidelines ko sa mga bakla.

"Hindi ka na ba talaga mag-aaral?" Tanong nito sa kalagitnaan ng aming pagkain.

Napaisip naman ako sa sinabi nya. Sa totoo lang, wala talaga akong plano sa buhay.

"Anong grade ba ang natapos mo?" Dagdag pa nito.

"Nine." Nahihiya kong sagot. Lumiit tuloy yung kagat ko sa kinakain kong siomai.

"Dapat ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo. Mahirap kapag hindi ka nakapagtapos."

Tumango nalang ako dahil wala talaga akong plano.

Matapos kumain ay ipinasyal ko na lamang sya sa may palengke. Doon ay pinapili ko sya ng gusto nyang teddy bear. Para naman kahit papaano ay makabawi ako sa kanina.

"Gusto ko to." Excited nitong sabi sabay kuha at yakap doon sa kulay pink na teddy bear, na kalahati ng laki namin.

"500 ho yan." Sabi ng tindera na kadarating lang.

Halos manlaki naman ang mata ko sa sinabi nitong presyo. Eh tangina, 450 nalang ang pera ko.

Napakamot naman ako sa aking batok at alanganing tumingin sa tindera.

"Hindi po ba pwedeng 450 nalang?"

"480 ho."

"450."

"470."

Magsasalita pa sana ako kaso inunahan na ako ni Cherry. "Ako ng bahala sa bente. Kunin na natin to." Nakangiti paring sabi nito.

Agad ko namang iniabot ang pera gayundin si Cherry. Nagpasalamat pa sa amin ang tindera pero hindi ko na ito nilingon. Ang dumi-dumi naman ng teddy bear, ang mahal pa.

"May gusto ka pa bang puntahan?" Tanong ko ng makarating na kami sa aking motor.

Nakangiti ako nitong nilingon at umiling. "Wala na. Uwi na tayo."

Napangiti naman ako dahil dito. Mukhang masaya talaga sya doon sa teddy bear. Mabuti naman at napakamahal nun. Although nakakahiya dahil inambagan nya pa yun ng bente. Still, ang mahal parin.

Nang maiparada ko na ang motor ko sa tapat ng kanilang bahay, ay marahan itong bumaba at hinarap ako.

"Pano? Next time ulet?" Tanong ko, umaasang sasang-ayon sya. Kahit na confident naman ako na sasang-ayon talaga sya.

"Sige ba. Walang problema."

Tumango nalang ako at ginulo ang kanyang buhok. Magmamaniobra na sana ako papaalis, kaya lang ay natigil ng muli nya akong tinawag.

"Bakit? May nakalimutan ka ba?" Tanong ko dito ng muli akong humarap sa kanya.

Nakangiti lang ito at tila nahihiya. Hindi ko tuloy maiwasang ma-creepy-han sa kanya.

"Tayo na. Sinasagot na kita."

Natulala naman ako sa narinig. Totoo ba? Hindi ko namalayan na nakababa na pala ako sa motor ko at nakalapit sa kanya. Niyakap ko sya mahigpit at tila ba ayaw ng pakawalan pa. Halos mabuhat ko pa nga sya sa sobrang tuwa.

"Hoy. Baka hiwalayan ka agad ng anak ko. Aba, hindi mo na yata pahihingahin ang anak ko eh." Tumatawang sabi ni Tito.

Napabitaw naman ako kaagad sa yakap at dumistansya sa kanya. Napakamot pa ako sa batok dahil sa kahihiyan. "Masaya lang po." Paliwanag ko.

Tinawanan lang ako nito. "Sige na, umuwi kana. Pagabi na. Marami pa namang araw para magkita ulet kayo."

"Sige po Tito. Babes! Chat nalang." Sabi ko sabay kindat.

Namula naman ang pisngi nito na lalong nagpangiti sa akin. Nilisan ko ang lugar na iyon ng may ngiti sa mga labi.

"Mabuti naman at sinagot ka na. Haha, tagal mong naghintay ah." Si Maru. Nandito kami ngayon sa tapat ng tindahan ni aling Tasing, at mukhang masaya sya dahil sa binalita ko.

Sumipsip na muna ako sa straw na coke na binili ko bago nagsalita. "Sabi ko naman kasi sayo. Tiwala lang."

Nag-usap pa kami ng kung ano. Hanggang sa nagdesisyon na kaming umuwi ng bahay.

Tumagal ang relasyon naming dalawa ni Cherry, hanggang sa mag-grade 11 na sya. Nagkakaroon ng kaunting away, pero naayos din naman kaagad. Tiwala ako na hindi nya ako lolokohin, ganoon din naman sya sa akin.

Pero nagbago ang lahat ng mag 2nd semester na sila. Nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya, kaylangan nya ang i.d nya. Ipapa photocopy nya iyon dahil nagkaroon sila ng seminar about Agri sa may Morong. Kaylangan daw nilang magpasa ng passport size picture.

Nakangiti pa ako habang nagmamaneho, masaya ako kasi makikita ko na naman sya. Lalong lumawak ang ngiti ko ng masilayan ko na ang mukha nya. Napakaganda talaga.

"Salamat."

Maingat kong iniabot dito ang i.d nya. Nawala lamang ang atensyon ko sa kanya ng biglang may nagsigawan sa tapat ng isang printer shop. Magulo at mukhang nagkakatuwaan ang mga kaklase nya.

Pero merong isa ang umagaw ng atensyon ko. Isang matangkad na lalaki na may kapayatan, ang nakita kong tahimik na nakahalukipkip sa isang tabi.

Pinagmamasdan ang mga kasama. Halos lahat sila ay nakasuot ng orange na damit, t-shirt daw nila iyon nung mag Christmas party sila.

Pero may tatlong naka plain white shirt ang nandoon, at isa na doon ang lalaking umagaw ng atensyon ko.

Hindi ko alam pero merong kakaiba sa kanya na hindi ko maintindihan. O baka hindi sa kanya? Baka sakin? Pero bakit naman sa akin?

Napalunok ako ng tatlong beses ng lumingon ito sa direksyon ko. Walang ekpresyon ang mukha nito pero makikita mo sa mga mata na masaya sya.

Bigla akong napabaling kay Cherry ng magsalita ito. "Mga loko-loko talaga." Sabi nito habang umiiling-iling pa.

Ngumiti naman ako ng pilit para itago ang kabang nararamdaman. Na hindi ko alam kung saan ko nakuha.

"Alis na ako." Sabi ko at dali-dali ng nagmaneho papaalis.

Parang hindi ko kakayaning magtagal pa doon. Knowing na nakatingin lang sya sakin. Nakaka intimidate ang uri ng titig nya. At hindi ko gusto ang response ng katawan ko dahil doon.

Kung anuman yun. Kaylangan ko ng pigilan yun, ayokong magkaroon ng trouble. Ayokong may masaktan ako.

Pero lumipas ang araw. Hindi ko akalain. Na ang lalaking makakapagpakaba sa akin, ay magkakaroon ng malaking papel sa buhay ko. At ng dahil sa kanya, ang mga hindi ko kayang gawin noon nagawa ko na.

Hindi ko alam, pero sumasabay nalang ako sa agos nito. Mabilis, at tila walang planong tumigil. Nagmahal lang naman ako, pero bakit kaylangan masaktan ng mga taong minahal ko?

Napakatanga ko, hindi ko akalain na dahil lang sa pag-ibig magbabago ang lahat. Nang dahil sa pag-ibig, ang mga taong napalapit na sakin, lumayo ang loob.

Mali ba na minahal ko sya? Mali ba na mas pinipili ko sya? Kaysa sa alam kong tama?

Kasi kung mali, bakit parang tama? At naiinis na ako sa sarili ko. Dahil ayokong mas masaktan pa sya kaysa kay Cherry.

Kasi... mas mahal ko na sya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top