DOS

Dos

Lutang ako pagkapasok ko sa school. Hindi ko na din alam kung ano ba ang gagawin ko. Maging dito ay tinatago ko ang pagkatao ko.

Nakakainis na. Wala ba talagang lugar para sa mga bakla? Hindi naman namin ginusto to. Nagkusa to.

Ibinaba ko ang bag ko sa katabing upuan ng kaibigan kong si Peter. Nagtatablet ito habang naka earphone. Naupo nalang ako at tumungo.

Hay! Wala talaga akong gana. Nakakainis.

Natigil lang ako sa pag-iisip ng maramdaman kong may naglagay ng earphone sa aking kaliwang tenga. Nilingon ko ang katabi ko at nakita ko ang nagtatablet ng muling si Peter.

Napangiti ako dahil dito. Kilala na talaga ako nito. Babalik na sana ako sa pagtungo ng marinig ko ang malakas na pagsigaw ni Laynes.  He's gay also.

"Fraaaaaanz!"

Napalingon ako dito. Nakahawak pa ito sa magkabilaang pader ng pinto at ini stretch doon ang kanyang mga braso.

Binigyan ko ito ng nagtatanong na tingin. Nakakahiya sya, ang dami na kayang tao sa classroom.

Marahan nitong inalis ang pagkakahawak ng mga kamay doon at lumapit sa akin.

"I'm ready to our Photoshoot." Umikot pa ito na para talagang isang modelo.

"Ang oa mo." Sabi ko dito habang natatawa.

"Che!" Tanging sinabi nito at umalis na sa harapan namin.

Siraulo lang talaga.

Habang tumatagal ay parami na rin ng parami ang mga estudyante. At dahil nangangalay na ang puwet ko kakaupo ay napagdesisyunan kong tumayo na muna.

Lumabas ako ng classroom at dumiretso sa railings ng hallway. Nasa ikatlong palapag kami ng gusali kaya naman kita ang mga estdyanteng dumadaan at papasok pa lang.

Naalis lang doon ang paningin ko ng may kumalabit sa akin. Si Ernalyn lang pala.

"Bakit?" Tanong ko dito.

"Puntahan mo daw sila Joyce sa kanila. Magpapatulong yata sa pagbubuhat doon sa ginawa nyong coffee jelly." Sabi nito.

Oo nga pala. Meron pa kaming ibebenta. Nakakapagod talaga ang buhay estudyante ng grade 11. Daming ginagawa.

"Hintayin moko, sasama ako." Sabi nito at nagmamadaling pumasok sa loob, para lang ilagay ang bag nya.

"Tara?"

Nang makabalik ito ay mabilis kaming umalis. Habang naglalakad ay napag-usapan namin yung gagawin sa shooting, since sya yung gaganap na multo.

"Huy! Kinakabahan talaga ako." Sabi nito habang nakahawak pa sa pisngi.

Kala naman nito kaputian sya kung makaganyan.

Hindi naman sa nanlalait ako, maitim na tao si Ernalyn. Or should I say. Katulad ng lagi nyang sinasabi. Brown ang kulay nya. Sa totoo lang hindi sya panget, sakto lang.

And despite of all her features. Napakabait nya, at marunong makisama.

"Wag kang mag-alala, hindi ka na kaylangang make-up-an, kasi mukha ka na talagang multo." And take note, sya lang ang naaasar ko ng ganito.

"Grabe sya! Kagwapuhan ka?" Nakangiting tanong nito.

"Hindi, cute lang."

Naging ganun lang ang pag-uusap naming dalawa, hanggang sa makarating na kami sa gate. Maraming gustong lumabas pero bawal na.

Nagkatinginan naman kami ni Ernalyn. "Ikaw na ang magpalusot doon."

"Hala sya? Bakit ako?" Takang tanong ko.

"Eh ikaw ang lalake eh." Pumadyak ito ng isang beses.

"Yan tayo eh." Sumimangot ako.

"O sige na nga ako na." Padadyak-padyak itong parang  bata na nagpunta sa harap ng lady guard.

"Ate baby, palabasin mo naman  kami oh. Kaylangan naming sunduin yung kaklase namin kasi may mga bitbit yung coffee jelly na ititinda sa canteen." Pagmamakaawa nito.

Lumingon sa akin si ate Baby at napasinghap. "Sige-sige. Pero akin na yang mga ID nyo." Sabi nito.

Abot langit naman naming inabot ang ID namin dito.  Nang makalabas ay narinig pa namin ang angal ng ibang esrudyante. Bakit kami daw pinalabas, tapos sila hindi? Haha.

Nagpatuloy kaming dalawa sa paglalakad at pagkukwentuhan hanggang sa makarating na kami sa bahay ng kaklase namin.

Naghihintay na ito doon kasama ng mga coffee jellies na finish product na.

"Ang tagal nyo naman, malelate tayo sa first subject natin nito." Angil nito.

"Wag ka mag-alala, si Sir Gary naman ang first sub natin. Haha. Di naman nagtuturo yun." Sabi ko.

Nag-umpisa na kaming maglakad ng may tig-isang tray sa mga kamay namin.

"Oo nga no haha. Tamad talaga nun."

"Naku? Sinabi mo pa." Sang-ayon naman ni Ernalyn.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. At dahil kasama namin ang madaldal na si Ernalyn, ay hindi naging tahimik ang paglalakad namin.

Nang malapit na kami sa school ay may nakita akong paparating na motor single. Hindi ko na sana ito bibigyang pansin ng makilala ko kung sino ang driver nito.

Pinakatitigan ko pa talaga hanggang sa saktong nasa tapat na kami ng school at ganoon din sila.

Bumaba sa likod nito si Cherry, ang kaklase naming girlfriend nya.

Tumigil sa paglalakad itong dalawang kasamahan ko upang makipag-usap sa kararating lamang na si Chezka.

Ako naman ay nanatili ang paningin sa lalaki. Hindi pa ito umaalis. Mukhang may nakalimutan yata si Cherry.

Tama nga ang hinala ko dahil bigla nalang may hinanap ito. "Hala! Yung mga Graham's." Tiningnan nito ang sarile bago tumalikod.

Parang tanga, hanapin baga naman ang Graham's sa katawan nya. Sino ba naman syang baliw?

"Nandyan ka pa pala. Kala ko nakaalis ka na." Lumapit ito kay Grayson.

Inabot naman ng binata ang isang garapon na puno ng Graham's, tapos pinisil ang ilong ng babae. Napanguso pa ito.

"Nakakainis ka talaga."

"Tama lang yan sayo. Makakalimutin ka kasi."

Dito pa talaga naglandian. Lalong napataas ang kilay ko ng makita kong parang kinuryente na si Joyce at Ernalyn sa kilig.

Ano pa ba ang ginagawa namin dito? Bakit di pa kami pumasok?

Mauuna na sana akong pumasok kaya lang ay sunod-sunod na silang nagsipasukang tatlo.

At dahil gentleman kuno daw ako ay nagpahuli na ako. Napansin kong parang wala pa rin akong naririnig na motor na umalis.

Kaya naman matapos kong makuha ang ID ko kay ate Baby ay tumalikod ako't nilingon ang dating pwesto ng lalake.

At shet! Nakatingin sya sa kin.

Mag-iiwas na sana ako ng tingin, kaso nga lang, bago ko pa magawa yun ay nakindatan na nya ako.

Totoo ba yun? Kinindatan nya ako?

At dahil dun ay hindi na ako nakagalaw pa sa kinatatayuan ko. At napatunganga nalang sa kanya.

Bigla itong ngumisi at napailing-iling na ini-start ang kanyang motor. At tuluyan ng umalis.

Balak ko pa sanang mag daydream doon ng sitahin na ako ni ate Baby.

"Ano? Hindi ka na papasok?" Mataray na tanong nito.

Napanguso ako. Sana kasing cute ni Cherry itong ginagawa ko.

"Aalis na nga po." Sabi ko at naglakad na papaalis doon.

Good thing, nakalimutan na ako ng mga kasama ko dahil kay Cherry

Walang nakakita ng kahalayan ko bilang isang beki.

Fucking shet. Hindi ko makakalimutan ang araw na to. September ten. Ang araw na kinindatan ako ng isang gwapong si Grayson Pillas Salor.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top