DIEZ

Diez

"B-bulalugaw nalang akin." Nauutal kong sinabi kay Grayson, ni hindi ko magawang lingunin  sya sa mata. Napakamot pa ako sa aking noo sa sobrang hiya.

Nandito na kami ngayon sa isang kainan malapit sa school. Hanggang alas-dyes itong nakabukas at alas-otso palang naman ng gabi.

"Okay." Ngumiti ito sa akin bago nagtungo sa may counter upang um-order.

Simula nung nangyari kanina, palagi na syang nakangiti. I find it weird lalo na't taliwas yung inaasahan ko sa magiging reaksyon nya.

We just kissed. I think it's normal thought. I mean, it's normal if two men kissed each other? Right? Well, girls do that often. So maybe it's also normal to boys?

Arggh... Bat ko pa ba pinoproblema yun? Kung hindi naman sya namomroblema sa bagay na yun?

Mabilis akong napaayos ng aking upo ng maupo na sa harapan ko si Grayson. Nakangiti lang ito habang nakatitig sa akin. Naasiwa naman ako sa paraan ng pagtitig nya kaya hinimas ko ang aking kaliwang sentido at umiwas ng tingin sa kanya.

And their, I saw Cherry outside watching us. Hindi ko alam kung hallucination ko lang yun o ano pero bigla nalang gumapang ang kaba sa aking buong sistema. Nahihirapan akong huminga dahil dito.

Bakit ako kakabahan? Wala naman kaming ginagawang masama ah? We're just having a dinner. Is it counted as cheating?

Nawala lang ang atensyon ko sa labas ng maramdaman ko ang paghaplos ni Grayson sa kanang kamay ko sa mesa. "Are you okay?" Dinig ko pang tanong nito. Agad kong inilayo ang aking kamay sa lamesa at gulat syang tiningnan.

Kumunot ang noo nito sa naging reaksyon ko pero ang sistema ko ay puno na ng pangamba. Muli kong nilingon ang labas kung saan ko nakita si Cherry. And she's nowhere to be found.

Namalik-mata lang ba talaga ako? Paano kung nandoon talaga sya? Nakita nya ba ang ginawa ni Grayson? Alam kong wala lang yun dito sa taong nasa harap ko. But for me and Cherry, it's more than that.

"We should not doing this." Sabi ko ng makaharap na sa kanya. Lalong kumunot ang noo nito sa pagtataka dahil sa mga lumalabas sa bibig ko. "I should go." Mabilis kong sinabi at binitbit ang bag palabas.

Akmang susunod ito sa akin ng tawagin sya ng isa sa mga tao sa loob. Hindi pa siguro sya nakapagbayad. And I'm thankful ng may dumating na kaagad na jeep sa harapan ko. Mabilis ako na sumakay dito sa takot na maabutan pa ako ni Gray.

Kinalma ko ang sarile ko. Hindi dapat ako nakokonsensya. Hindi dapat ako kinakabahan, dahil wala naman akong ginagawang masama.  Pero taliwas ang nagiging aksyon ng sistema ko. Para bang sa lahat ng ginawa ko nitong mga nakaraang araw ay guilt ang pumalit. Kasalanan to ng salamin na harang ng kainan eh.

Pagkababa ko ng jeep ay mabilis din akong sumakay ng tricycle sa may kanto. Para akong may tinatakasan dahil sa ikinikilos ko. Although meron naman talaga.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng makauwi na ako sa amin. Sinalubong ako ng mabangong luto ni Mama. Bukas pa ang aming pinto at naabutan kong nanonood ng tv yung dalwa kong kuya pati si Papa. Basketball. Ang isa sa pinakang hate kong panoorin sa tv.

Dumiretso ako kay Papa at magmano. Pinalo naman ni kuya Tom ang pwet ko habang ang paningin ay nasa tv.

"Iaalis mo naman yang pwet mo dyan." Seryoso nitong sinabi. Napailing naman si kuya Stefan. Sa kanilang dalawa talaga ni kuya Tom, sa kanya lang ako nai-intimidate. Masyado syang seryoso.

"Ang panget-panget naman ng pinapanood nyo." Nakanguso kong sinabi bago dumiretso sa kusina upang tingnan kung ano ang niluluto ni Mama.

Humalik ako sa pisngi nito bago sumilip sa kawaling may lamang adobo. "Wow. Amoy ko na po mula sa labas ang niluluto nyo Mama." Nakangiti kong papuri. "Ginutom po tuloy ako bigla."

Tumawa lang si Mama at nagpatuloy sa paghahalo sa niluluto. "Sige na. Magbihis ka na doon at kakain na tayo."

"Sige po."

Naglakad na ako patungong kwarto. "YES! Tatlo na lang." Sabi pa ni kuya Tom ng maka-shoot ng 3 points ang paborito nyang kupunan.

Narinig ko pa ang mga asaran nila dahil sa sobrang dikit ng laban. Nawala lang ang ingay ng maisara ko na ang pinto ng aking kwarto.

Doon ko lang naramdaman ang pagod ko sa buong maghapon. Nahiga muna ako sa kama ng mga ilang segundo. Hanggang sa marinig kong tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang nag text. Unknown number. Sa pagka-curius ay binuksan ko kaagad iyon. Mabilis ang naging tibok ng aking puso ng mabasa ang mensahe.

Unknown number:

Ba't ka biglang umalis?

The heck? How did he get my number? Wala naman akong pinagbibigyan kahit isa ng numero ko. Pero bakit sya meron.

Me:

San mo nakuha number ko?

Unknown number:

Sa form

Form? Paano nyang makikita ang mga yun kung ipinasa ko naman yun sa mga teacher namin?

Unknown number:

Pupunta ko dyan. Ibibigay ko sayo tong in-order ko para sayo.

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa. Napatayo kaagad ako dahil tila umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo.

Seryoso ba sya? Wala akong ibang nagawa kundi ang i-dial ang kanyang numero at bumangon na sa kama. Dalawang ring palang ay sinagot na nya kaagad iyon.

"Hey! Are you serious?" I snap out.

"Oo. Kelan ba ko hindi naging seryoso sayo?" Malalim ang boses na sinabi nito.

I can hear the engine of his motorcycle so I guess, papunta nga sya?

Napatigil nalang akong bigla sa paglabas ng pinto dahil sa naging sagot nito.

"What do you mean?" Matigas kong sinabi.

Siguro ay dapat ko ng putulin kung ano man ang meron sa amin. Kasi habang tumatagal, mas lalo lang  lumalalim. Mas nagkakaroon ng meaning, and it scares me.

Oo nga't pinangarap ko na magustuhan nya at mapansin man lang ng kahit na sinong gwapong lalaki dyan. Pero never kong naisip na manira ng isang relasyon.

"Malapit na ako." Sabi nito, ignoring my question.

Napamura na lang ako ng ibaba na nito ang telepono. Mabilis ang mga naging hakbang ko habang tinatahak ang daan palabas. Napansin naman ito ng mga kapatid ko at ni papa.

"San ka pupunta?" Tanong ni Papa.

Nakamasid lang sa akin si kuya Tom at kuya Stefan. Nilibot ko ang paningin ko sa kanila, mabilis ang aking paghinga. Wala naman sigurong masama kung sabihin ko ang totoo diba?

"Nandyan yung kaklase ko sa labas. Hinatid yung naiwan ko sa school." Iniwasan kong magtunog kabado. Nagsinungaling pa rin ako. Great.

Tumango lang si papa at bumalik na ulet ang atensyon nila sa tv. Halos ilakad takbo ko na ang pagpunta sa kalsada ng marinig ang papaakyat na motor. Sya na siguro iyon.

Saktong paglabas ko ay sya namang paghinto ng kanyang motor. Nagkatinginan pa kaming dalawa habang ako ay mabagal na naglalakad palapit sa kanya.

Ayoko mang putulin ang aming pagtittigan pero hindi ko kayang magtagal ng tingin sa mga mata nya. Para akong hinihigop na kung ano.

Pinirmi ko na lang ang paningin sa supot na nakasabit sa handle ng kanyang motor. Hanggang sa makalapit na ako.

Kinagat ko ang aking labi ng tanggalin nito iyon doon at iabot sa akin. Tinanggap ko naman iyon, pero naging pigil ang aking hininga ng hindi nito pakawalan ang aking kamay. Mainit ang hawak kong supot, pero mas mainit ang kanyang palad.

Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone na nasa gitna ng aking dibdib. Halos sumabay na sa paggalaw ang aking kamay dahil sa lakas ng pintig nito.

Wala akong ibang nagawa kundi ang titigan sya sa mata. Pagod at lungkot  ang mababasa mo doon.

"Bakit mo ako iniwan?" Halos hindi ko na iyon marinig dahil sa sobrang hina. Nawalan na siguro sya ng lakas kakabyahe.

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong nya o hindi. Kung magiging totoo ako sa kanya, siguro naman iiwas na sya sa akin. Siguro naman mas ico-consider nya yung feelings nung girlfriend nya over me?

That taught hurts me big time. Pero yun ang dapat. Hinila ko na ang kamay ko pabalik sa akin. Hindi ganun kahigpit ang hawak nya kaya mabilis kong naiilis ang aking kamay.

Mula sa mata, ay bumaba ang tingin ko sa kanyang mga labi. Then I remember the kissed we share kanina lang. Napalunok ako at muling nag-angat ng tingin just to find out na nakatitig na rin pala ito sa aking labi.

Mariin kong itinikom ang aking bibig hanggang sa mag-angat sya ng tingin. His face softened. Gusto ko mang mag-assume pero hindi ko ginawa. Mas mabuti na yung nasa safe place ako para siguradong hindi ako masasaktan.

"I think your girlfriend saw us. Kanina." Matapang kong sinabi. Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. It's darkened. Pero hindi ako nagpaapekto. Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. "At sa palagay ko. Ayaw nya tayong nakikitang magkasama." Pag-amin ko.

Sumandal ito sa manibela ng kanyang motor at pinakatitigan ang mata ko. "Eh ano naman? May ginagawa ba tayong masama para ayawan nya tayong dalawa?" Seryoso nitong tanong.

Gusto ko nalang tangayin ng hangin ang isip ko dahil sa naging sagot nya. So ganun na lang yun? Hindi nya ico-consider ang damdamin ng girlfriend nya? Alam kong walang masama sa pagkakaibigan naming dalawa. Pero hindi yun yung iniisip ng girlfriend nya sa aming dalawa.

"Wala!" Diretso kong sagot. "Pero kung ayaw naman ng girlfriend mo bakit hindi mo na lang ako layuan? Magcau-cause lang to ng away ninyong dalwa." Namuo ang luha sa aking mga mata.

Nag-igting ang panga nito at  nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung alin sa mga sinabi ko ang hindi nya maintindihan. Pero isa lang ang alam ko. Hindi ko na din dapat i-offer sa kanya pati friendship. We should stop this.

"Paano mo ba nasasabing ayaw nyang magkasama tayong dalawa?" Matigas nitong sinabi at kita ko ang pagtalim ng mga tingin nito sa akin.

Dapat ay natatakot na ako ngayon. Pero hindi, lalo lang akong na amaze dahil mas gumwapo sya ngayong galit na mukha na ang ipanapakita nya sa akin.

"She was threatened. Inamin nya yun sa akin kanina. I know it looks like a joke, pero she was threatened by me." Paliwanag ko dito.

Pagak itong tumawa at kinamot ang kanyang ilong. "Anong akala nya sa akin? Papatol sa kapwa ko lalake? Nasisiraan na ba sya ng ulo?" Sunod-sunod na tanong nito sa sarile at hindi matigil kakatawa dahil sa narinig.

Ako naman ay tulala lang sa kanya habang pinipigilan ang sarile na maluha. This is what I want right? Pero bakit nasasaktan ako? Nanghihinayang.

Natigil ito sa pagtawa ng mapansing nakatitig lang ako sa kanya. Pilit akong tumawa at nag-iwas ng tingin ng maramdamang tumulo ang luha ko.

Tumagilid ako at tumingala sa puno ng kaymito limang hakbang lang ang layo sa akin. Alam kong hindi na nito kita ang luha ko dahil madilim naman sa paligid.

Walang ilaw sa labas ang mga bahay na nandito, tanging nasa loob ng bahay na ilaw lang nila ang nagbibigay ng liwanag sa amin.

"Umalis ka na." Napalunok ako ng may biglang bumara sa lalamunan ko.

"A-ayos ka lang ba?" Utal nitong tanong.

Naikuyom ko ang aking mga kamao bago tumango. "Ayos lang. Ba't naman ako hindi magiging okay?" Hindi ko alam kung tuyo na ba yung luhang pumatak sa pisngi ko kanina, pero hinarap ko pa rin sya.

"Umuwi ka na. Gumagabi na." Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito at naglakad na ako palayo.

Mabigat ang bawat hakbang ko. Mabilis din ang aking paghinga sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Siguro umasa ako na kahit konti meron. Na kahit na katiting maiparating man lang nya sa akin na may pag-asa ako.

Pero hindi, inisang bagsak nya ang lahat. Kung ganon, yung mga ginawa nya sa akin nung nga nakaraang araw ay wala lang yun? Purong pagkakaibigan lang? Sucks!

"Oh? Ano yang bitbit mo?" Tanong ni kuya Stefan na kalalabas lang galing kusina. Nagulat pa ako sa biglaang pagtatanong nito dahil hindi naman ito madalas magtanong sa akin.

Napatingin naman ako sa aking bitbit at itinaas iyon. "Ah... Ito ba? Binili ko kanina." Sagot ko.

Tumango ito. "Kakain na. Pumunta ka na doon." Aniya.

"Okay." Ngumiti nalang ako at akmang magtutungo na sa may kusina ng mapansin kong palabas ito ng bahay.

"San ka?" Tanong ko na ikinatigil ng paglalakad nya.

Tumingin ito sa akin pero hindi na makatingin sa aking mga mata. Kumunot ang noo ko dahil tila naging kabado ito.

"D-dyan lang. May nag-aantay sa akin sa labas." Akmang aalis na ulet ito ng sumegunda pa ako ng tanong.

"Hindi ka ba muna kakain?"

Tumigil ito muli sa paglakad at inis na nilingon ako. "Babalik din ako agad. Bat ba ang dami mong tanong?" Medyo napalakas ang boses nito kaya naman napalabas pa si kuya Tom mula sa kusina.

"Anong nangyayari?" Nagpalipat-lipat ang paningin nito sa aming dalawa ni kuya Stefan.

Gusto ko mang magsalita pero hindi ko mapigilang makaramdam ng takot. Kuya ko ang nagagalit sa akin. Alam kong hindi kami masyadong nagpapansinang dalawa, pero ngayon lang sya nagalit sa akin. Hindi man galit, pero iritado naman sa akin.

"Ewan ko dyan kay Franz. Sabe't lalabas lang ako saglet." Iritado nitong sinabi at nagtuloy-tuloy na sa paglabas.

Natulala nalang ako doon sa kinatatayuan ko. Kung hindi pa ako hinila ni kuya Tom patungong kusina ay hindi pa ako makakaalis doon.

"Ano yang bitbit mo?" Tanong ni Mama. Nakaupo na silang dalawa ni Papa sa lamesa at hinihintay na lang kami.

Inilapag ko sa lamesa yung supot bago naupo sa upuan. "Bulalugaw po. Akala ko kasi matatagalan kami sa shoot kaya bumili ako nyan."

"Wow! Mukhang masarap ah." Inamoy pa ito ni kuya Tom.

"Mamaya na yan. Kumain na muna tayo." Ma awtoridad na sabi ni Papa.

Natahimik naman na kami bago nagsimulang kumain.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top