DIECINUEVE
Kabado ako habang naglalakad papunta sa aming classroom. Hindi ko alam kung bakit ba ako kinakabahan eh wala naman akong ginagawa.
Natatakot ba akong baka nalaman ni Cherry na nakipagtawagan ako kay Grayson kagabi? Wala naman kaming pinag-usapang ikakasira ng relasyon nila. Ni hindi nga yata umabot ng limang minuto ang usapan naming dalawa ni Gray.
Marami ng tao sa bawat hallway na madaan ko. Medyo late na rin kasi akong nakapasok kaya ganun. Nang nasa third floor na ako ay biglang nanginig ang tuhod ko kaya muntikan na akong mapaluhod sa kinatatayuan ko. Mabuti na lang at mabilis akong nakakapit sa railing ng hagdan.
Shit! Kung ganito ako kakabado, hindi ko na alam kung kaya ko pa bang harapin si Cherry. Kahit na nahihirapan ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Dalawang classroom ang kaylangan kong lagpasan bago marating ang aming classroom.
May apat na classroom sa bawat floor ng building. Ang pinakangdulong classroom na kasunod ng sa amin ay walang laman kundi ang mga sira-sirang upuan na hindi na maaayos pa.
Maingay ang classroom ng GAS 12 pagkadaan ko, ang iba'y napatingin pa sa akin pero hindi ko na lang pinansin. Malapit na ako sa classroom ay kita ko na ang loob nito. Unang sumalubong sa akin sa lahat ng mga inaasahan kong una kong makikita, ay si Cherry pa talaga. Saglit itong natigilan sa pakikipag-usap kay Tricia at pinagmasdan ako.
Humigpit ang hawak ko sa lace ng aking bag at pigil hiningang nakipagtitigan sa kanya. Nakapasok na ako sa pinto ng ngitian ako nito. Kaya naman nakahinga ako ng maluwag bago sya ngitian pabalik at lagpasan na upang makaupo sa tabi ni Peter.
Muli kong nilingon ang gawi ni Cherry, pero hindi na sya nakatingin sa akin. Kundi nahuli kong nakatingin si Tricia kay Peter. Siguro ay napansin nitong pinagmamasdan ko sya kaya mabilis syang tumalikod at nakipag-usap na lang muli kay Cherry.
"Uy! Ano? Kamusta kahapon?" Tanong ni Peter ng nasa harapan na nya ako.
Naupo ako sa aking silya at kabado pa rin sa mga maaring mangyari. "A-ayos lang." Pilit ang ngiti ko ng tumingin sa kanya pero mabilis ko din namang iniiwas.
"Nga pala. May gagawin ka ba mamaya?" Tinanggal nito ang earphone sa kanang tenga at ibinaling ang katawan paharap sa akin.
Kumunot naman ang noo ko at tumingin rin sa kanya. "Bakit? Ano bang meron?"
"Birthday kasi ng kapatid ko. Diba nangako ka sa kanya na pupunta sa birthday nya?"
"Ngayon na ba yun?" Nagugulat kong tanong. Tumango naman ito. "Luh. Wala kong gift." Bulalas ko.
Muli ng umayos ng upo si Peter. "Hindi naman na kaylangan yun. Di naman yun party para bigyan mo pa sya ng gift." Tila naiinis nitong sambit.
"Kahit na. Birthday nya eh. Mamaya bibili ako." Ngumuso ako at kinuha na lang ang cellphone sa aking bulsa at kinalikot ang kung anumang maaring kalikutin doon.
Nag-usap lang kami ni Peter ng kung ano-ano tungkol sa games na nilalaro nya hanggang sa dumating ang first teacher namin. Si Sir Gary. And a usual, hindi na naman sya nagturo. Nagbigay lang sya ng gawain at sinagutan namin iyon hanggang sa maubos ang oras.
Nawala na sa isip ko ang mga pinlano kong sabihin kay Gray, bagkus ay napalitan iyon ng pag-iisip kung ano ba ang dapat kong ibigay na regalo sa kapatid ni Peter na si Aaron.
Kaya naman excited ako ng mag-uwian na. Halos hilain ko na palabas ng classroom namin si Peter dahil sa kakupadan nito sa pagkilos.
Nakasabay namin sa paglabas sina Tricia at Cherry. Agad na dumapo ang paningin ni Tricia sa mga kamay naming dalawa ni Peter, kaya mabilis ko iyong binitawan.
"San kayo pupunta?" Nakangiting tanong ni Cherry. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang si Peter ay hindi na mapakali sa kanyang gilid dahil nasa tumabi sa kanya si Tricia.
"Sa bahay nila. Birthday kasi ng kapatid nya, eh may konting handaan daw." Nagkibit balikat ako. "Tsaka inaasahan na kasi ako ni Aaron." Dugtong ko.
"Oh. Pakisabi na lang happy birthday." Ani Cherry.
Tumango ako at nauna na silang naglakad ni Tricia. Hindi ko alam kung ano ba ang nagyayari kay Trish dahil parang mainit ang ulo nito sa akin, eh wala naman akong ginagawa sa kanya. Ayoko talaga na maka-group sya at baka masigawan lang nya ako.
"Ito? Okay na kaya to?" Tanong ko kay Pete na ngayon ay pinagmamasdan lang ako na pumili ng short na ipanreregalo ko sa kapatid nya.
"Tss. Bat ka ba nag-aabala pa? Andami-dami nung short." Inis nitong sinabi at tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin.
"Wag ka nga. Bakit ba ang init ng ulo mo? Eh hindi ko pa nga nasosoli ang boxer ng kapatid mo." Muli kong ibinalik ang paningin sa mga paninda.
"Wag mo na yung ibalik."
Nilingon ko ito. "At bakit?" Pinagtaasan ko sya ng kilay. "Wala naman akong sakit. Arte nito." Nagtungo na ako sa cashier nitong store at ibinigay sa kanya ang Violet short na nagustuhan ko.
"Marami naman syang ganun. Minamasama mo kaagad yung sinabi ko."
Binayaran ko na ang napamili kong short matapos mabalot ng gift wrapper. Mura lang sya kasi maliit lang namam yun, maliit lang kasi yung kapatid ni Pete.
May iilang bisita sa bahay nila nung makarating kami. Hindi ganun kalaki ang bahay nila Peter. Ang kanilang sala ay kwarto na rin at kusina. Kumbaga ay all-in-one na. Pero hindi mo masasabing mahirap sila dahil magaganda ang gamit nila dito sa loob ng bahay. Ang double-deck nila na pangdalawang tao ang kasya kada isa. Gasul ang ginagamit nilang panluto. Marmol pa ang kanilang lamesa na pabilog at halatang bagong bili ang apat na upuan dahil amoy pa ang barnis nito. Ang tv nila na flatscreen at forty inches ang laki. Meron rin silang ceiling fan sa pinakang-gitna at bukod pa doon ang dalawang fan na ginagamit nila sa pagtulog. Maayos ang pagkakalagay ng mga gamit at sa tingin ko ang kanilang mga damit ay nakatago sa ilalim ng kanilang double-deck. Malinis at malamig sa mata ang kulay purple na dingding. Siguro ay paboritong kulay iyon ng kanilang Mama. May mga nakasabit pang painting sa taas ng kama pati sa taas ng tv.
Sinalubong kami ng kanyang kapatid na malaki ang pagkakangisi sa hawak ko.
"Akin ba yan kuya?" Tinuro pa nito ang hawak ko.
Dumiretso nasa loob si Peter at nagpalit ng damit. Ngumiti naman ako kay Aaron at itinaas ang aking kamay na may hawak ng regalo ko sa kanya.
"Oo. Happy birthday." Inabot ko sa kanya ang aking regalo.
Nanlalaki ang mga matang tinanggap nya ito. "Wow. Kayo lang po ang may regalo sa akin sa lahat ng mga bisitang pumunta dito." Pabulong nitong sinabi sa akin.
Natawa naman ako at ginulo ang kanyang buhok. "Naku. Hindi naman kasi importante ang regalo. As long na kasama mo ang family mo." Ngumiti ako sa kanya at tumingin kay Peter.
Nakakunot lang ang noo nito habang pinaamasdan kaming dalawa. Bihis na rin ito at mukhang hinihintay na lang kaming pumasok.
"Oo nga po kuya." Iginiya ako nito papasok sa loob.
Hindi ko kilala ang mga taong nandoon. Puro mga bata, at sa tingin ko ay barkada itong lahat ni Aaron. Napatingin ang mga ito sandali sa akin pero bumalik din naman sa mga dating ginagawa.
"Sige kuya. Si kuya Peter na ang bahala sayo." Iniwan na ako nito kasama si Peter at lumapit na sa kanyang mga kabarkada. Narinig ko pang tinanong ng mga ito kung sino ako.
"Kain na tayo?" Aya ni Pete.
Nagtungo na lang kami sa lamesa kung saan nakalagay ang mga pagkain at kumuha doon ng makakain.
Spaghetti, pansit, at buko salad ang mga nandoon. Spaghetti ang pinakangpaborito ko sumunod ay buko salad. Hindi ako gaanong mahilig sa pansit dahil ayoko sa mga maalat. Kaya naman ang kinuha ko na lang ay isang platong spaghetti at isang basong buko salad.
Naupo kaming dalawa ni Peter sa taas ng double-deck. Nasa naba kasi yung mga kabarkada ni Aaron. Nakabukas ang kanilang tv kahit wala namang nanonood bukod sa akin. Hindi ko din naman marinig ang sounds dahil mas malakas pa ang tawanan ng mga tao sa paligid. Pinagkakatuwaan nila si Aaron dahil hindi pa daw ito naka second base sa kanyang girlfriend.
"Kuha lang akong juice." Paalam ni Peter at muling bumaba at dumiretso sa may kusina.
Sumubo ako ng isang beses ng spaghetti bago napatingin sa pinto ng pumasok ang bunsong kapatid ni Peter na si Carl sa pinto. May bitbit itong apat na Long Neck na alak.
Napahiyaw sila Aaron sa nakita. Inis naman na iniabot ni Carl ang mga iyon sa kapatid at napadako ang paningin sa akin. Ngumiti ito kaya ngumiti na din ako.
"Iinom ka ba kuya?" Tanong nito sa akin.
Tumaas ang dalawa kong kilay at pilit na ngumiti. "Hindi." Tumawa pa ako at umiling.
"Inom ka kuya. Minsan lang eh." Napalingon naman ako kay Aaron ng magsalita ito.
"Wag nyong pilitin ang ayaw." Peter entered the scene. Inabot nito sa akin ang dalawang baso ng juice kaya naman kinuha ko ito at umakyat na syang muli dito.
"Sige. Pero konti lang." Sabi ko sa dalawa at napasuntok pa sila sa ere.
Tatlong taon ko ng kaibigan si Peter at palagi akong nasa bahay nila noon. Hindi lang ako gaanong napunta kasi nahihiya ako. Mukhang masungit kasi yung dalawa nya pang kapatid not until now. Alam din nilang hindi ako nag-iinom at never pa akong nag-inom, kaya siguro ang saya nila kasi napapayag nila ako.
Nakiupo ako kila Aaron matapos kong kumain. Anim ang barkada ni Aaron ang nandoon at siyam kaming mag-iinuman dahil ayaw ni Peter at masakit daw ang kanyang lalamunan.
"Carl. Wag masyadong uminom." Banta ni Peter sa kanyang nakababatang kapatid.
Kinunutan ko ito ng noo. "Hayaan mo na. Minsan lang naman eh. Masyado ka." Sabi ko dito.
Umirap lang ito at nagpatuloy na sa paghuhugasng pinggan. Bigla namang yumakap sa braso ko si Carl na ikinagulat ko. Nag-puppy eyes pa ito sa akin.
"Da best ka talaga kuya." Tumawa ito at lumayo na rin.
Ngumiti nalang ako at pinagmasdan ang alak sa aming harapan. Aaminin ko, may crush ako sa bunsong kapatid ng kaibigan ko. Pero noon pa yun ano, nung hindi ko pa nakikilala ni si Gray. Pero dahil sa ginawa nya ngayon. Parang bumalik ang pagkaka-crush ko sa kanya.
Sa kanilang tatlong magkakapatid ay si Carl ang pinakang-gwapo, sumunod si Aaron at panghuli si Peter. Kayumanggi ang kulay ng bunso at maitim naman ang sa pangalawa. Maputi ang balat ni Peter na syang ipinagtataka ko sa kanilang magkakapatid. Para bang magkakaiba ang kanilang ama dahil magkakaiba din ang kanilang mga features.
Ako ang una nilang pinatagay. Tinakpan ko pa ang aking ilong dahil sa tapang ng amoy ng alak. Para bang hindi ko iyon kayang tagalan.
Inisang lagok ko iyon at gumuhit sa aking lalamunan ang lasa niyon. Napangiwi ako sa nangyari at narinig ko ang kanilang hiyawan.
Nagpatuloy ang pag-iinuman hanggang sa mag-alas sais na ng hapon. Madilim na sa paligid at halos tatlong oras din ang inilagi ko dito sa kanila.
"Hmm. Tama na ako. Kaylangan ko pang umuwi." Tumatawa akong nagpaalam sa kanila. Palagay ko ay lasing na ako kahit na walong shots lang naman ang nainom ko. Madalas kasi ay nagpa-pass ako kapag ako na ang iinom.
Idinantay ni Carl ang kanyang ulo sa aking balikat. Mukhang mas lasing pa kaysa sa akin. "Maaga pa kuya."
Tinapik-tapik ko ang ulo nito. "Gagabihin ako lalao kung hindi pa ako uuwi ngayon." Sabi ko dito.
"Hatid na kita." Narinig ko ang tinig ni Peter sa likod.
Binuhat na muna nito si Carl patungong kama sa may taas kung saan ang pwesto nito. "Kuya... Gusto ko pang uminom." Nagmamaktol nitong sinabi.
Tumayo naman ako at muntik ng ma out of balance mabuti nalang at nakaya kong tumayo ng maayos. "Ayos ka lang kuya?" Tanong sa akin ni Carl.
Mukhang hindi pa ito pa ito lasing. Kaybata-bata. Sanay na kaagad sa inuman. Tumango ako bago sumagot.
"Oo naman."
Lumapit sa akin si Peter at inalalayan ako. "Tara na. Ihahatid kita hanggang sakayan." Akmang kukunin nito ang kamay ko para iakbay sa kanyang balikat pero mabilis ko iyong inilayo.
"Ano ba! Kaya ko." Sabi ko dito at naglakad na palabas ng pinto.
Narinig ko ang malakas nitong paghinga pero sumunod na din sa akin.
"Aaron. Una na ko. Happy birthday ulet." Gegewang-gewang kong sinabi.
"Sige kuya. Salamat ulet." Sigaw nito.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Tahimik lang si Peter habang pinagmamasdan ako. Para bang inaabangan nito kung tutumba ba ako o madadapa.
"Alam mo, mabait naman pala yung mga kapatid mo. Masyado lang siguro akong natakot sa kanila." Natatawa kong sinabi.
"Ano bang sinabi ko sayo noon? Ayaw mo lang kasing maniwala."
"Kasi yun yung naramdaman ko." I snap.
Nag-ekis ang aking paglalakad kaya mabilis na hinawakan ni Pete ang aking siko para hindi ako matumba.
"Alam mo. Napakaswerte ko sayo." Tinuro-turo ko pa sya. May mga naglalakad pa na tao sa kalsada na napapatingin sa gawi namin. Siguro kung hindi ako lasing ay nahiya na ako. "Masyado kang maalaga." Piniglas ko ang braso ko at nagpatuloy sa paglalakad. Nanatili lang itong nakasunod sa akin. "Iniisip ko tuloy minsan may gusto ka sakin." Dagdag ko pa.
"Paano kung meron nga?"
Tumawa ako sa naging sagot nito. "Impossible." Napa-ingles pa ako sa gitna ng pagtawa.
Totoo naman kasing imposible. Kung hindi ko lang sya kilala baka nga naniwala na ako. Madami na syang pinakita sa akin na ka chat nya na babae. At pinapakilala sa aking girlfriend nya. Kaya ba't ako maniniwala?
Narinig ko ang malakas nitong paghinga bago namin narating ang kanto. Nandoon nakapila ang mga tricycle at siguro ay doon nya ako pasasakayin.
Nagpunta kami sa pinakang-unang pila. Lumapit si Peter sa driver at kinausap. "Manong. Sa may co-op sya sa taas. Pakihatid ho."
"Sige."
Tumango sa akin si Peter. Akmang papasok na ako sa loob ng may biglang humila sa braso ko at iharap sa kanya. Kumunot ang noo ko ng galit namukha ni Gray ang nakita ko. Magsasalita palang sana ito ng unahan na sya ni Peter.
"Bro! Anong ginagawa mo?" Inagaw ako nito kay Grayson.
"San sya pupunta?" Pagalit na tanong ni Gray. Bumaba ang tingin nito sa kamay ni Peter na nakahawak sa aking braso. Nagtagal iyon doon pero ibinalik din sa akin ang paningin.
Mabilis na ang tibok ng puso ko ng mga oras na iyon. Hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari. Parang bigla ba akong nahimasmasan dahil sa ginagawa nila.
"Uuwi na sya." Matapang na sagot ni Pete.
Well, kaya naman ni Peter itong si Gray. Kung basagulero itong si Gray, malaki naman ang katawan ni Peter.
"Ako na ang maghahatid sa kanya." Muli akong hinila ni Gray, pero hindi na binitiwan ni Peter ang aking kamay.
Nagtitigan lang silang dalawa na para bang kung sino ang unang hihiwalay ng titig ay syang talo at hindi masusunod.
Mapapatungo na lang ako dahil napapatingin na yung mga tao sa amin. Medyo lasing pa rin ako pero nawawala naman na.
"Oh? Sasakay pa ba yan? May pasahero na oh." Inis na sigaw sa amin ni manong.
Sabay kaming tatlong napalingon sa kanya. "Hindi na manong. Ako ng maghahatid sa kanya." Matigas na sinabi ni Gray.
"Hindi manong, sasakay sya sayo."
"Ihahatid ko na."
"Sasakay sya."
"AKO NA LANG KAYA ANG SUMAKAY SA INYONG DALAWA!" Nagulat kami sa biglaang pagsigaw ni manong.
Muli kaming napatingin sa kanya. Namula ang pismgi ng dalawa dahil sa sinabi nito. Maging ako paniguradong pula ang pisngi dahil sa kahalayang naiisip.
Ang mga kapwa driver nya ay nakatingin na sa kanya. Naging aligaga ang kilos nito ng may mapagtanto.
Mabilis nitong binuksan ang makina ng kanyang motor. "Ayun. May pasahero." Nagmamadali nitong sinabi at mabilis na pinaandar ang kanyang motor.
Sabay namang binitawan ng dalawa ang kamay ko. Tumalikod pa si Gray sa akin. Hinarap ko naman si Peter.
Nag-aalangan ko itong tinitigan. "Ah... Pete," Tinuro ko pa si Gray, "sa kanya nalang ako sasabay." Biglang humarap muli si Grayson sa akin.
"Ganun?" Tanong ni Pete at tiningnan ng masama si Gray.
"Ingatan mo yan ha? Pag may nangyaring masama dyan lagot ka sakin." Pagbabanta pa nito.
Nasapo ko na lang ang aking noo dahil para rin ako nitong kapatid kung ingatan.
Tumango lang ang huli at hinila na ako papalayo doon. Dinala ako nito sa kanyang motor sa tapat ng isang botika. "Sandali naman." Angal ko pa. Paano'y hindi na ako nakapagpaalam kay Peter dahil sa paghila nya.
"Bakit? Gusto mong bumalik don? Gusto mong sya ang maghatid sa iyo?" Galit nitong tanong habang itinuturo pa ang direksyon na nilakaran namin kanina.
Kumunot ang noo ko sa galit nito. "Ba't ka ba nagagalit? Sayo na nga ako sumama diba? Ikaw yunh pinili ko kaya ba't ka pa nagagalit?" Mahinahon kong tanong.
Sinapo nito ang kanyang noo at tumagilid ng mg harap sa akin. Ngayon ko lang napansin na naka v-neck blak shirt ito at gray na maong pants. Nakagat ko ang labi ko dahil masyado syang gwapo sa simpleng suot nyang damit. Paano pa kaya kung naka tux na sya.
"Ba't ka lasing?" Pagalit nitong tanong ng humarap sa akin.
"Birthday kasi ng kapatid ni Peter. Eh nagkayayaan lang, tsaka konti lang naman ang nainom ko eh. " Paliwanag ko. And why am I even explaining myself to him?
"Sa susunod, ayoko ng malalaman na nag-inom ka." Parang wala sa sarile nitong sinabi.
" Para naman kitang boyfriend nyan kung pagbawalan moko." Biro ko pa sa kanya.
Matalim ako nitong tinitigan kaya napaatras ako sa takot.
"Malapit na yun mangyari. At sa ngayon. Sumakay kana at ng makapagpahinga ka na." Nauna na itong sumakay sa kanyang motor.
Ako naman ay natulala sa kanyang sinabi. Hindi naman nya siguro sinasadya yun ano? Siguro nagha-hallucinate na naman ako dahil sa kalasingan.
"Ano? Di ka ba sasakay?" Inis nitong tanong.
Natataranta naman akong sumakay sa kanyang motor. "Eto na nga sasakay na." Kumapit ako sa balikat nya.
"Sandale." Sabi nito at muling bumaba.
Kinuha nito ang helmet na hindi ko namalayang nasa motor nya pala kanina. Iba ang kulay nito sa ipinasuot nya kay Cherry noong nakaraan. Puti ang kay Cherry at itim naman ang sa akin.
Natigilan ako ng isuot nito ang helmet sa akin. Tutok ito sa pagkakabit habang ako ay tutok sa pagtitig sa gwapo nyang mukha.
Mabilis na ang tibok ng puso ko at may kung anong nakakakiliti ang nangyayari sa tiyan ko.
Nang matapos ito sa pagkabit ay sandale itong napatingin sa akin. Tinitigan ako nito sa mata at ganoon din ang ginawa ko. Para bang biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo at kami na lang dalawa ang gumagalaw ng mga oras na iyon.
Ang mata nyang hindi ko mabasa ang emosyon, at ako na puno ng pag-asa ang ekspresyon.
Marahil nga imposibleng magkagusto sya sa akin. Pero naisip ko, wala rin namang masamang mangarap kaya bakit ko titigilan diba?
Lalo na't alam ko na ngayon, na mayroon akong pag-asa sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top