CINCO
Nagpatuloy ang shoot. Sampu lang ang nakumbinse kong maging ekstra. Ayaw ng iba kasi nagpipiling famous sila. Kala mo naman mga hindi naging kaklase dati.
"A-ako nga po p-pala si Jasper Collins." Nakatayo lang si Mark sa unahan habang kinukuhanan ko ng video.
Palinga-linga ito at tila natatakot sa kung ano. Iyon kasi ang role nya.
"Cut!." Sigaw ko.
Umiba ako ng pwesto upang mas makuhanan ng maganda ang pagbalik nito sa upuan.
Nagpatuloy lang ang ganoong eksena at sobrang naging smooth ng mga nangyayari. Hanggang sa sirain na naman ito ng aroganteng si Grayson.
"Piling ko ang pangit ng kuha mo dyan."
Hindi ko manlang namalayan na nasa likod ko na pala ito. Lumayo ako dito ng kaunti ng humarap ako sa kanya.
Nasa huling eksena na kami at ngayon pa talaga nya napiling mameste ano?
"Ayos naman ah." Pilit kong itinago ang inis sa aking boses.
Nagsilingunan naman ang mga kasama namin, siguro'y iniisip nila na baka magbangayan na naman kaming dalawa na hindi malabong mangyari.
Lumapit ito sa akin at kinuha ang camera sa kamay ko. Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko ng magdampi ang kamay namin.
Marahan itong sumilip doon at pinanood ang kuha ko. Rinig ko pa ang pinag-uusapan ng character sa video.
Nang matapos na sya sa panonood ay marahan itong tumingin sa akin. Halos gumalaw na ang buong balikat ko sa biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko. Para itong bombang bigla na lang sumabog.
"Dapat hindi sila nakatalikod sa camera, dapat sa labas mo sila kinunan kasi malabo dito sa loob pag dito mo kinunan." Suhestiyon nito. Iniabot nito ang camera sa akin.
Tinanggap ko naman iyon. Nag-ingat na ako na hindi na magdamping muli ang kamay naming dalawa.
"Ayos na yan. Hindi naman ako professional para gawing perfect pa yung bawat shots ko."
Akmang tatalikuran ko na ito ng muli itong magsalita. "Hindi ka lang pala asumero ano? Low class rin yung taste mo." Ipinagdiinan pa nito ang mga huling salita.
Narinig ko naman ang mahinang paghiyaw ng mga tao sa paligid namin.
"Gray! Ano ba?" Narinig kong saway ni Cherry.
Hindi ko ito nilingon. Nakatitig lang ako sa aroganteng si Grayson. Nakita ko pa ang pagkapit nito sa braso ni Grayson na tila pinapakalma nya ito.
"Kanina nangialam ka sa araw kung kaylan kami dapat nags-shoot. Tapos ngayon pinapakialaman mo naman yung taste ko?"
Naglapitan na yung iba naming ka-grupo upang makiawat sakali mang magkaroon ng gulo.
"Nagsa-suggest lang ako pero ayaw mo." Muli itong nagkibit-balikat.
"Nag-suggest ka lang. At na sakin pa rin ang desisyon kung susundin ko yun o hindi. At isa pa, hindi ka naman namin ka grupo para sundin ko. Kaya pwede ba, manahimik ka nalang?" Akmang tatalikod nako ulit ng magsalita na naman ito.
"Alam ko kung bakit ka naiinis." Pilit ng sinasaway ni Cherry ito. Pero mukha itong desidido na masabi talaga kung anuman ang gusto nyang sabihin.
"Nagagalit ka kasi tama ako. May low taste ka na magpapababa ng grado nyo sa project na ito." Buwelta pa nito.
At talagang ipinipilit nya iyon ha? Ano bang nahithit na drugs nito at ganito ito magsalita?
"Alam mo? Hindi ko alam kung ano bang problema mo sa akin, o kung ilang drugs ba ang nahithit mo bago ka magpunta dito. Pero ito lang ang sasabihin ko sa iyo. Iba ang professional sa amateur. I'm just an amateur na maraming pagkakamali. Hindi ko ipipilit na maging perfect ang project na ito kung hindi naman kaya. At bilang leader nila, kapag sinabi kong ayos na, ayos na. Labas ka na dun. Wala ka ng pakialam kasi tulad nga ng sinabi mo. Boyfriend ka lang ng isa sa mga ka grupo ko." Halos hiningal ako sa pagsasabi nun.
Halos malagutan ako sa pagsasalita nun, pero bakit parang natutuwa pa sya. Hindi ba sya nainis sa mga panlalait ko sa kanya? Kasi ako? Kahit na wala na syang sinasabi, naiinis pa rin ako sa kanya.
"Cherry. Tapos na ang shoot, iuwi mo na yang arogante mong boyfriend. At baka..." Shit! Wala akong maidugtong.
"At baka?" Pag-uulit pa ng aroganteng ito. Halatang nang-aasar.
Lalong hindi ko nadugtungan ang aking dapat sasabihin ng dahan-dahan itong naglakad papalapit sa akin.
Napaatras ako ng isang hakbang pero hindi ko na dinagdagan pa iyon. Baka mahalata nila kung gaano akong kabado sa presenya ng bwisit na to.
Itinaas nito ang kamay at pinalandas ang daliri sa aking patilya at inilagay sa likod ng aking tainga ang aking buhok.
Halos kilabutan ako sa ginawa nito. Kakaibang kiliti ang naramdaman ko ng dumapo ang daliri nito sa tenga ko.
Lalo na akong hindi nakahinga ng ilapit nito ang bighig sa aking tainga at bumulong.
"At baka... halikan mo ako?"
Halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Alam kong walang nakarinig nun na iba kasi sobrang hina ng pagkakabulong nya. Pero kinakabahan parin ako.
Dahil sa pagkakagulat ay bigla ko na lamang itong nasampal. Napaatras ito at napahawak sa kaliwang pisngi. Narinig ko naman ang gulat na reaksyon nila.
Pinaigting nito ang kanyang panga dahil sa sakit na naramdaman nya sa sampal ko.
"Cherry! Iuwi mo na yan!" Sigaw ko dito.
Halos magka-heart attack na ako dahil hindi pa rin sila umaalis sa harapan ko.
"Oo. Pasensya ka na talaga." Hingi pa nito ng paumanhin bago hinila ang kanyang boyfriend papaalis.
Halos hindi na ako gumalaw sa pwesto ko kahit na nakaalis na silang dalawa. Grabe, hindi ko inakalang makapigil hininga ang magiging tagpo namin ngayong hapon.
Naramdaman ko ang paglapit nila sa akin. At tila nakisilip din sa kung ano ang sinisilip ko.
"Grabe, ganyan talaga yang si Grayson. Maloko noon pa." Napailing-iling pa si Laynes habang sinasabi iyon.
"Naku Franz. Mag-iingat ka dun." Babala naman ni Rufa.
Napaismid naman ako sa mga pinagsasabi ng mga to. Hinarap ko sila. "Anong mag-ingat? Pinagsasabi nyo? Wala akong pakialam. Nakakabwisit kaya sya." Naglakad na ako papasok. Sumunod naman sila sa akin.
"Siga nga kasi." Dagdag naman Ernalyn.
"Una na ko sa inyo." Paalam ni Mark at hindi na naghintay pa ng sagot sa aminng maglakad na sya papalabas ng pinto.
Nagkatinginan naman kaming apat at sabay-sabay na nagkibit-balikat.
Parang nakokonsensya naman ako dahil sa mga pinagsasabi ko kanina. Nasobrahan ba ako? Naging manhid ba ako? Hindi ko ba talaga iniintindi ang kalagayan ng mga ka grupo ko?
Kasi kung ako lang naman ang tatanungin. Tama lang naman ang ginawa ko. Walang mali dun kasi project naman namin yun. Para rin samin yun. Hindi lang yun para sakin. Bakit ba kasi hindi nila maintindihan yun?
"O Franz. Di ka pa aalis?" Tanong ni Ernalyn.
Nakasukbit na yung mga bag nila sa kanilang likod. Handa ng umalis.
Umiling naman ako. Parang ayaw ko pang umuwi. Kaylangan maging maayos muna ako bago ako umuwi. Hindi ako magaling magtago ng emosyon kaya paniguradong mapapansin nila kung may iba sa ikinikilos ko.
"Ah. Mauna na kayo, aayusin ko lang yung video." Itinuro ko ang camera ko na nakalagay sa desk.
"Bahala ka." Sabi ni Ernalyn at sabay-sabay na silang umalis.
Marahan naman akong napaupo sa seat ko, iniisip pa rin kung sino ba talaga ang mali. Nakakainis yung ganitong sitwasyon. Ayoko pa naman ng nagui-guilty ako.
Dahil wala rin naman akong magawa ay inayos ko na nga lang ang video. Binura ko yung mga hindi ko nagustuhan at tinira naman yung ayos lang.
Nang matapos ako sa ginagawa ay napatingin ako sa labas ng bintana. Medyo madilim na. Anong oras na ba?
Kalmado ko pang iniangat ang aking kamay upang makita kung anong oras na ba. Shiz. 5:53? Maggagabi na. Paniguradong lagot ako nito kila Mama.
Dali-dali kong isinabit sa leeg ko ang camera at isinukbit ang aking bag sa aking likuran. Bago naglakad takbo papalabas ng classroom.
Bali-balita pa naman na may nagpapakita raw dito kapag gabi. Shet. Sana wag namang magpakita sakin.
Dahil nga nasa third floor pa ang classroom namin ay kung ano-ano munang nakakatakot ang naisip ko sa aking utak bago ako nakababa sa building. Mas nakakatakot pa to sa nangyari kanina.
Mabilis akong tumakbo papalabas ng school, sa takot na baka may magpakita sa akin. Halos pikit mata kong tinakbo ang tahimik na hallway, na ang tanging maririnig mo lang ay ang tunog ng takong ng aking sapatos.
Bumagal lang ang takbo ko ng makita ko si ate Baby sa tapat ng gate.
"Oh? Ngayon kalang uuwi?" Tanong nito ng makalapit na ako sa kanya.
"Ah... opo eh." Nagpatuloy nalang ako sa paglabas ng gate.
Hindi na rin naman nagsalita pa si ate Baby at hinayaan nalang akong lumabas.
Ipapalibot ko pa sana ang aking paningin upang maghanap ng tricycle na masasakyan. Nang may maaninag akong tao na nakatayo sa harap.
Sa umpisa ay hindi ko pa ito makilala dahil medyo madilim na rin, idagdag pa na medyo maitim itong taong ito.
Nakasandal ito sa motor at tila ba may hinihintay. Hindi ko na lang sana papansinin, pero mas naging malinaw sa akin kung sino sya. Lalo na ng bigla itong ngumisi.
Halos matuod na ako sa kinatatayuan ko ng ma realize na si Grayson ang nasa harapan ko. Kinunot ko ang noo ko dahil sa pagtataka.
Anong ginagawa nito dito? Nandito pa ba si Cherry sa loob ng school? Pero pakialam ko naman dun?
Nagdire-diretso nalang ako ng lakad. Kung ano man ang ginagawa nilang dalawa dito, wala na akong pakialam doon.
Liliko na sana ako ng daan ng bigla nyang hawakan ang braso ko at walang kahirap-hirap nya akong iniharap sa kanya.
May kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko ng maramdaman ko ang mainit nitong palad sa braso ko. Dahilan ng pagtayuan ng mga balahibo sa katawan ko.
"A-ano na naman ba?" Pinilit kong wag manginig ang boses ko.
Hinawi ko ang braso ko pero humigpit ang pagkakahawak nito. Tila nanghina ako ng may kung anong maramdamang proteksyon sa pagkakahawak nya.
Isa-isa na ring nagbubukasan ang mga street lights at ang mga ilaw ng bawat bahay.
Hanggang sa lumuwag ang pagkakakapit nito at dahan-dahang hinaplos ang mga nagtatayuan kong balahibo.
Dahil sa kuryenteng naramdaman ay bigla kong inilayo ang kamay ko dito. Humalakhak ito. Na kahit na halos mamatay na sya sa kakatawa ay gwapo pa rin.
"Hindi ko alam na ganun pala ang epekto ko sayo." Muli itong tumawa.
"Tawa lang. Makalimutan mo na sanang huminga dyan sa kakatawa mo." Inis na inis na talaga ako dito sa lalaking ito.
Tumalikod na ako nag-umpisa ng maglakad.
"Hey! Sandale." Sigaw nito at narinig ko ang pagbukas ng makina ng motor nito ang pag-andar papalapit sa akin.
"Hoy! Sandale naman." Sinabayan nito ang paglalakad ko.
Ako nasa lupa naglalakad, samantalang nasa semento naman ang kanyang motor.
"Balikan mo na si Cherry dun at wag mo na akong guluhin please?" Sinabi ko yun ng hindi tumitingin sa kanya.
"Wala naman si Cherry dun eh."
May kung ano sa damdamin ko ang nagkaroon ng pag-asa. Pero natatakot akong itanong iyon sa kanya.
Hindi ko inakala na, pag-in love ka, lagi-lagi kang makakaramdam ng takot. Yes, I'm in love with him. At hindi ko yun kayang itanggi sa sarile ko.
"Eh ano pa bang ginagawa mo dito? Umuwi ka na nga." Nagdire-diretso lang ako sa paglakad.
Narinig ko rin ang paghina ng makina ng motor nito at ang pagtigil nya.
May kung anong bumara sa lalamunan ko, at namuo rin ang mga luha sa aking mata.
Ito ang ayoko kapag umaasa. Yung tipong akala mo, yun na talaga eh. Tapos biglang... BOOM... hindi naman pala.
Pero ganun na lamang ang pagbilis ng tibok ng puso ko at pag-urong ng mga luha ko ng bigla itong magsalita. Tumigil ako sa paglalakad.
"Sorry! Okay? Sorry." Pahina ng pahina ang boses nito.
Ano tong nangyayari sa tyan ko? Parang ang daming insektong gustong kumawala.
Narinig ko ulit ang pag-andar ng motor nito papalapit sa akin. Pero bago pa man ito makalapit ay humarap na ako. Sinundan ko na lamang sya ng tingin hanggang sa makatapat na sya sakin.
Ngingiti-ngiti ito ng makalapit. Mang-aasar na naman yata. Napairap nalang ako sa kawalan ng tumama ang aking hinala.
"Sabi ko na nga bat haharap ka. No one can't resist my charm talaga." Humalakhak pa ito.
"Ayos na sana eh. Nang-asar ka pa."
Akmang tatalikuran ko na sana ito ulet ng muli nitong hawakan ang kamay ko. This time, may pag-iingat na.
Pero agad ko rin iyong hinawi para mabitiwan nya ako.
Kita ko sa mga mata nito ang pagpipigil ng tawa. Wala ba tong ibang alam na gawin ngayong hapon na ito kundi ang tumawa? Nakakairita na ha!
"Sandale lang kasi." Nagseryoso na ang mukha nito. "I'm sorry okay? Dun sa mga pangingialam ko. Sa pang-aasar ko. I'm sorry. Nandito ako para magbigay ng peace offering."
Hinintay ko na kumuha ito ng kahit na ano, pero wala. Nakaupo lang sya sa motor nya at nakatitig sa akin.
"Oh? Asan ang peace offering mo?" Sabay lahad ng kamay.
Tinapik naman nito ang upuan ng motor nya sa kanyang likuran. "Ito. Sakay, ihahatid kita sa inyo."
May kung anong saya akong naramdaman ng malaman na willing syang ihatid ako. Ano ka ba? Peace offering lang yan.
"Ano? Magda-daydream ka na lang ba dyan?" Tanong nito.
Napaismid nalang ako sa sinabi nito. Kahit kaylan talaga panira ng moment.
Naglakad na ako papalapit sa kanya, at umayos naman sya ng upo. Actually, sa totoo lang. First ko talagang sasakay sa motor.
Shet, kinakabahan na ako. Paano ba sumakay? Buti nalang at napapanood ko si kuya sa pagsakay ng motor, pati sa mga pelikula. Yun nalang ang ginaya ko. Hehe. Nakakahiya kung malaman nyang first time ko to.
"Kapit."
"Ha?" San kakapit?
"Kumapit ka sakin, para di ka mahulog." Luminga ito sa likod namin upang malaman kung may dadaan bang sasakyan.
Dahan-dahan naman akong kumapit sa laylayan ng damit nito.
"Tsk." Narinig kong ismid nito bago hinawakan ang dalawang kamay ko at iyakap iyon sa kanya.
Dahil sa gulat ay bigla akong napalayo at natulak ko pa sya.
"Arte naman nito. San ka kakapit nyan?" Tanong nito. Parang nainis.
Agad ko naman ipinatong ang dalawang kamay ko sa balikat nya at doon kumapit. "Dito." Sabay ngiti.
Tiningnan ko ang repleksyon nya sa side mirror at ganun din sya. Hindi na maalis ang ngiti ko sa hindi ko malamang dahilan.
Kita ko pa kung paano ito umirap at pinatunog ng malakas ang kanyang motor.
"Hm. Kala mo. Balang araw yayakap ka rin sa akin." Bulong nito.
Biglang nawala ang ngiti sa aking mga labi. Narinig ko iyon. At natatakot akong kumpirmahin, kasi baka itanggi lang nya. Okay naman na siguro to. Yung walang kasiguraduhan? Kasi hindi ako aasa eh.
Inumpisahan na nitong paandarin ang kanyang motor. Naghahanda na ako sa mabilis nitong pagpapatakbo ngunit hindi iyon nangyari.
Usad pagong kami sa ginagawa nyang pagpapatakbo. Seriously? Aabutin pa kami ng alas-syete dito.
"Uy. Bilisan mo naman. Para namang pagong tong motor mo." Reklamo ko pa.
Ayoko na rin kasing magtagal at tinitigasan na ako sa kanya. Paking shet naman kasi, napakabango nya. Naaadik na ako sa amoy nya. Hindi na ako magtataka kung bukas kabisado ko na kung anong amoy nya.
"Bat ba ang dami mong reklamo?" Singhal nito sa akin.
"Ngayon lang naman ako nagreklamo ah? Marami na ba yun?" Sigaw ko rin.
"Para sakin marami na yun." Inis na sabi nito.
Hala! Bakit naman naiinis to?
"Problema mo na yun." Bulong ko pa.
Napayakap nalang akong bigla sa kanya ng bigla nitong pinaharurot ang kanyang motor. Narinig ko ang pagbungisngis nito.
Kaya kahit na natatakot ay marahan akong lumayo sa kanya. Sa bewang na nya ako nakakapit.
"Sabi ko sayo yayakap ka rin sa akin eh." Humalakhak pa ito.
"Baliw." Kunwari ay inis kong sabi. Pero hindi ko na talaga mapigilan ang pagngiti ko. Pagngiti sa sobrang kilig. HAHAHAHA.
"San ka ba nakatira?" Pasigaw na tanong nito sa akin ng malapit na kami sa kanto.
"Sa may taas."
Tumango lang ito binagalan na ang takbo ng kanyang motor.
Hindi mabilis, hindi rin sobrang mabagal. Masasabi kong sakto lang.
Nang nasa kanto na kami ay iniliko na nito ang kanyang motor. Pakanan ang gawi ng kanyang motor, maging sya.
Pero ako ay pakaliwa sa takot na baka mahulog ako kapag ginaya ko sya. Narinig ko ang malakas nitong pagtawa, tumigil lang iyon ng maging tuwid na ulet ang aming takbo.
"Bakit ka ganun?" Tumatawa pa rin ito.
Kumunot naman ang noo ko. "Anong ganun?" Inosenteng tanong ko.
"Bakit ka kumaliwa kung pakanan naman tayo?" Tumawa ulet ito.
Okay? Walang katapusan yata ang kaligayan nito.
"Eh... Baka kasi mahulog ako?"
"Tayong dalawa ang mahuhulog kung ganun ka palagi." Sandali itong tumigil sa pagsasalita. "San ka ba dito sa taas?" Tanong nito.
"Sa may taas pa ng co-op."
Tumango-tango naman ito.
"Sa susunod. Kapag liliko tayo, gayahin mo lang ang galaw ng motor para hindi ka magmukhang tanga."
Hinihintay ko ang pagtawa nito pero hindi iyon nangyari. Seryoso lang ito at tila ba gustong matutunan ko talaga iyon.
Nang malapit na kami sa co-op ay muli itong nagsalita. "Dito, subukan mo yung tinuro ko sayo."
Marahan ang pagpapatakbo nito kaya marahan din ang naging pagliko nito. Tulad nga ng sinabi nya, ay yun ang ginawa ko.
At halos umabot sa tenga ang ngiti ko ng malaman na sobrang sarap pala nun sa pakiramdam. Yung tipong parang dudulas ka na pero hindi pala.
"Ano? Masarap ba?" Nakangiting tanong nito.
Sunod-sunod naman akong napatango na parang bata. "Oo." Masayang sabi ko.
Wala na ulit nagsalita sa amin. Nanatili kaming tahimik hanggang sa pinahinto ko na sya sa tabi ng kalsada.
"Ito na ba bahay nyo?" Turo nito sa unang bahay sa makikita dito.
Umiling naman ako. "Hindi. Sa loob pa." Sabay turo doon sa likod ng bahay na tinuro nya.
"Hmm." Tumango-tango pa ito.
"So? Una na ako?" Nag-aalangang tanong ko.
Tumango ito. Nang wala na itong sinabi ay tumalikod na ako. Pero isang salita lang nito ang muling nagpatigil sa akin.
"Pwede ba ako manood ulet sa shooting nyo?"
Humarap agad ako sa kanya, sinubukan kong wag magmukhang kabado kahit na iyon na ang nararamdaman ng buong katawan ko.
"Kung hindi ka mambubuwisit, pwede siguro." Mahina akong tumawa.
Nakagat ko na lamang ang aking pang-ibabang labi ng mapansin na titig na titig ito sa akin.
"Uhm... Sige na, umuwi ka na." Ngumiti ito sa akin.
Yung ngiting hindi nang-aasar o nanunuya, yung ngiting hindi naiinis o nagagalit. It wad just pure. Na halos manginig na ang mga tuhod ko sa sobrang pagkapuro.
Tumango naman ako at nagpaalam na. "Bye."
"Goodnight."
Dahil sa hindi ko na mapigilan ang aking pagngiti ay tumalikod na kaagad ako. Nang makatalikod na ay doon ko lang pinakawalan ang abot tenga kong ngiti.
Bago pa man sya makaalis ay muli ko itong nilingon. Nakita ko pang kinambyo nito ang kung ano man ang nagtatago sa ilalim ng kanyang short.
Kumunot ang noo ko sa nakita. Hindi ako inosente para hindi malaman kung ano yung ginawa nya.
Tinigasan ba sya sakin? KYAAAAAH...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top