CATORCE
Dahan-dahan akong bumaba sa tricycle ng makarating na ako sa school. Inabot ko na muna ang bayad ko sa driver bago pumasok.
Pero natigilan ako sa paglalakad ng makita ang motor ni Grayson na nakaparada sa harap ng gate. Agad akong ginapangan ng kaba at hindi ko na alam ang gagawin ko ng mga oras na yun.
Ang nagtulak lang sa akin papasok ay ang mga tingin sa akin ng ibang mga estudyante na bago palang pauwi. Hay! Ayoko talagang maging center of attention.
Mabagal lang ang bawat lakad ko. Parang ayoko ng tumuloy. Umiikot ang tyan ko at para bang gusto ko na lang masuka. Ano ba naman to, bakit ba sya nandito?
Wala ba syang ginagawa sa bahay at parang palagi na lang syang nasa galaan? Nasa ikalimang baitang na ako ng hagdan ng may marinig akong mga tinig na pababa.
Pinakinggan ko iyong mabuti kasi parang nabobosesan ko kung sino ba ang mga iyon. Shit! Si Grayson at si Cherry iyon kung hindi ako nagkakamali.
Mabilis akong bumaba ulet ng hagdan at nagtago sa ilalim ng hagdan. Naging mas malinaw ang kanilang boses ng papalapit na sila.
"Akala ko kanina ikaw na yung nasaksak, hindi naman kasi nililinaw ni Maru yung detalye." Ani Cherry.
"Parang hindi mo ako kilala. Kahit kaylan ay hindi pa ako nasaksak kapag nakikipag-away ako no." Mayabang na ani Grayson.
"Eh bakit naman kasi nakipag-away na naman kayo. Puro lang kayo kalokohan."
"Kasalanan naman nila Cherry." Parang naglalambing ang boses ni Grayson.
Nang makababa na sila ay narinig ko ang pagtigil nila sa paglalakad. Kaya naman sinilip ko kung anong ginagawa nila.
Magkaharap sila sa isa't-isa habang magkahawak ang kanan at kaliwang kamay.
"Eh bakit mo kasi kasama si Franz? Kaylan pa kayo naging close?" Diretso ang tingin sa mata ni Cherry sa mata ni Grayson.
"Hindi naman ah? Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong nito.
"Wala, parang close kasi kayong dalawa. Magkasama pa kayo kanina."
"Hindi yun ganun okay? Nakita ko kasi sya sa harap ng gate kanina. Late na kasi syang pumasok kaya hindi na sya pinapasok ng guard. Edi sinabi ko sa kanyang pasasakayin ko sya hanggang kanto eh sakto namang nag-text si Maru na nanggugulo nga daw ulet sila Boyet. Hindi ko na sya naibaba sa kanto dahil sa pagmamadali ko kaya naisama ko sya doon sa rambol. Hindi ko naman alam na lalamya-lamya pala yung taong yun. Ang laking tao napakalambot." Mahaba nitong sinabi na sinundan pa ng pagtawa.
Mabilis na tumulo ang luha sa aking mga mata dahil sa sakit na nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Hindi ko akalain na yung mga oras na magkasama kami ay wala lang talagang halaga sa kanya. Nagawa nya pa ngang magsinungaling kay Cherry para lang hindi nito masabi na nagpunta kaming living water.
At mabilis lang talaga nya akong makakalimutan at maiiwasan. Dahil tulad nga ng sabi ni Mama. Wala akong halaga sa kanya.
"Franz? Anong ginagawa mo dyan?"
Napapitlag ako sa aking kinatataguan ng marinig na may magsalita sa aking likod. Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha bago humarap kay Ma'am Marites. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa akin at doon sa dalawa.
Nanginginig na ang buong katawan ko ng mga oras na yun. Pagak akong natawa bago tiningnan ang magsyota sa likod ko. Nginitian ko sila ng pilit bago tinaas ang aking kilay.
Kita ko ang gulat sa kanilang mga mata. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang guilt na bumalot sa mukha ni Grayson. Well, huli na ang lahat para bawiin pa.
"M-may sinundan po akong pusa. Dito kasi yun pumasok eh... bigla namang nawala." Kunwari ay hinahanap ko pa yung pusa, kahit wala naman talaga.
Nakagat ko ang labi ko ng bumaling ako kay ma'am. "Nakatakas na pala. Hehehe." Pinigilan ko ang pagkabasag ng boses ko.
Itinuro ko na lang ang hagdan tanda na aakyat na ako pataas. Dahil parang kapag nagsalita pa ako ay lalabas na doon ang aking hikbi. Hindi ko kayang makita nilang naiyak ako. Masyadong mahina ang tingin nila sa akin, at kung iiyak pa ako sa harapan nila ay baka hindi lang yun ang masabi nila sa likod ko.
Nang hindi na nakasagot si ma'am ay mabilis na akong naglakad paakyat ng hagdan. Hindi ko magawang lingunin ang dalawa matapos kong marinig ang pag-uusap nila.
"Franz." Mahinang usal ni Grayson ng dumaan ako sa kanilang harapan.
Pero hindi ko na sila nilingon at nagpatuloy na lang sa pag-akyat sa hagdan.
Gusto ko mang sabihin kay Cherry ang tunay na dahilan at ipagtanggol ang sarile ko ay hindi ko na lang ginawa. Baka hindi rin naman sya maniwala sa mga sasabihin ko.
Nang makarating ako sa second floor ay lumiko ako para magtungo sa banyo ng mga abm at tvl student. Mabilis akong pumasok doon at isinara ang pinto. Napasandal nalang ako sa likod ng pinto ng mag-umpisa ng tumulo ang aking mga luha. Hindi ko na napigilan at may kumawala na talagang mga hikbi sa akin.
Mabilis kong pinunasan ang aking luha ng marinig na bumukas ang pinto ng isa sa mga cubicle doon at lumabas ang isang babae na hindi ko kilala. Gulat pa itong napatingin sa akin.
Nahihiya naman akong nag-iwas ng tingin at nagsabi ng 'sorry' at lumabas nalang ulet.
Kinalma ko na muna ang sarile ko bago ako umakyat sa taas. Hindi ko na alam kung ano ang kalalabasan ng shoot na to matapos ang mga nakakahiyang nangyari sa akin ngayong araw.
Sinubukan kong wag nalang pansinin ang mga titig sa akin ni Grayson habang nagsho-shoot kami. Naiilang ako pero kaylangan ko tong matapos ngayon. Ayoko nang magkaron pa ng shoot bukas dahil hindi ko na talaga kakayanin kung kada nalang may shoot, ay nandyan din ang magaling na si Grayson.
Alas-otso na ng gabi pero hindi pa rin kami tapos. Pilit kong pinu-push na tapusin na dahil ayoko na ngang bumalik bukas. Ayoko na munang pumasok din sa school dahil dito sa letsugas na leeg ko.
"Franz! Pagod na ako bukas ulet." Reklamo ni Ernalyn.
Napatingin sa amin ang lahat at para bang sinasabi ng kanilang mga mata na ipagpabukas na nga lang namin ang ginagawa. Gusto ko mang maawa sa kanila pero sa ngayon. Ako muna. Sarile ko muna ang bibigyang atensyon ko.
"No! Last scene na, tapusin na natin to." Mariin kong sinabi at pinabalik na silang lahat sa kanilang mga pwesto.
Padabog silang naglakad pabalik kung saan ba talaga sila dapat, pero isinawalang bahala ko na lang iyon. Hindi rin naman nila ako naiintindihan.
"Sandale."
Bigla nalang kumulo ang dugo ko pagkarinig pa lang ng boses na iyon. Inis ko itong nilingon at pinagtaasan ng kilay.
Naglakad ito palapit sa akin at tumigil lang ng mga dalawang hakbang na ang layo sa akin.
"Bakit parang pinipilit mo na itong matapos? May bukas pa naman?" Sarkastiko nitong sinabi.
Napairap naman ako dahil nangingialam na naman sya. "Wala kasi akong balak pumasok bukas dahil sa nangyari sa leeg ko." Kita ko kung paanong lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha
Nararamdaman ko na rin ang pagkirot ng aking leeg dahil siguro sa sunod-sunod na pagsasalita ko.
"Gusto ko munang magpahinga, kaya kung pwede ba? Kung wala kang matinong sasabihin ay manahimik ka nalang dahil wala ka rin namang ambag dito. Dapat nga ay wala ka dito dahil hindi ka naman namin kaklase o kaya naman ay ka group. Tandaan mo, nandito ka lang dahil gusto kong tuparin ang mga kapritso ng girlfriend mo." Matapang kong sinabi at kita ko ang gulat sa kanyang mukha.
Hindi ko nalang iyon pinansin at muling humarap sa mga kasama. Mabilis silang nag-iwas ng tingin sa akin. "Natapos na sana kung hindi lang nangailam yung isa dyan." Bulong ko pa bago nagpatuloy sa ginagawa.
Saktong alas-nuebe ng matapos kami. Wala ng umangal ni isa sa kanila at hindi na rin naman na nagsalita pa si Grayson.
Mabilis silang nagligpit ng mga gamit at akmang aalis na ng pigilan ko sila.
"Sandale lang." Tumigil sila sa paglalakad at napatingin sa akin. Malalim akong huminga bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Magaling ang ginawa nyo at proud ako dahil kahit na medyo masamang side ko yung pinapakita ko. Hindi nyo parin sinusuway yung mga utos ko bagkus ay sinusunod nyo pa." Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. "Sorry, and thank you." Ngumiti ako sa kanila matapos sabihin yun.
Nanlabo ang aking paningin dahil sa mabilis na pamumuo ng aking mga luha. Mabilis na lumapit sa akin si Ernalyn at niyakap ako. Dahil sa ginawa nya ay tumulo na ang luha ko. Sinundan sya ng iba hanggang sa mag-group hug na kami.
Nag-sorry din sila at nagpasalamat. Alam kong marami akong pagkukulang dahil hindi ko naman alam kung paano ba maging mabuting leader. Pero dahil naging mabuting member sila sa akin, piling ko ay enough na ang nagawa ko para sa grupong to.
Natigil lang kami sa yakapan ng sumakit ang leeg ko. Nagtawanan sila dahil sa pagsimangot ko. Napatawa nalang din ako ng makita ko kung gaano sila kasaya.
"Sige na, umuwi na kayo. Baka matuluyan tong leeg ko." Biro ko pa sa kanila.
Isa-isa na silang lumabas hanggang sa ako na lang ang maiwan. Tinitingnan ko pa ang aking cellphone at pinapanood ang ilang kuha mula sa shoot. Ieedit nalang tas tapos na. Nang makontento na ay naisipan ko ng lumabas din at umuwi.
Pero natigilan ako ng makitang nakatayo sa may pinto si Grayson habang nakasandal sa may amba ng pinto.
Naglakad ito palapit sa akin habang hindi inaalis ang titig sa aking mga mata. Gusto ko syang sigawan at saktan pero hinahanap ko ang karapatan ko para gawin iyon.
Umayos ako ng tayo at mahigpit na hinawakan ang dala kong bag na ang laman lang naman ay flashlight. Pinilit kong iblangko ang aking ekspresyon sa harap nya.
"Pwede ba tayong mag-usap?" May pag-aalinlangan sa tinig nito.
Nag-iwas naman ako ng tingin at tumango. "Tungkol sa kanina..." Hindi nito maituloy-tuloy ang sasabihin.
"Hmm. Anong meron don?" Tamad kong tanong.
"S-sorry sa lahat ng nasabi ko." Utal nitong sinabi.
"Ano bang sinabi mo?" Kunwari ay hindi ko alam ang ibig nyang sabihin.
Nangapa naman ito ng isasagot sa tanong ko. Kita kong kabado ito dahil mabilis ang kanyang paghinga at hindi makatingin ng diretso sa aking mga mata.
"Y-yung sa baba." Lumapit ito sa akin. Umatras ako dahilan para umusog ang bangko sa aking likuran at lum. Pilit nitong kinukuha ang aking kamay pero iniiwas ko ito. "Sorry... Sorry nagsinungaling ako. Hindi ko yun ginusto. Wala lang akong choice." Namuo ang luha sa mga mata nito.
Pagak akong natawa at nag-iwas ng tingin sa kanya. "Kaylan pa naging choice ang pagsisinungaling?" Naluluha kong tanong.
"Franz..." Nagmamakaawa na ang tinig nito.
Inabot nito ang kamay ko pero hindi ko hinayaang mahawakan nya yun.
"Tama na. Tama na Gray. Pagod na pagod na ako. Pagod na ako sa mga panlalait nyo. Pagod na akong makarinig ng masasakit na salita mula sayo. Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang makita yang mukha mo matapos ng mga sinabi mo kanina. Alam ko na hindi yun ganun kasakit pero para sakin sobrang laki na ng epekto nun sa pagkatao ko. Hindi mo ako kilala, kaya sana wag mo akong husgahan ng ganun-ganun lang." Kinalma ko ang sarile upang hindi tumulo ang luhang kanina pa nagbabadyang pumatak.
"Franz. Makinig ka naman. Hindi ko naman talaga ginusto, patawarin mo na ako." Hinaplos nito ang aking mga braso at hinawakan ng mahigpit para magpirmi ako sa harap nya. "Listen. Okay? Babawi ako. Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako." Naninikip ang dibdib ko dahil puno ng hinanakit ang boses nito.
Pero umiling lang ako. Ayoko ng magmukhang tanga. Ayoko ng mapag-usapan sa likuran ko. Ayoko ng umasa.
Tinitigan ko sya diretso sa mata. Natutuwa ako dahil nakikisama ang luha ko, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito pumapatak.
"Tigil na. Itigil na natin to. Kung hindi mo ko kayang maging kaibigan, pwes hindi naman kita kaylangan maging kaibigan. Ito yung gusto ko diba? Yung lumayo ka sakin. At salamat sayo. Ikaw na yung mismong nagsabi na lalayuan mo na ako. Hindi na ako mahihirapan pang gawin iyon." Hinawi ko ng malakas ang kamay nito dahilan para mabitawan na nya ang aking braso.
Kita ko ang pagsisisi sa kanyang mga mata. Ang akala lang naman nya ay yung pagkakaibigan lang namin ang mawawala sa oras na lumayo sya sa akin. Pero hindi nya alam na pati yung nararamdaman ko sa kanya ay maaari na ring mawala.
"Hindi ko intensyon na sabihin yun." Frustrated nitong sinabi.
Natawa nalang ako dahil para bang pinapalabas nya pa na lahat ng nagawa nya ay hindi nya intensyong gawin.
"Anong gusto mong sabihin? That you leave with no choice?" Tumalim ang mga titig ko sa kanya. "Sabihin mo ng diretso kung ayaw mo sakin. Hindi yung pinapaikot mo pa ako." Inis kong sinabi sabay tulak sa kanya para makadaan ako.
Mabilis ang kilos ko. Pero mabilis din ang kanyang naging kilos dahil namalayan ko na lang na yakap na nya ako.
Nung oras na naglapat ang dibdib naming dalawa ay dama ko kung gaano kabilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi ako nakagalaw lalo na ng mapansin kong nabasa ang aking balikat. At doon ko lang nalaman na umiiyak pala sya mula doon.
Tahimik, walang hikbi. Nadudurog ang puso ko kanina palang. Pero mas nadurog ito ngayong nalaman kong umiiyak ang taong minahal ko dahil sa sitwasyon naming dalawa.
Tumango-tango ako dahil pilit kong iniintindi ang lahat. Pero hindi ko alam kung nasaan ang mali. Bakit kaylangan nyang itago sa iba kung ano yung mga ginagawa namin. Wala akong nakikitang masama doon kaya bakit?
Nung tumulo na ang aking mga luha ay buong pwersa ko syang itinulak at gulat syang napatingin sa akin.
Mabilis kong pinahid ang aking mga luha gamit ang likod ng aking mga kamay.
"Hindi kita kaylangan Grayson. Naririnig mo ba ako?. Hindi kita kaylangan kaya kung pwede? Layuan mo nalang ako katulad ng ipinangako mo sa mama ko." I gritted my teeth before I turn my back to him.
Sana naman nakuha na nya kung ano yung mga sinabi ko. Sana layuan na nya ako. Dahil kung lumapit pa sya sa akin. Sigurado akong ako na mismo ang hindi na makakalayo pa sa kanya.
Mabilis ang naging lakad ko pababa. Madilim na ang paligid at bumubos sakin ang mga alaala nung isang beses na ginabi kami kung saan nangyari ang first kiss naming dalawa.
Pinilig ko ang aking ulo at winaglit sa isipan ang pangyayaring iyon. Kaylangan ko na rin iyong kalimutan kung gusto kong makaahon pa.
Hindi ko na naisip pa na magbukas ng flashlight sa pagmamadali. Sa takot na baka nasa likuran ko lang sya at sinusundan ako. Hindi ko na rin ininda ang kirot mula sa aking leeg. Wala na akong pakialam sa kahit na anong nangyayari. Ang gusto ko na lang ay ang makauwi at makapagpahinga.
Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas na ako sa gate ng walang humihila sa aking kamay. Pero laking gulat ko naman na ang mukha naman ni Cherry ang bumungad sa akin sa labas.
Lumapit ito sa akin at kumunot ang noo ko ng mapansing masama ang tingin nito sa akin. Malalim itong huminga bago nagsalita.
"Nasan ang boyfriend ko?" Mataman nitong tanong sa akin.
Kahit na madilim sa paligid ay kita ko pa rin kung gaano kasama ang tingin nya sa akin.
Huminga din ako ng malalim. Hindi ko gustong maging sarcastic sa kanya pero hindi ko mapigilan.
"Nasa taas pa siguro. Nagpapatuyo ng luha." Tinaas ko ang kilay ko.
Tumaas din ang kanya at mas hinigitan pa ang taas ng akin. "Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan nitong tanong.
"Sa susunod, idikit mo na yang boyfriend mo sayo para hindi mo hinahanap kung kanino."
Mabilis akong naglakad palayo sa kanya at hindi na hinintay pa syang magsalita. I had enough. Bukas naman sana yung iba.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top