IV

Chapter 4

Cherry

Friends?

Friends? Eh friends na kami ni Blue ah.Bumunot ulit ako sa jar ng fres at tinignan ang likod.

A great morning

Napangiwi ako sa nabasa ko. Nagsisimula na akong magsisi dahil bumili ako ng isang pakete ng fres. Sayang yung pera.

Oh yesss. Nabasa nyo yan ng tama. Sinunod ko ang sign.

Baliw na ba ako? Siguro nga. Sino nga bang nasa matinong pagiisip ang maniniwala sa isang candy?

And realization hit me. (Naks, nosebleed) Hindi pala ako matinong tao. Lol.

Nagmadali na ako sa pag-aayos ng gamit dahil kailangan ko nang pumasok sa school.

Mamaya ko na lang pro-problemahin yung lovelife ko. Wew.

Pagkarating ko sa school ground, nagtaka ako kasi Monday ngayon. Walang flag ceremony?
Ayos! Pwede akong magstalk kay Blue. >\\\<.

Stal— secret admirer nya ako eh.

Nabalik ako sa realidad ng makita ko yung mga loko-loko kong mga kaklaseng nagtatakbuhan.

Napakunot noo ako. May fun run ba? Tiningnan ko yung bulletin board na katabi ko lang. Wala naman. Anong meron?

"Good morning Cherry!!" Sigaw nila sa akin. At dahil pabebe ako, ngumiti na lang ako at kumaway sa kanila. Di ko sila close para sigawan ko sila ng 'good morning din mga ugok!!'

Pero nawala yung ngiti ko ng may nahagilap ako sa isang kamay ng kaklase ko.

Teka... Bag yun ni Violet ah??

Right on cue, narinig ko yung maingay at nakakasira ng eardrum na tili ni Violet.

"MGA BALIW KAYO!! IBALIK NYO SA AKIN ANG BAG KO!!"
Patuloy syang tumakbo papunta doon sa mga ugok.

"Violet!" Pagtawag ko sa kanya. Close kami eh, kaya wala kayong pake kung sisigawan ko sya. Tumigil sya sa harapan ko at ngumiti.

"H-hi...Che...Cherry..hayy" kawawang bestfriend, hiningal kakahabol.

"Ano bang nangyari? Bakit nasa kanila bag mo?"  Pang-uusisa ko, aba syempre best friend nya ako eh, dapat concern ako.

"Eh kasi naman mga papansin!! Nagtatanong sila kung meron bang assignment"

"O tapos?"

"Hindi ko nasagot yung tanong  kasi may ginagawa ako tapos nagulat na lang ako ng bigla nilang binagsak yung cellphone ko sa sahig.. ayun nagkawatak-watak yung mga piraso" Pagsusumamo pa nya.

Sayang yung cellphone.. Dapat nasira na ng tuluyan. Haha.

"Eh alam mo naman yung si Kiko, papansin much" Si Kiko at ang barkada nya ang nakita kong nagsisitakbuhan.

"Malay ko bang ako kinakausap nila. Naka-earphone ako haller.." Sabagay, may point si Violet.

"Yan kasi, Nilunok na nga ang pride para lang makapagtapat tapos babalewalain lang ng mga babae kasi ano? Hinihintay nila yung mga prince charming nila. Yung mga pinapangarap nilang lalaki. Yung tipong kayang ipagbili ang Panatag shoal sa sobrang yaman.Walang ganun uy. Walang perpekto. Kung meron mang ganun. Magbre-break din sila. Walang poreber." Pinandigan ko na ang pagiging hugotera ko. Malay nyo, maaagaw ko kay Angelica Panangiban ang titulong Hugot Queen. Wehehehe.

Nakita kong nakakunot ang mga noo ni best friend at napakamot pa sa batok.
"Uhh. Cherry... Anong konek?"

Napaface palm ako. Kahit ako hindi ko din nagets ang pinagsasabi ko eh. Nagiging gatling gun yung bunganga ko pagkasama ko itong buang na ito.

Humugot (naks) ako ng malalim na hininga at pinaamoy sa kanya ang pepsodent kong breath.

"Kasi naman! Follow your dreams! Kung mahal mo yung tao sabihin mo agad! Hindi yung hihintayin mo pang makabuntis sya ng iba bago ka magconfessed. Habulin mo si Kiko! Alam kong mahal mo sya at mahal ka rin nya. Kung gusto mo, ako bahala sa recep— aray!" Kung anu-ano na naman ang lumalabas sa bibig ko. Ayan tuloy nabatukan ako.

"Gagi kang babae ka! Anong pinagsasabi mo? Ako? Mahal yung buang na yun?" As if hindi ka rin buang. "At tsaka ano ba yang pinagsasabi mo? High ka teh? Sininghot mo ba yung utot ng aso ng kapitbahay nyo?"

Napangiwi ako sa sinabi nya. Ang bastos talaga ng bibig nito. Walang filter.

"Hindi ah. Nasobrahan lang yata sa asukal ang ensaymadang nakain ko"

"Asukal daw baka ampalaya. Bitter" bulong ni Violet pero rinig ko naman.

"Ano sabi mo?" Nakataas pa kilay ko nito ah.

"Huh? Wala ah." Wow. Painosente psh.

Natahimik kami. Ako, nag-iisip kung paano babatukan si Violet. Pakaliwa ba o pakanan yung palo. Si Violet? Wag nyo nang itanong. Hindi naman nag-iisip yan eh. Haha.

"Geh. Una na ako Cherry. Kailangan ko nang habulin s—"

"Ang pangarap mo. Tama yan Violet. Nang may makasama naman ako pag kinikilig ako kay Blue wuehuehue." Putol ko sa kanya.

"Hayy nako Cherry! Wala pa akong time para sa mga ganyan noh! At tsaka strict kaya parents ko. Duh!" Sya ang baliw. May pa-accent pa syang nalalaman. Duh.

"Oh sya sige na. Humayo ka na at magpa—" natigil yung speech ko kasi tiningnan nya ako ng masama at kulang nalang ay kutsilyo. Panigurado deadz ako nun. "—agos. Tama. Magpa-agos ka sa iyong buhay habang hinahanap mo ang iyong mumunting bag." Tinulak ko sya. Yung malakas.

Natawa sya at napangiti ako. Yan. Mas gusto ko yang masayang Violet kaysa sa dun sa may period. Ang init ng ulo eh.

"Oo na. Una na ako. Ayokong makita ang precious bag ko na nasa basurahan" precious? Psh. Anong precious sa Jansport? Ok sana kung Gucci eh.

Tinignan ko yung orasan sa eskwelahan (oh yes, may big ben kami sa school. Inggit kayo noh? Hahaha joke lang). Yung orasan sa labas ng G.O. At nanlaki ang mga mata ko.

Tiningnan ko yung oras sa relos ko at... late ito ng 20 minutes.

KAYA PALA HINDI KO NAABUTAN YUNG FLAG CEREMONY. Kainis. Hindi ko nakita ang kagwapuhan ni Blue.

In-adjust ko yung relos ko bago ko tiningnan ang lokang babae na kanina pa bad mood.

"Malalate na ako. Alis na Violet hanapin mo na yung kailangan mo. Baka maunahan ka nang iba jan nako" Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Bahala sya sa buhay nya. Bag nya yun eh, hindi naman sa akin wahahaha.

Pero agad akong napatigil nang marinig ko yung bulong ni Violet.

"Kahit anong gawin ko. Naunahan na ako sa kanya"

Anong pinagsasabi nito? Paglingon ko tumatakbo na palayo si Violet.

Ang weird nya ah. Nakuha lang yung bag nya nagd-drama sya.

Umiling ako at tumakbo na papuntang klase. Bahala na si Violet. Sya naman mapapagalitan eh. :D

Pero dahil isa akong mabait na best friend, hinintay ko sya sa may pintuan.

Makalipas ang ilang minuto nakita ko si Violet dala-dala ang bag nyang pfft precious daw.

Tatawagin ko na sana sya pero napako ang tingin ko sa lalakeng naglalakad aka nagmomodel sa hallway.

Si Blue.

Ang mylabs ko.

>//////<

Sheyms!! Bakit ang hot nya!!!

Nakasuot lang naman sya ng school uniform ( bawal magcivilian sa school namen eh. Daya) at relos lang ang accessory nya pero bakit ganun??!!

Ang lakas ng sex appeal nya.

"Kyaaaaaaah!!!"

Titili na sana ako sa isipan ko pero may nanguna na. Oh, I forgot. Hindi lang pala ako ang nagiisang nagmamahal kay Blue. -__-  (Well at least ako admirer sila stalker wehehe)

"Oh my Blue ko!!"

"Ang Blue ng buhay ko!!"

"Isang gabi lang mylabs! Isang gabi lang ang hinihingi ko!!"

Nagpantig ang tenga ko sa sumigaw na yon. Ako lang ang pwedeng tumawag ng mylabs kay mylabs ko!

Tiningnan ko ng masama yung sumigaw pero nabawi agad kasi pfft. Paano ko ba sasabihin? Uhhm. Sabihin na lang nating babae sya.

Na may talong hahaha.

"BLUE!!! NOTICE US SENPAI!!!"

Mga desperada, mukha namang palaka. Mga malalandi, mukha namang paa. Ha! As if naman papansinin kayo ni Blue mylabs haha—.

"Hello sa inyo!!"

eh?

"Kyaah!! Pinansin nya ako!!"
"Pinansin ka lang, ako tiningnan at pinansin!! Omigosh!!"
"I'm gonna die mga bes!! Minanyak na ako ni Blue sa isip nya!"

Watdapak?

=_____=+++++++++ (kita nyo angry veins ko? Akin lang ang ngiti ni mylabs! Akin lang!!)

Bakit nya ningitian yung mga mukhang syokoy?

Ah,nakalimutan kong gentleman si Koya. Isa pa naman yun sa mga rason kung bakit ko sya mahal.

Yiee ang cheesy mo Cherry. Ang sarap ihampas sa pader.

"Good morning Cherry"

Lumaki yung mata ng makita si Blue sa harapan ko. Nang nakangiti. With matching kaway-kaway pa.

"H-hi Blue" sabay kaway ko rin. Pero syempre pabebe. Hihihi.

"Nag-cutting ka?" Napansin nya yatang dala-dala ko yung mga libro at suot ko parin yung bag.

"Nako, hindi. Late lang ako. Alam mo namang ayaw ni Ma'am Macamandag sa mga late eh."

First period teacher namin ni Violet yung gurang na yun at adviser ni Blue. Kaya paniguradong alam nya yung sinasabi ko. Kayo? Alam nyo ba yung meaning ng sinabi ko? Hindi? Nyek nyek nyo. Haha.

"Ahh okay. Mag-advanced reading ka na lang." Lumapit sya sa akin. As in sobrang lapit! Naamoy ko na yung mint-flavored nyang hininga. At bumulong sa aking tenga.

"May long quiz na ibibigay si Ma'am" sabi nya at lumayo.

Napapikit ako sandali at pinigil ang sariling tumili. Ayyiie.. husky voice si Koya. Kilig much.

"So pano. Kitakits na lang Cherry. Bye!"

"Bye Blue... mylabs" binulong ko yung huli. Nang tumalikod sya, napalip-bite ako.

Diyos ko. Ilayo nyo ako sa tukso. Baka sa susunod na marinig ko yung husky voice ni Blue, tuklawin ko sya.

Nakaramdam ako na may mga nakatingin sa akin. Mga mata ng malalandi at desperada. Haha char.

Yumuko ako at ngumiti ng palihim. Haha mainggit kayo gurls and gays, kasi ako lang ang kinawayan ng mylabs ko. At binulungan pa! Jackpot mga men.

Nagflip hair ako pero syempre pabebe para isipin nila nag-aayos lang ako kuno ng buhok.

Mehehehehe. Mukhang magiging maganda ang araw ko ngayon.
.
.
.
.
.
.
.
.

Binabawi ko na. Ang pangit ng araw ko ... AAARRRRRGGGGHHH.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top