III

Chapter 3

Cherry

Yup. Isang taon na ang nakalipas. 4th year na kami pero di parin ako nakakaconfess (at ang worst, hindi ko na sya kaklase huhu) .

Sino ba may sabing lalaki lang ang natotorpe sa mga crushes nila? Ibahin nyo ako sa mga babaeng kapalmuks na araw-araw sinisigaw nilang 'I love you (insert name here) Ibibigay ko ang bataan ko maging akin ka lang!!'

How desperate. Ho ho ho.

Pero masasabi mo ring desperado akong babae kasi ilang beses akong gumawa ng paraan para lang mapansin niya ako.

Halimbawa, magkukunwari akong nadapa sa harapan niya o magkukunwaring nahihirapan sa pagdala ng mga libro.

Pero imbes na sumang-ayon sa plano, laging palpak. Puro failed.
Kasi naman, obvious na yung mga moves na yon. Kada oras yatang may gagawa ng mga cliché na moves yon para magpapansin sa mga pogi sa school.

At ang nakakatawa doon, parang walang alam si Blue mylabs ko sa mga ganoong moves.

Mabait si Blue, imbes na sungitan yung mga babaeng nagpapakyut sa harapan niya, ningingitian nya pa.

Idagdag pa na gentleman sya, sweet at palakaibigan. Minsan makulit pero in a good way naman na nakakadagdag sa kanyang awesomeness

At kinikilig ako kasi sabi nya ako raw ang first friend nya sa classroom last year.

Haha.

Friend. Saklap bhe.

Pero okay lang, at least may matatawag akong relationship between us. Kahit ayoko nun.

At sinisisi ko ang sarili ko kasi di ko kaagad kinuha ang chance.

Tahimik kasi akong tao eh. Tsaka pag nagsasalita ako, feeling ko di nila nagegets ang mga sinasabi ko. Naalala ko nun, lagi sya ang nagsisimula ng convo pero dahil namamangha ako sa physical features niya, lagi akong speechless at tulala. Awkward tuloy ang atmosphere.

Tsaka bipolar kasi ako. Halata naman diba? Sa ch.1 ang seryoso ko tapos sa ch.2 and 3 ang landi landi haha.

Okay, Balik tayo kay Blue.

Eto ako. Nasa gilid ng locker room habang sinisilip sya ng patago. Inaabangan ang bawat kilos niya at pagkurap ng kanyang mata.

Kakatapos lang ng New Year, bale first school day of the year ngayon. At sya ang unang hinanap ko pagkapasok sa school.

Nakakalungkot lang talaga na di na kami magkaklase nang maging 4th year kami. (Which is ngayon)

Hindi naman kasi kami close eh. Yan tuloy, hanggang ngayon secret admirer parin ako.

"Ang gwapo niya noh?"

Tumango ako sa sinabi ng nagsalita.

"Oo, gwapo talaga si Blue" bulong ko.

"Ang cute ng dimples nya noh?"

"Uh- huh" pagsang-ayon ko ulit.

"Siguro malambot yung mga kamay nya noh?"

"Malambot talaga" nahawakan ko na yan ng ilang beses.

Pero teka?!! Sino yung kausap ko?

Lumingin ako sa likod ko at..

"Boo!"

"Ahhhh!!! Violet!!"

"Hahahahaha!! Yung mukha mo Cherry ang epic!! XD"

Wow lang ah, muntikan na akong mamatay sa gulat tapos tatawanan pa ako. Ang bait talaga ng best friend ko. Sarcasm overload.

"Hahah—aray! Si Cherry meanie!!" Binatukan ko nga. Mabuti sa kanya nang maging matino sya.

"Wag kang magpakyut bwiset ka!"

"Hehe sorry na Cherry. Natatawa lang ako kasi kanina mo pa inii-stalk yang Blue mylabs mo"

Mylabs mo
Mylabs mo
Mylabs mo
Mylabs m—

"Wag mo nang ulitin sa isip mo yung sinabi ko, kinikilabutan ako"

Bwiset na Violet na yan! Kikiligin na sana ako eh, ang bitter amp.

Binalik ko yung tingin kay Blue pero wala na sya, kainis.

Lumabas na ako sa tinataguan ko at bumalik na sa classroom. Sinadya ko talagang iwan yung killjoy na si Violet.

"Isnabera" hindi ko sya pinansin.

Lumipas ang morning sched at ang afternoon sched, wala kong ginawa kundi mag-isip.

Mag-isip ng mag-isip.

Buong araw akong nag-isip ng plano para maka-confess pero wala eh. Nganga.
Na-mental block ako kasi  nagawa ko na ang lahat ng paraan para makaconfess (at lahat sila palpak).

Depressed ako nang umuwi sa bahay. Ang bagal ng lakad ko, nakayuko pa tapos yung mga kamay at braso ko naka-zombie( alam niyo yun? Yung gaya sa plants vs zombies. Yung itsura ng zombie doon ganoon ako)

"Mommy oh, may zombie." Turo sa akin ng isang bata.

"Anak, wag kang magturo kung saan-saan baka ma-engkanto ka"

WTF?!

Ako?!  Zombie?! Engkanto?! Haha!....Tama sila.

Hindi ko na lang sila pinatulan. Karma na lang ang maghihiganti sa kanila hohoho.

Dumiretso ako sa playground sa lugar namin at umupo sa isang swing.

"Kailan kaya ako mapapansin ni Blue? Hayy" Bumuntong hininga  ako.

Frustrated na ako, isama mo pang gutom ako kasi di ako kumain ng tanghalian para lang makaisip ng plano. Desperado na talaga ako -____-.

Tumingala ako sa langit at nagbabasakaling may clue, hint o whatever para mapasa-akin si Blue.

"O langit na makapangyarihan, bigyan mo ako ng isang sign para mapaibig ko si Blue!! Give me a sign!!"  Sabi ko habang naka-open arms.

Nang biglang...

*Whoooooshhh (sound effect yan ng hangin wag kayong ano haha)

Humangin. SOBRANG LAKAS NG IHIP NG HANGIN. Grabe.

At ang resulta? Ayun, napuwing ako.

"Aray!!"

Nang imulat ko yung mga mata ko, may nakangangang bata sa harapan ko.

Anong meron at ganiyang makatingin yung bata?

Baka nagandahan sa akin hohoho. Pedophile much.

"Bakit bata?"

Nakatunganga parin yung bata pero maya-maya...

"Hahahaha! Polka dots!! Ang pangit ng panty mo Ate hahaha!!"

Namula ako sa sinabi ng bata. Oo nga pala, humangin ng malakas.So ang meaning nun, nilipad ang palda ko.

At NAALALA KONG WALA PALA AKONG SHORTS PANGDOBLE!

"Manyak!" Sabay takbo ko paalis ng playground. At nakakainis kasi naririnig ko parin yung tawa ng bata.

Ang bata-bata manyak na, I'm sure paglaki ng batang yon babaero.

Napadpad ako sa isang malilim na lugar. Malayo na sya sa playground. At mas malayo sa bahay namin. Kainis pagod na ako.

Umupo ako sa isang puno at pinagmasdan yung paligid. Maaliwalas, tahimik, nakakaantok.

Papikit na sana ako nang may makita akong nakakalaglag pan...ga.

"Cherry?"

Oh my.. si Blue nandito rin.

Napa-ayos ako ng buhok kong gulo-gulo dahil sa pagtakbo ko kanina. Baka ito na yung oras para mapansin nya ako.

"H-hi Blue!" Sabay kaway pa na akala mo ang tagal ko na syang di nakikita.

Well, nakita ko sya kanina pero matagal na kaming di nakakapag-usap eh. Nostalgic feelssss.

Inayos ko rin yung pag-upo kasi naalala kong wala akong shorts. Ayokong mapahiya kay mylabs ko hihihi.

"Kamusta? Long time no talk ah" tapos tumabi pa sya sa akin.

Kinilabutan ako. Parang nakuryente ako ng magkadikit yung mga braso namin. At.. hmmm.... Ang bango niya. Amoy sampalok. Joke.

Feeling ko nagkaroon kami ng background song kasi naman,  nasa ilalim kami ng puno. Kileeeg.

♪♪ Blue and Me, sitting on the tree~~~♪♪

♪♪ K-I-S-S-I-N-G ♪♪

kyaaah!! Kilig much.

"Uhh..Cherry?"

Nabalik ako sa realidad nang makita kong winawagayway nya sa mukha ko yung maputi at malambot nyang kamay.

"Ahh. Ano iyon? May sinasabi ka?"

"Hahaha di ka parin nagbabago. Lagi ka paring tulala hahaha"

Namula ako sa hiya at kilig. Hiya dahil nakita na naman nya akong nagd-daydream sa harapan nya at kilig dahil naalala nya ako.

"Matanong lang, ano palang ginagawa mo dito?"

"Huh? Ahh.. Wala lang. Nagpapahangin. Nagpapahinga. Ganern"  kinakabahan na ako.

Naa-awkward lagi ako tuwing malapit sya sa akin. Hindi ako makahinga ng maayos. Nanginginig ang mga tuhod ko. At kapag ngumiti sya...

"Ah ganun ba" sabay ngiti.

OH MY GASSS ANG TAAS!!

Hindi ko mapigilang mamula!!!

Umiwas ako ng tingin at pinagsasampal ang mukha ko para mabawasan ang pagpula.

"Bakit mo sinasampal yung mukha mo?" Hala, nagmumukha na naman akong weirdo.

Itinigil ko ang pagsampal at ngumiti ng malawak. Mala-killer smile.

"Ah hehehe. Mainit kasi, namumula tuloy mukha ko"

"E diba mas mamumula ang mukha mo kapag sinampal mo sya?" Toinks. Oo nga naman. Bobo mo talaga Cherry.

"G-ganun ba? Hehehe. Hindi ko alam eh." Lupa! Lamunin mo na ako!!

Pagkatapos nun, wala na. Naging tahimik ulit. Naging lungga ng mga zombie yung lugar kasi napapalibutan kami ng dead air.

Gets mo? Dead kasi patay na. Tapos yung hininga ko amoy patay narin. Dead...air.

Tss.Corny mo Cherry!

"I'm just thinking.." Huh? Ba't nagsasalita ito ng mag-isa?

"May sinasabi ka?"

Tumingin sya sa akin at ngumiti. Puso! Kalma!

"I'm just thinking na i-invite ka sa birthday ko next week. Tutal naging friends tayo diba?"

Did he invited me? Oh my gee. Napa-english ako!

Sign! I need a sign!

"You should be there, nakalimutan kasi kitang i-invite on my last birthday and my conscience is eating my guilt. Kaya dapat nandoon ka ah?"

Totoo yon. Nagmukmok ako sa bahay ng ilang araw dahil nakalimutan nya ako.

Pero nagpapasalamat ako kasi may social network at maraming stalker si Blue kaya ayon, updated parin ako sa mga ginagawa nila noong birthday nya.

Kahit wala ako doon sa event, talagang kinilig ako nang kumanta at sumayaw sya sa stage. Ayaw na ayaw nya talagang magperform. Shy type kasi hihihi.

"Cherry?"

"H-huh?" Nabalik ako sa realidad ng magsalita sya.

"Hahaha! You're spacing out again haha"

"S-sorry"  Enebe nemen yen Cherry!

"So? It's a yes or no?"

"Uhhm" napaisip ako.

Kung papayag ako, mao-op ako kasi alam kong mga peymus at mga mayayaman yung pupunta. Magmumukha lang akong gatecrasher or worse, katulong. Huhuhu.

Kung di naman ako papayag, baka magtampo si Blue. Baka di na nya ako pansinin sa school. Hindi ko rin mararanasang maka-attend ng isang engrandeng birthday party.

Anong pipiliin ko? Juice colored.

Napapasabunot ako sa mga damo sa gilid ko dahil sa frustration

Ow men, I'm so frustrated.

"Ahh. Ano kasi Blue eh.." Isip Cherry! Isip!

"Hmm? Ano na?"

Wag mo akong titigan Blue mylabs baka hindi ko mapigilang halikan ka!

Hindi ko alam kung anong meron at kinuha ko yung nakapa ko sa damuhan at pinakita kay Blue.

"Eh?" Pareho kaming nagulat sa nagawa ko. Baliw ka talaga Cherry! Bakit mo nilapit sa mukha nya yung balot ng isang candy! Paano kung may pupu yun? Yuck. Turn off kana.

"Pfffttt.. Hahahaha!!!" Hala! Bakit tumatawa si Blue? Nagmukha na naman yata akong weirdo sa paningin nya. Major turn off.

"So..  It's a yes? Wala nang bawian Cherry! Una na ako!"
Ha? Ano bang sinasabi ni Blue? Hindi naman ako nag-yes ah. Tapos iniwan nya na naman ako.

Tiningnan ko yung balat ng candy na nasa kamay ko at narealize kong fres candy ito.

Alam nyo yun? Yung candy na may words sa likod. Nakita ko nga yung commercial nito at kinilig ako. Baka ito na yung sign para mapalapit ako kay Blue.

Teka...

Sign.
Fres.
Yes.

O My Gas!!

Tiningnan ko yung likod ng fres, nagbabaka sakaling ito yung nag-yes.

Yes. Ito nga. Gosh!

Napatayo ako sa pagkakaupo ko at tumalon-talon.

"ITO NA YUNG SIGN NA HINIHINGI KO!! HAHAHAHA—ARAY!!!"
aray,nadapa ako. Plakda sa lupa, una mukha.

"HAHAHA! Polka dots! Haha"

Napatingin ako sa tumatawa. Aba!! Yung bata kanina!

"Manyak!!!"
***********

Ominote:
Sorry kung natagalan haha. So this is it! Magsisimula na ang silbi ni fres sa buhay ni Cherry. Ang tanong, magiging successful ba?

Take care everyone (^.^)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top