Nang Dahil sa Floral Dress (One Shot!)

Nang Dahil sa Floral Dress

 

Alam niyo ba ‘yung mga random na pangyayari? Mga out of the blue na pwedeng mangyari sa buhay mo? Mga akala mo sa libro mo lang nababasa? Napaka too-good-to-be-true diba?

Pero paano kung mangyari din sa’yo ang isang pangyayari na sa one-shot story mo lang nababasa? Nakakakilig kasi kung sa pelikula, may director.

Pero hindi sa totoong buhay. Ang director ng ating buhay ay si god at tayo ang artista sa sarli nating kwento.

“Therese, tara na! Male-late na tayo!” sigaw ng kaibigan kong si Nikki. Binuksan ko ang pituan ng kwarto at nakita ko siyang nakagayak na.

“Late saan?” napapahikab ko pang sabi. Sinamaan niya ako ng tingin nang makita kung ano ang ayos ko.

“Hindi ka pa naliligo?! Kakagising mo lang?!” halatang iritado niyang sabi. Napakamot lang ako ng batok.

“Hindi ako aattend sa seminar na ‘yan Nikki. Alam mo naman na nabilis akong ma-bored. Hindi mo ako mapapaupo ng walong oras sa convention center na nakikinig lang sa speaker.” Napairap siya sa akin at pinagtatadyak ang paa sa sahig.

“Kainis ka naman eh! Kaya pala ayaw mong magbayad sa seminar fee kasi ‘yan ang balak mo!” nagtatampo niya pang sabi.

“Eeee! Sorry na! Sabay na lang tayo mamaya magsimba after ng seminar. Hihintayin kita sa café.” Sabi ko sakanya. Halata namang nag-isip siya at sa tingin ko alam na niyang hindi niya ako mapipilit.

“Haay! Oo na! Libre mo ‘ko sa Greenwich ah!” tapos umalis na siya. Napahagikhik lang ako pag-alis niya.

Sunday ngayon kaya isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong pumunta sa seminar. College buddy kami niyan ni Nikki at hanggang sa work magkasama kami—pati apartment!

We’re working in a college university at isa akong officer sa registrar’s office at si Nikki naman ay Clerk sa Accounting office.

Balak ko ngayon mag-relax dahil na-sstress ako sa mga studyanteng may problema sa kanilang credentials lalo na do’n sa mga mag-o-OJT ngayong sembreak.

After kong maligo nagbihis ako at sinuot ko ‘yung yellow floral dress ko na binili sa akin ni Mama. Tinernuhan ko siya no’ng beige wedge shoes ko at isang gold clutch bag. Inipon ko din ang mga labada ko sa isang paperbag saka ako gumayak. Hindi lang naman kasi ako magpapalaba kaya ako nakasuot ng ganito, may mga pupuntahan din ako at ide-date ko ang sarili ko.

Magpapa-laudry kasi ako. Tamad na kung tamad pero wala akong balak maglaba. Sorry naman kasi allergic ang kamay ko sa detergent. At h’wag niyo ding isa-suggest na magsuot ng handgloves kasi hindi ako matutuwa.

I went to my favorite laundry shop saka ko iniwan ang dalawang kilo kong labada kasama na ang bedsheet.

Pumunta akong pasalubong center kasi balak kong umuwi sa amin. Bus ang sasakyan ko kaya pumunta akong terminal. Ang byahe from Metro Naga to Iriga City ay mahigit isang oras kaya nilagay ko ang earphones ko sa tenga para hindi maburo.

Ganito lagi ang buhay ko. Isang linggo na trabaho tapos uuwi sa pamilya, makakasama sila ng ilang oras tapos balik ulit sa apartment.

Siguro kaya wala din akong oras sa lovelife. Hindi naman ako NBSB kung ‘yan ang iniisip niyo. Ang ganda ko kaya para hindi magka-boyfriend! Pero wala din nagtatagal kasi hindi ko kayang ipagsabay ang trabaho sa lovelife. Not yet.

After kong bisitahin ang pamilya ko ay agad naman akong bumalik. Alas kwatro na ako nang dumating at tinext ako ni Nikki na tapos na daw ang seminar kaya hintayin niya ako sa pinakamalapit na café sa convention center.

Pumasok ako sa isang café na no’n ko lang napasok. Napaka cozy ng ambiance at talagang marerelax ka kung doon mo maisip na magtambay.

May iilan ding customer at karamihan mga group of friends. Agad akong nag-order ng strawberry smoothie at ayaw ko namang magtambay doon na wala man lang inorder.

Umupo ako sa pinkadulo ng café na parang couple seat. Ang lambot ng upuan at sarap mahiga. Kinuha ko din ‘yung phone ko at binuksan ang wattpad ko.

“Wala pang update ‘yung favorite story ko.” Sabi ko sa sarili ko habang naghihintay no’ng order.

Nag log-in din ako sa facebook. Pwede akong mag-status.

Here at Rafabel’s Café—ay erase! Hindi ako pwede mag status at baka mabasa ng mga ka-office mates ko.

Itatago ko na sana phone ko nang may umupo sa tabi ng upuan na inuupuan ko.

Handa na sana akong magtaray pero nakita ko siyang nakangiti kaya ngumiti na din ako. Ang puti ng ngipin niya at ang kinis ng kutis. Nakakatuwa din kasi parang nawawala ang mga mata niya kapag nakangiti. Haay! Weakness ko pa naman ang mga chinito.

Ang mga ganitong gwapo hindi dapat sinusungitan. Konti na lang sila sa mundo kasi ‘yung iba mas piniling maging binabae.

“Miss, ang sarap mong diligan.” Nakangiti niyang sabi. Nagulat ako sa sinabi niya. Nawala ang mga ngiti ko sa labi at biglang nag-init ulo ko.

*PAAAK!*

Pati ako nagulat. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko nabastos ako. He deserve it. Hindi dapat ako ma-guilty pero bakit parang gusto kong bawiin sakanya ang sampal.

Mas lalo akong kinabahan nang makita kong nakatingin sa amin ang mga tao sa loob pati ‘yung waiters ay natigilan din.

Sa sobrang hiya ko ay tumayo ako. Hiyang-hiya na ako at kung pwede lang na lamunin ako ng sahig gagawin ko mawala lang ako sa lugar na ‘yon.

Juice colored! Eto ba ang kapalit sa hindi ko pag attend sa seminar? Mas mabuti pang magseminar ako buong buwan kesa naman ganito.

Inis na nahihiya akong lumabas sa café. Pagbukas ko ng pinto narinig kong tumunog ulit ang chime. Sumunod siya sa akin kaya hinarap ko siya.

“Miss, sorry.” Hindi ko maintindihan kung bakit gusto kong sabihin na ok lang eh alam ko naman sa sarili ko na na-offend ako. Ang bait kasi ng mukha niya kaya parang kahit anong mali ang gawin niya, mapapatawad at mapapatawad mo siya.

“Hindi ko sinasadya. Wala akong balak na bastosin ka kagaya ng iniisip mo.” Napakamot siya ng batok at parang nahihiya. “P-pick up line dapat ‘yon.” Nahihiya niyang sabi. Namumula ang mga tenga niya at kita kong bakat pa din ang malakas kong sampal sakanya.

Parang nanuyo ang lalamunan ko. Wala akong masabi sakanya. Ako ang nagawan ng mali pero ako ‘yung nagi-guilty. Feeling ko dapat ako ‘yung mag-sorry eh.

“It was suppose to be a joke kasi bulaklakin ang suot mo. Sana h’wag mong isipin na pervert ako.” Gusto kong matawa sa mukha niya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan naniwala ako sakanya.

“Therese, nandyan ka lang pala.” Rinig kong sabi ni Nikki sa likod ng lalaki. Hindi ko pinansin si Nikki at nakatuon lang ang tingin ko sa lalaking kaharap ko. Gusto kong magsalita. May gusto akong sabihin sakanya pero parang nawalan ako ng lakas ng loob.

“Uy! Nakatulala ka dyan? Tara na at ililibre mo pa ako!” napaka atribida talaga nito ni Nikki.

Naramdaman ko na lang na hinigit niya braso saka kami sumakay sa pinara niyang taxikel. Kaladkad ako ni Nikki habang ako nakatingin sa likod ko at tnitingnan si kuyang pervert-not-pervert.

Hanggang sa nakasakay kami sa taxikel ay hindi maalis ang tingin ko sakanya pati siya. Napaka-corny kung sasabihin kong huminto ang mundo habang nakatingin sakanya pero ‘yon talaga ang nararamdaman ko.

Kumaway siya sa akin at sumilay ang nakakakilig na ngiti niya sa labi.

Isang linggo kong hindi nakalimutan ang mukha ni kuyang pervert-not-pervert. Pakiramdam ko nga isa akong highschooler ulit dahil sa nararamdaman ko. Wala din ang mapagsabihan ng nararamdaman ko kasi walang alam si Nikki tungkol do’n at ayaw ko naman sakanya sabihin. Alam ko kasing hindi siya maniniwala na hindi bastos ang lalaking ‘yon. Napaka sensitive pa naman niya sa mga gano’n bagay.

Another weeks had passed at dahil busy na ako ay hindi ko na halos maisip ang lalaking ‘yon. Ni hindi na nga siya sumagi sa isipan ko eh.

Hanggang sa lumipas ang isa pang linggo at totally ko na siyang nakalimutan.

It was Tuesday—kakatapos lang ng long weekend and holiday na diniklara ni PiNoy. Maaga akong pumasok kasi may meeting kami sa President ng school—ang boss namin na close ko kasi ewan. Hindi ko rin alam kung bakit kami close ng bigboss. Hahaha

Sabay kami ni Nikki na pumunta sa time in station. Masasalubong namin ang boss kaya hinanda ko na ang aking million dollar smile.

Pero habang papalapit ako sa boss ko na may kasamang lalaki ay saka naman naningkit ang mga mata ko.

“He seems familiar.” Nasabi ko sa sarili ko habang nakatitig do’n sa lalaki.

Nang mapagtanto ko kung sino ang kasama ni boss ay agad akong nakaramdam ng uneasiness at pakiramdam ko kailangan kong magtago.

Dinaig ko pa si flash sa bilis ng aking takbo papunta sa time in station. Dumaan ako sa long cut para hindi masalubong si boss.

Bakit nandito ‘yung lalaking nasampal ko? Hala!

Nasa office na ako at hindi ako makapag concentrate sa work. Nanlalamig ang mga kamay ko at nagpapawis din ang aking noo. Dapat pala nag absent ako. Kahit AWOL at mabigyan ng memo ok lang.

“Uy! Lunch time na, hindi ka ba kakain?” tanong sa akin ni Nikki. Nakaharap lang kasi ako sa monitor at nadaop ang dalawang kamay habang nakaipit sa pagitan ng legs.

“I-ikaw na lang. hehehe” tinaasan lang ako ng kilay ni Nikki at parang hindi kunbinsi sa sinabi ko.

“Hindi ka nag-snack kaya alam kong gutom ka na. Tara na at mawawalan tayo ng upuan sa employees lounge.” Sabi niya. Huminga muna ako ng malalim saka tumayo.

Wala namang dahilan para magtago. Kasalanan niya bakit ako matatakot. Kasi nasampal ko siya? Deserve naman niya ‘yon! Mag-agree kayo sa akin please! Kailangan ko ng kakampi.

“Bakit ba parang nakakita ka ng multo dyan, Therese? Ang putla mo!” komento ni Nikki. Inirapan ko lang siya. Bakit ko ba siya naging bestfriend? Napaka unsupportive! Sabagay, hindi naman niya kasi alam ang nangyayari.

Tapos na akong maglunch at halos manlumo ako nang iwan ako ni Nikki kasi sumama siya sa officemate niya sa department niya. Naku! Itatakwil ko na talaga siya bilang bestfriend.

Sa oras na ‘to, hinahangad ko na maging kasapi sa generation of miracles at ma-acquire ang vanishing drive ni kuroko o kaya ang pagiging phantom niya.

Pero mali ata ako kasi hindi ako isang shadow but a light like Kagami. Dahil sa oras na ‘to, kaharap ko na siya. ‘Kurokocchi! I need your vanishing overflow!’ piping dasal ko.

“Nice seeing you here. Kumusta ka na?” casual niyang tanong. Para nanaman napilipit ang dila ko. Bakit hindi ako makapagsalita? Never ko pa ata siyang nakausap kahit nasampal ko na siya.

“O-ok lang.” nauutal kong sabi. Napangiti lang siya sa akin. Ah! ang gwapo niya.

“Good. Hindi ko man lang alam na dito ka nagtatrabaho. I’m here para papirmahin si Atty. Nicholas para sa contrata para sa pagpapagawa niya ng bagong student pavilion at gymnasium para sa elementary department. Kami ang supplier niyo.”

“Gano’n ba?” bakit ba ang daldal niya at ako ang tameme? Dapat may sabihin din ako. Mukhang nakalimutan niya na din ‘yung tungkol sa sampal eh.

“By the way, I’m Lance Kevin Ong. And you’re…”

“Therese… Therese Madrigal.” Napatitig ako sa makangiti niyang mata at kita ko na hindi pantay ang mga kulay ng mata niya. Black and brown which I found amazing.

End!

-=-

wala na siyang kasunod. Nasa imahinasyon niyo na nakasalalay (chos!) ang karugtong ng storya niya. Haha

Add niyo ko sa facebook: www.facebook.com/thyriza.wattpad or just simply search Thyriza Wattpad. // Usap tayo do’n at makipagkulitan sa akin ^___^

-Ate Thy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top