NW Chapter: 7

Abala sa kanyang pag-aayos si Raffaella, nang biglang marinig niya ang pagsambit ng photographer sa kanyang pangalan, "Raffy, you're next!" sigaw nito sa hindi kalayuan.

Sabay namang napabaling sina Mamu Penny at Raffaella rito, at nakita nilang tapos na pala ang termino ni Harper sa photoshoot. Ito na ang kanilang huling araw sa Casa Cadeña, kaya't puspusan na ang kanilang pagtatrabaho,

Mabilis namang napaharap ang dalaga nang biglang magsalita si Mamu Penny, "Oh, galingan mo anak ahh," masiglang sambit nito habang abala sa pagma-make up sa kanya. "Tandaan mo lahat ng posing na itinuro ko sayo, okay?" dagdag pa nito bago ibinaba ang hawak nitong brush.

"Okay po Mamu." nakangiting saad lang ni Raffaella bago tumayo sa kanyang pagkakaupo.

Dagli namang inalalayan ni Mamu Penny ang dalaga para tanggalin ang suot nitong asul na roba sabay sabing, "Goodluck anak, fighting!" anito na punong-puno ng tiwala na masusungkit ng dalaga ang proyekto na kanilang inaasam.

"Fighting!" nakangiting saad ni Raffaella bago nagsimulang maglakad patungo sa nakadestinong spot para sa kanyang shoot.

Nagsimula nang magpose sa harap ng camera si Raffaella, dala lamang ang kanyang mataas na lebel ng kumpiyansa at tiwala sa sarili. Sa sobrang pagka-aliw sa harap ng lente ng camera, ay hindi na alintana pa ng dalaga ang mga matang diretsong nakatingin sa bawat galaw na kanyang ginagawa.

Posing dito, posing doon... Halos mabanat na ang mga buto't balat ni Raffaella, para magawa lamang ang iba't ibang pwesto na hinihingi sa kanya ng photographer. At para na rin mabigyan ito ng pinakamahusay na kuha, na kaaya-aya at hindi pangkaraniwan.

Makalipas ang ilang minuto nang pakikipag-buno sa matinding sikat ng araw, at mga buhangin na siyang tuluyang kumapit sa iba't ibang parte ng kanyang balat, ay natapos din ang oras ni Raffaella sa photoshoot.

"Wonderful shots, Raffy!" masiglang saad ni Madam Violeta nang tuluyang makalapit dito ang dalaga.

"Thank you po, Madam Vi." malawak na ngiting pasasalamat niya rito saka binalot muli ng roba ang kanyang katawan.

"Look at these, Raffy. All your shots are magnificent, the camera really loves you." masiglang turan pa ni Madam Violeta, bago ipinakita sa dalaga ang kanyang mga kuha sa isang laptop na diretsong naka-konekta sa camera na ginamit ng photographer.


Photo CTTO




Halos magningning ang mga mata ni Raffaella nang makita ang kanyang mga kuha. Napansin niya na mas nag-improve na ang kanyang mga shots ngayon, kumpara noon na medyo nahihiya pa siyang humarap sa camera.

Lumabas lalo ang kaputian ng dalaga dahil sa suot nitong one piece swimsuit na kulay blue. Lataran na likuran dahil sa design ng kanyang kasuotan na pa-backless style, at hapit sa kurbado nitong pangangatawan.

Kung noon ay para lang siyang isang larva na mahiyain at nagtatago sa kanyang pupa stage, ngayon ay isa na siyang ganap na paru-paro na anumang oras ay handa nang lumipad dala ang kanyang pangarap.

"Great shot, Raffy... Oh siya hija, magpalit ka na para sa next set ng photoshoot niyo." nakangiting sambit ni Madam Violeta, bago muling itinuon ang atensyon sa mga kuha ng iba pang modelo.

"Thank you po ulit, Madam Vi." pasasalamat ni Raffaella bago tuluyang pumunta sa tent kung saan pansamantalang sumisilong ang mga modelo ng Dream Couture.


*****


Sa kabilang dako naman, ay patuloy lamang si Lucas sa pagsilay sa dalagang nakakuha ng kanyang atensyon dalawang araw lamang ang nakalipas. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang siya naging interesado rito, samantalang wala naman siyang nakikitang espesyal sa babaeng iyon.

Kung babae lamang ang pag-uusapan ay marami si Lucas no'n. Hindi na niya kailangan pang gumawa ng hakbang o mag-effort sa mga babaeng nahuhumaling sa kanya. Dahil ang mga babae na ang kusang bumubukaka sa kanyang harapan, makaromansa't mai-kama lamang niya ang mga ito.

Nasa ganoong pag-iisip ang binata nang biglang marinig niyang tumunog ang kanyang telepono. Mabilis naman niyang tiningnan ito at agad napailing nang makitang tumatawag na naman ang kanyang kanang kamay na si Hideo.

Mabilis namang isinilid muli ni Lucas ang kanyang telepono sa bulsa, saka nilagok ang huling alak sa kanyang baso, "One more, please!" senyas niya sa bartender na nakatoka ng oras na iyon, saka muling itinuon ang atensyon sa gawi ng dalaga.

Naisipan ni Lucas na magbakasyon, para makapag-relax sa stressful niyang kumpaniya sa Maynila. Even the most powerful man needs a place to unwind. So, he chose Casa Cadeña because for him it is a superb place to take a load off and relax after a period work of tension.

Napaayos bigla ng upo si Lucas, nang makitang tapos na sa photoshoot ang babaeng kanina pa niyang sinisilayan. At nakaisip ng isang magandang paraan para makuha ang atensyon nito.

"Excuse me!" agaw atensyon ng binata sa waiter na nagliligpit ng mga baso sa beach bar ng Casa Cadeña.

"Yes sir?" pagtatanong nito habang pinupunasan ang mga kamay, gamit ang kanyang itim na apron.

"Please, give that woman who's wearing a blue bathrobe a non-alcoholic pineapple mojito." pakiusap niya rito saka palihim na itinuro ang gawi ng babaeng kanyang sinusulyapan.

"Right away, sir." saad ng waiter, saka bahagyang yumukod tanda ng kanyang pag-alis.

"Grazie!" iyon lamang ang tanging naisambit ng binata dahil ngayon ay abala na ang kanyang mga mata sa kanyang nakikita.

Ilang minuto lamang ang lumipas nang makita ni Lucas na tuluyan nang nakalapit ang waiter na kanyang inutusan, saka nito iniabot ang inumin na kanyang ipinadala para sa dalaga.

Nakita na lang ni Lucas na itinuro ng waiter ang gawi ng beach bar. At laking gulat niya nang biglang mapatingin ang lahat ng mga kasamahan ng dalaga sa kanyang kinauupuan.

At nang makitang nasa kanya na ang atensyon ng babaeng kanyang inaasinta, ay agad itinaas ni Lucas ang kanyang baso sa ere na parang sinasabing sa kanya galing ang inumin na iyon. Nakita pa niya ang biglang pagkailang ng dalaga, ngunit kalaunan ay mabilis din naman siyang tinanguan nito at itinaas din sa ere ang inumin tanda ng pasasalamat nito. Nginitian lang ito ni Lucas ng pagkatamis-tamis at ganoon din naman ang iginawad sa kanya ng dalaga, saka ito tuluyang umiwas ng tingin.

Sa buong minuto nang paghihintay na sumulyap muli ang dalaga sa kanyang kinauupuan ay biglang naglaro ang isang nakakalokong isipin sa isip sa binata.

"You will look at me, Bella." bulong niya sa hangin, na parang sa pamamagitan noon ay mahihipnotismo niya ang ulirat ng dalaga para muli siyang tingnan nito.

"Eyes in here, Bella... In 3, 2, 1..."

Saktong sambit ni Lucas sa huling numero, ay siya rin namang baling ng dalaga sa kanyang kinauupuan, kaya't napasambit na lang ang binata nang, "Gotcha!" aniya habang diretsong nakatingin dito. Nakita pa niya na nginitian lamang siya ng dalaga, bago muling sumabak sa pagpapakuha nito ng litrato.

Hindi alam ni Lucas kung dala lang ba nang tama ng alak na kanyang iniinom o talagang nahuhumaling na siya sa kagandahang taglay ng dalaga.

Bawat galaw nito ay parang bumabagal ang takbo ng kanyang mundo. Hindi na rin niya mapigilang humanga sa alindog na mayroon ang dalaga, dahil bawat pilantik ng katawan nito'y para siyang dinadala ng fetish charm nito sa ibang dimensyon.


Photo CTTO




"What did you do to me, Bella? You give me an unexplainable feeling that I can't put into words." nagniningning ang mga matang usal ng binata sa hangin, habang patuloy sa panonood sa bawat galaw ng dalaga.

"The more I see you, the more I'm thinking of you. Maybe it was your smile, or your eyes..." usal ni Lucas sa hangin, na animo'y sa pamamagitan no'n ay kinakausap niya ang dalaga.

"No! It could've been your hair, or your voice... I guess, it was your personality? Argh! Whatever it was, it made me fall pretty dāmn hard, Bella." napapailing pa niya sambit bago lumagok muli ng alak.



*****

Shemay! Ano raw? 😍😍😍

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top