NW Chapter: 46

Dalawang linggo ang lumipas ngunit walang Lucas na nagparamdam sa dalagang si Raffaella. Simula nang makausap niya ito tungkol sa kanyang pagbubuntis, ay hindi na niya nahagilap pa ang bulto ni anino ng binata.

Ilang tawag at mensahe na ang kanyang naipadala rito, ngunit hindi man lang nag-abalang sumagot si Lucas.

Nasa malalim na pag-iisip si Raffaella nang maramdaman ang paglapat ng make-up brush sa kanyang pisngi. Sandali pa siyang napakurap-kurap bago tuluyang napabalik ang kanyang ulirat sa realidad.

"Tulala ka na naman..." Biglang sambit ni Mamu Penny habang abala ito sa pag-aayos sa dalaga.

Napabuga na lamang nang mahinagpis na buntong-hininga si Raffaella saka ibinaba ang kanyang telepono sa mesa, "Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya ma-contact." Malungkot na saad nito dahil sa kawalan nang pag-asa na mahagilap si Lucas.

"Baka nabigla lang— h'wag kang mag-alala susulpot din 'yon." Pampalubag-loob na turan ni Mamu Penny.

Napanguso na lamang si Raffaella sa kanyang narinig. Alam niyang pinapagaan lang nito ang kanyang kalooban upang hindi na siya mag-alala pa. Ngunit sa mga araw na nagdaan ay hindi mawaglit sa kanyang isipan ang posibilidad na baka nga tuluyan na siyang tinakbuhan ni Lucas.

Hindi lang ang kanyang sarili, kundi pati na rin ang munting supling sa kanyang sinapupunan.

"Aasa na naman ako. Ilang araw pa ba akong paghihintayin ng bwisit na Lucas na 'yon? Halos oras-oras ko nang tiningnan ang cellphone ko sa pagbabaka-sakali na may missed call o kaya naman ga-tuldok na reply siya, para lang hindi na ako mag-alala. Pero ang siste— wala!" May himig inis na saad ni Raffaella dahil namumbalik na naman sa kanyang isipan ang pwedeng mangyari kung sakaling iniwan na nga siyang talaga ni Lucas.

"Wala ako sa posisyon para pangunahan si Lucas. Kaya kung ako sa'yo, kalimutan mo muna 'yan at mag-focus ka sa pagrampa mo mamaya. Aba, mahirap na baka maduwal ka na naman sa gitna ng stage. Compose yourself, Raffy. Hindi mo naman siguro gugustuhin na magmuka kang timang sa mga kakalat mong litrato sa mga newspaper at social media di ba?"

"Haaayyy... Ano pa nga ba—" Anito bago ngumiti nang pilit. "Katakot-takot na oras na naman ang hihintayin ko, sa bagay na wala namang kasiguraduhan. Siguro nga naghihintay lang ako sa taong mas malala pa sa hangin kung mang-iwan sa ere." Napapailing na saad ni Raffaella bago tuluyang isinilid ang telepono sa kanyang bag.

"Witchikels na muna 'yan— Focus ka sa rampa mo mamaya. Kailangan freshness ka mamaya, h'wag nang magpaka-simang,"

Napakunot naman ang noo ni Raffaella sa huling salitang binitawan nito, na agad namang nakuha ni Mamu Penny.

"Simang— short for simangot. Duh!" Maarteng turan nito bago tuluyang tinapos ang pag-aayos sa dalaga. "Tarush! Ikaw na talaga ang Dyosa ng kagandahan, Raffaella!" Ani Mamu Penny bago kinuhanan ng litrato ang kanyang alaga.

"Uso ang ngumiti, Raffy!" Sarkastikong turan ni Mamu Penny. "Isang ngiti naman d'yan!" Pang-eengganyo pa nito habang patuloy sa pagkuha ng litrato sa dalaga.

Mabilis namang pumuwesto si Raffaella upang ngumiti sa harap ng lente ng camera. Um-awra ito na animo'y kinukuhanan nang isang photographer.


Photo CTTO




"Iyan! Sayang ang ganda, kung magmumukmok ka lang." Wika pa ni Mamu Penny bago tuluyang isinilid ang telepono sa kanyang bulsa.

Hindi na rin naman umalma pa si Raffaella at hinaplos na lamang ang kanyang tiyan, "Anak, pasensya ka na ha? Magwo-work lang muna si Mommy... Mahaba-habang lakaran ang gagawin natin ngayong gabi kaya kapit ka lang diyan ha? Mahal na mahal ka ni Mommy." Malambing na sambit ni Raffaella bago pinabaunan nang halik ang kanyang munting anghel, sa pamamagitan nang pagdampi ng kanyang kamay sa kanyang labi patungo sa kanyang tiyan.

Makalipas ang ilang minuto ay tuluyan nang nagsimula ang fashion show ng Luxxe Enchanteur Philippines. Lahat ng mga modelo ay nagpamalas nang kani-kanilang kagalingan pagdating sa larangan ng pagrampa sa stage.

Napaka-glamorosang tingnan ng nasabing palabas dahil sa makikinang na kasuotan ng mga modelo kabilang na rito si Raffaella. Ang nagkukurbahang mga katawan ng mga modelo ang nanguna sa nasabing catwalk, dahil sa makukulay at kaakit-akit na lingeriè na kanilang inirampa sa madla.

Ang mga nakakasilaw na flash ng iba't ibang camera, spotlight at malakas na tugtugin ang siyang sumalubong kay Raffaella. Sa kabila nang kanyang kondisyon ay nagawa naman ng dalaga ang kanyang papel sa ibabaw ng stage.

Stomach in...

Chest out...

Chin up...

And bring out your gorgeous Killer Smile.

Flaunt your sexy body, you owned the stage, Raffy!

Iyan ang mga katagang tumatakbo sa isipan ni Raffaella sa tuwing rarampa ito sa ibabaw ng entablado. Ipinamalas ng dalaga ang kanyang kagalingan pagdating sa rampahan.

Ang kanyang signature walk na kung tawagin nila ni Mamu Penny na The Ostrich Walk, ay muli niyang ipinasilip sa madla.

Gaya ng isang ostrich ay malayang naigagalaw ng dalaga ang kanyang mga paa, na hindi man lang gumagalaw ang kanyang katawan. Ang tiyempo ng kanyang mala-kandilang mga hita ay sumasabay sa kumpas ng kanyang mga kamay, na animo'y tugma sa ritmo ng isang nakakaindak na sayaw.


Photo CTTO




Matapos sa kanyang iba't ibang termino ng pagrampa ay tuluyan nang pumunta si Raffaella sa dressing room, upang isuot ang nakatalagang Finalè Outfit para sa kanya sa gabing iyon.

"O, heto na ang pang-finalé mo." Ani Mamu Penny bago inabot sa dalaga ang isang puting trahe-de-boda.

Nangunot naman ang noo ni Raffaella sa kanyang nakita, "Seryoso? Heto po ba talaga ang Finalé Outfit na susuotin ko?" Nahihiwagaang saad ni Raffaella, habang inuusisa ang mala-wedding gown na inabot sa kanya ni Mamu Penny.

"Yep— Iyan ang inabot sa akin ni Ritch," Kibit-balikat nitong turan. "O, sige na! Magbihis ka na para ma-adjust natin 'yang gown. Para ma-fit natin sa'yo." Nagmamadaling wika ni Mamu Penny bago umiwas nang tingin.

Kahit naguguluhan ay sinunod na lamang ni Raffaella ang utos nito. Nakita naman niya ang kanyang mga kasamahang modelo na ngayon ay abala sa pagsusuot ng ganoong tema ng kasuotan. Naggagandahan at nagpuputiang mga wedding gowns ang pumapaloob ngayon sa kabuuan ng backstage.

Nagkibit-balikat na lamang si Raffaella bago tuluyang hinubad ang kanyang suot na lingerié kanina. Mabilis ang naging pagpapalit ng dalaga, dahil sa ilang minuto na nalalabi bago ang kanyang muling termino sa pagrampa sa entablado.

At sa tulong ni Mamu Penny ay napagtagumpayan nilang matapos ito sa loob lamang ng ilang minuto.

"Grabe! You're the most beautiful bride I've ever seen." Naluluhang turan ni Mamu Penny habang tutok na tutok ang atensyon sa dalaga.

Ngayon ay nakasuot si Raffaella ng isang Sexy Plunging Bodice Lace Bride Dress na bumagay sa ayos ng buhok nitong nakapusod paitaas. Sakto't akma sa hubog ng katawan nito ang nasabing wedding gown na animo'y hinabi't sinadya para sa dalaga.


Photo CTTO




"Bride, bride— iniwan nga po ako ng Tatay ng magiging Anak ko, mapapangasawa pa kaya." Napapailing na sambit ni Raffaella habang sinisipat ang kanyang repleksyon sa salamin.

"Basta, para sa akin ikaw na ang pinakamagandang Bride. Isipin mo na lang na sarili mong wedding ang magaganap sa labas mamaya, at 'yung stage— iyon ang wedding aisle na lalakaran mo." Nagniningning ang mga matang sambit ni Mamu Penny, na animo'y nananaginip nang gising.

"Si Mamu talaga..." Natatawang saad ni Raffaella bago ito niyakap nang mahigpit.

Yumapos naman pabalik dito si Mamu Penny sabay sabing, "Basta, Anak... Palagi mong iingatan ang sarili mo ha? Alagaan at mahalin mo nang tapat ang taong mapapangasawa mo. Maging mabuti kang may-bahay at Ina sa magiging Anak mo. Ang tampuhan pagdating sa relasyon ay hindi maiiwasan, ngunit hangga't maaari ay habaan mo pa ang pasensiya mo. Mas habaan mo pa ito gaya nang kahabaan ng buong traffic sa Edsa—"

Hindi na naituloy ni Mamu Penny ang kanyang sasabihin nang biglang humiwalay rito si Raffaella, "Hala siya! Anyare sa'yo Mamu? Para naman pong totoong ikakasal ako sa mga sinasabi niyo eh." Natatawang turan ni Raffaella saka inihilig ang kanyang ulo sa balikat ni Mamu Penny.

"H'wag kang kontra, minsan lang akong mag-emote kaya hayaan mo na," Pagtataray nito ngunit nakangiti naman. "Pero seryoso ako, Raffy. Mag-iingat ka palagi ha? Mahal na mahal kita kahit na minsan ay tinatalakan kita. Ganito lang ako— kaya pagpasensiyahan mo na kasi ganito na talaga ako, alam mo na Dyosa eh." Wika pa ni Mamu Penny bago nagpakawala nang isang malakas na halakhak.

Napangiti na rin si Raffaella sa kalokohan nito sabay sabing, "Mahal din naman kita, Mamu. Pasensya na rin po kayo kung masyado akong pasaway minsan. Alam niyo naman pong mana ako sa pagkabungangera niyo eh." Wika ni Raffaella bago nag-peace sign.

Pakunwaring tinampal naman ito ni Mamu Penny sa pisngi, "Tigil-tigilan mo na 'yan pagiging pasaway mo, tandaan mo magiging Nanay ka na."

"Opo, Mamu..." Nakangising sagot naman ni Raffaella.

Nasa ganoong posisyon ang dalawa nang biglang magsalita si Ritch sa backstage, ang baklang coordinator ng Luxxe Enchanteur, "Models! Models! Get ready for your Finalè Walk," Anito bago ipinalakpak pa ang kanyang mga kamay.

Mabilis namang sumunod ang lahat ng modelo rito at ganoon din ang dalagang si Raffaella. Ngunit nang akmang lalakad na patungo sa designated spot ng mga modelo ang dalaga ay mabilis itong kinausap ni Ritch, "Raffy, wait..."

"Yes po Madam Ritch?"

Sandali itong may kinalikot sa kanyang ipad bago itinuon ang pansin sa dalaga, "Ikaw raw ang Final Walk ngayon sabi ni Mr. Ferrer."

Nanlaki naman ang mga mata ni Raffaella sa kanyang narinig. Hindi kasi biro ang mabigyan ng pagkakataon na lumakad sa entablado bilang pagsasara ng kanilang palabas. Isa ito sa hinahangad at inaasam-asam ng mga modelo ng Luxxe Enchateur. Ang lumakad bilang Finalè Model, ng L.E. Philippines ay ang taunang prebilehiyo't karangalan sa mga modelo na siyang nagpamalas nang kanilang kagalingan pagdating sa rampahan.

"A-ako po talaga ang Finalè Walk, Madam Ritch?" Hindi makapaniwalang turan ni Raffaella bago itinuro pa ang kanyang sarili.

"Yes—" Nakangiting sambit nito bago palihim na sinenyasan si Mamu Penny. "Mamu Pens, mauna ka na sa harap para naman makuhanan mo nang magagandang shots si Raffy as the Finalè Model."

"S-sige-sige... O, paano Raffy. Good luck ha? Best wishes!" Kinikilig na turan ni Mamu Penny bago nagpatiuna sa paglalakad papalabas ng dressing room.

Napakunot na lang ang noo ni Raffaella sa kakaibang ikinikilos at mga salita ni Mamu Penny. Ngunit agad napawi ang ka-weird-uhan na kanyang iniisip nang bigla siyang alalayan ni Ritch.

"Let's go?" Wika nito sa dalaga.

"O-okay po." Tanging turan ni Raffaella bago sabay na lumabas ang dalawa sa backstage.



*****

Next na ang Finalè! 😅😅😅

Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko ngayon, pero sabi nga nila lahat nang simula ay may kaakibat na pagtatapos.

Sa tuwing makakatapos ako ng isang kwento ay parang pinipiga talaga ang puso ko. 😭 Masyadong napamahal na sa akin ang kasungitan at kakulitan nina Lucas at Raffaella sa loob ng kalahating taon.

Isa ito sa istoryang literal na nakapagpakilig sa akin. As in! Ultimo ako ay hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing aatake ang kakulitan ni Raffaella. At ang mga simple ngunit nakakakilig na mga salitang isinasambit ni Lucas ay talagang napapa-heart-heart ang mga mata ko. 😍😍😍

Maraming Salamat, Lovies! ❤️
Salamat sa walang sawang suporta at matiyagang pagsubaybay sa kwento nina Lucas at Raffaella.

Lablab ko kayo! ❤️


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top