NW Chapter: 45
Isang araw, mumukat-mukat na gumising si Raffaella dahil sa hindi magandang timpla ng kanyang pakiramdam. Bahagya rin siyang nakaramdam ng pagkahilo nang sandaling bumangon ito sa kanyang pagkakahiga.
Mabilis nasapo ng dalaga ang kanyang noo dahil sa literal na pag-ikot ng kanyang paningin, "Hmmm..." Ungot niya saka dagling pumikit nang mariin upang pahupain ang kanyang pagkahilo. Ilang minuto ang lumipas nang tuluyang mapagtagumpayan ni Raffaella na labanan ang kanyang nararamdaman. Matamlay itong tumayo sa kama, bago tuluyang lumabas ng kanyang silid.
Ngayon ay nasa ikalawang palapag ng kanilang tahanan si Raffaella. Simula nang muli itong makapagtrabaho sa Luxxe Enchanteur, ay nabili ng dalaga ang lupang kinatitirikan noon ng kanilang inuupahan ni Mamu Penny. Napagpapatayuan niya ito ng isang simple, ngunit may sinasabing uri ng tahanan na may dalawang palapag.
Nang tuluyang makababa, ay agad tinungo ni Raffaella ang kanilang kusina, "Good morning po Mamu..." Bati niya nang mabungaran niya ito na abala sa paghahanda ng kanilang agahan.
"Morning— O, maupo ka na riyan. Matatapos na ako rito sa niluluto ko." Anito nang sandaling lingunin ang dalaga.
Walang ganang umupo naman si Raffaella sa hapag-kainan, bago tiningnan ang kanyang telepono. Agad namang gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi nang makita ang mensahe ni Lucas dito.
From: Mi Lucas ❤️
Good morning, Mi Bella! I have good news for you— see you in a bit. I love you!
Nang akmang re-reply-an na niya ito ay may biglang bumusina sa labas ng kanilang tahanan. Agad namang naging alerto ang buong sistema ni Raffaella nang sandaling marinig iyon at dali-dali itong tumayo sa kanyang pagkakaupo.
"Ako na po ang magbubukas ng pinto, Mamu." Sabik niyang turan at nagmamadaling tinungo ang daan papalabas ng kanilang tahanan.
Nang saktong bukas niya ng pinto ay siya namang bungad ng isang dosenang pulang rosas sa kanyang harapan. Nagningning ang mga mata ng dalaga dahil sa kagandahang taglay nito. Ilang sandali pa ang lumipas nang biglang bumungad sa gilid nito ang gwapong mukha ni Lucas.
"Good morning!" Nakangiting bati nito bago tuluyang iniabot ang rosas sa kanyang kasintahan. "For my lovely, Mi Bella."
Mabilis naman itong tinanggap ng dalaga sabay sabing, "Thank you, Mi Lucas..." Aniya saka tuluyang humalik sa pisngi ng binata.
Dagli naman itong inakbayan ni Lucas bago nila tinungo ang kusina kung saan naroroon si Mamu Penny.
"Good morning, Mamu." Bati ni Lucas nang makapasok ito sa bukana ng kusina.
"Morning! O, tamang-tama ang dating mo fafa Lucas. Kain na tayo."
Agad din namang umupo ang magkasintahan sa hapag-kainan at sinimulan na ang kanilang almusal.
Habang nasa kalagitnaan ng kanilang pagkain ay napansin ni Lucas ang hindi pagkain ni Raffaella ng paborito nitong garlic longganisa. Halata rin ang pagkamatamlay nito't pagiging maputla, kaya't mabilis niya itong hinaplos sa pisngi.
"Hey, what's the matter? Are you alright?" Nag-aalala niyang sambit sa dalaga.
Mabilis namang hinawakan ni Raffaella ang kamay nito sabay sabing, "I'm fine— kulang lang siguro sa tulog," Aniya saka nginitian ang binata nang pilit. "Ano nga pala 'yung ibabalita mo?"
Sandaling nagpunas ng kanyang labi si Lucas gamit ang table napkin bago hinarap ang kanyang kasintahan, "I've already talked to Mr. Ferrer, and guess what..."
"What?" Tanong ni Raffaella habang tutok na tutok ang atensyon sa kanyang nobyo.
"You're on the list of L.E. models na rarampa sa event nila next month!"
Mabilis namang nanlaki ang mga mata ni Raffaella sa kanyang narinig, "Seryoso?" Hindi makapaniwalang turan niya rito.
"Yes— Congrats, Mi Bella!" Pagbati pa ni Lucas.
"Ay, ang tarush! Congrats, Raffy! Sabi naman sa'yo tiwala lang eh..." Nakangiting wika naman ni Mamu Penny.
Maagap namang niyakap ni Raffaella ang kanyang kasintahan sabay sabing, "Thank you, Lucas— thank you dahil pinayagan mo akong rumampa ulit."
"Anything for you, Mi Bella..." Aniya bago hinalikan ang kamay ng dalaga. "I can't forgive myself to thwart nor antagonize your dreams. At syempre, gusto ko na palagi kang masaya. At ang kasiyahan na 'yon ay magsisimula sa pagsuporta ko sa pangarap mo. I love you."
"I love you too, Mi Lucas," Wika ni Raffaella bago ito hinalikan sa labi. "Thank you, at dahil d'yan may reward ka sa akin." Pabulong niyang sambit saka kinindatan ang binata.
Nagpakawala naman nang isang halakhak si Lucas dahil sa kapilyahan ng kanyang kasintahan, "Cute mo talaga!" Nakangisi niyang usal saka bahagyang pinisil ang pisngi nito.
"O, sige na! Sige na! Kayo na ang sweet— ako na ang mapaklang bakla rito." Pang-aalaska ni Mamu Penny sa mga ito.
Nagkangitian na lang sina Lucas at Raffaella bago muling itinuloy ang kanilang agahan.
*****
Mabilis lumipas ang mga araw at nag-umpisa na nga sa kanyang pag-eensayo si Raffaella sa pagrampa sa ibabaw ng isa sa pinakamalaking arena sa buong Pilipinas. Naging puspusan ang rehearsal ng dalaga kasama ang lahat ng kalahok na modelo sa nasabing event.
May mga pagkakataon na nakakaramdam nang matinding pagkahilo't pagsusuka si Raffaella. Ang mga paborito't nakasanayan niyang pagkain ay talagang inaayawan ng kanyang sikmura, kaya't minabuti na niyang kumunsulta sa espesyalista upang malaman ang kanyang kondisyon.
Ngayon ay abala sa pagbabasa ng magazine si Raffaella habang hinihintay ang resulta ng kanyang kalusugan. Napukaw na lang ang kanyang atensyon nang iniluwa ng pintuan ang doktor na sumuri sa kanya.
"Good day, Ms. Ocampo." Nakangiting bati nito bago umupo sa nakatalagang upuan para sa mga doktor.
"Hello po, Dra. Cruz..."
"So, here's the result!" Magiliw na saad nito bago itinaas sa ere ang isang brown envelope.
Kabadong napatango-tango lamang si Raffaella dahil sa lakas nang pagkabog ng kanyang dibdib. Bahagya na rin siyang pinagpapawisan ng malamig, sakop ang kasulok-sulukan ng kanyang buong katawan.
Sandaling binasa ni Dra. Cruz ang resulta habang si Raffaella naman ay pigil ang hininga na naghihintay. Malakas ang kutob ng dalaga na isang bagay lamang ang dahilan ng kanyang dinadala, ngunit ayaw niya itong pangunahan hangga't hindi pa nalalaman ang harapang resulta.
"Congratulations Ms. Ocampo, you were five (5) weeks pregnant!" Magiliw na saad nito bago iniabot ang resulta sa kanya.
Nanginginig ang mga kamay na tinanggap naman ito ni Raffaella, at saktong tingin niya sa papel na kanyang hawak ay siyang hudyat din nang pagbagsakan ng kanyang mga luha.
"B-untis ako?" Patanong niyang sambit sa hangin bago nakangiting nilingon ang doktora. "Dok, totoo po ba ito?" Hindi makapaniwala niyang turan.
"Yes, Ms. Ocampo—" Tanging sambit lang nito habang matamis na nakangiti.
Muli namang ibinalik ni Raffaella ang kanyang paningin sa kapirasong papel bago dahan-dahang hinaplos ang kanyang tiyan, upang pakiramdaman ang munting anghel sa kanyang sinapupunan.
"Hi Anak— ako ang Mommy mo."
*****
Matapos malaman ang resulta ng kanyang check-up ay dali-daling umuwi si Raffella upang ipaalam kay Mamu Penny ang magandang balita na kanyang natuklasan.
"Mamu, Mamu!" Bungad niya nang makapasok sa kanilang tahanan.
"Anong nangyari, napaano ka?" Humahangos na saad ni Mamu Penny nang tuluyan itong nakababa ng hagdan.
Natawa naman si Raffaella sa itsura't reaksyon nito ngayon, "Wala po Mamu, may ibabalita lang po ako sa inyo." Aniya bago tuluyang umupo sa sofa.
Mabilis naman itong tinabihan ni Mamu Penny sabay sabing, "Eksaherada ka naman kasi kung umeksena babae ka. Ano bang meron?" Anito bago isinumping ang buhok sa likod ng kanyang tenga.
Mabilis namang ipinakita ni Raffaella ang envelope at pagkuwa'y kinuha rin naman agad ito ni Mamu Penny sabay sabing, "Anong 'to?" Kunot noong wika nito habang sinusuri ang nilalaman ng white envelope.
Hindi naman nag-abalang sumagot si Raffaella, at hinihintay na lamang ang magiging reaksyon nito sa kanyang nais ibalita. Kitang-kita niya kung paano namilog ang mga mata ni Mamu Penny saka gulat siya nitong binalingan.
"B-buntis ka?" Hindi makapaniwalang saad nito.
"Opo— five weeks!"
Sandali pang itinuon muli ni Mamu Penny ang kanyang atensyon sa hawak na papel, bago ura-uradang niyakap ang dalaga, "O to the M to the G! Magiging lola dyosa na ako!" Masayang turan nito bago humiwalay sa kanilang pagkakayapos.
"Opo Mamu— sobrang saya ko po na may halong kaba." Hindi maipaliwanag niyang turan bago ibinalik ang lab test sa puting sobre.
"O, bakit ka naman kinakabahan? Dapat nga maging happy ka, dahil blessing 'yan ni Lord. At saka nandito naman ako para alagaan ka. Hindi lang ako, nandyan pa si Fafa Lucas para suportahan ka."
Natigilan naman si Raffaella nang maalala si Lucas. Simula kasi nang malaman niya ang kanyang kalagayan, ay hindi pa niya ito nakakausap muli. Masyadong nasentro ang kanyang atensyon sa munting anghel na biyayang ibinigay ng Diyos sa kanya.
"Natatakot po kasi ako na baka, kapag nalaman niya na buntis ako ay bigla na lang niya akong iwan."
"Ay grabe siya o! Negatron lang ang peg, girlash?" Ani Mamu Penny bago napairap sa kawalan. "E inaya ka ngang magpakasal Ateng— siguro naman sa pag-aaya niyang iyon, ay kaakibat na rin ang kahandaan niya na maging pudrabells sa magiging junakis niyo di ba?"
Napabuga na lamang si Raffaella ng hangin, "Ewan ko ba, Mamu. Kahit ako naiinis sa sarili ko, ayoko lang kasing mag-expect para hindi na rin ako masaktan." Nakangusong sambit ng dalaga bago pinagkrus ang kanyang mga braso.
"Oy! Itigil mo 'yang pagbubusangot mong 'yan. Baka maging chararat 'yung apo ko kapag ganyan palagi 'yung itsura mo. At isa pa, tigil-tigilan mo ang pagiging negatron dahil hindi makakabuti 'yan sa dinadala mo. Nagkakaintindihan ba tayo, Raffaella?"
"Opo, Mamu..."
"Good! Masyado ka nang nag-oover thinking, Ateng. Ligwak-ganern mo na 'yan." Pangaral pa ni Mamu Penny bago tuluyang tumayo. "O, ano pang hinihintay mo? Sabihin mo na sa soon-to-be-Daddy slash Husband mo ang good news!" Wika nito bago tuluyang tinungo ang kusina.
Wala naman sa sariling kinuha ni Raffaella ang kanyang telepono, saka pinadalahan ng mensahe ang kanyang kasintahang si Lucas.
To: Mi Lucas ❤️
Lucas... We need to talk.
Makalipas ang halos isang oras ay doon lang tumunog ang telepono ni Raffaella. Mabilis naman niya itong tiningnan at agad umusbong ang kaba sa kanyang dibdib nang rumehistro ang pangalan ng kanyang kasintahang si Lucas. Humugot muna nang isang malalim na buntong-hininga ang dalaga bago tuluyang sinagot ang tawag.
"H-hello..." Alanganing niyang sambit dito.
"Hello, Mi Bella— I am sorry for responding quite late to your text message. Sobrang busy ko lang talaga dahil sa dami ng paper works."
"O-okay lang..." Tugon niya rito.
"Anyways, have you eaten your lunch? I miss you, Mi Bella."
Sa simpleng pagsambit ni Lucas sa mga katagang iyon ay parang hinaplos nito ang kanyang puso. Parang kung anong mahika mayroon ang salitang nagmula sa binata, na tuluyang nakapagpaalis ng kanyang kaba.
"I miss you too, Daddy—" Maagap namang natuptop ng dalaga ang kanyang bibig dahil sa salitang kusang dumulas sa kanyang bibig.
"D-daddy?"
Nahimigan naman agad ni Raffaella ang kuryusidad na tanong mula kay Lucas, kaya mabilis niya itong pinalusutan, "Ay! H-hindi... Ang sabi ko Dad— dadaan ka ba mamaya? Kasi magluluto ako ng chicken adobo, baka kako gusto mong dito na maghapunan," Hindi naman sumagot si Lucas sa kanyang sinabi kaya't mabilis niya itong kinausap muli.
"Hello, Mi Lucas. Nandyan ka pa ba?"
"Why I've got this feeling that you're not telling me something?" Biglang saad naman nito at mababatid na ang mapang-usisang tono sa timbre ng boses ni Lucas.
Mariing napapikit na lang si Raffaella dahil ultimo sa sarili niya ay nasusura siya na maglihim sa binata. Kasabay nang pagdilat ng kanyang mga mata ay siyang hudyat din nang pag-amin niya kay Lucas.
"L-lucas... Bu—buntis ako." Utal-utal niyang sambit dito.
Halos pigil ang hininga na hinintay ni Raffaella ang sagot mula kay Lucas, ngunit ilang segundo pa ang lumipas ay hindi man lang ito nag-abalang sumagot. Kunot-noong sinuri naman ng dalaga ang kanyang telepono upang tingnan kung nakakonekta pa ang linya. Nang makitang ayos pa ito ay muli siyang nagsalita.
"Lucas... Hello?"
"I'm still here, Raffy."
Batid ni Raffaella ang kawalan nang emosyon sa pagsambit ni Lucas na iyon. Hindi niya tuloy malaman kung natuwa ba ito o hindi sa balitang kanyang ibinahagi rito.
"Narinig mo ba 'yung sinabi ko?" Muli niyang pagtatanong dito.
"Y-yes..."
Tanging wika lang nito at narinig pa ni Raffaella na nagpakawala ito nang mahinagpis na buntong hininga sa kabilang linya.
"Ahh... O-okay—" Aniya dahil litong-lito na si Raffaella sa samu't saring emosyong nananalaytay ngayon sa kanyang sistema.
"I have to hang up, Raffy. Marami talaga akong ginagawa, tawagan kita mamaya ha? Bye!" Nagmamadaling usal ni Lucas bago tuluyang naputol ang linya.
Hindi na nagawang umimik pa ni Raffaella dahil sa kabiglaan. Napahawak na lamang ang dalaga sa kanyang tiyan, at ang mga nagbabadyang luha ay mabilis niyang pinalis.
"Hindi— hindi ka dapat umiyak, Raffy. Kailangan mong magpakatatag ngayon para sa Anak mo." Pampalakas loob niyang saad sa kanyang sarili upang labanan ang sakit na kanyang nararamdaman. "Gago ka, Lucas! Gago ka!" Galit niyang anas sa hangin na animo'y kausap niya sa personal ang binata.
*****
Awww! Basta no comment ako riyan ah! 😅
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top