NW Chapter: 43

And I am back, Lovies! ❤️

So sorry for the long wait... I've been busy these past few days for some personal matters kaya natagalan ang ating update.

Anyways, I've already dedicated the previous chapters to some of you 😍 Pasensiya na po sa mga hindi ko naisama, bawi po ako sa inyo next time. 🙏🙏🙏

Happy Reading, Lovies! 💋


*****


Magkasaklob ang mga kamay na naglalakad ngayon patungo sa elevator sina Lucas at Raffaella, bitbit ang kanilang matatamis na mga ngiti.

Habang naghihintay ng lift ay ipinulupot ni Lucas ang kanyang mga bisig sa bewang ng dalaga, "Are you happy with my sudden proposal?" Malambing niyang bulong habang nakasiksik ang kanyang mukha sa leeg ng dalaga.

Nagulat, ngunit agad din namang nakabawi si Raffaella sa yapos nito saka niyakap na rin pabalik ang mga braso ng kanyang kasintahan, "Hindi lang happy— As in masayang-masaya!" Anito bago hinalikan ang pisngi ng binata. "Pero sandali— papaanong... Kailan..." Hindi makuha ng dalaga ang tamang salitang kanyang sasambitin dahil sa kalituhang kanyang nararamdaman ngayon.

Nakuha naman agad ni Lucas ang nais nitong sabihin, "You mean, kung kailan ko pa naplano ang wedding proposal ko sa'yo?" Pagtatanong niya sa dalaga.

Tanging tango lamang ang isinagot ni Raffaella rito, dahil wala siyang ideya kung bakit biglaan ang pagpapahayag ni Lucas na magpakasal. Ni katiting na senyales ay wala siyang nabatid, kaya't malaking palaisipan ang gumugulo ngayon sa kanyang buong sistema.

"Actually, I was planning a dinner date and I am thinking to propose to you during our dessert. Everything is planned— simula sa dinner setup, roses, romantic candles, violin senerade. I even connive the chef para ilagay 'yung engagement ring sa flute of champagne mo mamaya, para surprise!" Anito bago tuluyang isiniksik ang kanyang mukha sa leeg ng dalaga na animo'y nahihiya.

"But when I saw how men were looking at you at the lobby. I thought I needed to take an immediate action to propose to you, para maipakita ko ang aking pagmamahal sa'yo. At para malaman ng mga kalalakihan that you're already off limits!"

Nilingon naman ito ni Raffaella, dahil ramdam na ramdam niya ang takot mula kay Lucas. Takot na mahulog ang kanyang loob sa ibang lalaki. Dagli siyang humiwalay rito, saka maagap na hinarap ang kanyang kasintahan.

"Lucas..." Malambing niyang turan bago hinawakan ang magkabilang pisngi nito. "Wala kang dapat ikabahala, dahil hinding-hindi ako mawawala sa'yo. Palagi mong tatandaan na si Raffaella ay para kay Lucas lamang." Aniya bago ito nginitian nang pagkatamis-tamis.

Sumilay naman ang ningning sa mga mata ng binata nang sandaling marinig ang mga sinabi ni Raffaella. Dala ng kanyang bugso nang damdamin ay mabilis itong hinalikan ni Lucas sa labi, nang punong-puno ng pagmamahal.

Tinugunan naman ni Raffaella ang mga halik ng kanyang kasintahan upang ipadama rito ang kanyang sinserong mga isinambit.

Nang saktong bukas ng elevator ay agad din namang pumasok ang magkasintahan dito. Nagawa nilang pumasok nang hindi man lang napuputol ang kanilang mga halik. Mabuti na lang at walang tao sa nasabing lift, kaya't malaya nilang napagsaluhan ang tamis ng bawat isa.

Isinandal ni Lucas ang kanyang kasintahan sa malamig na metal ng elevator habang patuloy sa paglasap ng mapupula nitong mga labi, "I love you, Mi Bella."

"Hmmm..." Tanging sambit ng dalaga.

Nang marinig ang bahagyang ungol ni Raffaella, ay mas ginanahan naman si Lucas na pagbutihan ang kanyang ginagawa. Sandaling natigil ang binata sa kanyang paglasap, nang marinig ang biglaang pagtunog ng lift. Maagap siyang humiwalay sa kanyang kasintahan bago humarap sa bukana ng elevator, na animo'y walang sensasyong namagitan sa kanila ni Raffaella.

May limang kababaihan ang pumasok doon, kaya't mabilis hinila ni Lucas ang dalaga sa bandang likuran sapat na upang makagalaw sila sa bakanteng espasiyo ng apat na sulok ng elevator. Ngayon ay nakasandal na ang binata sa lift, habang yakap-yakap patalikod ang kanyang pinakamamahal na si Raffaella.

Ramdam ng dalaga ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi ng mga sandaling iyon. Sa totoo lang ay gusto na niyang matunaw sa kanyang kinatatayuan, dahil sa dalawang dahilan.

Ang una ay ang biglaang presensiya ng mga kababaihan na pumasok sa lift, na kahit hindi naman nasaksihan ng mga ito ang milagrong kanilang ginagawa ni Lucas ay pakiramdam niya'y parang nahuli sila sa akto.

At ang pangalawa naman ay ang mas nakapagpakaba sa kanya, dahil ngayon ay damang-dama na niya ang naghuhumindik na pag-aari ni Lucas sa kanyang likuran. Alam niya kung bakit sing-tigas ng poste kung tumayo ito ngayon. Napapikit naman si Raffaella nang maramdaman ang mas pagdiin nito sa kanyang likuran, na animo'y nanghahalina't nangangalabit.

Sa ilang segundo na kanilang inilagi ni Lucas sa elevator ay parang kakapusin na si Raffaella ng hininga. Halos lumiit na rin ang lagusan ng kanyang hangin dahil sa kaba. Mabuti na lang ay narinig niya ang hudyat ng kanilang pagbaba, kaya't nang makakita ng tiyempo na bumukas ang lift ay tuluyan na rin siyang lumabas dito.

Hindi na hinintay pa ni Raffaella ang kanyang kasintahan. Hindi niya kasi mawari kung bakit sa tuwing mauuwi sa mas malalim na sensasyon ang kanilang ginagawa ni Lucas, ay tila nababalahibuhan siya na makipagsabayan dito. Sa kabila nang kanyang malakas na apog, ay tumitiklop siya sa isipin at kahahantungan ng kanilang naghuhurementadong bugso ng damdamin.

Nagulat na lang si Raffaella nang maramdaman ang kamay ni Lucas sa kanyang kanang braso, "Hey... Where are you going?" Pagtatanong nito.

Sandaling napapikit nang mariin si Raffaella, saka ito alanganing hinarap, "L-lucas... Natatakot ako." Kabado niyang saad dito.

Nakuha naman agad ni Lucas ang nais sabihin ng kanyang kasintahan, bago niya ito hinawakan sa magkabilang pisngi, "You don't have to be afraid, Mi Bella— you don't have to worry about anything, and everything. From now on you will take away all your fears... Dahil simula sa araw na ito, may isang Lucas Montenegro na laging nasa tabi mo para damayan, suportahan at mamahalin ka panghabang buhay."

Nang marinig ni Raffaella ang mga salitang iyon, ay parang hinaplos ang kanyang puso. Sa simpleng mga salita ni Lucas ay kayang-kaya nitong alisin ang kanyang mga alalahanin, "Thank you, Lucas... Thank you for everything."

Matapos marinig ang mga katagang iyon ay muling ginawaran ng isang halik ni Lucas ang kanyang kasintahan, at sa pagkakataong iyon ay isang malumanay, banayad, at maingat na paghagkan ang kanyang ipinamalas sa dalaga.

Dala nang kanilang matatamis na halik ay tuluyang natunton ng magkasintahan ang silid na inuupahan ni Raffaella. Pagkasara ng pintuan ay siyang hudyat din nang pagbuhat ni Lucas sa kanyang kasintahan nang walang kahirap-hirap habang hindi napuputol ang kanilang mga halik.

Kusang kumawit naman ang mga binti ni Raffaella sa bewang ng binata, saka ipinulupot ang kanyang magkabilang braso sa leeg nito.

Nadala si Lucas sa paghaplos ng dalaga sa kanyang buhok. Dala na rin nang kanyang namumuong pagnanasa sa dalaga, ay mas pinalalim pa niya ang mga halik na iginagawad niya rito. Ang kaninang mahinahon at banayad na paghagkan ay unti-unting rumahas na nagbibigay ng mas tumataas na libido sa kanyang sistema.

Dahan-dahang ibinaba ni Lucas ang dalaga sa kama, bago niya ito pinaibabawan. Sa kabila nang mapupuso na halik, ay pilit din niyang pinaglilingkis ang kanilang mga dila upang mas palalimin pa ang mga halik na kanilang pinagsasaluhan.

Nasa kalagitnaan ng mainit at naglalagablab na sensasyon ang magkasintahan nang biglang marinig nila ang pagtunog ng telepono ni Raffaella.

"Lucas..." Naging isang masarap na ungol ang pinakawalan ni Raffaella dahil sa pagmasahe ni Lucas sa kanyang dibdib. Bahagya na ring bumaba ang mga halik nito sa kanyang leeg, kaya't nagawa niyang kumakawala rito. Hinagilap ng kanyang kamay ang telepono sa kanyang bulsa, at agad nakita na rumehistro ang pangalan ng sekretarya ni Mr. Ferrer, ang CEO/President ng Luxxe Enchanteur Philippines.

"I have to take this call, Lucas..." Ani Raffaella.

Ngunit parang walang naririnig si Lucas at patuloy lamang ito sa pagromansa sa kanyang katawan. Hindi rin naman maitatanggi ni Raffaella ang kasarapan na kanyang nararamdaman ngayon, dahil nagsimula na ring lumikot ang mga kamay ng binata patungo sa kanyang kaselanan.

"Ohhh..." Isang masarap na ungol ang pinakawalan ng dalaga dahil sa kasarapan. Ilang sandali pa ang lumipas at napagtagumpayan naman niyang ibalik sa realidad ang kanyang katinuan, dahil sa muling pagtunog ng kanyang telepono. "L-lucas... Kailangan kong sagutin ito. Hmmm..." Pagpipigil niya nang maramdaman ang pagpasok ng daliri nito sa kanyang pagkababae.

"Mamaya mo na sagutin 'yan..." Usal ni Lucas, bago muling bumalik ang halik nito sa labi ng dalaga.

Kahit gustong balewalain ay hindi mawaglit sa isipan ni Raffaella ang pagtunog ng kanyang telepono. Buong lakas niyang pinigil si Lucas, gamit ang pagharang sa dibdib nito sabay sabing, "Please?" Pagmamakawa niya. "Importante lang..."

Nakita pa niya na napapikit na lang nang mariin si Lucas bago tumango. Dali-dali nitong inalis ang daliri sa kanyang kaselanan at naupo sa gilid ng kama.

Maagap na inayos naman ni Raffaella ang kanyang sarili, saka tuluyang sinagot ang kanyang telepono, "H-hello..."

"Good day, Ms. Ocampo..." Bungad nito sa kabilang linya.

Dali-dali namang tumayo si Raffaella upang dumungaw sa bukana ng balkonahe, "Magandang araw rin po Ms. Rosales." Aniya bago sandaling nilingon ang kanyang kasintahan. Nakita niya na diretsong nakatingin lamang si Lucas sa bawat galaw na kanyang ginagawa, kaya sinenyasan niya ito na parang sinasabing sandali lang. Tumango naman ito sa kanya bago nag-iwas nang tingin.

"Yes, Ms. Ocampo... Tumawag lang ako, because I would like to inform you that your billboard and magazine contract in Luxxe Enchanteur Philippines has already been turned down."

"What?!" Gulat na sambit ni Raffaella rito.



*****

And cut! 🎬🎬🎬

Next chapter na po ang kasunod. Sorry na! ✌️😂

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top