NW Chapter: 40

"Hey Raffy, okay lang kayo?" Pagtatanong ni Matt sa mesa kung saan naroroon sina Raffaella at Mamu Penny.

"Yes... We're fine, Matt. Thank you!" Sagot ng dalaga nang sandaling lingunin nito si Matt.

Ngayon ay nasa Háven Restaurant ang lahat ng bisita na dumalo sa binyagan. Hindi naman ganoon karami ang tao sa nasabing establisyemento, at tanging mga piling kakilala at malalapit na kaibigan lamang ang inanyayahan ng mag-asawang Matt at Brae sa nasabing okasyon.

"Great! Basta if you guys need anything, don't hesitate to call me. Alright?" Saad pa ni Matt.

"Alright, thank you!" Pasasalamat naman ni Raffaella rito bago muling itinuon ang atensyon sa kanyang kinakain.

Aral at de-susi ang bawat kilos na ginagawa ni Raffaella, dahil sa mapagmasid na titig na iginagawad sa kanya ni Lucas ngayon. Halos hindi na makakain nang tama ang dalaga dahil sa presensiya nito, na kulang na lang ay ultimo ang kanyang pagpapalabas hangin o pagpapakawala nang buntong hininga ay pwede nang mapansin ni Lucas, dahil sa pamamaraan nito nang pagsilay sa kanya.

Kahit na ang totoo naman, ay imposibleng mangyari ang kalokohang bagay na naisip ni Raffaella na iyon.

Sa kabilang dako naman, ay hindi magawang maiwaglit ni Lucas ang kanyang paningin sa kinauupuan ni Raffaella. Kitang-kita niya kasi kung paano ito palihim na silayan ng mga bisitang kalalakihan, na kulang na lang ay hubaran na ng mga ito ang kanyang dating kasintahan sa pamamagitan ng mapag-pantasiyang mga titig.

Hindi rin naman maitatanggi na nakakahikayat naman talaga ang pisikal na pigura ng dalaga. Mayroon itong kakaibang karisma na siyang nakakahalina, kurbadong pangagatawan na siyang nakakaakit, at glamorosang gandang talaga namang makatawag pansin at hindi nakakasawa.

Alam ni Lucas na wala siya sa posisyon upang saklawan kung sino ang dapat at hindi dapat kausapin ni Raffaella. Ngunit hindi mawala sa kanyang isipan ang posibilidad na baka mahulog ang loob nito sa ibang kalalakihan.

Nasa ganoong isipin si Lucas nang biglang marinig niya na nagsalita si David, "O, Luke! Lapitan mo na si Raffy!" Biglang tapik nito sa kanyang balikat.

Sa halip na sumagot ay tanging matalim na tingin lamang ang iginawad ni Lucas dito. Ayaw niyang sunggaban ang malokong pakulo nito, dahil naisip niya na mas mabubulilyaso lang ang kanyang mga plano kung sakaling patulan niya ang kalokohan ni David.

"What the heck, Luke! Kung kailan ka tumanda saka ka pa naging torpe?" Mapang-asar na saad pa ni David. "Hoy Mr. Lucas Montenegro! Thirty six ka na, bro! You're not getting any younger— you should get more out of life. Galaw-galaw, kung ayaw mong ako ang dumiskarte sa pinakamamahal mong si Raffy! Bagay pa naman kami..." Malokong pangaral pa nito.

Mabilis naman itong sinamaan nang tingin ni Lucas sabay sabing, "Don't you dare, David! I will wring your fūcking neck if you fūcking do that!"

Nagpakawala na lamang ng isang malakas na halakhak si David, dahil sa nakikitang galit mula sa kanyang nakatatandang kapatid. Ngayon lang niya nakita ang ganoong klaseng pag-uugali ni Lucas. Kung noon ay wala itong pakialam sa mga kalokohang kanyang sinasabi, ngayon ay namamangha't nahihiwagaan siya sa ipinapakita nitong importansiya para sa dalagang si Raffaella.

Mabilis namang niyakap ni David ang kanyang kapatid dahil sa sobrang katuwaan, "Welcome to the club, Lucas! Inlove ka na nga talaga!" May halong kakiligang sambit nito.

Asiwang inilayo naman ni Lucas ang kanyang sarili rito sabay sabing, "Bloody hēll, David! Crap this būllshit!" Iritableng anas niya sa nakababatang kapatid.

"W-what?" Maang-maangang wika nito habang hindi mapawi ang nakakalokong ngisi sa kanyang mga labi.

"Tsss... You're just anxious about what you're doing! Look at yourself, you look like a junky fūcktard! Saan ka ba naglalagi at ganyan ang itsura mo? Muntik ka nang hindi makasipot sa binyag— Haaayyy! Nevermind..." Hindi na itinuloy ni Lucas ang kanyang pangaral dito dahil alam niyang lalabas lang sa kabilang tenga ng binata ang kanyang mga sasabihin.

Nagkibit balikat lamang si David bago prenteng isinandal ang likod sa kanyang kinauupuan, "I know that I'm fūcked up, Luke!" Anito bago napapikit nang mariin.

Ang kaninang pilyong mood ni David ay agad napalitan nang seryosong aura. Ramdam na ramdam ni Lucas ang bigat na dinadala ng kanyang kapatid, dahil minsan lang ito kung magseryoso sa buhay lalo pa't lumaki itong easy-go-lucky. Walang sineseryoso, walang pinakikinggan kundi ang kanyang sarili lamang.

"Hey... What's with you?" Sinserong saad ni Lucas dito.

Sandali siyang tiningnan ni David bago umiwas nang tingin, "I'm in a terrible situation right now... But it will passed, don't worry! As all things do, ako pa?" Anito bago ngumisi nang pagkalaki-laki.

Hindi kumbinsido si Lucas sa ipinapakita nitong kasiyahan. Alam niyang may malaki itong problema na ayaw lang pag-usapan, "Whatever your problem is, nandito lang kami ni Matt para sa'yo." Seryoso niyang sambit bago bahagyang tinapik ang balikat ng kanyang kapatid.

"Ang sweet naman ni fafa Lucas..." Matining na sambit ni David, na animo'y ginagaya ang kaartehan ng mga kababaihang nagkakandarapa kay Lucas.

"Gago..." Natatawang saad lamang ni Lucas bago ininom ang wine sa kanyang baso.


*****


Mabilis lumipas ang mga oras at isa-isang nagpaalam ang mga bisita sa nasabing okasyon. Nauna nang umalis si David dahil sa importante nitong lakad. Gayon din si Matt, kasama ang buong pamilya nito.

Ngayon ay patungo si Lucas sa kanyang sasakyan nang biglang mapansin niya sina Raffaella at Mamu Penny na nasa tabing kalsada.  Hindi na niya sana balak istorbohin ang mga ito, ngunit ang kanyang mga paa ay parang may sariling mga buhay upang dalhin ang kanyang sarili sa kinaroroonan ng mga ito.

"Wala pa ba 'yung Grabber Driver?" Inip na saad ni Mamu Penny, at ang tinutukoy nito ay ang kanilang inupahang sasakyan.

"Ten minutes pa raw po, Mamu." Wika ni Raffaella habang tutok na tutok ang atensyon sa kanyang telepono.

"Cancel it..."

Nagulat naman si Raffaella nang marinig ang pamilyar na boses na iyon, kaya't mabilis niyang hinarap ito. Lingid sa kanyang kaalaman ay nasa likuran na pala niya si Lucas, kaya't dala nang kanyang pagkakagulat ay napaurong siya paatras at bahagyang natapilok dahil sa kanyang suot na round-toe pumps, na kulay krema at apat na pulgada ang taas.

Mabuti na lang at maagap itong nasalo ni Lucas sa pamamagitan nang paghawak sa likod ng dalaga, kaya't hindi ito tuluyang natumba. Namumungay ang mga matang nasilayan niyang muli nang ganoon katagal ang mga mata ni Raffaella. Hindi niya tuloy maiwasang mas paglapitin pa ang kanilang mga katawan, upang mayakap niya ito nang mas mahigpit.

Sa kabila ng kanyang pagkakagulat, ay hindi maiwasan ni Raffaella na maramdamang muli ang kaligtasan sa pagitan ng mga bisig ni Lucas. Sa tuwing magkakalapit ang kanilang mga sarili, ay muli ring nanunumbalik sa kanyang isipan ang kanilang masasayang ala-ala sa piling ng isa't isa.

Nasa ganoong posisyon ang dalawa nang biglang tumikhim si Mamu Penny, "Ehem... Ehem... Ang kati naman ng lalamunan ko. Ehem!" Malokong saad nito bago umiwas nang tingin.

Doon lang natauhan ang dalawa, kaya't mabilis na naghiwalay sina Lucas at Raffaella. Napayuko na lamang ang dalaga upang itago ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. Samantalang si Lucas naman ay napahawak sa kanyang batok na animo'y nahihiya.

Hindi na rin naman nagtagal at dagling isinaayos ni Lucas ang kanyang sarili sabay sabing, "Let me take you home, Raffy..." Maawtoridad na saad nito.

Doon na ito tuluyang hinarap ng dalaga, "No need... I've already booked a Grabber, but thank you for your offer, Lucas." Aniya saka ito tipid na nginitian. Mabilis itong tinalikuran ni Raffaella upang maiiwas na rin ang kanyang sarili sa binata, na anumang oras ay pwede nang bumigay kung sakaling magtagal pa ang kanilang pag-uusap.

Hindi naman nagpatinag si Lucas sa kanyang kagustuhan at mabilis niya itong hinawakan sa kaliwang braso, "Please, Raffy... I insist—"

Dagling natigilan si Lucas sa kanyang sasabihin nang sandaling balingan ni Raffaella ang kanyang kamay na nakahawak sa braso nito. Mabilis naman niya tinanggal ang pagkakahawak sa dalaga saka isinuksok ang kamay sa kanyang bulsa, "Hatid ko na kayo ni Mamu Penny... Please?" Sinsero niyang turan dito.

Sa totoo lang ay kabado na si Lucas sa mga oras na iyon. Ito na kasi ang kanyang tiyansa upang mapalapit muli sa dalaga. Iniisip niya na baka sa pagkakatong ito, ay tuluyan nang masagot ang katanungan na matagal na niyang inaasam-asam.

Mataman lang itong tiningnan ni Raffaella, saka palihim na napatingin sa kinatatayuan ni Mamu Penny. Kitang-kita niya kung paano ito palihim na tumango, na parang sinasabing pumayag na sa inaalok ng binata. Kaya naman tumango na lang siya kay Lucas, tanda ng kanyang pagsang-ayon sa kagustuhan nito.

Doon na nabuhayan si Lucas. Muling sumigla ang kanyang buong pagkatao dahil sa pagtangong iyon ni Raffaella. Gustuhin mang magsisisigaw sa sobrang kasiyahan, ay mas pinili na lamang ng binata na pakalmahin ang kanyang sarili sabay sabing, "Let's go?"

"Okay..." Wika ng dalaga. "Tara na po—" Anyaya nito kay Mamu Penny.

Mabilis pa sa alas-kwatrong naglakad si Mamu Penny sa tabi ng sasakyan ni Lucas. Nakasunod sa kanya si Raffaella, at nang akmang papasok ang dalaga sa likod ng sasakyan ay mabilis niya itong hinarang, "Doon ka na umupo sa harap."

"Mamu—" Palihim na saad naman ni Raffaella, na parang sinasabing h'wag gawin sa kanya ang bagay na iyon.

"Basta roon ka maupo," Maawtoridad na saad nito. "At isa pa, gusto kong mag-stretching sa likod. Gusto ko solo ko, ganern!" Matapos noon ay tuluyan nang pumasok si Mamu Penny sa likod ng sasakyan, bago dali-daling isinara ang pintuan.

Wala na namang nagawa pa si Raffaella at nakabusangot na sumakay sa shotgun seat. Hindi na rin naman nagtagal at tuluyan nilang nilisan ang lugar kung saan ginanap ang reception ng binyagan.

Makalipas ang halos isang oras ay nakarating na ang kotse ni Lucas sa tapat ng bahay ng dalaga. Walang sabi-sabing bumaba si Mamu Penny rito, kaya't naiwan sina Lucas at Raffaella sa loob ng sasakyan.

"Thank you ulit, Lucas..." Pasasalamat ni Raffaella, nang sandaling kalasin nito ang kanyang seat belt.

"No worries—" Sagot naman ng binata.

Bago pa tuluyang makababa ay lakas loob na hinarap ito ng dalaga sabay sabing, "Gusto mong pumasok sa loob?" Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Raffaella nang mapagtanto ang bagay na kanyang naisambit. "I mean, sa loob ng bahay para magkape, juice, o kaya tubig..." Aniya bago palihim na napangiwi dahil sa katabilan nang kanyang bibig.

Agad namang gumuhit ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Lucas sabay sabing, "S-sure... Basta ba willing ka," Malokong usal niya rito.

Mabilis naman itong sinamaan nang tingin ni Raffaella.

"I-I mean kung willing ka... Willing ka na papasukin ako sa'yo este sa bahay niyo."

Sandali pang nagkatitigan ang dalawa, at kalaunan ay unti-unting rumehistro ang matatamis na ngiti sa kanilang labi, at nagpakawala nang malalakas na halakhak.

"I miss those laugh," Biglang saad ni Lucas kaya't agad natigilan ang dalaga. "I miss those days, when we laugh together, dahil masaya lang tayo. I miss those times, when you call me by names... Haaayyy..." Mahinagpis na saad ni Lucas bago isinandal ang kanyang likuran sa driver's seat.

Sa halip na sumagot ay mas pinili ni Raffaella na tumahimik, upang pakinggan ang mga saloobin ni Lucas para sa kanya.

"I miss your smile, that makes me smile. Those cute little crazy things you did, that made me fall for you," Dagdag pa ni Lucas bago tuluyang humarap dito. Dahan-dahan niyang hinawakan ang baba nito, upang pukawin ang paningin ng dalaga. "I can talk to hundreds of people in one day— but none of them compare to the smile you can give me in one minute. I really miss everything about you, Raffy." Madamdaming usal nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ng dalaga.

"I still love you, Mi Bella..."

Hindi na napigilan ni Raffaella na maluha dahil matagal niyang hinintay ang pagkakataong iyon. Hindi man aminin, ngunit simula nang tumanggi siya na makipagbalikan noon kay Lucas ay para na rin namatay ang kalahati ng kanyang pagkatao. Kasama nang paghihiwaly nilang iyon, ay ang paglisan din ng kalahati ng kanyang puso pati na kaluluwa.

Pinalis ni Lucas ang tumakas na mga luha sa magkabilang pisngi ni Raffaella sabay sabing, "Hey... H'wag ka nang umiyak, I just said those things because I want you to know that you're the only woman that I loved the most. Mula noon hanggang ngayon, ikaw pa rin ang tanging babaeng minahal ko nang ganito."

Nanginginig ang mga kamay na hinawakan pabalik ni Raffaella ang mga kamay nito sabay sabing, "Lucas..." Simple ngunit punong-puno ng emosyong sambit ng dalaga.

"Don't force yourself just to quickly answer my professed, Raffy. I'm willing to wait for your heart to unseal again, no matter how long it takes," Saad pa ni Lucas habang hinahaplos ang pisngi nito. "This time, we will take everything nice and slow, okay?"

Naluluhang tumango naman si Raffaella rito, "Thank you, Lucas..." Aniya bago dinama ang init ng palad nitong nakahawak sa kanyang magkabilang pisngi.

"No pressure..." Malambing na usal ng binata bago tuluyang dinampian ng isang magaan na halik sa labi si Raffaella. "I love you..."

Ngumiti naman si Raffaella rito sabay sabing, "I love you too, sobra!" Mabilis niya itong hinagkan nang sobrang higpit, dahil sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang nabunot ang mapagparusang tinik sa kanyang puso.



*****


Yey! Finally, back in each other's arms na ang Team RAFCAS 😍😍😍


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top