NW Chapter: 39
Araw ng biyernes, nakaisip si Raffaella na pumunta sa Mall kasama si Mamu Penny. Dalawang araw simula nang dumating siya sa Pilipinas ay ito ang unang pagkakataon na makakalibot siyang muli sa nasabing lugar.
"Raffy, sandali lang... Gora lang ako sa restroom." Pamamaalam ni Mamu Penny.
"Sige po, Mamu. Tara samahan na po kita." Ani Raffaella saka hinila ang kamay nito.
Mabilis naman itong pinigilan ni Mamu Penny sabay sabing, "Witchikels na, mauna ka na sa coffee shop."
"Sigurado po kayo, Mamu?"
"Yep, sige na na-ji-jingle all the way na ako." Nagmamadaling sambit nito, na hindi man lang hinintay ang sagot ng dalaga.
Natatawa na lang itong tinanaw ni Raffaella bago nagpasiyang pumasok na sa coffee shop. Nang tuluyang makapasok sa establisyemento ay hindi batid ng dalaga na may makakabangga na pala siya.
"Oops! Sorry..." Hinging pasensya niya, saka bahagyang yumukod sa harap nito bilang paghingi nang dispensa.
"R-raffy?"
Namilog naman ang mga mata ni Raffaella nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Dali-dali niyang binalingan ito at agad rumehistro ang pagkakagulat sa kanyang mukha nang mapagtanto kung sino ang taong kaharap niya ngayon.
"M-Matt!" Gulat ngunit hindi maitatago ang saya sa kanyang mukha na makitang muli ang binata.
"Sabi ko na nga ba, it is you!" Masiglang turan nito bago humalik sa pisngi ni Raffaella. "Nice to see you."
"It is a pleasure to see you too, Matt," Masayang bati niya rito. "How are you?"
"Happily Married," Nakangising sambit ni Matt saka itinaas ang kanyang kaliwang kamay, kung saan naroon ang kanyang wedding ring. "And I have two adorable kids." Dagdag pa nito.
"Wow! I'm glad to hear that..." Ani Raffaella.
"How about you? How's life? Kamusta ang buhay nang isang sikat na modelo?" Interesadong saad ni Matt habang titig na titig sa dalaga.
"O-okay naman... Nakakapagod, pero worth it naman lahat nang paghihirap."
"Nice..." Nagpatango-tangong saad nito. "How about your love life— Taken na ba?" Nakakalokong usal ni Matt habang taas-baba ang kilay.
Natawa naman si Raffaella sa sinabi nito, "Hay nako! Wish ko lang meron pero waley, Matt. Bukod sa walang makakuha ng atensyon ko, ay wala na akong time para sa lovelife. Busy masyado sa mga photo shoot at stint." Kibit balikat na wika niya rito saka napairap sa kawalan.
Hindi naman niya narinig na sumagot si Matt, kaya't mabilis niya itong binalingang muli. Nakaramdam nang bahagyang pagkailang si Raffaella sa dating nang pagkakatitig ng binata sa kanya. Mabilis siyang nag-iwas nang tingin, dahil hindi sa pagiging assuming, ngunit parang nahuhulaan na niya ang kasunod at kakahantungan nang pag-uusap nilang iyon ni Matt.
"Mabuti naman..." Biglang saad ng binata.
"Huh?" Kunot noong tanong ni Raffaella, dahil gusto niyang makasigurado kung tama ba ang kanyang narinig mula sa binata.
"Ma—mabuti kako at nagkita tayo ngayon," Pagpapalusot nito. Nakita pa ni Matt ang pagdududa sa mukha ng dalaga, kaya't dagli siyang tumikhim para ibahin ang usapan. "Anyways... I just wanted to ask, if you're free on Sunday?"
"Wala naman akong lakad sa Linggo, bakit mo natanong?"
"Good!" Masiglang turan nito. "Invite sana kita sa Sunday, binyag ng bunso kong Anak. Sama mo na rin si Mamu Penny para mas masaya."
Sandaling nag-isip si Raffaella kung aayon ba siya sa imbitasyon ni Matt. Sa totoo lang ay wala namang problema kung pupunta siya sa nasabing okasyon. Ngunit ang tanging bumabagabag sa kanya ay ang isipin kung anong kahahantungan nang pagpunta niya roon, gayong hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang nangyari sa kanila ni Lucas.
"Raffy?" Pag-uulit ni Matt nang makitang natigilan ang dalaga.
"Ahh... Matt, kasi ano e..." Alanganing saad ni Raffaella habang napapakamot ng kanyang ulo.
"Sige na, Raffy please?" Pagmamakaawa ni Matt.
Mariing napapikit na lang si Raffaela, dahil ayaw niyang makita ang mga mata ng binata. May pagkakahawig kasi ang mata ni Matt, sa mga mata ni Lucas kaya't hindi siya makatagal sa mga titig nito.
Paano ba 'to?
Naisip ni Raffaella kung gaano ba ka-atat ang tadhana, para ganoon sila kabilis pagtatagpuin nang pagkakataon ni Lucas. Bukod sa pagkakahawig nang mata, ay kuhang-kuha rin ni Matt ang ugali ni Lucas kung paano ito mangumbinsi, na hinding-hindi mo kayang tanggihan at hindian.
"Okay... Anong oras ba?" Aniya bago napakagat nang kanyang pang-ibabang labi.
"Great! I will send you the full details later," Usal ni Matt bago iniabot ang kanyang telepono sa dalaga. "Pakilagay na lang ng number mo, so we can keep in touch."
Wala sa sarili naman itong kinuha ni Raffaella saka inilagay ang kanyang numero rito.
"Thank you, Raffy! Excited na ako sa Sunday." Masiglang turan ni Matt.
Pilit na napangiti na lang si Raffaella rito, dahil alam niya kung ano'ng rason nang kasiyahan ni Matt na iyon.
Bahala na... Ito na siguro 'yung tamang panahon na hinihiling ko. Hindi man ako handa, pero ang pagkakataon na ang pilit na naglalapit sa aming dalawa. Haaayyy... Isang malaking Good luck sa'yo, Raffy!
*****
"Where's David?" Bungad ni Lucas nang makarating ito sa kinauupuan nina Matt at Brae sa loob ng simbahan.
"I really don't have any idea, Luke! Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi sumasagot." Walang ganang sagot naman ni Matt bago tumayo para lumabas ng simbanan.
Hindi masimulan ang misa para sa binyag ng anak nina Matt at Brae, dahil sa mga piling bisita na wala pa hanggang ngayon. Nanggagalaiti si Matt sa kanyang nakababatang kapatid na si David dahil mukang wala itong balak na sumipot sa nasabing okasyon.
Nagkibit balikat na lamang si Lucas bago itinuon ang atensyon sa kanyang telepono. Makalipas ang ilang minuto ay may nahagip na pamilyar na pigura ang kanyang mga mata. Ilang beses pang ikinurap ni Lucas ang kanyang mga mata, sa pagbabaka-sakaling namamalikmata lamang siya sa kanyang nakikita ngayon.
"Raffy..." Bulong niya sa hangin habang nakatuon ang atensyon sa bukana ng simbahan, kung saan naroon din ang kanyang kapatid na si Matt.
Nang makumpirmang tama ang kanyang nasisilayan, ay roon na nagsimulang bumilis ang kalabog ng puso ni Lucas. Sing lakas nang hampas ng kampana ang pagtibok nito, triple sa normal na pagpintig ng kanyang puso. Halos pagpawisan na rin nang malamig ang binata, dahil hindi siya handa sa pagkakataong iyon.
Mas bumilis naman ang pagkabog nang kanyang puso, nang sandaling mapadako ang atensyon ni Raffaella sa kanyang direksyon. Nginitian siya nito nang pagkatamis-tamis, at hindi mawari ni Lucas kung bakit ganoon ka-abnormal kung tumibok ang kanyang puso. Magkahalong kaba at pananabik ang kanyang nararamdaman, na kulang na lang ay gusto na niyang yakapin ang dalaga dahil sa kagalakan na nananalaytay sa kanyang sistema ngayon.
Nang makitang papalapit na sa kanyang kinatatayuan sina Matt, Raffaella at Mamu Penny, ay palihim na inayos ng binata ang kanyang sarili. Mabilis niyang iwinaksi ang kasabikan na pilit kumakawala sa kanyang sistema, para magmukhang matikas sa muli nilang paghaharap ng dalaga.
"Love, look who's here!" Masiglang turan ni Matt sa kanyang asawa kasunod sina Raffaella at Mamu Penny.
"Hello..." Malugod na bati ni Brae sa mga ito.
"Love, this is Raffy and Mamu Penny... The Raffy that I am talking about," Makahulugang usal ni Matt sa kanyang asawa. "Raffy, Mamu Penny... This is my wife, Brae..."
"Nice to meet you, Brae..." Nakangiting bati ni Raffaella bago bumeso rito.
"Ikinagagalak ko rin kayo makilala. Nai-kwento ka na sa akin ni Matt," Wika ni Brae bago palihim na napatingin sa kinatatayuan ni Lucas. "Mabuti at nakarating kayo."
Tanging ngiti lamang ang naisagot ni Raffaella rito, dahil naiilang siya sa mapanuring titig na iginagawad sa kanya ni Lucas ngayon.
Natuon lahat nang atensyon nila nang biglang magsalitang muli si Matt, "And of course, Raffy! Kilala mo na ang isang ito," Nakakalokong wika ng binata bago tinapik ang balikat ng kanyang kapatid. "Lucas, batiin mo naman si Raffy. Ang tagal mong hinintay ang pagkakataon na ito di ba—"
Hindi na natapos ni Matt ang kanyang sasabihin nang bahagya siyang sikuhin ni Lucas sa tagiliran, "Shut up, Matthew!" Palihim na anas nito at halata ang pagkakahiya, dahil sa namumula nitong mukha.
Nagpakawala na lamang ng isang halakhak si Matt dahil sa hindi pangkaraniwang ugali na ipinapakita ngayon ni Lucas, "Relax, Luke!" Mapangbuskang saad pa nito bago inakbayan ang kanyang asawang si Brae. "Let's go, Love... Hintayin natin si David, makakatikim talaga sa akin 'yung mokong na 'yon kapag hindi siya dumating."
Naiwan namang tahimik sina Lucas at Raffaella, kaya't mabilis na ring nagpaalam si Mamu Penny, "Nak, makiki-chika muna ako roon. Balikan kita later." Nagmamadaling sambit nito bago tuluyang tumungo sa iba pang mga bisita.
Hindi na rin nakaalma pa si Raffaella dahil alam niyang wala naman siyang laban sa nais mangyari ng mga ito. Nasa ganoong pag-iisip ang dalaga nang biglang marinig niyang nagsalita si Lucas.
"When did you come back?"
Mabilis naman itong binalingan ni Raffaella sabay sabing, "Noong Wednesday lang..." Aniya bago umiwas nang tingin.
"Hmmm..." Sagot lang ng binata, dahil wala siyang lakas nang loob na kausapin ito ng ganoon katagal. Ang buong akala ni Lucas ay buo na ang kanyang loob na harapin ito, ngunit sa pagkakataong iyon ay mukhang umurong ang lakas nang kanyang apog dahil sa presensiya ni Raffaella.
"Ikaw... Kamusta ka na?" Kaswal na saad naman ng dalaga, habang pilit itinutuwid ang kanyang pananalita upang hindi mabatid ng binata ang kanyang umuusbong na kaba.
"I'm good... Lalo na ngayon." Makahulugang saad ni Lucas.
Gusto pa sanang itanong ni Raffaella ang tungkol sa buhay pag-ibig nito, ngunit mabilis niyang pinigil ang kanyang sarili. Alam naman ng dalaga, na wala na siyang karapatan para tanungin pa ang binata tungkol sa pribadong impormasyon ng buhay ni Lucas. Isa pang dahilan, ay hindi niya ata kayang maatim na marinig mula rito na may bagong karelasyon na ito ngayon.
Palihim na napailing si Raffaella bago muling hinarap ang binata, "Ahh... Sige Lucas, puntahan ko lang si Mamu Penny ha?" Nagmamadaling saad ng dalaga saka niya ito mabilis na tinalikuran.
Hindi na rin naman nakapag-apila pa si Lucas at tinanaw na lang ang bawat hakbang ni Raffaella papalayo sa kanyang kinatatayuan.
"Haaayyy..." Mahinagpis niyang turan bago pinuntahan ang kinaroroonan nina Matt at Brae.
*****
Pakipot muna, bawi raw sila next chapter! 😂😂😂
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top