NW Chapter: 37
Kinabukasan, kabadong naglakad papasok sa St. Lewis Funeral Home si Raffaella kasama si Mamu Penny. Matapos niyang matanggap ang malungkot na balita mula kay Hideo, ay hindi na siya nagdalawang isip pa na puntahan ito.
Habang papalapit siya sa puting kahita, ay hindi mapigilan ni Raffaella na mapaluha dahil sa kalungkutan. Sa konting panahon na nakilala't nakasama niya ang ginang ay talagang napalapit na ito sa kanyang puso. Dahil na rin sa kawalan niya ng matatawag na Nanay, ay itinuring na rin niya ito na parang isa niyang tunay na Ina.
Nang tuluyang makalapit ay dahan-dahang sinilip ni Raffaella ang nakahimlay na ginang. Nakita niya roon si Madam Matilde na taimtim na nakapikit na animo'y natutulog lamang. Mababatid ang lungkot at paghihirap sa itsura nito, ngunit hindi naman maitatago ang kagandahang taglay nito.
"Hello Madam," Mahina niyang bati rito. "Madam, ang daya niyo naman po. Umalis kayo ng walang paalam. Akala ko po ba mamamasyal pa tayo? Ipapasyal pa po natin si Chowy 'di ba?" At sa puntong iyon ay tuluyan nang napaluha si Raffella sa kanyang mga naisambit.
Mabilis niyang pinalis ang tumakas na luha sa kanyang pisngi, "Pero Madam... Alam ko po ngayon kahit papaano ay mababawasan na po ang mga alalahanin niyo. Hindi na po kayo makakaramdam ng sakit sa lahat ng bigat at pasakit na kinakaharap niyo. Mami-miss po kita, Madam. May you rest in peace."
Matapos noon ay tuluyan nang tinalikuran ni Raffaella ang puting kahita, bago naupo sa katabing upuan kung saan naroon si Mamu Penny.
Dumaan ang buong araw ngunit hindi man lang nasilayan ni Raffaella ang bulto ni Lucas. Nakilala na niya ang mga kapatid nitong sina Matt at David, at kahit papaano ay naka-kwentuhan at nakapagpalagayan loob niya ang mga ito, lalo na ang binatang si Matt na siyang todo kung mag-asikaso sa kanila.
"Uhmmm... Deo, mauuna na kami ni Mamu. Baka kasi gabihin kami sa biyahe." Pamamaalam ni Raffaella rito.
"T—teka... Hindi mo na ba..." Hindi na nito itinuloy ang nais niyang sasabihin. "Haaayyy... Tara hatid ko na kayo..." Anito habang naglalakad sila papalabas.
"Naku, hindi na... Abot pa naman kami sa biyahe ng bus. Kaya okay lang..."
Nasa ganoong pag-uusap sina Raffaella at Hideo, nang bigla nilang makasalubong ang binatang si Matt, "Hey, Raffy... Where are you going?"
"Ahh... Matt, uuwi na po kami. Balik na lang kami sa last day ng wake ni Madam."
"Hindi mo na hihintayin si Lucas?" Pagtatanong nito. "I'm sure, he'll be here any minute." Saad pa ni Matt bago tumingin sa kanyang wristwatch.
Sandaling nagtinginan sina Mamu Penny at Raffaella, "Ahh... hindi na siguro Matt," Aniya bago ito binalingan. "Kailangan na talaga naming umuwi, maaga pa kasi ang pasok ko bukas." Alanganin niyang turan bago ikinawit ang kamay sa braso ni Mamu Penny.
"I understand," Napapatangong usal nito." Let's go, I will bring you home. Baka malintikan pa kami kay Luke, kapag nalaman niyang hinayaan ka naming bumiyahe pauwi."
"Ay! H-hindi na Matt, kasama ko naman si Mamu Penny kaya okay lang... Thank you na lang sa offer." Pagtanggi ni Raffaella sa kagustuhan nito.
"I insist, Raffy..." Wika ni Matt bago hinila ang kamay nito papalabas ng Funeral Homes.
Wala namang nagawa si Raffaella, dahil mukang desidido ang binata sa gusto nitong mangyari. Bigla niyang naalala ang pagkakapareho ng ugali ni Matt sa ugali ni Lucas, na kapag may ginusto ay hindi ka na makakatanggi pa. Kaya naman nagpadala na lang ang dalaga rito, kasunod sina Deo at Mamu Penny.
"Deo, tell Lucas that I sent Raffy and Mamu Penny, home. Also, tell him na ang bagal ng diskarte niya!" Makahulugang saad nito bago binuksan ang kanyang sasakyan.
Nang akmang papasok na sina Mamu Penny at Raffaella sa sasakyan ni Matt, ay may biglang bumusina na sasakyan sa kanilang harapan. Nangunot naman ang noo ng dalaga habang inaaninag ang nasabing sasakyan, at agad namilog ang kanyang mga mata nang mapagtanto kung sino ang nagmamay-ari nito.
Nakita pa ni Raffaella na isinara ni Matt ang pintuan ng sasakyan nito, bago lumapit sa kakaparada lang na sasakyan, "Thank God and you're already here. Akala ko, tumiklop ka na naman." Narinig pa niyang sambit ng binata sa kapatid nitong si Lucas.
Ilang segundo lamang ang lumipas nang tuluyang masilayan ni Raffaella ang pigura ni Lucas na ngayon ay kabababa lang ng sasakyan. Nagsalubong ang kanilang mga mata, ngunit agad siyang umiwas ng tingin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin pala siya handang harapin si Lucas.
"Raffy!" Ani Matt nang makalapit ito sa kanilang kinatatayuan. "Si Lucas na raw ang maghahatid sa inyo, right bro?" Nakakalokong saad nito bago inakbayan ang kanyang nakatatandang kapatid.
Nang marinig ang sinabi ni Matt, ay nagsimula nang pagpawisan ng malamig ang bawat sulok ng katawan ni Raffaella, "H-hindi na—" Natigil ang kanyang sasabihin nang maagap siyang balingan ni Lucas.
Sa puntong iyon ay napako na nang tuluyan ang kanilang mga paningin. Mga titig na kahit hindi binibigkas ng bibig, ay punong-puno ng mga salita. Mga titig na nasaktan at may mabigat na nilalaman. At mga titig na nagsasabi kung gaano nila na-miss ang isa't isa.
Nasa ganoong posisyon ang lahat nang biglang magsalita si Matt, "Hideo, Mamu Penny, do you guys want something to drink?" Pukaw ni Matt sa atensyon ng dalawa. "Bigla kasi akong nauhaw..." Dagdag pa ng binata at pakunwaring hinihimas ang kanyang lalamunan.
Sandaling nangunot ang noo ng mga ito, at kalaunan ay nakuha rin ang nais ipahiwatig ng binata, "Ahh... Ay! Oo nga pala fafa Matt, naalala ko nauuhaw rin pala ako. Join force na tayo sa loob. Tara... Tara." Ura-uradang sambit Mamu Penny bago ikinawit ang kanyang kamay sa mga braso nina Matt at Hideo.
"Mamu..." Ani Raffaella nang sandaling hilain niya ang laylayan ng suot nitong damit.
"Raffy, ano vah! Kukuha lang ako ng juice, h'wag kang O.A. Babalik na lang ako after," Pabulong na wika ni Mamu Penny habang palihim na inginuso si Lucas sa dalaga. "Pasok lang po kami fafa Lucas..." Yukod nito bago tuluyang hinila ang dalawang binata.
"Good luck, Luke..." Sigaw pa ni Matt bago ito tuluyang makapasok sa loob.
Naiwan naman sina Lucas at Raffaella sa parking lot. Wala ni isa ang gustong mangahas at mangunang magsalita, ni distansiya't pagtitinginan nila'y patuloy sa pagiging taliwas.
Ilang minutong nanatili sa ganoong sitwasyon ang dalawa, nang tuluyang makapagdesisyon si Raffaella na sunduin na si Mamu Penny sa loob.
Nang akmang tatalikod na ang dalaga ay mabilis itong pinigilan ni Lucas, sa pamamagitan nang paghawak sa kaliwang braso nito, "Raffy..." Saad niya kaya't agad siyang nilingon ng dalaga.
Nagtatanong ang mga matang tiningnan ito ni Raffaella, at sa puntong iyon ay parang nakaramdam siya ng kakaibang kaginhawaan sa pamamagitan ng hawak ni Lucas.
Nang mapansin na natigilan ang dalaga ay unti-unting binawi ni Lucas ang kanyang kamay sa pagkakahawak dito, "I—I'm sorry..." Aniya bago napahawak sa kanyang batok na animo'y nahihiya.
"Kamusta ka na?" Biglang sambit ni Raffaella kaya't mabilis napabaling ang binata sa kanya.
"I—I'm fine... I guess."
Nagpatango-tango naman si Raffaella sa kanyang mga narinig. Ngunit sa puntong iyon ay parang naubusan na siya ng mga salitang bibitawan dito, dahil hindi niya akalain na magiging ganoon pala kahirap na makaharap ang taong pilit niyang iniwasan nang mahabang panahon.
"How about you? How's life, what keeps you busy?" Sunod-sunod na sambit ni Lucas.
"Ako?" Kunwaring pagtatanong ng dalaga. "Okay naman ako... Heto busy sa school." Wika ni Raffaella habang hindi sinasalubong ang paningin ng binata.
Nagpatango-tango rin si Lucas sa sinabi ng dalaga. At sa puntong iyon ay pareho silang natahimik dahil sa ilangan na namamagitan sa kanila.
"How about us?"
Natigilan naman si Raffaella nang sambitin ni Lucas ang mga katagang iyon, "Huh?" Pakunwari niyang sambit, ngunit ang totoo ay gusto niyang makasiguro na tama ang dumulas na salitang iyon sa kanyang pandinig.
Mabilis gumuhit ang pagkabalisa sa mukha ni Lucas, "How about us, Raffy? Do we have a chance, do I have a second chance para balikan mo ako?" Madamdaming usal niya rito.
"L—Lucas..." Mahinang sambit lang ni Raffaella, dahil hindi niya alam kung paano magre-react at sasagutin ang deretsahan nitong naibulalas.
Dahan-dahang lumapit naman si Lucas sa kinatatayuan nito, bago alanganing hinawakan ang magkabilang kamay ng dalaga, "Raffy, please come back to me. Mahal na mahal pa rin kita! I don't know what I'll do with my life, if I lose you forever." Nagsusumamong saad ng binata, at sa puntong iyon ay tuluyan nang bumuhos ang kanyang mga luha dala ng matindi at pinaghalo-halong emosyon.
Hindi na rin napigilan ni Raffaella na magpakita ng kanyang nararamdaman para kay Lucas. Nakatingala niyang hinawakan ang magkabilang pisngi nito sabay sabing, "Lucas, aaminin ko mahal pa rin kita. Pero... Sa tingin ko hindi ito ang tamang panahon para maibalik natin ang pagmamahalan at pagtitinginan na mayroon tayo noon." Aniya habang hinihimas ang pisngi ng binata.
"Nasaktan na ako, at ganoon din ako sa'yo. Nagkasakitan tayo dahil sa padalos-dalos nating mga desisyon. Ayoko nang maulit ang mga bagay na iyon, lalo pa't nasa punto tayo ng ating relasyon na hindi pa ganoon kalalim at katibay ang pundasyon." Lumuluha niyang sambit dito.
"No, Raffy... Don't do this to me! Magbabago na ako, I will offset even further expand my mind and patience to understand you more. Basta h'wag mo lang ako tuluyang iwan, please," Nagmamakaawang saad ni Lucas at sa puntong iyon ay niyakap na niya ang dalaga ng sobrang higpit. "Sorry sa lahat ng mga nasabi't nagawa ko, bumalik ka na sa akin, please."
"Lucas, sana maintindihan mo. Kahit mahal pa natin ang isa't isa, ay hindi sapat iyon para maipagpatuloy pa natin ang ating relasyon. Ayoko nang masaktan, at mas lalong ayoko nang masaktan ka pa dahil sa mga pagkakamaling nagawa ko."
"No, no, no, Raffy... I can't— I can't let you go. I will still accept whatever that fūcking sin you have done. I can't afford to lose you."
Gustuhin mang pagbigyan ay pinigil ni Raffaella ang kanyang sarili upang hindi madala sa mga sinabi ni Lucas. Gusto niyang makapag-isip-isip dahil hindi biro ang pumasok muli sa isang relasyon. Maraming kaakibat ang pagkakaroon nito, maraming sakripisyo at pagtitiis ang kanyang kakaharapin kapag sinunggaban niya ang kagustuhan ng binata. Gusto niyang hanapin ang kanyang sarili kung saan ba siya nararapat, at makasiguro kung na handa ba ang kanyang puso na muling mahalin at balikan si Lucas.
Mabilis siyang kumawala sa mahigpit na yakap nito sabay sabing, "In time, Lucas... Tandaan mo, If we're truly meant to be together, we will be," Aniya bago pinunasan ang kanyang mga luha. "Destiny will find our way back to each other. Gagawa at gagawa ng paraan ang pagkakataon, para muling buuin at maging handa ang mga puso natin para sa isa't isa."
Matapos noon ay ginawaran ng isang halik sa labi ni Raffaella ang binata sabay sabing, "Goodbye for now, Lucas." Aniya at tuluyan nang tumakbo papalayo rito at iniwan ang tulala at luhaang si Lucas.
*****
Heartbreaking scene 😪😪😪
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top