NW Chapter: 36

Lumipas ang mga araw at hindi na nagbigyan nang pagkakataon na magkitang muli sina Lucas at Raffaella. Nanumbalik sa dati niyang gawain si Lucas, kung saan palagi itong lunod sa alak at ang kaliwa't kanan nitong pambababae. Pinipilit niyang kalimutan ang mga ala-ala ng dalaga. Ngunit sadyang hirap siyang gawin iyon, dahil sa tuwing magtatangka siyang tumikim ng ibang babae ay biglang susulpot sa kanyang isipan ang imahe ni Raffaella.

Ngayon ay umiinom ng alak ang binata habang nakaupo sa balkonahe ng kanyang penthouse. Hawak nito ang kanyang telepono, habang pinagmamasdan ang kanilang masasayang ala-ala ni Raffaella.

"Miss na miss na kita." Malungkot niyang saad bago nilagok ang natitirang alak sa kanyang baso.

Sa araw-araw na ipinagkakait ng sitwasyon na hindi niya nakakasama si Raffaella, ay pakiramdam niya'y tila nawalan nang saysay ang kanyang buhay. Gustuhin man niya itong puntahan para suyuin at makipag-ayos ay hindi niya magawa. Dahil maisip pa lamang niya ang pambabastos na nagawa niya sa dalaga'y talagang ultimo sarili niya ay gusto na niyang saktan.

Hindi man niya aminin, ngunit may parte sa kanyang puso ang nagsasabing isang malaking katangahan ang nagawa niya sa babaeng walang ginawa kundi ang mahalin siya.

"I'm sorry, Raffy... I'm so sorry!" Madamdamin niyang turan sa imahe ng dalaga bago isinandal ang kanyang likod sa outdoor chair na yari sa bakal. Mariing napapikit si Lucas habang yakap-yakap ang kanyang telepono, na sa pamamagitan noon ay parang nayakap na rin niya si Raffaella.

Nasa ganoong posisyon si Lucas nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Daglian niyang sinuri kung sino ang tumatawag, at agad nangunot ang kanyang noo nang rumehistro ang pangalan ni Mommy Em doon.

Sandaling tumikhim si Lucas upang alisin ang nakabarang bagay sa kanyang lalamunan bago tuluyang sinagot ang tawag, "Hey, Mom... How are y—" Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin nang makarinig ng paghikbi sa kabilang linya. "M—mom... W—what's wrong? Why are you crying?" Punong-puno nang pag-aalalang sambit niya rito.

"L—lucas, si... Si Nana Norma mo i-ito." Nanginginig ang boses na saad nito sa kabilang linya.

Nangunot naman ang noo ni Lucas nang marinig ang boses ng kanilang katiwala na si Nana Norma. Sa hindi malamang dahilan ay bigla siyang kinutuban na hindi niya maintindihan, ngunit agad niyang isinantabi ang nararamdamang iyon bago kinausap muli ang ginang.

"Nana, a—ano po... Nasaan po si Mommy Em?"

Sandali itong nagpasinghot-singhot sa kabilang linya bago muling nagsalita, "Lucas... Kailangan mong pumunta rito sa Bataan. Si Madam Matilde, ang mommy niyo!" At sa puntong iyon ay tuluyan nang pinakawalan ng ginang ang hagulgol nito na pilit ikinukubli kanina.

"Wait! What— what happened to Mommy Em? Nana! What happened?"

Hindi na naman ito sumagot at makailang sandali ay nabosesan niya ang kanyang nakababatang kapatid na si David sa kabilang linya, "Lucas... Come home, si Mommy Em... Si Mommy Em, she was unconscious in her bedroom, hindi na humihinga! And fūck! Nakita kong bumubula ang bibig niya."

At sa puntong iyon ay tuluyan nang nag-sink in kay Lucas ang hindi magandang nangyari sa kanyang Ina, "Calm down, David! Sabihin mo sa akin kung nasaang hospital kayo, I'm going home magbibihis lang ako." Anito bago tuluyang pinutol ang linya ng telepono.

Dali-daling nagbihis si Lucas bago kinuha ang kanyang wallet at susi ng kotse. Sa puntong iyon ay tuluyang nahimasmasan ang ulirat ng binata sa kalasingan, dahil sa isipin kung ano ang kalagayan ngayon ng kanyang Mommy Em.

"Oh Dear God, please don't take my Mom away from us... I can't afford to lose her, not now or ever." Taimtim na pagdarasal ni Lucas habang pinipigilang tumulo ang kanyang mga luha.


*****


"My deepest sympathy, Sir..." Pukaw ni Hideo sa kanyang tulalang boss.

Matamlay lamang itong binalingan ni Lucas, "Hey... How's everything back at the office?" Pagtatanong lang niya bago napaayos sa kanyang pagkakaupo.

Tinabihan naman ito ni Hideo sa bakanteng upuan sabay sabing, "Nothing that I can't handle, Sir! Everything is under control."

"I'm glad to hear that, thank you!"

Sandaling natahimik ang dalawang binata habang nakatingin sa eleganteng kahita na kulay puti. Mangilan-ngilang kamag-anak, kakilala at mga kaibigan ang nakiramay sa magkakapatid, upang makidalamhati sa malungkot na sitwasyon ngayon nina Lucas, Matthew, at David, na siyang mas naapektuhan dahil nasaksihan nito ang kagimbal-gimbal na nangyari sa kanilang Ina.

"How are you coping with the situation, Sir?" Biglang pagtatanong ni Hideo sa kanyang boss.

Mahinagpis na napabuntong hininga naman si Lucas sabay sabing, "It's really hard, Hideo. Now that Mommy Em was gone, hindi ko na alam kung papaano na kami ng mga kapatid ko. Matthew is an independent man kaya wala akong masyadong problema sa kanya. Kay David ako nag-aalala, dahil sobrang lapit niya kay Mommy Em kahit may pagka-gago ang isang iyon," Ani Lucas at bahagyang natawa.

"Pero seriously speaking, kay David talaga ako nag-aalala. Sa kabila nang pagmamahal niya kay Mommy Em, siya pa ang nakakita rito na walang buhay sa loob ng kwarto because of overdose. And I fūcking hate my Dad, dahil siya na naman ang dahilan kung bakit kinitil ni Mom ang sarili nitong buhay!" Nagpupuyos sa galit na saad nito habang nakakuyumos ang mga kamao.

Mabilis naman itong tinapik ni Hideo sa balikat, "God has a reason kung bakit nangyari ito, Sir. Magpakatatag lang po kayo. Sabi nga nila, there's a rainbow always after the rain kaya isa lamang itong pagsubok at kalaunan ay matatapos din."

Hindi na nakapagsalita pa si Lucas at napatingin na lamang ito sa portrait ng kanyang Mommy Em na nakahanay sa kahitang pinaghihimlayan nito.


*****


Sa kabilang dako naman ay tahimik na nakadungaw ngayon si Raffaella sa bintana ng kanilang tahanan. Pilit inaaliw ang sarili, dahil sa ilang araw niyang pagkabalisa. Simula nang magkalabuan sila ni Lucas ay hindi na niya binuksang muli ang kanyang telepono, dahil sa tuwing makikita niya ang kanilang masasayang ala-ala ng binata ay todo kung magbagsakan ang kanyang mga luha.

Para itong may sariling buhay na kahit saan mang lupalop siya naroroon, basta maisip niya o isang bagay na makapagpaalala kay Lucas ay walang inoras kung dumausdos ang kanyang mga luha.

Labis siyang nasaktan sa nangyari sa kanila ng binata. Ang paratangan siya ng mga bagay na hindi niya ginawa at ang hindi nito pakikinig sa kanyang mga paliwanag, ay isa sa pinakamasakit na bagay na kanyang ikinadamdam kay Lucas. Alam niyang nasaktan ito sa hindi makatotohanang mga larawan, ngunit hindi sapat na dahilan iyon upang maging sarado ang isip nito para ganoon na lang siya kamuhian ni Lucas.

"Nak... Tara na't maghapunan..." Anyaya ni Mamu Penny.

Matamlay naman itong binalingan ni Raffaella sabay sabing, "Busog pa po ako, Mamu." Anito bago muling itinuon ang atensyon sa labas ng kanilang bintana.

Bumuntong hininga naman si Mamu Penny bago tinabihan ang dalaga, "Raffy, ilang araw ka nang ganyan. Magkakasakit ka sa ginagawa mo."

"Okay lang po talaga ako, Mamu..."

"Raffy," Ani Mamu Penny bago hinaplos ang buhok ng dalaga. "Okay lang naman na magdamdam ka, dahil nasaktan ka eh. Pero hindi masasagot ang isang problema, kung dadagdagan mo pa ito ng isa pang problema. Gaya nga ng sabi ko sa'yo, ang problema dinadaanan lang iyan hindi 'yan tinatambayan."

Napapikit na lang ng mariin si Raffaella sa kanyang mga narinig mula kay Mamu Penny. Mabilis siyang napayakap dito sabay sabing, "Mamu, ang sakit-sakit po talaga eh. Hindi ko alam kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Nagtiwala lang naman ako sa taong akala ko ay mapagkakatiwalaan, pero hindi ko alam na si Barry pa pala ang sisira sa relasyon namin ni Lucas!" At sa puntong iyon ay nagsimula nang bumuhos ang mga luha nito.

"Shhhh... Tama na..."

"Masama po ba na ilihim ko ang bagay na natuklasan ko tungkol sa nakaraan ni Lucas? Masama po ba na inilihim ko iyon para sa mas tahimik at matiwasay na relasyon? Nakakaputangina lang dahil ang dali niya akong hinusgahan nang wala akong kalaban-laban!"

"Raffy, h'wag ganyan... Kahit papaano ay may pinagsamahan naman kayo ni Lucas."

"Akala ko mahal niya ako, akala ko kilala na niya ako, Mamu... Isang malaking akala na sumira sa akin, wala naman akong ibang hinangad kundi ang mahalin siya." Humahagulgol pang saad ni Raffaella.

"Pahupain mo muna ang sitwasyon— Mag-usap kayo kapag bukas na ang mga puso niyo para pakinggan ang isa't isa. Masyado na kayong nag-focus sa ibang bagay, kaya't hindi na nagkakarinigan ang mga puso niyo."

Nasa ganoong posisyon ang dalawa nang biglang tumunog ang telepono ni Mamu Penny, "Ay istorbo naman ito oh! Nagmo-moment kami ng alaga ko rito eh." Maarteng saad ni Mamu Penny bago hinugot ang telepono sa kanyang bulsa.

"Ay, witchikels ang namesung, number lang hindi ko knows."

Humiwalay naman si Raffaella rito habang pinupunasan ang kanyang mga luha, "Sagutin niyo na po Mamu, baka importante."

"Wait langs," Wika nito bago tuluyang sinagot ang tawag. "Hello, ito ang dyosang si Penny without S..." Kwelang saad ni Mamu Penny, kaya't bahagyang natawa si Raffaella sa kalokohan nito.

"Deo?" Kunot noong sambit nito bago napatingin sa dalaga. "Wait langs, si Deo importante lang daw."

Mabilis namang kinuha ni Raffaella ang telepono bago kinausap si Hideo sa kabilang linya...

"H—hello?"




*****


I feel sorry for Lucas, pero ramdam ko rin ang sakit na nararamdaman ni Raffy. 😭😭😭


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top