NW Chapter: 33

Matapos sa mainit at naglalagablab na eksena sa pagitan nina Lucas at Raffaella, ay mabilis tumungo ang binata sa sarili niyang silid upang pahupain ang mas tumataas na lebel ng sensasyon na kanyang nararamdaman.

"Raffy..." Bulong niyang sambit habang nakatutok ang sarili sa rumaragasang tubig. Napapikit si Lucas habang inaalaala ang mga eksena, na siyang nagtulak sa kanya upang maisakatuparan ang matagal na niyang minimithi.

Nang tuluyang maramdaman na bumalik na sa normal ang temperatura ng kanyang sistema, ay mabilis na nagbihis si Lucas saka nagpunta sa kusina, upang ipaghanda ang dalaga ng makakain.

"Breakfast in bed, Mi Bella." Masayang usal ni Lucas nang tuluyan itong makapasok sa loob ng guest room, bitbit ang isang overbed table kalakip ang kanilang almusal. Gaya ng bacon, poached egg, toasted bread, dalawang tasa ng macchiato lattè na si Lucas mismo ang gumawa. At higit sa lahat, ang paboritong almusal ni Raffaella walang iba kundi ang fried rice at garlic longganisa.

Nakangiting nagmulat ng kanyang mga mata si Raffella nang marinig ang masiglang tinig ng binata, "Good morning, Mi Lucas..." Bati niya rito bago naupo sa kama. Mabilis inayos ng dalaga ang kumot na tumatabing sa kanyang hubad na katawan, habang hinihintay ang paglapag nang mabangong almusal sa kanyang harapan.

"A pleasant morning indeed," Sagot naman ni Lucas bago hinalikan ang labi ng kanyang kasintahan. Mabilis niyang ipinatong ang tray sa kama saka naupo. "Close your eyes first."

"H—ha? Bakit?" Kunot noong saad naman ni Raffaella, ngunit nakangiti naman.

"I have a surprise for you... Kaya pikit ka na, dali."

"Sige na nga..." Natatawang wika ng dalaga, at agad ding sinunod ang utos nito.

Nang makitang nakapikit na ang kanyang kasintahan, ay maingat na inilabas ni Lucas ang isang bagay na nakaipit sa kanyang likuran sabay sabing, "You may open your eyes now, Mi Bella."

Nang marinig ang hudyat ay unti-unting idinilat ni Raffaella ang kanyang mga mata, at kalaunan'y rumehistro ang matamis na ngiti nang makita ang isang white long stem rose sa kanyang harapan, "Thank you, Mi Lucas..." Kinikilig niyang saad sa binata saka niya ito niyakap nang sobrang higpit.

"My pleasure..." Wika nito saka hinalikan sa noo ang dalaga. "Let's grab a bite first, mahirap na baka ikaw pa ang makain ko." Nakakalokong sambit pa ng binata nang tuluyan itong humiwalay sa kanilang pagkakayakap.

Hindi naman napigilan ni Raffaella na hampasin ito sa balikat, "Loko-loko ka talaga!" Napapailing niyang wika at doon na nagsimulang mag-init ang kanyang magkabilang pisngi.

"Hahaha!" Nagpakawala lamang nang malakas na halakhak ang binata, bago tuluyang inihanda ang kanilang kakainin.

Masayang nagsalo ng almusal ang magkasintahan nang biglang maalala ni Lucas ang isang bagay, "Where were you last night, Mi Bella. Why didn't you answer my calls?" Walang muwang na turan ng binata saka sumimsim ng kape.

Natigilan naman si Raffaella sa biglang pagtatanong nito, mataman lang niyang tiningnan si Lucas na ngayon ay abala sa kanyang kinakain. Mabilis na kumabog ang kanyang dibdib, dahil sa tunay na dahilan kung bakit siya naglasing kagabi.

"Ahh— Ano kasi... Nag... Nagkayayaan kasi 'yung mga blockmates ko na uminom kagabi— Iyon, b—biglaan kasi Mi Lucas. Sorry po..." Utal-utal niyang turan, na kahit sa kanyang sarili ay halos hindi na maisambit nang tama ni Raffaella ang mga salitang iyon, dahil sa todo-todong kasinungalingan.

Mas kinabahan pa nang husto ang dalaga, nang mataman lang siyang tingnan ni Lucas na animo'y sinusuri ang mga bagay na kanyang sinabi.

"Okay... Next time, just tell me where you are going, para alam ko kung saan kita susunduin ha? I love you, Mi Bella..." Malambing na usal ni Lucas habang hinahaplos ang pisngi ng kanyang kasintahan.

"I love you too," Nangingilid ang luhang sambit ni Raffaella saka muling yumakap kay Lucas. "Mahal na mahal kita Lucas. Sorry kung pinag-alala kita kagabi ha? Sorry, sorry talaga!" Humihikbi niyang saad dahil parang pinipiga ang kanyang puso ng mga sandaling iyon.

Abot-langit na konsensya ang kanyang nararamdaman, dahil sa labag sa loob niyang pagsisinungaling at sa madilim na katotohanang kanyang pinagkait kay Lucas.

"Shhh... Stop crying, Mi Bella," Anito habang hinihimas ang hubad na likod ng dalaga. "Tara na, baka ma-late ka pa sa klase mo. I already washed your uniform and— And the varsity jacket."

Mabilis namang humiwalay si Raffaella rito nang maalala kung sino ang nagmamay-ari ng jacket na iyon, "T—thank you ulit..."

"No worries, Mi Bella. Kain ka na..." Malambing pang usal ni Lucas saka bahagyang ginulo ang buhok ng kanyang kasintahan.


*****


"Thank you sa paghatid, Mi Lucas..." Ani Raffaella bago humalik sa labi ng binata. Nang akmang hihiwalay na siya rito, ay mas kinabig pa ni Lucas ang kanyang bewang upang mas paglapitin pa ang kanilang mga katawan. "Mi Lucas, awat na..." Natatawa niyang saad dito, kaya't doon lang siya tuluyang binitawan ng binata.

"Sorry... I just can't help myself not to kiss those honeyed lips of yours. Your lips is too addictive, and I think I need them every day! Kahit oras-oras pa mas willing ako." Nakakalokong usal nito habang nakapulupot pa rin ang mga braso sa bewang ng kanyang kasintahan.

Napangiti naman si Raffaella rito, "Then feel free to use your kisses as a method to shut me up, anytime!" Matapos noon ay siya na mismo ang humablot sa batok nito upang paglapatin ang kanilang mga labi.

Nang tuluyan na silang kapusin sa hininga ay pinagdikit lamang ni Lucas ang kanilang mga noo, "Dāmn! Your kisses are like drugs to me!" Hirap na daing nito. "The first time your lips brushed onto mine, that's when I realized from then on that I didn't want anyone else's lips to be on mine, but yours."

Muli naman itong dinampian ni Raffaella ng halik sa labi, at sa puntong iyon ay isang magaan at nagpapasabik na halik ang kanyang iginawad dito, "Sige na... Masyado na tayong cheesy! Baka putaktihin na naman ako ng mga nagkaka-crush sa'yo rito." Natatawa niyang saad bago tuluyang humiwalay sa kanyang kasintahan.

"Then let them be! Wala naman silang mapapala sa akin, dahil si Lucas ay para kay Raffaella na maganda lang, remember?"

"Hahaha! Oo na po, kulit mo!" Sagot naman ng dalaga rito.

"Sige na, I have to go na rin..." Anito bago tumingin sa kanyang wristwatch. "See you later, Mi Bella... I love you." Usal pa ni Lucas bago hinalikan sa pisngi ang kanyang kasintahan.

"I love you too, Mi Lucas. Ingat sa pagda-drive okay?" Nakangiting sambit ni Raffaella saka tuluyang pumasok sa loob ng gate ng Aston University.

Nakasandal lamang si Lucas sa hood ng kanyang sasakyan, habang tinatanaw ang papalayo niyang si Raffaella. Mabilis sumakay ang binata sa kanyang sasakyan at nangunot ang noo nang makiya ang isang paper bag sa shotgun seat.

Maagap niyang tiningnan ito, at nang mapansin ang varsity jacket na suot ng dalaga kagabi, ay muli siyang bumama ng kanyang sasakyan upang ihabol ang nasabing bagay kay Raffaella.

Nagmamadaling tinungo ni Lucas ang loob ng Aston University, at sa hindi kalayuan ay napansin niya si Raffaella sa bukana ng hallway. Nang akmang lalapitan niya ang dalaga ay agad niyang napansin na may kausap itong lalaki. Hindi niya mawari kung saan niya nakita ang lalaking iyon, ngunit pamilyar ang itsura nito at malakas ang kutob niyang nakasalamuha na niya ito somewhere.

Napansin pa ni Lucas na halatang seryoso ang usapan ng dalawa, kaya't hindi na siya nag-atubiling lapitan ang mga ito, "Ehem... Ehem..." Tikhim niya sa likuran ng dalaga para pukawain ang atensyon ng mga ito.

Mabilis naman siyang binalingan ni Raffaella at kitang-kita ni Lucas ang pamumutla sa itsura ng dalaga, "L—Lucas!" Gulat na sambit nito bago lumapit sa tabi ng binata.

Hindi naman nag-abalang sumagot si Lucas at tanging nakatuon lamang ang paningin nito sa lalaking kausap ng kanyang kasintahan.

Halos pagpawisan na ang kasulok-sulukan na parte ng katawan ni Raffaella, nang sandaling makita ang bulto ni Lucas sa kanyang likuran. Hindi niya inaasahan ang biglang pagsulpot nito, kaya't ngayon ay para siyang naiipit sa dalawang nagbabaga at matatalim na tingin sa pagitan nina Lucas at Barry.

Upang pahupain ang tensyon na namamagitan sa dalawang binata, ay agad ikinawit ni Raffaella ang kanyang kamay sa braso ni Lucas sabay sabing, "M-Mi Lucas... Anong ginagawa mo rito?" Kabadong saad niya rito. Gumaan naman kahit papaano ang kaba na kanyang nararamdaman, nang tuluyan siyang balingan ng binata.

"I just brought you this varsity jacket." Seryosong saad nito bago iniabot ang paperbag.

Mabilis naman itong tinanggap ni Raffaella sabay sabing, "T—thank you..." Pasasalamat niya rito bago pilit hinihila ang kanyang kasintahan paplayo kay Barry.

Nang akmang tatalikod na ang magkasintahan ay narinig nilang nagsalita si Barry, "Thank you for bringing my jacket, dude." Mapang-asar na saad nito kaya't mabilis itong nilingon ng magkasintahan.

Nagtatanong ang mga matang tiningnan naman ni Lucas ang kanyang kasintahan, na parang sinasabi kung anong ibig sabihin nang kaganapang iyon.

Mabilis namang namutla si Raffaella at ngayon ay naipit na siya sa sitwasyon pilit niyang iniiwasan, "Ahh... L—Lucas si ano kasi..."

Hindi na naituloy ni Raffaella ang kanyang sasabihin nang biglang sumabat si Barry, "Dude, nakalimutan ko kasi 'yung jacket ko sa resto-bar kagabi. Mabuti nga at nasabi ni Raffy na nadala niya 'yung jacket," Anito saka bumaling sa dalaga upang kunin ang paperbag. "Raffy, naku thank you talaga ha? Akala ko tuluyan nang nawala sa akin itong jacket. May sentimental value pa naman ito."

Hindi naman umiimik si Lucas at tanging nakatingin lang ito kay Barry, na animo'y sinusuri ang ikinikilos at pananalita ng binata.

Sandaling katahimikan ang pumaloob sa tatlo nang muling basagin ni Barry ang tensyon, "Dude— I have to go, my class will starts in five minutes. Salamat ulit dito sa jacket!" Anito saka itinaas ang paperbag. "See you around, Raffy." Matapos noon ay tuluyan nang tinalikuran ng binata ang mga ito.

Naiwan namang tahimik sina Lucas at Raffaella, na hanggang ngayon ay hindi pa rin makuhang magsalita dahil sa pangyayari. Hinawakan ng dalaga ang kamay ni Lucas at doon na tuluyang napabalik sa kanyang katinuan si Lucas.

"So, I better get going, Mi Bella. See you later." Malamig na sambit ng binata saka humalik sa pisngi ng kanyang kasintahan. Hindi na hinintay pa ni Lucas na sumagot ang dalaga, at dire-diretso lang nitong nilisan ang Aston University.

Hindi na rin nakapag-react pa si Raffaella sa mga nangyari, at tinanaw na lang si Lucas na ngayon ay tuluyan nang nakalabas ng gate ng Aston University. Napapailing na pumasok na lang siya sa kanyang klase, bibit ang mas bumibigat pa niyang sitwasyon.




*****


Panira talaga sa sweet moment itong si Barry! Malapit ko na 'tong i-salvage eh! 😤😤😤


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top