NW Chapter: 30

Dumating ang araw kung saan nakatakda ang pagkikita nina Raffaella at Barry. Ngunit hindi man lang nag-abala ang dalaga na siputin ito dahil nakapagdesisyon siyang h'wag nang saklawan ang bagay na nangyari sa nakaraan ni Lucas.

"Ang nakaraan, ay nakaraan na... Hindi magandang balikan pa ang mga araw na iyon, lalo na't wala pa naman ako sa buhay ni Lucas noon. Napaka-unfair sa kanya na alamin ko pa ang mga bagay na pinalipas na ng panahon." Ani Raffaella sa hangin.

Abala ngayon ang dalaga sa pag-aayos ng kanyang gamit, nang makatanggap siyang muli ng isang tawag mula kay Barry. Ilang ulit na itong tumatawag at nagpapadala ng mensahe, ngunit patuloy lamang si Raffaella sa pag-iignora sa binata.

Agad din naman itong tumigil sa pagtawag, kaya't nakampante na kahit papaano ang dalaga. Akmang tatayo na siya upang gamitin ang kanyang bakanteng oras sa library, nang muling tumunog ang kanyang telepono at sa pagkakataong iyon ay isang mensahe na ang kanyang natanggap. Kunot noo niyang tiningnan ito at ganoon na lang namilog ang kanyang mga mata sa nabasa.


From: Barry

You can't avoid me forever, Raffy! I asked you politely but you leave me no choice...


"Ano bang problema ng taong 'to?" Napapailing niyang sambit sa hangin, saka isinilid ang telepono sa kanyang bulsa.

Akmang lalabas na ng classroom si Raffaella nang may biglang lumapit sa kanyang babae, "Hi! Ikaw ba si Raffaella?" Pagtatanong nito.

Kahit naguguluhan ay napatango na lamang siya rito.

"Here—" Anito saka iniabot ang isang sobre. "May nagpapabigay sa'yo." Walang muwang na saad nito sa dalaga.

"S-sino?" Nagtatakang tanong lang ni Raffaella saka tinanggap ang sobre.

Nagkibit balikat lang ito, "Hindi ko kilala eh..."

"Gano'n ba? Sige, thank you ha?" Iyon lamang ang kanyang nasabi, dahil hindi pa rin niya mawari kung anong nilalaman ng bagay na iyon.

Tuluyan nang nakarating si Raffaella sa library at doon niya napagpasyahang buksan ang puting sobre. Nagulat ang dalaga nang makita ang kanyang larawan kasama si Barry. Sa unang tingin ay aakalain mong may ginagawa silang milagro ng binata, dahil sa pagkakaposisyon ng lente ng camera na saktong-sakto sa paglapit ng mukha nito sa kanya. Kung hindi lang niya katauhan ang nasa larawan, ay mapapaniwala siya nito na may relasyon ang dalawang taong dawit sa litratong iyon.

"Barry!" Nagpupuyos sa galit na anas ni Raffaella, saka dali-daling hinablot ang kanyang mga gamit na nakapatong sa lamesa.

Nagmamadaling tinungo ng dalaga ang lugar kung saan nakatalagang ganapin ang photo shoot kasama ang buong Soccer Team. Walang ibang hanggad si Raffaella kundi ang sugurin ang lalaking namumuro na sa kalokohan. Hindi niya lubos maisip kung bakit ganoon na lang kalaki ang interest nito sa kanya, para sirain siya at ang pagkakakilala niya kay Lucas.

Nang tuluyang marating ang field ay mabilis na hinagilap ng dalaga ang bulto ni Barry, at nang saktong baling niya sa grandstand ay ura-uradang kumulo ang kanyang dugo nang masilayan ang binata sa 'di kalayuan.

"Barry!" Pasinghal niyang anas at dali-daling tinakbo ang pagitan nila ng binata.

Maagap namang natuon ang lahat ng atensyon sa dalaga. Gayon din ang binatang si Barry, na sa halip na gulat na ekspresyon ang mararamdaman nito sa biglang pagdating ng dalaga, ay tanging sarkastikong ngiti lamang ang isinalubong nito.

"Oh! Hello Raffy! What a pleasant surprise!" Nakangising usal nito at bahagya pang iniumang ang kanyang mga braso, na animo'y naghihintay ng yakap mula sa dalaga.

"Cut the crap— You weirdo!" Galit na saad ni Raffaella saka idinuldol sa dibdib ng binata ang mga litrato na kanyang hawak. "Anong katarantaduhan 'yan! Ha!" Nanggagalaiti niyang anas at bahagya pa itong hinampas sa braso.

"Hey— hey! Take it easy, pretty Raffy!" Pagpipigil ni Barry sa nagpupuyos sa galit na dalaga.

"Easy-hin mo mukha mo! Bakit tayo may picture— Sinet-up mo ba ang lahat ng ito ha?!"

Ngumisi lamang si Barry sa sinabi nito, "Don't you like our pictures together, pretty? We look like cute couples in here, I think we're a good match." Mapang-asar pa na saad nito na ikinakulo ng dugo ng dalaga.

"Leste ka!' Bulyaw niya bago ito hinampas sa dibdib. "Pinagsisisihan ko 'yung araw na kinausap pa kita! Hudas ka!" Anas ni Raffaella bago tinangkang sampalin ang binata.

Ngunit agad itong napigilan ni Barry sabay sabing, "Don't you dare lay your hands on me!" At sa puntong iyon ay tuluyan nang nagbago ang ekspresyon nito. "Come with me..."

Nagulat si Raffaella sa biglang pagbabago ni Barry at wala sa sariling napasunod siya sa kagustuhan nito. Gusto niyang humingi ng tulong sa mga tao sa grandstand, ngunit parang sa pagkakataong iyon ay nabusalan na ang kanyang bibig dahil sa kabiglaan.

Dinala siya ni Barry sa likod ng field at pumasok sila sa isang lugar, na sa wari niya'y locker room ito ng mga lalaki, "T-teka! Bakit mo ako isasama sa loob?" Singhal niya rito ngunit hindi man lang natinag ang binata sa kanyang sinabi.

Tuluyan lang siyang binitawan nito nang sandaling huminto sila sa gitna ng locker room. Nakita niya na may binuksan itong locker at inilabas ni Barry ang isang laptop. May kinalikot ang binata roon at kalaunan ay ihinaharap ito sa kanya.

"Check all the pictures." Walang ganang saad nito habang nakahalukipkip ang mga braso.

Kahit hindi tiyak, ay tinanggap na lang ito ni Raffaella at nagsimulang kalikutin ang nasabing bagay. Agad siyang napatuptop ng kanyang bibig, nang makita ang iba't ibang litrato ng mga kababaihan na hubo't hubad habang nakikipagtalik. Hindi alam ng dalaga kung bakit tila nasusuka siya na tingnan ang mga pribadong parte ng katawan ng mga ito, na kulang na lang ay maging isa itong sēx catalog sa isang magazine.

Hindi na masikmura ni Raffaella na tingnan ang mga ito kaya't mabilis niyang isinara ang laptop. Namumula ang mukhang binalingan lang niya si Barry sabay sabing, "Isa kang baliw! Bakit kailangan mo pang ipakita sa akin ang mga kababuyan mong 'yan?!" Galit niyang anas dito bago napagpasyahang lisanin ang lugar na iyon.

Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ang dalaga nang marinig niyang nagsalita si Barry, "You haven't seen the worst picture yet, Raffy." Makahulugang saad nito.

Nabitawan na lang ni Raffaella ang kanyang hawak na bag, nang marinig ang boses ni Lucas. Dahan-dahan siyang napabaling sa kinatatayuan ni Barry, at kitang-kita niya sa laptop kung paano babuyin ni Lucas ang babaeng katalik nito. Kung kanina ay para siyang tumitingin ng isang sēx catalog, ngayon ay para na siyang nanonood ng sēx video sa isang pōrn site.

Hindi na namalayan ni Raffaella na unti-unti na palang dumadausdos ang kanyang mga luha sa kanyang nasasaksihan. Alam niyang wala pa siya sa buhay ni Lucas noon, ngunit hindi niya mapigilang masaktan dahil sa pamamaraan nito kung paano tratuhin ang mga babaeng nakakatalik ng binata.

"That's the true identity of the man you love, Raffy. He's a monster! Binababoy niya ang lahat ng babaeng walang hinangad kundi ang mahalin siya!"

"Hindi totoo 'yan!" Singhal lang ni Raffaella habang patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha.

Tumaas lang ang gilid ng labi ni Barry sabay sabing, "Gusto mo pang makarinig ng hindi makain ng asong mga salita? The monster will never change, Raffy! Hindi ito magbabago nang dahil lang sa iisang tao, nang dahil lang sa'yo. Paano ka nakakasiguro na ikaw lang ang babae niya ha? Paano ka nakakasiguro na mahal ka nga talaga ni Lucas, at hindi ang katawan mo lang ang habol niya?"

Natigilan naman si Raffaella sa kanyang narinig, ngayon ay tila gulong-gulo na siya sa kanyang sitwasyon. Gaano nga ba niya kakilala si Lucas gayong babago pa lamang sila sa kanilang relasyon? Sapat na ba ang tatlong buwan nilang relasyon upang masabi niya sa kanyang sarili na wala na silang lihim para sa isa't isa?

"Let me guess— Wala pang nangyayari sa inyo ni Lucas noh?" Sarkastikong usal ni Barry. At nang makitang umiwas ng tingin at hindi sumagot si Raffaella ay muli itong nagsalita. "Lucky you! May panahon ka pa para makawala sa halimaw na lalaking 'yon." Saad lang nito bago naglakad papalabas ng locker room.

Ngunit bago pa man makalabas ay pinabaunan muli ni Barry ng isang makahulugang salita si Raffaella, "Dahil kapag nakuha na ni Lucas ang pinaka-iingatan mo, tiyak basura ka na ring maituturing gaya ng mga babaeng nakatalik niya." Matapos noon ay tuluyan na itong lumabas at naiwan ang dalaga na luhaan.


*****


Shocking! Oh! Mi Lucas, anong ibig sabihin nito??? 😱😱😱


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top