NW Chapter: 28

I haven't proofread this Chapter yet, Lovies! ❤️
Bahala na kayong umintindi sa mga errors.

Oh siya! Basa na! 😍😍😍


*****


"Sigurado akong matutuwa si Madam kapag nakita niya itong sorpresa natin sa kanya, Mi Lucas." Masiglang saad ni Raffaella, bago sinilip panandalian ang dala nilang tuta na lahing chow-chow.

Ngayon ay nasa loob ng sasakyan ang magkasintahan patungong Bataan. Nais nilang sorpresahin ang Ina ng binata, dahil napag-alamang nila na palagi na naman itong malungkot at nagkukulong sa kwarto, ayon sa katiwala nitong si Nana Norma.

"I really hope she would like it, Mi Bella. Para kahit papaano ay malibang si Mommy Em sa pag-aalaga kay Chowy." Turan ni Lucas habang nakatutok ang atensyon diresto sa kalsada.

Dagli namang inihilig ni Raffaella ang kanyang ulo sa balikat ng binata sabay sabing, "Magugustuhan 'yan ni Madam. Ang cute-cute kaya ni Chowy."

Sandaling binalingan ni Lucas ang kanyang kasintahan bago ito dinampian ng halik sa noo, "Mas cute ka pa rin. Gusto na nga kitang alagaan eh." Nakakalokong usal nito saka nagpakawala ng isang malakas na tawa.

Nakatingala lang itong tiningnan ni Raffaella, habang hindi natatanggal ang pagkakasandig ng kanyang ulo sa balikat ni Lucas, "Cute naman talaga ako eh, at willing na magpalimlim este magpaalaga sa'yo." Pilyang sagot naman ng dalaga. Maagap niyang ipinulupot ang kanyang mga kamay sa kanang braso ng binata, bago tuluyang isiniksik ang sarili sa tabi nito.

"Such a tease, Mi Bella. Damn!" Hirap na hirap na usal ni Lucas sa kapilyahan ng kanyang kasintahan.

"Dalang-dala ka naman." Sagot lang nito habang nakahilig pa rin ang ulo sa balikat ng binata.

Hindi pa nagtatagal sa posisyon na iyon si Raffaella, nang marinig niya ang pagtunog ng kanyang telepono. Dagli niya itong kinuha sa kanyang bag, bago tiningnan kung sino ang nagpadala sa kanya ng mensahe.


From: +639750000989

Hi Raffy! I just want to remind you that our photo shoot is already scheduled on Thursday. I hope you could come, pretty. It's Barry by the way!


Palihim namang lumayo si Raffaella sa pagkakasandig sa kanyang kasintahan, bago muling binalikan ang pagbabasa ng mensahe mula kay Barry. Simula kasi noong araw nang pagtatalo nila ni Lucas, ay hindi na siya nakipag-usap pa rito. Hindi nga niya alam kung paano nakuha ng binata ang kanyang cell number, gayong iilang tao lamang ang nakakaalam ng pribado niyang numero.

Nasa ganoong pag-iisip ang dalaga nang biglang magsalita si Lucas, "Hey, are you alright? You look like you've just seen a ghost?" Aniya nang makita ang biglang pagbabago ng mood at pamumutla ng dalaga.

Sandaling nag-isip si Raffaella kung dapat niya bang sabihin ang tungkol kay Barry. Ngunit sa isang banda ay ayaw naman niyang pagtalunan pa nila ang maliit na bagay na iyon.

Napabalik na lang sa kanyang sarili si Raffaella, nang maramdaman ang paghawak ni Lucas sa kanyang malayang kamay na nakapatong sa kanyang hita. Tiningnan lang niya ito nang mataman bago napabuntong hininga, "You need to know about this, Mi Lucas." Kagat-kagat ang ibabang labi niyang saad dito.

"About what?"

"Haaayyyy... Barry texted me." Diretso niyang saad sa binata at kitang-kita ni Raffaella ang pagdilim ng aura nito.

"What does he want? And where did he get your number?" Tiim bagang na usal ni Lucas. Dahil marinig pa lang niya ang pangalan ng lalaking iyon, ay parang kumukulo na agad ang dugo niya rito.

"He told me about the schedule of our photo shoot. Hindi ko nga rin alam kung paano niya nalaman 'yung number ko." Nagtatakang tanong ni Raffaella sa hangin.

Wala naman siyang nakuhang sagot mula kay Lucas kaya't doon na siya muling kinabahan, "Galit ka ba?" Pagtatanong niya sa binata, ngunit hindi man lang ito nag-abalang kibuin siya. "Lucas... H-hindi ko talaga alam kung paano niya nalaman 'yung number ko. Iniiwasan ko na nga siya sa A.U. eh."

Hindi pa rin sumasagot si Lucas, kaya't nakaisip ito ng isang kalokohan. Mabilis na iniahon ni Raffaella ang kanyang sarili sa shotgun seat, bago tinabig ang kanang kamay nito at dali-daling kumandong paharap sa binata.

Nagulat si Lucas sa biglang pagsulpot ng dalaga sa kanyang kandungan, mabuti na lang at maagap niyang naapakan ang brake ng sasakyan bago napasinghal, "What the fūck are you doing, Raffy? Are you insane!"

Humahalakhak lamang ito sabay sabing, "Baliw na baliw sa'yo. Rawr!" Nakakalokong saad nito na animo'y isang maharot na pusa, at bahagya pang kinagat ang kanang tenga ng binata.

Mabilis naman itong inilayo ni Lucas, "Shīt! Muntikan na tayong mabangga dahil sa ginawa mo, tapos 'yan lang ang sasabihin mo?!" Halos magdikit na ang mga kilay nito dahil sa kainisan.

Ipinulupot lamang ni Raffaella ang kanyang mga braso sa leeg nito, "Ayaw mo kasi akong pansinin eh," Kibit balikat na saad lang nito, ngunit umiwas lang ito ng tingin. "Lucas, kapag hindi mo pa ako sinagot maghuhubad ako sa harap mo. Sige ka!" Pagbabanta pa niya rito pero nananatili pa rin itong nakadungaw sa bintana.

"Sinusubukan mo talaga ako ha!" Sarkastikong saad ni Raffaella, bago dahan-dahang ibaba ang zipper ng kanyang suot na dress. Lumantad ang mumunting saplot na tumatabing sa katamtamang laki ng dibdib nito, ngunit nakita niya na hindi pa rin natitinag sa kanyang pangbabalewala si Lucas.

"Lucas naman eh—" Nagmamaktol niyang saad dito, bago napagpasiyahang umalis sa pagkakakandog sa binata.

Nang akmang aalis na ang dalaga sa kanyang kanlungan, ay mabilis itong pinigilan ni Lucas sabay sabing, "Nagseselos ako, Raffy." Malungkot na turan nito na siyang ikinabaling naman ng dalaga.

"Wala kang dapat ikabahala Lucas, dahil hinding-hindi ako gagawa ng bagay na ikakasira ng relasyon natin," Malambing niyang saad dito bago hinaplos ang pisngi ng kanyang kasintahan. "Teka nga, bakit parang ang lakas ng insecurity mo pagdating kay Ba— pagdating sa lalaking 'yon?"

"Dahil magka-edad kayo."

"So? Ano naman kung magka-edad kami, purket magka-edad bagay na gano'n?" Natatawang wika niya rito, dahil hindi niya alam kung saan humuhugot ng nararamdaman si Lucas sa usapin iyon.

"I'm just scared okay... I'm scared of the thought that you might be falling in love with another guy na kasing edad mo. Compared to me— Our differences, our fūcking age gap."

Napangiti naman si Raffaella sa ipinapakitang pagpapahalaga ni Lucas sa kanilang relasyon. Mabilis niya itong hinawakan sa magkabilang pisngi sabay sabing, "Mahal kita kahit gaano pa kalaki ang agwat ng edad natin. Sabi nga nila, age doesn't really matter. Ang importante ay mahal mo ako at gano'n din ako sa'yo. Actually, crush ka nga ng mga blockmates ko eh, ipahiram daw kita sa kanila kahit isang gabi lang. Sinabunutan ko nga 'yung mga lokaret." Natatawang saad niya rito.

"Why did you do that?"

"Aba! Ano sila sinuswerte? Ako nga hindi pa nakaka-second base sa'yo, tapos sila uunahan pa ako? Saka akin ka lang noh— Si Lucas ay para kay Raffaella na maganda lamang. Sabayan mo ako, dali!" Saad pa niya rito bago itinaas sa ere ang kanang kamay ng binata, na animo'y sumusumpa.

Mabilis namang sinunod ni Lucas ang kagustuhan nito at sabay nilang isinambit ang mga katagang, "Si Lucas ay para kay Raffaella lamang."

"Very good! Basta akin ka lang ha? Sasaktan ko ang lahat ng magtatangkang umagaw sa'yo. Itaga mo 'yan sa abs mong yummy!" Nakangisi niyang wika saka ipinadausdos ang kanyang hintuturo sa dibdib ng binata, pababa sa matitigas nitong abs.

Nang akmang hahalikan na ito ni Lucas ay mabilis na pumapalakpak ang dalaga, bago tuluyang umalis sa kanlungan ng kanyang kasintahan.

"Hey, bakit ka umalis?" Nakangusong usal ni Lucas na animo'y hirap na hirap na sambitin ang katagang iyon.

Dagli namang isinara ni Raffaella ang zipper ng kanyang dress saka niya ito binalingan, "Your time is up, Mi Lucas. Arte mo pa kasi eh." Walang muwang na saad nito bago isinuot ang kanyang seatbelt.

Maagap namang hinablot ni Lucas ang kaliwang kamay nito bago ito inilagay sa kanyang umuumbok na poste, "That's you're effect on me, Mi Bella. Kaya the next time you'll try to tempt nor tease me, I'll make sure I will not let you escape. Mark my word, Raffy. When I say it, I fūcking mean it, kahit saang lupalop pa tayo makarating." Nakakalokong saad nito bago tuluyang pinaandar ang kanyang sasakyan.

Palihim na binawi naman ni Raffaella ang kanyang kamay rito. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi, at alam na alam niya kung anong ibig sabihin ni Lucas sa mga katagang iyon.

Shīt na malagkit ka talaga Raffy! Harot pa more! Pangangaral ng dalaga sa kanyang isip, bago napangiwi ng palihim.



*****


Bahalakadyan Raffy! 😹😹😹 Basta ako inosente ako sa mga ganyan. 🙈🙈🙈


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top