NW Chapter: 27

Maraming Salamat sa mainit na pagsalubong, Lovies! ❤️

Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal at pagsuporta niyo sa akin, dahil sa mga komento at pagboto niyo. Bilang ganti, isang update ulit para sa inyo! 😘


*****


Continuation:

"Raffy— Raffy, wait!" Humahangos na saad ni Lucas, habang patuloy ito sa pagsunod sa kakatawid lang ng kalsada na si Raffaella.

Matapos kasi siyang iwan ng dalaga sa restaurant, ay bigla siyang inusig ng kanyang konsensya dahil sa ipinakitang pagseselos sa lalaking nagngangalang Barry. Napagtanto ni Lucas na mas matimbang pa rin ang kanyang pagmamahal kay Raffaella, kaya't hindi niya kayang sikmurain na lumipas ang ilang minuto na tuluyan silang magkagalit nito.

"Raffy! Can you please hold on a sec? Mag-usap naman tayo please..." Mapanuyo pa niyang turan dito, bago tuluyang naabutan ang nagmamaktol na kasintahan.

Lukot ang mukha na binalingan lamang ito ni Raffaella sabay sabing, "Then talk." Walang ganang saad nitong bago hinalukipikip ang mga braso.

Naestatwa naman si Lucas dahil sa pamilyar na pamamaraan nito nang pakikipag-usap sa kanya. Sing bilis ng kidlat siyang binalikan ng kanyang pagsusungit kanina, kaya naman sa puntong iyon ay parang nalunok na niya ang sariling dila dahil sa ganti ng pagkakataon.

"Well?" Iritableng wika lang ni Raffaella rito.

Walang katiyakang hinawakan ni Lucas ang mga kamay ng kanyang kasintahan sabay sabing, "Raffy— Sorry if my bad temper overruled. I knew that habit was wrong, pero hindi mo mai-aalis sa akin ang mag-alala. I know his inland behavior, he is the type of jigger that won't allow to lose something he really want." Makulugang sambit nito habang pilit na hinuhuli ang paningin ng dalaga.

Walang gana naman itong tiningnan ni Raffaella, "Bakit, sa tingin mo magpapabola ako sa womanizer na 'yon? Hindi ako katulad ng mga babae sa A.U. na isang ngiti lang ni Barry ay parang mga eng-eng na literal na nalalaglagan ng panty. Tsss..." Anito bago nagpakawala ng isang mapaklang buntong hininga.

Dagling hinawakan ni Lucas ang baba nito upang pagpantayin ang kanilang mga paningin, "Raffy, just look at me, please." Nagsusumamong saad ng binata habang ang kaliwang kamay ay nakapulupot sa bewang ng dalaga.

Mabigat ang loob na binalingan naman ito ni Raffaella. Ngunit hindi pa rin maitatanggi ang pagdaramdam sa itsura nito ngayon.

Kapos sa lakas ng loob na hinarap ni Lucas ang kinahinatnan ng kanyang pagseselos, kaya't mataman niyang tiningnan diretso sa mga mata ang kanyang kasintahan, "Don't grudge yourself on me, Mi Bella... I know you're having distress and trouble with our situation, in my temperament and jealousy. I know very well, that I sounded and acting too clingy and possessively, pero nagagawa ko lang ang mga bagay na iyon dahil mahal na mahal kita."

"Lucas, alam mo naman kung gaano kita kamahal, napapagod na rin ako sa sitwasyon nating ganito. Sarado ang isip mo para pakinggan ang mga bagay na dapat ay iniintindi mo. Hangga't maaari ay ayaw kong magkatampuhan tayo, dahil nasasaktan ako sa tuwing pinapairal natin ang walang kakwenta-kwentang mga bagay kesa sa dapat nating pagtuunan ng pansin." Madamdaming wika ni Raffaella at sa puntong iyon ay tuluyan nang bumuhos ang kanyang mga luha.

Kitang-kita ni Lucas sa mukha ng dalaga kung paano ito nasaktan sa kanilang pagtatalo. Dagli niya itong niyakap ng sobrang higpit sabay sabing, "I'm sorry Mi Bella, I'm so sorry... Hindi ko dapat pinairal ang pagseselos ko." Aniya rito habang patuloy sa paghagod ng kanyang kamay sa likuran ng kanyang kasintahan.

Mabilis naman itong niyakap ni Raffaella pabalik, dahil hindi rin niya kayang magakatampun sila ng binata. Naisip niya na ibang-iba na ang Lucas na kayakap niya ngayon, kumpara sa Lucas na nakilala niya noon. Bukod sa pagiging masungit, matigas ang puso at nuknukan ng pagkababaero ay hinding-hindi mo ito kakikitaan ng anumang emosyon. Laking pasasalamat na lang niya at nakayanan niyang paamuhin ang isang leon sa sarili nitong kaharian.

Matapos sa kanilang pagkakayapos ay agad humiwalay si Lucas dito sabay sabing, "So, are we good?" Malambing niyang usal habang hinahaplos ang kaliwang pisngi ng dalaga.

"Hmmm... Slight!" Anito at pakunwari'y nag-iisip pa.

Humagalpak naman ng tawa si Lucas, dahil nabatid niya na sumilay ang lihim na pagngiti rito, "What should I do to make you forgive me? As in 'yung 100% na okay na tayo?"

Ngumisi naman si Raffaella rito, "Ano sa tingin mong masarap gawin na espesyal ngayong araw ng mga puso?" Nakakalokong turan nito habang taas-baba ang mga kilay, na animo'y may gustong ipahiwatig.

Maagap namang nag-init ang katawang lupa ni Lucas, dahil sa imbitasyon na iyon mula sa kanyang kasintahan. Bahagya pa siyang kinabahan sa isipin na iyon, dahil simula nang makilala niya si Raffaella pitong buwan na ang nakararaan, ni minsan ay hindi na sumagi sa kanyang isipan ang magpantasiya pa sa ibang kababaihan.

"A-are you sure about that, Mi Bella? I-I mean are you ready or open for that matter?" May halong kasabikan na usal ni Lucas, na kulang na lang ay gusto nang sunggaban ang pagkakataon na ipinapahiwatig nito.

"Open na open Mi Lucas, gusto mo ipakita ko pa sa'yo kung gaano ako kagaling at ka-expert sa bagay na 'yon eh." Mapang-akit na saad pa ni Raffaella saka kinindatan ang binata.

Mabilis namang niluwagan ni Lucas ang kwelyo ng kanyang suot na long black sleeves. Dahil sa puntong iyon ay bigla siyang pinagpawisan nang malamig. Pawisan dahil sa kasabikan na maisakatuparan ang hiling ng kanyang nagbabagang sistema, "Then I will take you to my pad, para mas intimate and memorable because it's our first time." Namamaos na saad ng binata bago kinabig si Raffaella upang pagdikitin ang kanilang mga katawan.

Nagulat naman ang dalaga sa ginawa nito at hindi niya tuloy maiwasang magpakawala ng isang halakhak dahil parang nahuhulaan na niya ang kapilyuhan na tumatakbo sa isipan ni Lucas ngayon, "Hahaha! Mi Lucas, ang green mo masyado! Kaloka ka!" Napapailing niyang sambit saka bahagyang pinisil ang pisngi nito.

Mabilis namang nag-isang linya ang mga kilay ng binata, "W-what are you saying, Raffy. D-don't tell me—" Natigilan ito panandalian nang mapagtantong magkaiba pala ang kanilang iniisip. Dagli niyang isinubsob ang mukha sa kaliwang leeg ng dalaga sabay sabing, "Damn! I can't believe that my fūcking senses have fūcking gone through my mind!" Inis na bulyaw pa nito dahil sa inabot niyang kahihiyan.

"Hahaha!" Halakhak ng dalaga. "Ikaw Mi Lucas— Hindi ko alam na may something greeny na palang tumatakbo sa utak mo ha!" Humahalakhak na saad nito upang tuksuhin pa ang nakasubsob niyang kasintahan.

Nang marinig iyon ni Lucas ay agad itong lumayo sa kanyang pagkakabuog, "T-that's not true, Raffy... I-I thought— I thought, you... You want to— Argh! Fūcking Lucas!"

Hindi na maituwid ni Lucas ang kanyang mga sasabihin. Kulang na lang ay gusto na niyang maglaho na parang bula, dahil ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. Ngayon lang siya napahiya sa bagay na iyon, kung saan siya'y eksperto at talagang naghahari. Noon ay ang mga babae pa ang nagsusumamo kay Lucas, upang mapagbigyan lang niya ang mga ito na dalhin sa rurok ng kasarapan.

Mabilis naman itong hinalikan ni Raffaella sa labi, "Don't worry Greeny Lucas, open din ako riyan kaya stay put ka lang," Makahulugang saad niya rito bago nakangising kinindatan ang binata. "Tara, alis na tayo." Dagdag pa niya bago ito tuluyang tinalikuran patungo sa sasakyan.

"Raffy— wait!" Sigaw ni Lucas sa papalayong dalaga. "Where are we going?"

Mabilis naman itong hinarap ni Raffaella sabay sabing, "Sa lugar kung saan maaabot natin ang langit." Nakangising sagot niya rito. Nakita pa ni Raffaella ang maagap na pagkunot ng noo ni Lucas kaya't mabilis niya itong sinagot nang, "Sa theme park tayo pupunta, kung saan mayroong ferris wheel. Hahaha!"

Natatawang napailing na lang si Lucas sa katabaan ng utak ni Raffaella, kaya naman mabilis niya itong inakbayan, "You really know how to trick the hēll out of me, Missy!" Aniya bago pinisil ang ilong ng dalaga.

Mabilis naman itong tiningala ni Raffaella sabay sabing, "Because I know that you're a player, pero sorry ka na lang dahil ako ang coach mo! So, you better obey me and follow my rules, Mi Lucas. Hindi mo alam ang kayang gawin ni coach, kapag naughty boy ka." Pilyang saad niya bago bahagyang pinalo ang pang-upo ng kanyang kasintahan.

"Hahaha! Kulit mo talaga— Oo na po, susunod ako sa lahat ng gusto mo. Takot ko lang sa'yo." Nakangising sambit naman ni Lucas bago naglakad ang dalawa papasok sa kanyang sasakyan. Nilisan nila ang lugar na iyon, upang pumunta sa lugar kung saan sabay nilang maaabot ang langit. Sa ferris wheel.



*****


Kaloka ka, Raffy! 😂😂😂


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top