NW Chapter: 26
And I am finally back, Lovies! 😍
Pasensya na sa isang buwan na hiatus. Talagang nag-focus si Author sa Manuscript ng Naked Heart, kaya't natagalan ang aking pagbabalik. 😁✌️
So, kamusta kayo? May naghihintay pa ba ng update ng Team RAFCAS? 😅
Anyways, happy reading na lang sa mga naghihintay. 💋💋💋
*****
Mabilis lumipas ang mga araw at nagpatuloy sa pagiging malambing sa isa't isa sina Lucas at Raffaella. Nagawa nilang balansehin ang oras sa taliwas nilang mga schedule sa opisina't eskwelahan upang mapanatiling matatag ang kanilang relasyon. Minsan ay nagkakaroon ng kaonting tampuhan at hindi pagkakaintindihan, ngunit mas binibigyan nila nang pansin ang importansiya ng kanilang relasyon at pagmamahalan para sa isa't isa.
Araw ng mga puso, abala ang lahat ng mag-aaral sa klase na kinabibilangan ni Raffaella, nang biglang may kumatok sa pintuan ng kanilang classroom. Sabik na sabik ang lahat na makita ang isang mag-aaral na pumasok doon, bibit ang isang malaking plastic bag na punong-puno ng mga rosas, tsokolate, valentines card, at kung ano-ano pang pakulo na nais iparating ng isang kapwa mag-aaral sa kanyang napupusuan.
"Sir, pwede na pong ibigay ang mga package?" Pasintabi nito sa propesor at agad naman itong tumango, bilang pagsang-ayon sa taunang pakulo ng unibersidad.
Isa-isang iniabot ng itinalagang kupido ang mga rosas at valentines card sa mga mag-aaral na nakapangalan dito. Hindi naman nag-abala pa si Raffaella na pansinin ang bagay na iyon, dahil para sa kanya'y wala namang mas hihigit pa sa ka-sweet-an ni Lucas para sa kanya. Itinuon na lang ni Raffaella ang atensyon sa kanyang telepono, upang tingnan kung may mensahe si Lucas.
Nasa ganoong posisyon ang dalaga nang biglang lumapit sa kanyang harapan ang itinalagang kupido, "To Ms. Raffaella Ocampo from Mr. Nice Guy." Saad lang nito bago ipinatong sa lamesa ng dalaga ang isang long stem white rose at valentines card na hindi ganoon kalakihan.
Kunot noong tinanggap naman ito ni Raffaella bago nagpasyang buksan ang nilalaman ng card. Nangunot ang kanyang noo nang makita ang mensaheng nakapaloob dito.
Meet me at the quadrangle; 3 p.m. Sharp!
May kailangan kang malaman, Raffy.
Palihim na nagmasid si Raffaella sa kanyang paligid. Ngunit wala naman siyang nakikitang kakaiba sa ikinikilos ng kanyang mga kaklase. Tanging masasayang aura at matatamis na ngiti lamang ang siyang pumapaloob sa nasabing silid. Kibit balikat lang niyang isinara ang card, bago tuluyang pinadalahan ng mensahe ang kanyang kasintahang si Lucas.
*****
Palaisipan na tinungo ni Raffaella ang nasabing lugar, kung saan nais makipagkita ng taong nagpadala sa kanya ng makahulugang mensaheng iyon. Dala lamang ng kanyang kuryusidad kung bakit napadpad ang kanyang mga paa sa isa sa malawak na lugar ng unibersidad.
Sandaling nagmasid ang dalaga sa kanyang paligid, sa pagbabaka-sakaling matumbok ang taong kanyang kikitain. Dumaan ang ilang minuto ngunit wala ni isang senyales na makapagsasabi kung sino at nasaan ang taong ito.
"Pinagti-trip-an lang yata ako ng mokong na 'to ahh." May himig inis na anas ni Raffaella bago napatingin sa kanyang telepono.
From: Mi Lucas ❤️
I'm on my way there, Mi Bella. See you in a bit. I love you.
"Shemay! Malapit na pala si Mi Lucas." Aligaga niyang saad sa kanyang sarili bago dali-daling tumalikod upang tumungo sa parking lot ng unibersidad.
Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ni Raffaella nang may biglang nagsalita sa kanyang likuran, "Hello Raffy..."
Baritonong boses ng isang lalaki ang pumukaw sa pandinig ng dalaga, kaya naman dahan-dahan niya itong hinarap dala ang matinding kuryusidad. Ganoon na lang nanlaki ang mga mata ni Raffaella nang makita ang kapwa niya mag-aaral, na siyang kilala sa buong unibersidad dahil sa taglay nitong kagalingan sa mundo ng soccer at pagmo-modelo.
"Barry?" Kunot noo niyang sambit dito.
Sumilay lang ang isang matamis na ngiti rito sabay sabing, "The one and only." Preskong saad ng binata, na siyang kinababaliwan ng mga mag-aaral ng Aston University.
Sandaling napaisip si Raffaella kung bakit biglaan siyang kinausap nito, samantalang kilala ang binata sa pagiging suplado at arrogante nito. Ilang sandali pa ang lumipas nang sumagi sa kanyang isipan, ang posibilidad na kung si Barry nga ba ang nagpadala sa kanya ng puting rosas at card, at ano ang ibig nitong patungkulan sa pagsasabi nito na may kailangan siyang malaman?
Bago pa man tuluyang makapagtanong ay naunahan na siya ni Barry na magsalita, "Mabuti naman at tinanggap mo 'yang pinadala ko sa'yo." Sambit nito habang diretsong nakatingin sa hawak ni Raffaella na puting rosas.
Mabilis naman itong binalingan ng dalaga sabay sabing, "Ah— Ito ba? Sa'yo pala galing ito..." Nahihiya niyang tugon at bahagya pang itinago sa kanyang likuran ang nasabing bagay.
"Yes... And I'm really glad, dahil hindi mo siya tinapon." Usal pa ng binata bago nagpakawala ng isang malakas na halakhak.
Alanganing napangiti na rin si Raffaella sa ipinapakita nitong kasiyahan. Sa totoo lang ay hindi siya komportable na kausapin si Barry, dahil sa mga buwan na lumipas ay hindi naman sila nabibigyan ng pagkakataon na makapag-usap gaya ngayon. Palagi lang niya nakikita ang binata sa ibabaw ng entablado kapag nagkakaroon ng mga programa ang kanilang unibersidad. O 'di naman kaya sa field kapag may ensayo at laban ito sa larangan ng soccer.
Nasisilayan sa bulletin board kapag nakakatanggap ito ng iba't ibang karangalan sa mga bagay na kanyang sinasalihan at napapalanunan. At higit sa lahat, bukambibig ito ng mga kababaihan sa kanilang unibersidad, dahil bukod sa kanyang mga karangalan at kagalingan ay hindi rin papatalo si Barry pagdating sa ka-gwapuhan.
"T-thank you nga pala rito..." Nahihiyang sambit lang ni Raffaella saka bahagyanb itinaas ang rosas na kanyang hawak. Nginitian lamang siya ng binata at doon na siya nagkaroon ng pagkakataon na alamin kung ano bang pakay nito. "Ah— Barry... Ano nga pala 'yung sinasabi mo sa letter na kailangan kong malaman?" Mausisa niyang turan dito.
Mabilis pa sa alas kwatro ang pag-iiba ng aura nito bago tuluyang hinarap ang dalaga nang seryoso, "Raffy, isa ka sa rumampa noong launching ng Luxxe Enchanteur Philippines 'di ba?"
Alanganing napatango lamang si Raffaella sa sinabi nito, "Bakit mo naman natanong?"
Sandali itong natigilan sabay sabing, "Ahh— W-wala naman, itatanong ko lang baka gusto mong sumama sa akin. Meron kaming photoshoot next week para sa org. ng soccer team. Naghahanap kasi kami ng isang babae para mag-represent bilang muse ng buong team. Nagbabala-sakali lang ako na baka gusto mo, tutal may experience ka na sa mga photoshoot."
Tiningnan lang ito ni Raffaella at kinakarkula kung ano ba talaga ang pakay nito. At bakit sa isang iglap ay naging interesado ito sa kanya nang ganoon-ganoon lamang.
"Raffy?" Pagtatanong pa nito sa dalaga.
Nagulat na lang si Raffaella nang bigla nitong hawakan ang kanyang kaliwang kamay. Pasimple niyang binawi ito sabay sabing, "Hindi naman sa ayaw ko, pero kailangan ba talaga na ako ang mag-muse sa inyo? Marami namang magaganda sa buong Aston University, bakit ako pa ang napili mo?" Alanganin pa niyang sambit dito.
"Dahil bukod sa nakarampa ka na sa L.E. Philippines, nasa'yo ang lahat ng quality na hinahanap namin ng buong team." Pursigidong saad ni Barry, na wala man lang pag-aalinlangan.
"Haaayyy... O sige na! Pumapayag na ako. Siguraduhin mo lang na manganda ako sa photoshoot ha?" Pambibiro ni Raffaella upang buwagin ang pader na humaharang sa kanilang dalawa.
"Talaga?" Masayang turan nito bago niyakap ng sobrang higpit ang dalaga. "Thank you, Raffy. You will never regret this."
Napapailing na tinapik lang ito ni Raffaella sa balikat bago tuluyang kumalas sa pagkakayakap ng binata, "Sige Barry, mauuna na ako..."
"Hatid na kita..." Pagpi-prisinta pa nito.
Mabilis naman itong hinarap ni Raffaella sabay sabing, "Naku! Naku! Hindi na, seloso kasi ang boyfriend ko. Baka kung ano pang isipin niya sa ati—"
Hindi na natuloy ni Raffaella ang kanyang sasabihin nang marinig ang boses ni Lucas sa kanyang likuran, "Raffy!"
May diin na anas nito kaya't maagap itong nilingon ng dalaga, "M-mi Lucas..." Aniya at dagling lumapit dito bago humalik sa labi ng kanyang kasintahan. "K-kanina ka pa?" Kabadong saad pa ni Raffaella rito.
Hindi naman nag-abalang sumagot si Lucas at tanging diretso lamang ang paningin nito sa kinatatayuan ni Barry. Seryoso na ang itsura nito ngayon, at alam na alam ni Raffaella kung anong ipinapahiwatig ng mga titig na iyon.
"T-tara na Mi Lucas... May date pa tayo ' di ba?" Nanginginig ang mga kamay na turan niya rito bago tuluyang hinila ang binata papalyo sa quadrangle.
Laking pasasalamat ni Raffaella at mabilis din naman itong sumunod sa kanyang kagustuhan. Palihim niyang binalingan si Barry, at kitang-kita niya ang nakakalokong pagsilay ng ngiti nito. Hindi naman binigyan pansin pa ng dalaga ang bagay na iyon, at inihanda na lamang niya ang kanyang sarili sa panibagong argumentong kanyang kakaharapin.
*****
Ngayon ay tahimik na kumakain sa isang mamahaling restaurant ang magkasintahan. Hindi na mapakali si Raffaella sa kanyang kinauupuan, dahil sa pananahimik at hindi pagkibo ni Lucas sa kanya. Pilit niya itong kinakausap, ngunit tanging tamad na pagtango at pag-iling lang ang isinasagot nito sa kanya.
Hindi na matiis ni Raffaella ang katahimikan na iyon, kaya't mabilis niyang inisang lagok ang wine sa kanyang kopita bago hinarap ang binata, "Lucas mag-usap nga tayo!" Nagpipigil niyang anas, dahil ayaw niyang ipahalata sa mga taong kumakain doon ang kanilang pagtatalo.
"Then talk..." Walang ganang saad lang ng binata habang nakatuon ang atensyon sa pira-piraso niyang medium rare steak.
"Ano bang problema mo? Bakit ka ba parang tuod diyan na hindi makausap ng matino?" Inis na saad ng dalaga.
"You tell the hēll out of me, Raffy! What do you think the fūcking reason, bakit ako nagkakaganito?!" At sa puntong iyon ay parang isang bulkan na biglang sumabog ang galit ni Lucas ng mga sandaling sambitin niya ang mga nagbabagang salitang iyon.
Napailing na lang si Raffaella ng marinig ang saloobin nito. Naisip niya na mahirap pala talagang pag-usapan ang isang bagay lalo pa't matagal itong kinimkim ng isang tao.
Humugot muna siya ng isang malalim na hindi, dahil ayaw niyang sagupain ang init ng ulo nito, "Sinabi ko na sa'yo kanina kung bakit ako kinausap ni Barry 'di ba? Ano pa bang gusto mong sabihin ko Lucas? Hindi na kita maintindihan eh. Puro ka selos, wala namang dapat pagselosan." At sa puntong iyon ay tuluyan nang nawalan ng gana ang dalaga, dahil sa paulit-ulit at pabalik-balik nilang usapan ni Lucas.
Sarkastikong ngumiti lang ang binata sabay sabing, "You really don't have any idea, kung paano ka tingnan ng lalaking 'yon, do you?" Pagtatanong nito sa nakabusangot na dalaga.
"Bahala ka! Hindi tayo matatapos sa usapin na 'to, kung patuloy mong papairalin ang selos mo." Matapos ibulalas ni Raffaella ang mga salitang iyon, ay mabilis nitong kinuha ang kanyang bag at dali-daling nilisan ang lugar na iyon.
*****
Awww-- 😪😪😪
Sino nga ba si Barry, at ano ang magiging papel at epekto nito sa relasyon ng ating mga bida?
Abangan...
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top