NW Chapter: 25

Continuation:


Matapos mag-ayos ng kanyang sarili ay dali-daling lumabas si Raffaella ng comfort room. Ngunit agad napahinto ang kanyang mga paa sa paglalakad, nang mabungaran si Lucas sa labas ng banyo.

Nakasandal ito sa pader, na animo'y inip na inip sa kanyang paghihintay. Nakapamulsa ang mga kamay sa suot na khaki pants na kulay asul, habang ang suot na longsleeves naman ay itinupi hanggang siko.

Halatang nasa malalim itong pag-iisip, dahil sa hindi nito alertong pakiramdam para mapansin ang kanyang presensya. Wala naman sa sariling napaimik si Raffaella rito dahil sa kainisan, "Oh, sa kabila ang boys room." Mataray niyang turan bago tuluyang nilampasan ang binata.

Nakakailang habang pa lamang si Raffaella nang biglang magsalita si Lucas, "I miss you, Raffy..." Malungkot na usal nito, kaya't agad napahinto sa kanyang paghakbang ang dalaga.

Palihim na napahawak si Raffaella sa kanyang dibdib, dahil sa biglaang pagkabog nito. Hindi niya mapigilang kabahan sa pagkakataong iyon, dahil ramdam niya ang senseridad sa boses ni Lucas nang sambitin nito ang mga katagang iyon.

Mariin na napapikit na lamang si Raffaella, upang pakalmahin ang naghuhurementado niyang kalooban, na anumang oras ay pwede nang bumigay dahil sa labis na pangungulila niya sa binata.

"Isa, dalawa, tatlo... Apat at ikalma ang pang-lima..." Sa huling numero nang pagbibilang sa kanyang isipan, ay tuluyan nang humayo ang kanyang pagkabalisa't pananabik kay Lucas, saka ito taas noong hinarap, "Sa susunod na sasabihin mo sa akin ang mga katagang 'yan, siguraduhin mo muna na totoo at hindi dahil trip-trip mo lang." mapakla niyang anas dito bago tuluyang nilisan ang pasilyo na kanilang hinintuan.

Inilang hakbang lamang ni Lucas ang kanilang pagitan ni Raffaella, bago ito mabilis na hinablot sa kanang braso bago isinandal sa pader. Itinukod niya ang kanyang mga kamay habang nakakulong sa pagitan ng kanyang mga bisig ang dalaga.

"You know me, Raffy... If I say something, you fūcking know that I mean it!" Tiim bagang na anas ni Lucas, ngunit mababatid mo rin ang kasabikan sa boses nito. Kasabikan para sa dalaga.

Halos pigil ang hiningang nakatitig lamang si Raffaella sa mga mata ng binata, at kitang-kita niya ang paghihirap at pangungulila na pilit na nagkukubli sa likod ng mala-bossy na pag-uugali't pinapakita nito.

"L-lucas..." Tanging sambit lamang ng dalaga rito, habang pilit kumakawala sa pagitan ng mga braso ng binata.

"I don't know what you do to me, Raffy... B-but you cleverly and expertly do it well..." Walang lakas na usal nito, na animo'y hirap na hirap na sa kanyang kalagayan.

Halos mabingi na si Raffaella sa lakas ng kabog ng kanyang dibdid. Iniisip niya na napakalas talaga ng epekto ni Lucas sa kanyang sistema, na kahit sa simpleng salita lamang nito ay talagang nadadala na ang kanyang buong ulirat at pagkatao, isama mo pa pati na ang kanyang kaluluwa.

"M-malay ko sayo..." Aniya para kahit papaano ay maibulalas ang kaba sa kanyang dibdib.

Dahan-dahang hinaplos ni Lucas ang kaliwang pisngi ni Raffaella sabay sabing, "I-I think... I am truly under your spell, Mi Bella..."

Matapos sambitin ng binata ang mga katagang iyon, ay mabilis niyang pinaghinang ang kanilang mga labi na animo'y uhaw na uhaw na malasap muli ang labing pag-aari ng dalaga. Sa bawat paglapat at mga matatamis na halik ni Lucas, ay tuluyan nang nahulog si Raffaella rito at walang alinlangang tinumbasan ang mapupusok at punong-puno ng pananabik na halik ng binata.

Ang bugso ng kanilang mga damdamin na nagpapahiwatig, kung gaano nila ka-gustong iparamdam sa isa't isa ang namumuong damdamin na patuloy na itinatago't, ni hindi masabi kahit sa simpleng salita man lamang.

Those naked words that never been spoken, can feel nor whisper to each other from heart-to-heart without saying it aloud. Kaya naman nagpatuloy sina Lucas at Raffaella sa kanilang maalab na mga halik, na parang wala nang bukas.

Nasa ganoong posisyon sina Lucas at Raffaella nang biglang may nagsalita sa likuran ng binata, "Luke?" mahinhin na tinig ng isang babae, kaya't mabilis na nahinto ang kanilang nagliliyab na sensasyon.

Dagli namang napaling ang atensyon ni Raffaella sa pinanggalingan ng boses na iyon at agad namula ang kanyang mga pisngi, nang makita ang babaeng mala-anghel na kasama ng binata kanina.

"Viv..." Gulat na usal naman ni Lucas, saka inayos ang kanyang sarili.

Kitang-kita ni Raffaella kung paano namutla ang mukha ng binata, nang makita nito ang bulto ng babaeng sopistokada at halatang nailang pa si Lucas dahil sa pagkakahuli nito sa kanilang ginagawa.

"Luke... Who is she?" Kalmadong saad ng dalagang nagngangalang 'Viv' habang papalit-palit ang tingin sa dalawa.

Sandaling nilingon ni Lucas si Raffaella saka tuluyang binalingan ang dalaga, "Vivian... I'd like to introduce you, Raffy... My friend..."

Sa isa na namang pagkakataon, ay muling napailing si Raffaella sa paraan ng pagpapakilala ni Lucas sa kanya. Pakiramdam niya ay gusto na niyang matunaw sa kanyang kinatatayuan, dahil sa panibagong kahihiyan na kanyang kinakaharap ngayon.

Ngunit agad napukaw ang atensyon ni Raffaella nang magsalita si Vivian, "Oh! The 'Raffy'... Raffaella that we're talking about?" May himig interesadong saad lang nito, bago pinagkrus ang kanyang mga braso.

Supladong tumango naman si Lucas sa sinabi nito, na animo'y walang gana sa nais sabihin ni Vivian.

Napayuko na lang si Raffaella nang marinig ang sinabi ng dalaga, "Shuta! Pinag-uusapan pa pala ako ng mga sosyal na 'to." Palihim na bulalas ng dalaga sa hangin habang hindi makatingin ng diretso sa mga ito.

"It was nice to finally meet you, Raffy..." Biglang saad ni Vivian at dali-daling hinablot ang kanang kamay ni Raffaella. "I am Vivian, by the way." Pagpapakilala nito sa kanyang sarili.

Kahit naguguluhan ay tinanggap na rin ni Raffaella ang kamay nito, saka nakipag-shake hands sa dalaga, "Raffy..." Alanganing turan lang niya rito, dahil hindi makuha ng dalaga kung bakit ganoon na lang kagalak ang pagpapakilala ni Vivian sa kanya.

Nang maghiwalay ang kamay ng mga dalaga ay mabilis nagsalita si Lucas, "Viv... Can you give us some time, alone?" seryosong saad lang nito sa dalaga.

"Sure couz..." Sagot naman ni Vivian saka binalingan si Raffaella. "See you around, Raffy..." nakangiting turan pa nito bago tuluyang pumasok sa loob ng girls room.

Kunot noong sinundan na lang ng tingin ni Raffaella ang dalaga, na animo'y gulong-gulo sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung barado lang ba ang kanyang tenga, o sadyang tama lamang ang kanyang narinig na tinawag na 'couz' ni Vivian ang binatang si Lucas.

"Mag-pinsan sila?" Gulong-gulong saad ni Raffaella sa kanyang sarili.

Nang tuluyang makaalis si Vivian ay biglang nagsalita si Lucas, "What are you doing here?"

Tiningnan lang ito ni Raffaella bago ipinakita ang kanyang passes, kung saan nagsasabi na isa siyang brand ambassdress sa event na nagaganap sa Luxurious Bar.

Nagpatango-tango lamang si Lucas na animo'y nakuha agad ang nais iparating ng dalaga, "Maaga ang pasok mo bukas, right? Then, why are you still here?" Maawtoridad na usal ng binata habang titig na titig sa mukha nito.

"Raket, pandagdag budget..." Kibit balikat na wika ni Raffaella, saka umiwas ng tingin. Ramdam ng dalaga na sa kanya lamang nakatuon ang buong atensyon ni Lucas kaya't hindi na niya napigilang mapakagat ng kanyang ibabang labi, upang doon ituon ang kanyang pagkailang sa mga titig nito.

Sandaling katahimikan ang pumagitna sa dalawa nang may biglang tumawag sa Raffaella, "Hey beautiful!" Lango sa alak na sambit ng lalaking nakasalamuha niya kanina. Maagap itong lumapit sa kanilang kinatatayuan at walang sabi-sabing inakbayan si Raffaella.

"S-sir! Mu-mukang marami-rami na po ang nainom niyo ahh." Alanganin niyang saad dito saka mabilis na kumawala sa pagkaka-akbay nito. Mabilis binalingan ng tingin ni Raffaella si Lucas, at ganoon na lang namilog ang kanyang mga mata nang makita ang madilim na awra nito.

Kitang-kita niya kung paano nag-alab ang mga titig ni Lucas sa lalaking kausap niya ngayon, na kulang na lang ay maupos ito sa kanyang kinatatayuan dahil sa nagliliyab at matatalim na tingin na iginagawad ni Lucas dito.

"K-konti lang..." Nakangising usal ng lalaking tisoy sa dalaga. "You tricked the hell out of me kanina... Baka naman pwede mo na kaming samahan ngayon, then I can take care of you after." Dagdag pa nito saka sinuyod ng namumungay na tingin ang kabuuan ng dalaga.

Sasagot na sana si Raffaella nang biglang magsalita si Lucas, "That's not gonna happen dude," Seryosong usal nito bago inakbayan ang dalaga. "I can perfectly take my girl home. She's already taken, so thank you for your nasty offer." Maangas na anas ni Lucas bago dali-daling hinablot ang kamay ni Raffaella papalabas ng Luxurious Bar.

Tangan-tangan ang kanang kamay ng dalaga, ay mabilis na nilisan nina Lucas at Raffaella ang establisyamentong iyon papunta sa parking lot. Maagap na binuksan ni Lucas ang pintuan ng passenger seat sabay sabing, "Get in... We need to talk."

Tiningnan lang ito ni Raffaella, "Hindi ko na kailangang sumakay sa kotse mo. Sabihin mo na ang sasabihin mo, para makabalik na ako sa loob." Mataray niyang saad dito saka ito hinalukipkipan ng mga braso.

Humugot muna ng isang malalim na buntong hininga si Lucas dahil sa katigasan ng ulo ng dalaga, "Please, Raffy... I'm asking you politely, don't be such a stubborn tantrum child." Walang pasensyang usal nito, na animo'y nagpipigil lang ng kanyang inis.

"Tantrums? Anong tingin mo sa akin, batang papansin?! Aba, ayos ka ha!" Bulyaw ni Raffaella bago maagap na tinalikuran ang binata.

Mabilis na naglakad ang dalaga patungo sa pintuan ng Bar. Ngunit ilang hakbang pa lamang ang kanyang nagagawa, nang biglang maramdaman niyang lumutang sa ere ang kanyang buong katawan.

Buong lakas na binitbit ni Lucas ang dalaga na parang isang sako ng bigas, para pwersahan itong maipasok sa loob ng kanyang sasakyan.

"Don't you dare, Raffy!" Maawtoridad na usal nito nang magtangkang lumabas si Raffaella sa kanyang sasakyan.

Natulala naman si Raffaella sa biglaang pagbulyaw ng binata, at para siyang isang batang paslit na biglang nanahimik dahil sa nasermunan ito ng kanyang magulang.

"O, akala ko ba mag-uusap lang tayo? Bakit mo naman biglang pinaandar 'tong kotse mo?" May himig inis na sambit ng dalaga, dahil sa arroganteng ipinapakita sa kanya ni Lucas.

"I will take you to my pad, mas makakapag-usap tayo ng maayos doon..." Anito at tuluyan nang nilisan ang lugar na iyon.


*****


Mabilis narating nina Lucas at Raffaella ang kanyang penthouse at padabog na umupo na lang ang dalaga sa couch, bago pinagkrus ang kanyang mga braso, "O nandito na tayo, sabihin mo na kung anong pag-uusapan natin."

Tahimik na naupo naman si Lucas sa tabi nito, at maagap na hinablot ang mga kamay ng dalaga, "Raffy... I know that I've been jerk the whole time," Panimula ng binata. "I'm a fūcking bastard na hindi dapat pinapakinggan dahil sa pagka-gago ko. But Raffy... For almost two weeks that we're not together, I realize something that really drives me insane!"

Nakikinig lang si Raffaella sa mga sinasabi nito, ngunit habang tumatagal ay kinakabahan siya sa kahahantungan ng mga sinasabi ni Lucas. Dahil ang bawat sitwasyon at pagkakataon ay may dalawang sagot lamang ito.

Isang masakit at masayang katotohanan.

"I've realized that I'm not truly scared of commitments. I'm only just scared of the thought of putting my all into someone and ending up with nothing in return. I'm afraid that my relationship will fail and end like my parents' situation." Madamdaming usal ni Lucas at sa puntong iyon ay unti-unti nang nagbagsakan ang mga luha nito dahil sa bigat na kanyang nararamdaman.

Halos hindi na makahinga si Raffaella sa kanyang mga naririnig mula sa binata. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ka-vocal sa kanyang pagpapahayag ng damdamin si Lucas, gayong nakilala niya ito na matigas at matapang ang personalidad.

"Raffy... I think I'm falling in love with you, and I do not know what I'm going to do, to keep this feelings away."

Natigilan si Raffaella nang marinig ang mga katagang iyon. Biglang huminto ang ikot ng kanyang mundo, at para siyang nabingi na hindi niya maintindihan dahil sa wakas, ito na ang pinakahihintay niyang sandali. Kung saan naibulalas na ni Lucas na mahal din siya nito. At hindi isang pag-aasam o guni-guni lamang.

"M-mahal mo na ako?" Hindi makapaniwalang saad ni Raffaella, dahil gusto niyang marinig na maisambit muli ni Lucas ang mga katagang iyon.

"Yes, Raffy... Mahal na kita, and I don't want to end this night, that I can not tell you how much I love you." Madamdaming saad ni Lucas, na walang pag-aalinlangan pa.

Mabilis namang itong hinalikan ni Raffaella sa labi sabay sabing, "Mahal na mahal din kita, Lucas!" Naluluhang sambit din ng dalaga, dahil sa wakas. Nakamit na niya ang matagal na niyang inaasam na mahalin ng binata.

Nakangiting pinagdikit naman ni Lucas ang kanilang mga noo, saka hinaplos ang kaliwang pisngi ng dalaga, "I'm so sorry if I was too late to imply my love for you. I can't afford a single day, if I can not be with you, Raffy. I want to kiss every corner of those lips of yours to express my love, which I have in my heart. I love you, Mi Bella..."

"I love you too, Mi Lucas... Always and forever!"

Matapos sambitin ni Raffaella ang mga katagang iyon, ay tuluyan nang pinaglapat ni Lucas ang kanilang mga labi at ipinaramdam sa pamamagitan ng mga halik, kung gaano nila kamahal ang isa't isa.



Photo CTTO





*****


Yieee! Official na ang Team RAFCAS! 😍😍😍


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top