NW Chapter: 22

Haven't proofread this Chappy, yet.
Gaya nga ng sabi ko, lahat ng stories ko ay raw/unedited, kaya po paki-intindi ng mga errors. Alrighty? 😉

Anyways, highways! Happy Reading, Lovies! ❤️


*****


Continuation:


Sa sobrang tagal nang biyahe ay hindi na napigilan pa ni Raffaella na mapahikab, "Gra..be! Para na akong buwaya na matapos mabusog ay gusto nang humilata." anito at pilit na iniinat ang buong katawan sa makipot na espasiyo na kanyang inuupuan.

Sandali naman siyang nilingon ni Lucas, "You can sleep first if you want to. I'll wake you up when we're in Bataan na." usal ni Lucas bago pilit inaabot ang pisngi ng dalaga para haplusin ito.

Dagliang hinuli ni Raffaella ang kanang kamay nito sabay sabing, "Wag na, kaya ko pa naman eh. Saka mabo-boring ka kapag natulog ang kagandahan ko. Ikaw din." pambibiro nito at dali-daling tinanggal ang kanyang sandals, bago ipinatong ang mga paa sa harap ng windshiled na kanyang kinauupuan.

Kahit abala sa kanyang pagmamaneho ay hindi nakatakas sa paningin ng binata ang kagandahan ng mga hita ni Raffaella. At dahil na rin sa araw na direstong tumatama sa mga binti't makinis na hita ng dalaga, ay batid ni Lucas ang biglaang pagbagal ng kanyang buong paligid sa hindi malamang dahilan.

Para siyang nanonood ng isang tv commercial ng body lotion, kung saan nasa slow-motion segment ang tema ng pagsilay ng camera sa kutis nito.

Napabalik na lang si Lucas sa kanyang katinuan nang marinig ang halakhak mula sa dalaga, "Hahaha! Hinay-hinay lang sa pagsilay Mi Lucas, mamaya niyan mabangga pa tayo, sige ka." nakangising pahayag ni Raffaella habang hindi mapalis ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.

Nagkunwaring tumikhim na lang ang binata sa kanyang harap-harapang pagkakahiya, "Ehem... Why do you women are fond of wearing short crappy shorts?" kunot noong tanong ni Lucas at maagap umiwas ng tingin.

"Eh sa gusto namin eh. Bakit, masama bang i-expose ang katangian na maganda sa aming mga babae?" nakakalokong saad lang ni Raffaella rito.

"Hindi naman sa gano'n... But look at that," anito at pasimpleng itinuro ang hita ng dalaga na nakabalandra. "That type of textile is way too short for a long-legged woman like you. Not to mention the lousier part."

"Lousy? Anong tingin mo sa suot ko, basura? Basahan gano'n?" may yamot na anas ni Raffaella rito.

"Hey... That's not what I meant," saad ng binata at bahagyang nilingon ang dalaga para makita ang itsura nito ngayon. Nakita niya na halos malukot na ang mukha nito't halatang na-offend sa kanyang mga nasabi. "Raffy, don't be upset about the things that I've said, please. I'm not insulting nor humiliating you." pang-aalo ni Lucas at mahahalata mo na ang pag-aalala sa boses nito.

"Talaga lang ha?" sarkastikong saad ng dalaga. "Sorry, pero iba ang dating sa akin ng mga sinabi mo. Masyado ka nang mapagpuna, FYI lang." dagdag pa nito saka hinalukipkip ang kanyang mga braso.

"I did not criticize the way you dress. It's just so happen that I care about you, and I don't want any guys drooling like an animal watching and lurking around you as if you were their next prey."

Mas humaba naman ang nguso ni Raffaella sa sinabi nito, "You care about me, but you sounded like you're not! Oh! English 'yan, para dama!" bulyaw niya saka umirap sa kawalan.

"Come on Raffy, you do know that I'm a straight forward person. Maybe my voice penetrated your ears like a bossy or manipulative way, but it's for your own good. Paano na lang kung hindi mo ako kasama, how can I protect you 'di ba?"

Hindi naman sumagot si Raffaella sa sinabi ng binata. Kaya naman si Lucas na muli ang nagsalita, "Want to hear more about what men think about you? As in brutally honest thoughts about your physical appearance?" pagtatanong pa ng binata.

Sandali niyang nilingon ang dalaga at kitang-kita ni Lucas na nagkibit-balikat lamang ito, habang ang aura ng mukha'y hindi na maipinta dahil sa kainisan.

"A lot of people would say you're sexy in a nice way. But to those people, especially men who are inferior to an extremely desirable woman like you, they imagined your body as a sēx symbol. To be honest, legs mo pa lang nakaka-arouse na." walang prenong usal nito na hindi man lang iniisip kung anong iisipin ng dalaga.

Bigla namang pinamulahan si Raffaella sa mga sinabi nito. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang mga paa, na nakapatong sa harap ng windshield bago pasimpleng inayos ang kanyang low waist maong shorts. Hindi na siya nakipagtalo pa, dahil alam ng dalaga na may punto naman ang lahat ng sinabi ni Lucas tungkol sa kanyang kasuotan.

Sandaling katahimikan ang pumagitna sa dalawa at nabatid ni Lucas ang biglaang pagkailang sa kanyang ni Raffaella. Kaya para maiwaksi ang pader na unti-unting nabubuo sa kanilang pagitan ay nagdesisyon siyang kausapin na itong muli.

"We are close to the next gasoline station. You can change your clothes if you're no longer comfortable wearing that." suhestiyon ng binata habang pasilay-silay sa nakabusangot na si Raffaella.

"Kanina komportable pa ako, pero ngayon nakakailang na kaya." mahina niyang bulalas dito.

"We will stop at the gasoline station, then." maawtoridad lang na usal ni Lucas habang nakatuon ang atensyon sa kalsada.

Matapos masabi ng binata ang mga katagang iyon ay maagap na tinanggal ni Raffaella ang kanyang seat belt, at dali-daling sumampa sa kanyang kinauupuan.

"Hey... What are you doing?" kunot noong tanong lang ni Lucas dito. Nakita niya kasi na mabilis na pumunta ang dalaga sa likod ng kanyang sasakyan, sa pamamagitan ng awang sa pagitang ng driver's seat at shotgun seat.

Sa halip na sumagot ay nagpatuloy lamang sa kanyang pakay ang dalaga, kaya naman muling nagsalita si Lucas, "Mi Bella... Hello?" aniya habang palipat-lipat ang paningin sa rear view mirron at kalsadang kanilang tinatahak.


"Hindi na natin kailangang huminto sa gasolinahan. Dito na ako mismo magpapalit ng damit." diretsong saad nito habang abala sa paghahalungkat ng kanyang mga gamit na inempake pa ni Mamu Penny.

"Are you out of your mind?!" gulat na bulyaw ni Lucas at hindi na maiwasang ayusin ang rear view mirror ng kanyang sasakyan, para tingnan kung itutuloy nga ng dalaga ang binabalak nito.

"Yes..." saad lang ni Raffaella saka nakakalokong nginitian ang gulat na gulat na si Lucas sa rear view mirror.

"Raffy, don't you dare doing that! I swear I wil..." hindi na naituloy ng binata ang kanyang sasabihin nang tuluyang hubarin ni Raffaella ang suot nitong itim na blouse. "Oh shīt!" biglang saad ni Lucas at mabilis na kinabig ang manibela pakanan dahil sa muntikang pagkabangga ng kanilang sasakyan sa kasalubong nitong motorsiklo.

Sandaling inihinto ng binata ang kanyang sasakyan sa gilid ng high-way at walang sabi-sabing bumaba ng kanyang sasakyan. Ilang minuto lang ang lumipas nang biglang katukin siya ni Raffaella sa bintana ng driver's seat. Kunot noo niya itong nilingon bago napapailing na pumasok sa loob ng kotse.

"What were you thinking ha?!" biglang singhal niya sa dalaga.

"Chillax..." sambit ni Raffaella habang pinipigil ang ngiti na gustong rumehistro sa kanyang mga labi. "Bakit ka ba nagagalit? Nagpalit lang naman ako ng damit ahh." walang muwang niyang saad ngunit sa loob-loob ng dalaga ay gusto na niyang humalakhak ng todo dahil sa ipinapakitang kainisan sa kanya ng binata.

Sa halip na sumagot ay napasuklay lamang si Lucas ng kanyang buhok gamit ang kanyang magkabilang kamay, bago tuluyang isinandal ang kanyang likod sa driver's seat. Ipinaling ng binata ang kanyang paningin sa labas ng bintana, para pigilin ang inis na nararamdaman niya para sa dalaga.

"Mi Lucas..." malambing na saad ni Raffaella at pakonti-konting hinihimas ang balikat nito. "H'wag ka nang magalit sa akin, please."

Napapikit lamang ang binata sa sinabi nito, ngunit hindi man lang nag-abalang tingnan ni lingunin si Raffaella. Tumaas ang lebel ng inis niya dahil sa katigasan ng ulo nito. Ayaw na niyang magsalita pa, dahil baka kung ano lamang ang lumabas na masasakit na salita sa kanyang bibig, kapag tuluyan pa niyang hinarap ito.

Napanguso naman si Raffaella sa hindi pagtugon nito, "Sorry na please..." pang-aalo niya ngunit hindi pa rin siya kinikibo nito. "Sige kung ayaw mo na talaga akong kausapin, aalis na lang ako." anito at dali-daling binuksan ang pintuan ng sasakyan.

Narinig na lang ni Lucas ang malakas na pagsara ng shotgun seat, kaya dali-dali niyang nilingon ito. Muli namang nadagdagan ang inis niya para kay Raffaella, nang makitang hindi naman pala ito tuluyang bumaba ng sasakyan. Isa na namang kalokohan ang pakana nito habang prenteng nakaupo sa kanyang pwesto.

"Choss, lang siyempre... Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para lakarin ang kahabaan ng high-way na 'to noh." nakangising saad ng dalaga habang taas-baba ang mga kilay na animo'y nang-aasar.

"Tsss..." tanging bulalas lang ni Lucas at tinangka pang umiwas ng tingin dito.

Bago pa mang tuluyang maihiwalay ng binata ang paningin sa dalaga, ay mabilis itong nakabig ni Raffaella sa batok at dali-daling nilapatan ng isang matamis na halik sa labi.

Matapos ang ilang segundo ay hindi man lang tumugon ang binata sa kanyang mga halik, kaya umalma na ang dalaga, "Mi Lucas naman ihh... Sorry na please." anito habang hindi pinapakawalan ang labi ng binata.

Ilang sandali pa ang lumipas nang tuluyang tugunan ni Lucas ang mga halik ni Raffaella. Tinumbasan niya ito ng isang mapusok at mala-metal na halik, at walang sabi-sabing inalalayan ang dalaga patungo sa ibabaw ng kanyang kanlungan. Nakasuot ngayon ang dalaga ng isang sundress na kulay itim, kaya't malayang nakarinyo ni Lucas ang makinis na hita nito, habang hindi napuputol ang kanilang mga halik.

Mapusok, marahas, at agresibo ang iginagawad na halik ng binata kay Raffaella. Kasabay ng mga mapangahas na pamamaraan na iyon, ay batid ng dalaga ang bahagyang pagdurugo ng kanyang mga labi. Gusto man niyang itigil ang impulsidong halik na kanilang pinagsasaluhan, ay hindi magawa ng dalaga dahil nagugustuhan na din niya ang mga halik nito, na animo'y lunod na lunod ngunit sa masarap na paraan.

Matapos magsawa sa labi ay bumaba ang mga halik ni Lucas patungo sa leeg ng dalaga. Masuyod niyang hinalikan ang bawat balat na umaakit sa kanyang katinuan, mula sa leeg patungo sa punong tenga ni Raffaella.

"Hmmm..."

Nang marinig ni Lucas ang kumawalang ungol mula sa dalaga, ay tuluyan siyang napabalik sa kanyang katinuan. Mabilis pa sa alas-kwatrong niyakap niya ito habang ang kanyang mukha ay nakasubsob sa kaliwang leeg ni Raffaella.

Kahit nagtataka ay hindi na rin nagsalita pa ang dalaga. Mabilis niyang inayos ang kanyang sarili bago tuluyang umalis sa kandungan ni Lucas. Tuptop ang bibig na dumungaw na lang si Raffella sa bintana, dahil sa mala-roller coaster ride na halik na kanilang pinagsaluhan. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ka-alerto ang lahat ng kanyang sistema, nang sandaling malunod siya sa mga halik ng binata.

Nasa ganoong pag-iisip ang dalaga nang biglang marinig niya ang pagbukas ng makina ng sasakyan. Hindi na siya nag-abalang lingunin pa si Lucas dahil sa kahihiyan at isinandal na lang ang kanyang likod sa passenger seat. Pilit niyang ipinipikit ang mga mata para magkunwaring tulog at hindi na mausisa pa ng binata.




*****


Inosente ako, bawal ako sa mga ganyan 🙈🙈🙈


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top