NW Chapter: 21

RAFFAELLA's POV:


Maaga akong sinundo ni Lucas sa bahay dahil gusto raw niya akong ipakilala sa Mommy niya. Kinabahan ako dahil hindi ko expected na hahantong kami sa ganito. Hindi ko tuloy maiwasang isipin, na baka nga... Baka nga meron naman talagang kami ni Lucas. Hindi lang siya ganoong ka-showy gaya ng mga ex-boyfriends ko na super duper PDA, pero sa una lang talaga magagaling at wala namang mga balls pagdating sa seryosong relasyon. Kaloka!

Naalala ko pa nang pahapyaw ang mga nai-kwento sa akin ni Lucas kahapon, na talagang ikinalungkot ko rin dahil sa pamamaraan niya ng pagku-kwento sa akin nang mga bagay na sumira sa kanilang pamilya...


"Kwento na dali..." masigla kong turan sa kanya para kahit papaano ay gumaan ang kanyang kalooban.

Nakita ko pa ang paghugot niya ng isang malalim na buntong-hininga bago ito nagsalita, "My Mom has been attempting to commit suicide several times, so Dad would stop his fraud and affair with other women." diretsong usal nito, na hindi man lang nabahala na ibahagi sa akin ang kanyang personal na problema.

Nabigla ako sa sinabi ni Lucas, ngunit hindi ako nagpahalata dahil baka mailang siya kapag nakita niya ang reaksyon ng muka ko't magbago pa ang isip niya na ikwento sa akin ang problema niya.

"Maayos ang pamilya namin noon. We see how Mom and Dad love each other, kulang na lang ay aakalain mong parang babago palang sila sa kanilang relasyon dahil sa pagiging sweet. But then as time went on, I started to question some of the things why Mom and Dad, are no longer sleeping in the same room and I realize that some of it didn't make sense. I noticed that there was a barrier that gradually sprouted between them, slowly destroying the admirable relationship they have." saad pa nito at nakita ko na lang ang unti-unting pamamasa ng kanyang mga mata.

"I was in College when I found out, right before my very eyes that my Dad is having an affair with the other woman. A fūcking young lady, who's the same age as mine!" tiim bagang na saad ni Lucas at nakita ko na lang na ang pagkuyumos ng hawak nitong table napkin.

"They were fūcking dating at the Mall, as if no one else around watching their repulsive and disgusting sweetness in public. Imagine, a fine young lady and a dirty old man melodiously walking in the center of a hurricane while their hands are intertwined together. Fūck it!" nasusuyang usal nito habang ang kilay niya ay nag-iisang linya na dahil sa kakunutan.

Ngayon ko lang napagtanto na malalim pala talaga ang pinaghuhugutan ni Lucas sa buhay, kaya siguro napakaseryoso niya sa buhay at minsan lang ito ngumiti. Masasabi kong isa na ako sa pinaka-swerteng tao sa mundo, dahil napapasaya ko siya kahit papaano.

"Bit by bit, the wonderful family that we have been suddenly shattered into pieces because of my Dad's fault and his mistress sinful sin. Well, that's not all... Until now, we still can not forgive Dad dahil patuloy pa rin siya sa pambababae niya. He left Mommy Em without any doubt. He left us without thinking about what our life would be if he wasn't beside us." may bahid hinanakit na sambit lang nito na talagang tumagos ultimo sa aking puso, na parang naramdaman ko rin ang sakit na kanyang nararamdaman.

"But good thing that I managed myself to fix all the trashes that he left in the ocean. I established the family and it's company that have been damaged by a negligent Father who is one, not responsible... Two a fūcktard old man na mahilig sa younger chicks. Tsk! And lastly, a comically funny dahil magaling lang for pleasuring himself using other woman and liberately exploding his dirty juices under his pants, na akala mo bagets." mapakla pang saad ni Lucas at sarkastiko lang itong napahalakhak sa mga bagay na kanyang nasabi.

Bahagya na lang akong ngumiti sa kanya para sang-ayunan ang mga sinabi niya. Ayoko namang magsabi nang kung anu-ano dahil wala ako sa posisyon para panghimasukan ang buhay nilang pamilya. Nagkunwari na lang akong sumubo ng marinara pasta at napabaling muli ang aking atensyon kay Lucas nang magsalita pa ito.

"That's why I really don't want a serious relationship. I don't know how to handle things and I don't want a commitment, masyadong madrama." biglang saad nito saka uminom ng kanyang red wine.

Biglang nag-init ang magkabilang tenga ko dahil sa sinabi ni Lucas. Tama nga ako, isang fling lang ang relasyon na meron kami. "Haaayyy..." biglang kumawala ang isang mahinagpis na buntong hininga sa aking sistema. Bahala na kahit marinig pa niya, talaga namang nalulungkot ako sa nalaman ko eh.

Nasa malalim na pag-iisip ako nang biglang maramdaman ko ang paghawak ni Lucas sa akin kamay, na malayang nakapatong sa lamesa, "Hey... Don't be sad... That was long time ago, when we haven't met yet. Noong hindi ko pa nakikita ang babaeng nagpapasaya sa akin." malambing na saad nito, kaya't tuluyan na akong napatingin sa kanyang mga mata.

"You're the only person who makes my heart beat faster and slower at the same time, Raffy..." seryosong usal pa ni Lucas bago tumayo at lumuhod sa aking harapan. "You make my heart beat harder and I'm totally addicted to that feeling, actually. Just a glance of your beautiful face, and nothing beats those butterflies I feel everytime when I'm around you." malambing niyan turan na siyang nakapag-patunaw sa puso ko.

Halos hindi na ako makapag-react sa tamis ng mga sinabi niya sa akin. Imagine, this is it na ito mga ateng! May nararamdaman na talaga si Lucas para sa akin! Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti dahil sa tuwa na nararamdaman ngayon ng puso ko. Bahala na si Batman! Basta ako mahal ko na talaga siya... At patuloy ko siyang mamahalin, kahit hindi man kami pareho nang nararamdaman para sa isa't isa.

Mabilis hinalikan ni Lucas ang mga kamay ko sabay sabing, "I have an idea..." nagniningning ang mga matang sambit nito habang nakatingala sa akin. "Why don't we visit Mommy Em tomorrow? What do you think?" pagtatanong nito habang hindi pa rin binibitawan ang mga kamay ko.

"Meet the Mommy agad?" pambibiro ko pa sa kanya, pero deep inside kinakabahan na ako. Paano kung hindi ako magustuhan ng Mommy niya di ba? Ayokong maligwak ganern agad ni future Mudra-in-law noh...

"Yes... Tutal na-open ko na naman sayo ang lahat about our family. So, might as well, it's time for you, to meet my family then? I'm sure Mommy Em will be very glad to meet you. Sige na pretty, please..." malambing niya turan bago hinalikhalikan ang mga kamay ko.

Sa sobrang kakulitan ni Lucas ay ura-urada na rin akong napasagot, "Oo na po, kulit mo." nakangiti kong sambit sa kanya.

Dahil sa taglay na katangkaran ni Lucas ay madali niyang nahalikan ang labi ko, kahit nakaluhod pa ito sabay sabing, "Thank you, Mi Bella..." masiglang saad niya bago tuluyang naupo sa kanyang kinauupuan kanina.


*****


"Ready?" biglang tanong ni Lucas, na siyang nakapag-pabalik sa akin sa realidad.

Nakangiti ko siyang binalingan sabay sabing, "Ready..." saka ko inayos ang aking seatbelt. "Bataan, here I come! Yahoo!" masigla kong saad at mahahalata mo ang kagalakan sa aking boses.

Mabilis namang isinuot ni Lucas ang kanyang mamahaling sun glasses saka sinimulang paandarin ang kanyang sasakyan papalayo sa lugar namin.

Ilang minuto pa lang kaming nagbibiyahe nang mapansin kong pumasok si Lucas sa isang drive-thru. Mabilis niyang binuksan ang bintana ng drivers seat saka umorder sa sensor machine, "I'll have two hash brown, please. Two Big Mac Burger, Large Fries and..." sandali akong binalingan ni Lucas. "What would like to drink, Mi Bella?" pagtatanong niya.

"Coke float, Mi Lucas." nakangiti kong sambit sa kanya.

Nginitian naman niya ako pabalik bago ibinalik ang kanyang atensyon sa machine, "One Large Coke Float and a roast coffee. Thank you!" pasasalamat nito bago pinaandar ang kanyang sasakyan sa drive-thru window.

Mabilis binayaran ni Lucas ang aming order at inalalayan ko naman siya para iayos ang mga pagkaim, "Ito ohh..." saad ko sa kanya bago iniabot yung burger.

Sandali akong nilingon ni Lucas, "I want you to feed me, please." nakangiti nitong saad sa akin.

Bahagya naman akong natawa sa paglalambing nito kaya inayos ko ang pagkakabukas ng burger niya sabay sabing, "Here comes the plane, baby Lucas..." natatawa kong turan bago isinubo sa kanya ang burger.

Daglian naman niyang kinagat iyon saka mabilis na hinalikan ang kamay ko, "Thank you, Mi Bella." ngumunguya niyang usal habang nakatuon ang atensyon diretso sa kalsada.

"Walang anuman, thank you rin sa treat." nakangiti kong wika kahit hindi naman niya nakikita ang itsura ko.

Naging maayos ang buong biyahe namin ni Lucas, nandyan 'yung sinasabayan ko yung kanta sa radyo niya na siyang ikinakatuwa niya. Pinapakain ko si Lucas ng order naming fast food, na animo'y para kaming magjowa na talaga. Ang sweet-sweet namin sa isa't isa, na ultimo siya ay hindi na napigilang i-holding hands ang kamay ko kahit busy siya sa pagmamaneho.

Abala ako sa pagsimot ng coke float ko nang bigla kaming abutan ng red stop light sa intersection na binabaybay namin. Hindi ko namalayan na kanina pa pala nakatingin sa akin si Lucas, kaya't habang nakabinbin sa labi ko ang bukas na paper-cup ng coke float ay dali-dali ko siyang binalingan.

"Gusto mo?" anyaya ko sa kanya habang inuumang ang baso at straw sa labi niya.

Tumango naman siya sa akin, at nang akmang ilalapit ko na 'yung straw sa labi niya ay nagulat ako sa ginawa nito. Mabilis akong hinalikan ni Lucas na animo'y nilalasap ang labi ko na parang nalalasahan na rin niya 'yung coke float na ininom ko.

Bago pa ako tuluyang makapag-react sa kanyang ginawa, ay mabilis din naman niyang pinaghiwalay ang mga labi namin sabay sabing, "I haven't tasted a beverage such as coke float, but I think I already liked the savor of that drink. Its taste is so sweet and too much addicting, especially when it comes to your lips." nakakalokong saad nito habang ilang pulgada lamang ang layo ng aming mga mukha.

Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi at wala akong ibang ginawa, kundi ang hintayin ang susunod na mangyayari. Unti-unting pinaglalapit muli ni Lucas ang aming mga labi at nang gahibla na lang ang pagitan nito, ay may biglang napakalakas na busina ang nagpagulantang sa aming katinuan.

Natatawang humiwalay sa akin si Lucas bago pinaandar muli ang kanyang sasakyan, "Next time, I will make sure that you will never escape to my kisses. Your lips are being saved by the horn...." nakakalokong saad nito nang sandaling lingunin niya ako.

"Tsss... Horn, horn... Ang horny mo!" pambubuska ko naman sa kanya, pero shuta naninikip ang lalamunan ko sa pinagsasabi ng lalaking 'to. "Coke float pa more Raffy!" napapailing kong sambit sa hangin na ikinahalakhak lang ni Lucas.

Hala siya! Baliw lang ang peg?



*****


Shutabells! Baka langgamin na kayo Team RAFCAS, Bahalakayodyan! 😂😂😂


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top