NW Chapter: 20

Continuation:


"Make yourself comfortable, Mi Bella..." ani Lucas nang buksan nito ang ilaw ng kanyang Penthouse. "I'll just change my clothes, first, before I cook us some meryenda." dagdag pa nito bago tuluyang umakyat sa ikalawang bahagi ng kanyang pad.

Sa halip na sumagot ay nagpatango-tango lamang ang dalaga habang abala sa pagsipat nang kabuuan ng condominium. Malayang nasuyod ni Raffaella nang tingin ang buong paligid na naaabot ng kanyang mga mata, saka ito dahan-dahang naupo sa Leatherette Couch na nakahanay sa gitna ng living room.

Ang pinaghalong kulay itim at nagkikintabang mga kagamitan na kulay puti ang nangingibabaw sa kabuuan ng nasabing lugar, na talagang nababagay sa gaya ni Lucas na isang bachelor at may sinasabi sa buhay.

Nang mapabaling si Raffaella sa kanang bahagi ng kanyang kinauupuan, ay napansin niya ang dalawang itim na picture frame na nakapatong sa side table na yari sa bubog. Nakita niya ang litrato ni Lucas kung saan seryosong nakatingin diretso sa lente ng camera, na hindi man lang nasilayan kahit katiting na ngiti. Kasama ang isang ginang na halatang may katandaan na, ngunit hindi maitatanggi ang taglay nitong kagandahan.

Ang sumunod na picture frame naman ay ang litrato ng tatlong kalalakihan na nasa edad bente anyos pataas. May sari-sariling kagwapuhang taglay din ang dalawa rito gaya ni Lucas.

"Mga kapatid niya siguro ang mga ito..." mahinang sambit ni Raffaella, habang hindi maiiwas ang tingin sa itsura ni Lucas noong kabataan pa nito, na halatang suplado kumpara sa dalawang kasama nito na sobrang laki ng mga ngiti't halatang mga kalog at masiyahin.

Nasa ganoong posisyon si Raffaella nang marinig niya ang yabag ng mga paa ni Lucas, na ngayon ay tuluyan nang nakababa ng hagdanan. Nakasuot ito ngayon ng isang fitted white v-neck shirt at isang cargo short na kulay itim.

Hindi sa damit napukaw ang atensyon ni Raffaella, kundi sa pangangatawan nito na talagang makatawag pansin. Nababakas kasi sa likod ng nasabing kasuotan ang abs ng binata, na hindi niya mabilang dahil sa sagabal na telang tumatabing dito.

"And now you're starting to eye-raping me, did you?" may halong kapilyuhang usal nito.

Mabilis namang napabalik sa kanyang katinuan si Raffaella nang marinig ang ibinulalas nito. Nang ibaling niya ang kanyang paningin sa mukha ng binata, ay nakakalokong ngisi lamang ang ibinato nito sa kanya.

"Masyadong self-conceited ahh..." irap niya rito saka dali-daling tumayo sa kanyang pagkakaupo. "Tama na 'yung gwapo ka na lang, 'wag mo nang haluan ng pagka-arrogante, Mr. Montenegro." dagdag pa ni Raffaella bago ito tinapik sa kaliwang balikat.

Bago pa man maibaba ng dalaga ang kanyang kaliwang kamay ay maagap itong hinuli ni Lucas at dali-daling hinila papalapit sa kanya. Mahigpit niya itong ikinulong sa pagitan ng kanyang mga kamay na nakahawak sa bewang nito.

"Would you like to see, how arrogant a superior bachelor like Lucas Montenegro?" ani Lucas at sinimulan nitong haplusin ang bewang ng dalaga.

Nang mga oras na mapadako ang paningin ni Raffaella sa mga mata ng binata, ay agad nadala ang kanyang sariling katinuan sa ibang dimensyon kung saan si Lucas lamang ang may alam. Ang mga titig nitong kay lalim kung kumilatis, na animo'y isang salamangka na madadala ka talaga dahil sa taglay nitong lakas at kakayanan na suyurin ang kasulok-sulukan ng iyong pagkatao.

Bago pa man tuluyang mahulog sa mala-budol-budol nitong pamamaraan nang pagtitig ay agad kumawala ang dalaga sa mga bisig nito sabay sabing, "Arrogante ho ang sinabi ko Mr. Montenegro, hindi kamanyakan!" pabiro niyang tirada, para maitago ang kanyang namumulang mga pisngi.

Mabilis itong tinalikuran ni Raffaella at ramdam niya na sa kanya lamang nakatutok ang buong atensyon nito. Kaya naman para matapos na ang lumalalim nilang usapan ay nagdesisyon ang dalaga na harapin ito, ngunit kasabay nang kanyang pagharap sa binata ay ang hudyat din nang pagrereklamo ng kanyang kumukulong tiyan.

Mabilis namang napahalakhak si Lucas sa ipinapahiwatig nang kumakalam na sikmura ng dalaga sabay sabing, "Even if you don't speak, I know the little creatures inside your tummy is already underfeed."

Namula naman ang mga pisngi ni Raffaella dahil sa sinabi nito. Naramdaman na lang niya na inalalayan siya ni Lucas papunta sa kusina, saka pinaupo sa high-stool na nakahanay sa kitchen counter, "Just stay right here... I will cook very fast, so your stomach will stop growling like a hungry land monster." nakakalokong sambit pa nito bago pumunta sa harap ng ref.

"Oo na po, ikaw na ang may pogi points sa oras na 'to..." nakangusong turan pa ni Raffaella habang iniinda ang humihilab niyang tiyan.

Sandaling napatigil sa kanyang paghahalugad si Lucas saka binalingan ang dalaga, "So now, you're telling me that I'm good-looking?"

"Sinabi ko ba 'yon?" ani Raffaella at kunwaring nag-isip. "Hehe... Syempre gwapo ka naman talaga, hindi lang talaga ako attracted sayo."

"Hmmm... Let's see..." sagot lang ni Lucas bago kinindatan ang dalaga.

Bigla namang kinabahan si Raffaella sa sinabi nito. Alam niya na anumang oras ay baka bumigay na ang kanyang itinatagong kakiligan para sa binata, kung mas lalalim pa ang namamagitan sa kanila. Hindi tuloy niya maiwasang malungkot dahil naalala na naman niya kung ano nga ba ang totoong estado ng kanilang relasyon.

Dahil sa lalim na kanyang pag-iisip ay hindi na napigilan pa ni Raffaella ang mapabuntong-hininga, "Haaaayyyy..."

"That was deep... What's the matter, Mi Bella?" biglang sambit ni Lucas.

Doon lang napagtanto ni Raffaella na napalakas pala ang kanyang pagbubuntong-hininga, kaya't agad itong umabot sa pandinig ng binata, "H-ha? W-wala naman, napahikab lang." aniya at nagkunwaring pahikab-hikab para makumbinsi ito sa kanyang pagpapalusot.

Nagkibit-balikat lamang si Lucas sa sinabi ng dalaga, bago tuluyang sinimulan ang kanyang pagluluto.


*****


Masayang nagsalo nang meryenda ang dalawa. Tuwang-tuwa si Lucas, sa lakas ng kakayanan ni Raffaella pagdating sa pagkain. Hindi niya akalain na sa balingkinitan nitong pangangatawan, ay kaya pa lang maglaman ng sikmura nito nang halos tatlo hanggang apat na servings ng pagkain.

Manghang-mangha si Lucas sa walang ka-ere-ere nitong pagpapakita kung gaano nagustuhan ni Raffaella ang kanyang niluto. Karamihan kasi sa mga babaeng kanyang nakaka-date, ay puro walang ganang kumain o hindi naman kaya'y bantay na bantay ang kanilang mga kinakain dahil sa inaalagaang pigura ng mga ito.

"Uy..." tawag pansin ni Raffaella nang makitang malalim na ang iniisip ng binata.

"What was that again?" biglang pagtatanong ni Lucas nang mapabalik ito sa kanyang sarili.

Sandaling sumubo ng pagkain si Raffaella, "Ang sabi ko, paano ka natutong magluto ng ganitong kasarap?" anito habang ngumunguya ng pagkain.

Mabilis namang pinipunasan ni Lucas ang kanyang labi gamit ang table napkin na nakalagay sa kanyang hita sabay sabing, "That Seafood Marinara Pasta is my Mom's specialty. She loves to cook and that's one of her favorites. Pati itong Vegan Croissant, si Mommy Em ang mismong nagbi-bake nito noong..." hindi na itinuloy ng binata ang nais nitong sabihin at bigla-bigla na lang nanahimik sa hindi malamang dahilan.

Agad namang napansin ni Raffaella ang dagliang pag-iiba ng mood nito, kaya't mabilis niyang hinawakan ang kamay ng binata sabay sabing, "May problema ba?" sinsero niyang saad habang pilit hinuhuli ang paningin nito.

Sandali siyang binalingan ni Lucas bago hinawakan pabalik ang kamay ng dalaga, "Nothing... I just remembered Mom's memories." matigas ngunit mababatid mo pa rin ang lungkot sa pagsambit ng binata sa mga katagang iyon.

Maagap namang uminom ng tubig si Raffaella bago itinuon ang kanyang buong atensyon kay Lucas, "If you don't mind me asking, nasaan ba ang pamilya mo? Muka kasing mag-isa ka lang dito sa napakalaking condominium na ito eh." saad pa ng dalaga at iminustra ang mga kamay para iparating kung gaano kalaki ang tinitirahan nito.

"My Mom is in Bataan..." biglang saad ni Lucas dito.

Natigilan naman si Raffaella dahil sa kanyang narinig. Bigla namang pumasok sa kanyang isipan ang pagdududa na kanyang nagawa para kay Lucas noong mga panahong nagtampo siya sa hindi pagsipot nito sa kanilang fashion show.

"D-doon ka rin ba galing, kaya hindi ka nagparamdam sa akin ng tatlong araw?" at sa wakas ay lakas loob itong naitanong ni Raffaella, na siyang gumugulo sa kanyang isipan nitong mga nagdaang mga araw.

"Yeah..." mahinagpis namang sagot ni Lucas at mababatid sa timbre ng boses nito ang kalungkutan. "My Mom is not in her better self, right now. She was really depressed because of Dad's affair with his mistress."

Mas lalo namang nahabag si Raffaella dahil sa kanyang narinig mula rito. Naisip niya na sobrang bigat na siguro nang dalahin nito, kaya't hindi na nangimi pa ang binata na maglabas ng kanyang hinanakit at sama ng loob.

Mabilis naman niyang hinaplos muli ang kamay nito dahilan para mapabaling ang atensyon ni Lucas sa kanya, "Gusto mo bang pag-usapan natin 'yan?" makahulugang saad ni Raffaella rito. "Handa akong makinig..." alanganin pa niyang sambit saka nginitian ang binata.

Walang sabi-sabing tumango naman si Lucas sa kanyang sinabi, na parang isang batang paslit na walang muwang at uhaw sa kalinga ng isang pagmamahal.

"Kwento na dali..." masiglang turan ni Raffaella, para kahit papaano ay mapagaan ang bumibigat na kalooban nito.

Humugot muna ng isang malalim na buntong hininga si Lucas, bago tuluyang ikinuwento sa dalaga ang problemang kanyang dinadala.



*****


Ola Lovies! ❤️

Sorry for the long wait! 🙏 Very-very light na ang hanash ko outside Watty, kaya sana, sana maka-target ako nang 2 - 4 updates per week.

So, kamusta naman kayo? 😁😁😁



*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top