NW Chapter: 17
Continuation:
"So, bakit po kayo biglaang napasugod sir?" pagtatanog ni Raffaella nang maibaba ang dalawang tasa ng kape sa lamesitang kahoy. Naupo ang dalaga sa katapat nitong upuan saka kinuha ang sarili niyang tasa, bago sumimsim ng kape.
Mabilis pinagsaklob ni Lucas ang kanyang mga kamay habang nakapatong ang siko sa magkabilang hita.
Napansin naman ni Raffaella na para itong may gustong sabihin na hindi lang alam kung paano ito ibubulalas. Maagap siyang tumayo sa kanyang pagkakaupo bago umupo sa tabi ng binata, "Sir... May problema po ba?" aniya at alanganing hinaplos ang likuran nito.
Sandali siyang nilingon ni Lucas bago nito isinandal ang kanyang likod sa upuan. Mataman lang na nakatitig ang binata sa maamong mukha ng dalaga sabay sabing, "Nothing... I'm just tired but it will pass don't worry." sagot nito at saka ngumiti ng alanganin.
"Bakit pa ho kasi kayo bumiyahe nang dis-oras ng gabi pa-Maynila? Sana pinagpabukas niyo na lang po ang pagparito niyo't namahinga muna." kibit balikat na saad lang ni Raffaella bago muling sumimsim ng kanyang kape.
"Because I promised to watch and to support you on that special moment of your life but I fūcking failed! I broke that promise, and now I know that you're mad at me..." malungkot na usal ni Lucas bago inaahon ang sarili sa kanyang pagkakasandal. At dahan-dahang hinawakan ang kaliwang kamay ni Raffaella na malayang nakapatong sa hita nito.
Para namang nakuryente si Raffaella sa biglaang paghawak nito sa kanyang kamay.
"That's why I quickly went home because I wanted to see you right away, to apologize and to ask for your forgiveness. I'm so sorry, Raffy." dagdag pa ng binata, sa pinaka-sinsero niyang paghingi ng tawad.
Halos mawala na sa sarili niyang katinuan si Raffaella dahil sa mga kaganapan. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang lahat ng mga sinabi ni Lucas. Ang buong self-confidence at lakas ng apog niya ay parang lumagapak sa pinakamababa nitong lebel, dahil sa naghuhurementado niyang sistema.
Magkahalong nerbiyos at excitement ang ipinaparamdam ngayon sa kanya ng mga simpleng salita at paghawak ng binata sa kanyang kamay.
Dahil sa halu-halong emosyon na kanyang nararamdaman, ay wala sa sariling napabilis ang pagsimsim ni Raffaella sa kanyang iniinom na kape dahilan para mapaso ang kanyang dila.
"Argh!" daing ng dalaga at dahil sa bilis nang pangyayari ay dagliang nailayo ni Raffaella ang tasa sa kanyang bibig, dahilan naman upang matapon ang mainit na kape sa kanyang damit. "Shoot!" maagap na anas nito at mabilis ipinagpag ang kanyang kasuotan dahil sa nanunuot na ang init ng kape sa kanyang dibdib.
"Fūck!" tanging sambit lang ng binata at agad inalalayan si Raffaella para maibsan ang init na nararamdaman nito.
Mabilis na pinunasan ni Lucas ang damit nito gamit ang kanyang panyo. Sa sobrang pag-aalala ay hindi na alintana ng binata na sa maselang parte na ng dibdib ng dalaga dumako ang kanyang pagpupunas. Nakita niya na namilog ang mga mata ng dalaga, at doon lang niya napagtanto ang bagay na kanyang nagawa.
Mabilis inilayo ni Lucas ang kanyang kamay dito sabay sabing, "I-I'm sorry..." sambit nito bago tuluyang umiwas ng tingin.
"O-okay lang..." sagot naman ni Raffaella at napapikit na lang nang mariin dahil sa awkward na sitwasyon nila ng binata.
Shīt Raffy! Hindi pa nga nakaka-first base, nag-skip agad sa second base? Aba, matindi ano?!
Sandaling katahimikan ang pumagitna sa dalawa nang magpasiyang magsalitang muli si Lucas, "I-I'm so sorry, Raffy... It is not my intention to..." hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang bigla siyang putulin ni Raffaella.
"W-wala po 'yon sir... Saka isa pa, para lang naman ho kayo nagpunas ng pader. Hehe..." pa-cool na saad ng dalaga para pagaanin ang tensyon sa pagitan nila. Ngunit sa loob-loob niya ay gusto na niyang magpalamon sa lupa, dahil kahihiyan na kanyang kinakaharap ngayon.
Kung sa pakapalan lang nang mukha ay hindi magpapatalo riyan si Raffaella. Maaaring madaldal at taklesa ang kanyang pananalita, ngunit hindi pa rin maitatanggi ang pagiging inosente nito pagdating sa maseselang usapan. Hindi naman siya ganoon kasensitibo pagdating sa usapang sēx, ngunit sa tala nang kanyang buhay ay hindi pa nagkakaroon ng intimate experience ang dalaga gaya nang nararanasan ng mga taong ka-edaran niya.
Nangunot naman ang noo ni Lucas sa kanyang narinig mula rito. Hindi niya tuloy maiwasan ang panakaw na tingnan ang hinaharap ng dalaga dahil sa kuryusidad na malaman kung gaano nga ba kalaki ang bulubundukin nito.
Nang mapansin ni Raffaella ang biglaang pagsilay ng binata sa kanyang dibdib ay mabilis niya itong tinakpan gamit ang kanyang mga kamay sabay sabing, "Oy sir! Wala namang manyakan..." walang prenong saad nito bago napairap sa kawalan.
Hindi tuloy maiwasan ni Lucas ang magpakawala nang isang malutong na halakhak dahil sa walang prangkang bulalas ng dalaga, "Hahaha!"
"Hala siya! Anong joke? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" kunot noong tanong ni Raffaella habang pinagmamasdan ang humahalakhak na si Lucas.
Dagli namang hinarap ng binata ang nagmamaktol na si Raffaella bago hinawakan ang magkabilang pisngi nito sabay sabing, "You're so cute. I mean like just not your looks are cute, but your personality too. I really like you, Raffy." nakangiting saad nito bago hinalikan ang kaliwang pisngi ng dalaga.
Nagulat si Raffaella sa pagiging aggresibo na naman nito kaya't mabilis siyang lumayo rito, "Oy sir! Para-paraan na po kayo ahh... Kanina sa boobs, ngayon naman kiss sa cheeck. Baka naman sa susunod hindi lang halik ang gawin niyo sa akin, baka sagpangin niyo na ho ang buong pagkatao ko ahh." nakangusong sambit ng dalaga saka ito inismiran.
Ilang segundo ang nagdaan ngunit hindi pa rin sumasagot si Lucas sa kanyang mga sinabi. Kaya naman binalingan na niya ito at mas lalong nangunot ang kanyang noo nang makitang nakaguhit na ang nakakalokong mga ngiti nito.
"Luh! Anong ginagawa mo, ba't nakangisi ka diyan?" sa puntong iyon ay may inis na ang timbre ng boses ni Raffaella, dahil sa kawalan nang pasensiya sa inaasta ng binata.
"Thanks for giving me a wonderful idea, Bella." seryosong usal nito habang unti-unting humahakbang papalapit sa dalaga.
Nakaramdam naman ng nakakakilabot na kaba si Raffaella dahil sa lagkit ng mga titig ni Lucas. Ang maliliit na hakbang na kanyang ginagawa ay tinutumbasan lamang ng binata ng malalaki ngunit mabagal na mga hakbang.
"S-sir... A-ano ho bang nasinghot niyo sa B-bataan at bakit nagiging weirdo na ho ang g-galawan niyo." kinakabahang turan niya rito habang pilit itinutuwid ang kanyang mga salita.
Sa halip na sumagot ay mas pinaglapit pa ni Lucas ang kanilang pagitan. At nang tuluyang mapasandal ang dalaga sa malaming na dingding, ay pinagitnaan niya ito ng kanyang mga bisig sabay sabing, "Why don't we follow the sensation nor desire that our bodies implied?" seryosong usal nito sa pinaka-sexy niyang tono.
"A-ano pong i-ibig niyong sabihin s-sir? H-hindi ko po kayo maintindihan." halos pigil na ang paghinga ni Raffaella dahil sa ilang pulgadang lapit ng kanilang mga mukha.
Hindi niya alam kung bakit biglang nag-ship ang personality ng binata nang ganoon kabilis. Naisip niya na masyado bang attractive or seducing ang pagkakabitaw niya nang mga salitang gaya ng boobs, kiss at sagpangin, para ganoon na lang ma-provoke o ma-trigger ang libidong pag-aari nito.
"You're a smart girl, Bella. You know what I am saying... Just let your desire on me loose, and I promise, you won't regret it." punong-puno nang sensasyong usal nito at hindi na napigilan ni Lucas na haplusin ang kaliwang pisngi ng dalaga, habang ang isang kamay nama'y nakatukod pa rin sa dingding.
Gusto na itong itulak ni Raffaella, ngunit may parte sa kanyang kaloob-looban ang nagsasabing h'wag at hayaan na lamang si Lucas sa nais nito.
His eyes are penetrating her at lahat ng lakas ng apog niya'y biglang naglaho ng mga sandaling iyon. Kaya naman sa pinaghalong kaba at pananabik ay walang sabi-sabing napatango ang dalaga sa kagustuhan nito, kahit hindi sigurado kung saan hahantong ang pagsang-ayon niyang iyon.
Walang pinalampas na sandali si Lucas and in a bit of seconds their parted lips glued together, hungrily. Para silang uhaw na uhaw sa paglasap nang tamis ng bawat isa.
Para namang may sariling buhay ang mga kamay ni Raffaella at kusang kumawit ito sa batok ng binata. Bawat halik na ginagawad ni Lucas ay nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa buong sistema ng dalaga. Habang tumatagal ang kanilang mga halik ay mas higit pa sa ayaw nang matapos pa ni Raffaella ang mga sandaling iyon.
"Hmmm..."
Ang simpleng ungot ng dalaga ay parang naging masarap na ungol sa pandinig ni Lucas, kaya naman mabilis niyang kinabig ang bewang nito papalapit sa kanya.
Halos malunod na si Raffaella sa mga halik ng binata. Ngayon lang siya nakaramdam nang ganoong kasarap na halik, na parang kumikiliti sa kanyang buong pagkatao.
Nasa kalagitnaan ng mainit na eksena ang dalawa nang biglang tumigil si Lucas sa kanyang ginagawa. Nagtatanong ang mga matang tiningnan lang ito ng dalaga, kaya naman mabilis niyang pinadikit ang kanilang mga noo, "That was the sweetest kiss I ever tasted." namamaos na usal nito habang hinahaplos ang likuran nang hinihingal na dalaga.
"Hmmm... Sweet pala eh, bakit mo itinigil?" walang muwang na turan lang ni Raffaella rito.
Bahagyang natawa naman si Lucas dahil sa kainosentehan ng dalaga, kaya naman maagap niyang hinuli ang kanang kamay nito bago naupo sa sofa na yari sa kahoy. Inalalayan niyang maupo sa kanyang kandungan si Raffaella saka ito niyakap sa bewang.
"As much as I would love to kiss you all night, I must prefer myself to suffer in an extreme awkwardly low, because Mamu Penny might see us kissing like a hungry brutes." anito saka tumawa nang malakas.
"Okay..." kibit balikat lang na sambit ni Raffaella habang hindi makatingin nang diretso sa binata.
"Bella..." tawag ni Lucas saka hinawakan sa baba ang dalaga para magtama ang kanilang mga paningin.
Tiningnan lang ito ng dalaga...
"Promise me that whatever happens you are only mine, okay?" malambing na wika ng binata saka isinubsob ang kanyang mukha sa leeg nito.
Nakangusong nilingon naman ito ni Raffaella saka pinisil ang magkabilang pisngi nito, "Aba aba! Wala pang ilang oras masyado nang territorial ang peg mo ahh..." pambubuska niya rito.
Maagap namang hinuli ng binata ang mga kamay nito bago hinalikan, "I was just tending to protect what's mine, okay. You can't blame me, you're alluring gorgeous and men surround and drooling like a beast to have you." may himig nang pang-aangkin na wika ni Lucas at mababatid mo ang kawalan ng pasensya sa usapang iyon.
Para makabawi ay mabilis itong hinalikan ni Raffaella sa labi sabay sabing, "Okay po sir possessive." mapangbuskang turan nito.
"And one more thing..." pambibitin ng binata sa kanyang sasabihin, para diretsong matuon ang atensyon ng dalaga sa kanya.
"Ano 'yon, sir?"
Napabuntong hininga lang si Lucas, "Starting tomorrow, halt nor stop calling me sir. Especially when you're with me. Are we clear?"
"Yes sirー I mean okay Mi Lucas." ngisi nito.
"Mi Lucas?" kunot noong tanong nito.
Napairap si Raffaella sa humahaba nilang pag-uusap, "Mi Lucas... As in My Lucas, hanuba may pagka-slow ka rin pala minsan ano po?"
"Well I like it..." anito bago ngumiti nang pagkatamis-tamis. "Thank you, Mi Bella."
"Wait... Matanong ko lang... bakit ba Bella ang tawag mo sa akin? Curious lang ako..."
Gumuhit ang matamis na ngiti kay Lucas sabay sabing, "Because you're beautiful."
"Huh?"
Napahalakhak naman si Lucas sa naging reaksyon nito. Hinaplos na lang niya ang pisngi ng dalaga sabay sabing, "Bella is a french word for beautiful."
Namula naman ang mga pisngi ni Raffaella sa kanyang narinig. Hindi niya alam na matagal na pala siyang tinatawag na beautiful ni Lucas, nang wala siyang kamalay-malay.
Napansin naman agad ito ni Lucas kaya't mabilis niyang ginawaran ng isang malalim ngunit hindi ganoong kapusok na halik ang mapupulang labi ng dalaga.
*****
Ang tamis-tamis nemern! 😍 Kainis! 😂
I haven't proofread this Chappy yet, sorry for the typo's. Feel free to inline comment any errors that you see. Alrighty? 😉😉😉
See you next chapter mga labs! ❤️
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top