NW Chapter: 12
RAFFAELLA's POV:
"Raffy! Raffy!" rinig kong humahangos na saad ni Mamu Penny, kaya mabilis kong itinigil ang paghihiwa ng labanos.
Dagli ko siyang sinalubong sa bukana ng kusina bitbit ang kutsilyong gamit ko kanina, "Mamu! Ano pong nangyari?!" nababagabag kong salubong dito. Dahil susme! Baka may nangyayari na pala sa earth wala pa akong kaalam-alam.
Kahit kailan talaga ito si Mamu Penny masyadong atat, 'yung tipong mapapabalikwas ka na lang sa ginagawa mo dahil sa pang-uurat niya. Kaya ang tendency matataranta ka nang ura-urada sa paandar niyang iyon. Tsss...
Napahinto naman ito sa kanyang paglalakad sabay sabing, "Ang O.A. naman nito. Ibaba mo nga 'yang kutsilyo." anito saka napairap sa kawalan.
Mabilis ko namang ipinatong sa lamesa ang hawak kong kutsilyo, "Eh nagulat po ako sa pagtawag niyo eh..." kakamot-kamot ulo kong turan bago ko siya pinamewangan.
Hindi pa ako nagtatagal sa pwesto ko nang maagap na hinablot ni Mamu Penny ang aking dalawang kamay, bago nagtatatalon na parang bata dahil sa katuwaan, "Congrats! Congrats! Congrats!" masiglang saad nito.
Kahit hindi ko naman alam ang ibig nitong sabihin ay nakitalon-talon na rin ako sa kanya. Dahil mukang good news ang hatid nang kagalakan niyang iyon sa akin, "Ano pong ganap Mamu, bakit ang saya-saya natin?" tumatalon kong wika habang magkahawak ang aming mga kamay.
"Raffy! May screening ka bukas para sa Luxxe Enchanteur." masiglang saad pa nito, na siyang dahilan para mapatigil ako sa aking pagtalon.
"T-teka... Tama po ba 'yung n-narinig ko?" pagtatanong ko pa kay Mamu Penny, dahil parang bigla akong nabingi sa sinabi niya.
Gusto ko kasing masigurado kung tama ba ang tumagos na salitang Luxxe Enchanteur sa aking pandinig. Hindi kasi biro ang makapasok sa French Modelling Agency na iyon. Isa lang naman ito sa tinitingala't kinikilalang High-End Modelling Agency na may malalaking branches na sa iba't ibang bansa.
At dahil ako ang dakilang raketera, at your service. Ura-urada akong lumarga roon para mag-push nang aking luck na mag-audition. Mabilis itong nasagap nang aking radar at putok na putok na rin sa social media, na kaka-launched lang nang bago nilang ahensiya rito sa Pilipinas, para maghanap ng mga Pinay Models kung saan mga pinay version naman ang bibida sa kanilang rampahan.
As with all modeling gigs, there are no hard rules when it comes to basic physical requirements sa kumpanya ng Luxxe Enchanteur. Beyond the heavenly bodies, glowing skin, and girl-next-door sexiness, dapat ay meron ka ring katangian na pasok sa kanilang panlasa.
Iyong tipong pang-phenomenal at one of a kind dapat ang itsura mo. Mabusisi kasi sila kung kumuha ng kanilang magiging modelo, para magrepresent ng kanilang mga sexy lingeriè at intimate apparel.
Hindi naman kailangang exotic beauty or endangered species ang peg mo para mapabilang sa ahensiyang ito. Kung baga sa contest ng Asia's next top model, meron ka dapat X-factor na talagang mapapa-wow sila.
Ganern!
Napabalik na lang ako sa realidad nang marinig kong sumagot si Mamu Penny, "Yes na yes! Nakapasa ka sa audition, kaya screening ka na bukas agad-agad! Congratulations Raffy!" walang humpay na kasiyahang sambit ni Mamu Penny saka ako niyakap ng sobrang higpit.
"Oh my veggies! Nakapasa ako!"
Mabilis din akong napayakap kay Mamu Penny, dahil susme! Doon lang nag-sink in lahat ng mga sinabi niya sa akin. Totoo nga na nakapasa ako sa audition ng Luxxe Enchanteur. Ang saya!
Dagling humiwalay sa akin si Mamu Penny sabay sabing, "Oh siya, ako na ang magluluto baka masugatan ka pa..." aniya saka kinuha ang kutsilyong ipinatong ko sa lamesa. "Mag-beauty rest ka na para bukas ay ready na ang beauty mo." nakangiting saad niya saka bahagyang hinamas pababa ang aking buhok, na parang sinasabing ang haba ng hair ko.
Sasabihin ko sana na hindi naman ako nagre-rejoice gaya niya. Pero hindi ko na ibinulalas iyon dahil baka masaktan si Mamu Penny kapag nalaman niya na certified sunsilk girl ako.
Charaught!
*****
"Hoy Raffaella magtigil ka nga sa kaka-kuyakoy mo, para kang hindi babae sa ikinikilos mo eh..." rinig kong suway ni Mamu Penny, kaya't mabilis na lang akong napasandal sa aking kinauupuan.
Nandito na kami ngayon sa labas ng Panel Room, kung saan isa-isang inii-screening ang mga nakapasa sa Big Audition ng Luxxe Enchanteur.
Heto ako ngayon, hindi mapakali sa aking kinauupuan. Susme, kinakabahan talaga ako. Para akong nasusuka, naeerna't nanlalamig na hindi ko maintindihan. Alam mo 'yung feeling nang pinagalitan ka ng Nanay mo dahil sa pinaka-worst na bagay na nagawa mo? Hindi ganoon 'yung feeling ko ngayon, wag kayong ano d'yan. Mas worst pa ang takot at kaba na nararamdaman ko ngayon kesa sa sermon ng Mudrabells mo.
Kung sa rampahan lang sa mga bara-barangay ang usapan ay hindi ako papakabog d'yan, yakang-yaka ng ate girl niyo 'yan. Pero itong Luxxe Enchanteur? Ibang level na kasi ito mga ateng.
Masyado na itong mataas na hindi ko na kayang i-reached.
Imagine, high-end modeling agency na ito ohh. As in high-end mowdelling agency, ibig sabihin hindi basta-basta. Bawal ang puchu-puchu't mga walang X-Factor sa heavenly body.
Haaaayyyy....
Napabalik na lang ako sa aking sarili nang biglang magsalitang muli si Mamu Penny, "Saka iluwa mo nga 'yang chewing gum sa bunganga mo. Tinalo mo pa ang kambing kung sobrang ngumuya eh." iritableng sambit nito, pero alam kong kabado rin siya sa kahahatungan ng screening kong ito.
Mabilis ko namang iniluwa sa tissue ang chewing gum na lasang paa na. Sa sobrang tensyunado na aking nararamdaman simula pa kanina, ay hindi ko na namalayan na tatlong oras ko na pala itong nginunguya. Kaya pala para na siyang plastic, pero kiber at don't judge pa rin ang ate girl niyo, kinakabahan talaga eh.
Sabay-sabay kaming napabaling sa pintuan ng Panel Room nang bumukas ito nang pagkaluwang-luwang. Nakita ko 'yung isang babaeng pumasok sa kwartong iyon sampung minuto na ang nakalipas, na ngayon ay luhaang papalabas na sa pintuan.
Nakita ko na sinalubong siya ng isang magandang babae, "Micah, ano'ng nangyari? Nakapasa ka?" sunod-sunod na pagtatanong nito. Doon ko lang napagtanto na isa pala itong kapederasyon ni Mamu Penny. Isa rin itong binabae, na napakaganda.
"H-hindi po ako nakapasa, Ate Flore..." malungkot namang saad ng babaeng nagngangalang Micah bago sila naglakad papalabas ng opisina.
Sa totoo lang ay nakaramdam ako nang awa sa kanya, pero letsugas! Mas matimbang pa rin ang kaba na nararamdaman ko ngayon, dahil sa pagkakataong iyon ay mukang wala na nga talaga akong pag-asa na makapasok ramp world ng Luxxe Enchanteur.
So, isa lang ang ibig sabihin no'n...
"Au revoir, pangarap kong Luxxe Enchanteur."
Sigaw ko sa aking sarili, with matching accent pa ng french. Ohh, inaral ko pa 'yang salitang 'yan dahil alam ko naman na Goodbye pangarap lang talaga ang kakahantungan ko rito. Haaayyyy...
Bigla naman akong napabalikwas sa aking kinauupuan nang magsalita ang assistant floor manager sa bukana ng Panel Room, "Miss Raffaella Ocampo." anito na siyang dahilan para maestatwa ang aking buong katawan.
"Raffaella Ocampo?" pagtatanong pa nito nang tingnan niya ang hawak niyang namelist ng mga candidate for screening.
Hindi pa rin ako sumasagot dahil parang nabusalan ang aking lalamunan ng mga sandaling iyon. Ang kaninang kaba na aking nararamdaman ay mas dumoble pa. Susme! Ako na nga talaga ang next in ligwak ganern line...
"Uy Raffy, ikaw na..." bulong sa akin ni Mamu Penny at bahagya pang kinurot ang aking tagiliran dahilan para ura-urada akong mapatayo.
"Present!" sigaw ko at nagtaas pa ng kamay na animo'y isang batang estudyanteng sabik na tawagin ng kanyang guro. Nagtawanan ang lahat ng mga tao na kasama ko sa labas ng panel room.
Nginitian ko lang sila nang alanganin, na parang sinasabing wag kayong tumawa dahil kabado ako mga pusang gala kayo.
"Alright... You're next miss Ocampo." anito saka iminustra ang kanyang ulo na parang sinasabing pumasok na ako sa loob ng panel room.
"Goodluck, Raffy. Fighting!" rinig kong sambit ni Mamu Penny, kaya tinanguan ko lang siya habang may pilit na mga ngiti.
*****
And I'm back, Lovies! ❤️
May Cameo sina Micah at Ate Flore sa story ko na
"Love Beyond Revenge"
🤗🤗🤗
If may time kayo sana ay basahin niyo rin ang story ng TeamMICOAH
Anyways, highways... Kamusta kayo?
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top