NT Chapter: 5

(France, where are you? It's been days since you left. Where have you been baby? Your sister has been acting really strange lately. Please, pick up your phone— kapag hindi ka pa umuwi, tatawagan ko na ang Dad mo para ipaalam na nawawala ka.)

(Ate, where were you? Bakit ka umalis ng walang paalam? Kailangan kita ngayon. Please, tawagan mo ako.)

(Bruh, it's Ali— your Mom came here last night, tinatanong kung alam ko raw ba kung nasaan ka. Honestly, kinakabahan na ako, bruh! I don't know how to deal with her. Hindi ko alam kung tama ba na umalis ka nang walang paalam at mas worst ako pa ang dahilan. Haaayyy... Just keep safe always, okay? Susunod ako riyan kapag malamig na ang sitwasyon. Love yah bruh!)

After hearing those voicemails, Franchesca immediately turned off her cellphone. Simula nang dumating siya sa Isla Verde ay hindi na niya ito nalingilang buksan pa. Knowing her Mom, alam ng dalaga na hindi titigil ang kanyang Ina hangga't hindi ito nakakakuha ng impormasyon kung saan siya naroroon.

Masyado kasi itong over-protective pagdating sa dalaga, pati na sa kanyang nakababatang kapatid na si Francine. Siya ang tinaguriang panganay at sa edad niyang dalawampu't siyam na taong gulang, ay parang bata pa rin ito kung ituring ng kanyang Mommy Faith.

Actually, she doesn't complain about the way her Mom treated and cares for her. Dahil alam naman ni Franchesca na sobrang mahal lang siya ng kanya Ina at dahil sa sitwasyon ng kanilang pamilya, na hindi palagiang nakakasama ang kanilang Daddy Albert, kaya't masyadong nagiging mahigpit si Mommy Faith to the point na ginagawa na sila nitong mga bata.

Franchesca was in her deepest thoughts when she suddenly felt the sea water splattered on her legs. Mabilis niya itong pinagtuunan nang pansin at nakita na lang niya si David na ngayon ay lumalangoy na.

"France, tara! Ang sarap ng tubig, malamig!" Sigaw nito nang makalayo ito ilang metro sa dalampasigan.

Tinanguan lamang ito ni Franchesca, habang sinusubaybayan ang bawat galaw ng binata. Sa ilang minuto nang pagsunod ng kanyang paningin kay David, ay hindi maiwasan ng dalaga na palihim na mapangiti sa nakakahawang halakhak nito.

"This guy is really impossible. Feeling close at very outspoken sa mga bagay na gusto niyang sabihin. But that's a good thing for me— in fact, he was very cool to get along with." Ani ni Franchesca habang matamang nakatingin sa gawi ng binata.

For the few days that she stayed in Isla Verde, Franchesca didn't feel boring because of David's presence. Sa kabila ng natural na ugali nitong pilyo at walang filter ang bibig, naisip ng dalaga na magaan itong kasama at hindi rin maiiwasan na mapangiti siya sa simpleng gesture na ipinapakita nito sa kanya.

"What the heck, France?" She quickly shook her head to fend off that stupid thought. "This is not good, you need to distance yourself from David as soon as possible. Hindi siya makakatulong sa recovery mo." Wika nito sa kanyang sarili bago ipinaling sa ibang direksyon ang kanyang atensyon.

Naririnig pa niya ang pagtawag ng binata sa kanyang pangalan— but this time, Franchesca pretends that she could not hear David anymore. Naisip niya na mas maigi na ngayon pa lang ay mailayo na niya ang kanyang sarili rito, dahil mahirap para sa kanya na makipagpalagayan pa ng loob sa binata.

Tuluyan nang nilisan ni Franchesca ang kanyang kinauupuan, at agad nagulat dahil sa presensya ni Jarred na ngayo'y nakatayo na pala sa kanyang likuran.

"J-Jarred..." Nauutal niyang saad dito.

"Pasensya na, nagulat yata kita." Hinging paunmanhin nito sa dalaga.

"H-hindi naman, slight lang." She responds while half smiling.

Sandaling katahimikan pa ang pumagitna sa pagitan nina Jarred at Franchesca, bago narinig ang isang sigaw sa hindi kalayuan.

"Ahhh! H-help! Help me!" Sigaw ni David sa kalagitnaan ng dagat.

Mabilis namang napalingon sina Jarred at Franchesca sa kinaroroonan nito, at kitang-kita nila ang sitwasyon ni David na ngayon ay halatang may iniinda sa kanyang hita.

"David!" Sigaw ni Franchesca at walang sabi-sabing tumakbo patungo sa dagat. Mabilis din namang sumunod sa dalaga si Jarred, bago tinulungan ang namimilipit sa sakit na si David.

Nang tuluyang marating ang dalampasigan, ay agad inalalayan ni Jarred ang binatang si David para maisandal ito sa isang bato sa tabing-dagat.

"David, what happened?" Punong-puno ng pag-aalalang pagtatanong ni Franchesca sa binata.

"Something bit me on my right upper-leg. Fūck!" He cursed, while struggling to breathe.

Franchesca quickly checked David and saw the bloodshot sting on the right side of its thigh, "I-I think you've been stung by a jellyfish." Kalmadong saad lang ng dalaga rito.

Dahil sa hilig ni Franchesca ang pagbabakasyon, mabusisi niyang pinag-aaralan ang mga bagay-bagay upang kahit papaano ay may kaalaman siya kung paano ang tamang pagsagip at pangunahing lunas, kung sakaling makatagpo siya ng mga pangyayari gaya ng kinakaharap ngayon ni David.

"Fūck! I've heard that the tentacles of jellyfish are too dangerous, and it releases a poisonous venom that paralyzes their targets. Ayoko pang mamatay, France." Histerikal na saad ni David habang iniinda ang kanyang hita.

"Calm down, David... It's not that really bad, mabuti nga at nadikitan ka lang ng jellyfish. Malayo 'yan sa bituka." Sarkastikong saad lang ni Franchesca sa binata.

"No, I-I think I am dying— my airways were starting to congested. Fūck! If I die, papaano na lang ang mga susunod ko pang henerasyon, kung hindi ko na ito magagawang palaganapin pa. I can't breathe with that fūcking thought."

Napapailing na lang si Jarred sa kalokohang lumalabas sa bibig ni David, kaya't nagdesisyon itong tumayo na sabay sabing, "Ihian mo." Matigas niyang saad sa binata.

Sabay namang napabaling dito ang atensyon nina France at David, at sinalubong si Jarred ng nagtatanong na mga ekspresyon.

Pinag-krus lamang ni Jarred ang kanyang mga braso, "Ihian mo 'yang kagat ng dikya para mabawasan ang sakit." Walang ganang usal lang nito saka nagkibit-balikat, na animo'y ganoon lamang kasimple ang kanyang ipinahayag.

"Are you insane?! There's no way that I would pee on myself, dude! That's disgusting!" Pagkontra ni David habang pilit nilalabanan ang sakit na kanyang nararamdaman.

"You know what, Jarred was right— I've read that method sa isang article, and my friends told me about it also. I don't know if that was just a joke nor myth, but there's nothing wrong if you will try it. Don't you think?" Pangungumbinsi ni Franchesca sa binata.

"No way! Argh!" Sigaw ni David bago tuluyang napahiga na sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.

"Just do it, David. H'wag mo nang pairalin ang pagka-cool guy effect mo, dahil mahihirapan ka lang sa sitwasyon mo ngayon." May himig inis na sambit ni Franchesca, at halata na rin ang kawalan ng pasensya rito.

"France, mukhang kailangan ko ulit ng mouth to mouth resuscitation mo. Hindi na talaga ako makahinga, I badly need your breath, baby." Namimilipit sa sakit na saad nito habang mahigpit na nakahawak sa kamay ng dalaga.

Mabilis naman itong sinamaan nang tingin ni Franchesca bago pabalang na binawi ang kanyang kamay rito, "Tarantado ka!" Inis niyang saad sa binata saka dali-daling tumayo sa kanyang pagkakaluhod.

"Sana tinuluyan ka na lang talaga ng jellyfish, para pati 'yang kalibugan mo tuluyan na ring maglaho. Gagō!" Bulyaw ni Franchesca saka nagmamadaling iniwan ang dalawang binata sa tabing-dagat.

Para namang nahimasmasan si David sa kanyang kalokohan, habang hinahatid ng kanyang paningin si Franchesca na ngayon ay papalayo na sa kanilang kinaroroonan.

Pinilit na lang niyang iniahon ang kanyang sarili sa pagkakalugmok saka nagpasyang tumayo na rin. Ngunit nang balingan niya ang mukha ni Jarred, ay nakakalokong ngisi lamang ang isinalubong nito sa kanya.

"What's funny?" Iritableng saad ni David dahil sa kanyang pagkakapahiya.

Sa halip na sumagot ay nagkibit-balikat lamang si Jarred, bago tuluyang iniwan ang nakamaang na binata.

"Tsss... Fūcktard!" Anas ni David bago ika-ikang lumakad na rin pabalik sa bahay-tanggapan.



*****

Shutabells ka David! Ang hype mo masyado! 😂😂😂

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top