NT Chapter: 10
Continuation:
The cold and blowy night at Isla Verde goes down— but Jarred and Franchesca are managed to moderate themselves from drinking. Regardless the drunk people around them, they stayed with their funny conversations at walang humpay na kwentuhan— na siyang mas nakapagpakulo ng dugo ng taong palihim na nagmamanman sa kanila.
"Alas tres na pala," Ani Franchesca nang sandaling tingnan nito ang kanyang relo. "P-paano, Jarred, m-mauna na ako." Dagdag pa niya bago sinubukang tumayo.
Bahagyang nahilo ang dalaga kaya't agad nitong nasapo ang kanyang ulo.
"O-okay ka lang?" Nag-aalalang sambit ni Jarred saka ito inalalayan patayo.
"I-I'm fine— medyo n-nahilo lang ako." Wika ni Franchesca bago tuluyang tumuwid nang tayo.
"Hatid na kita sa bahay."
"No, no..." Agad na tanggi ng dalaga. "Kaya ko pa naman, thank you." Saad niya bago nagsimulang maglakad patungo sa bahay.
"Sigurado ka, France?" Sigaw pa ni Jarred.
Instead of responding, Franchesca just waved her right hand over the air— para ipaalam sa binata na ayos lang ang kanyang lagay.
Hindi na rin naman nangulit pa si Jarred, at muli na lang itinuon ang kanyang atensyon sa alak na kanyang hawak. Habang abala sa pagsimsim ng kanyang inumin, ay napukaw ang atensyon ng binata sa taong pumustura sa kanyang harapan. Agad niya namang tiningala ito, at bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni David.
"Pare..." Aniya saka ito binatuhan ng canned beer.
David quickly grabbed it and didn't bother to say anything, instead he immediately sat beside Jarred and swallowed the canned beer, straight— until the last drop.
"Let's talk." Seryosong usal ni David, na siyang nakapagpakunot ng noo ni Jarred.
*****
The next day, David was awakened because of his thirsted throat. Mumukat-mukat itong lumabas ng kanyang silid para kumuha ng maiinom. Agad naman niyang nabungaran sa kusina sina Jarred at Nanay Tere, na ngayon ay abala sa pagkain nang agahan.
"Good morning." Bati ni David.
"O, Totoy— halina't sabayan mo na kaming mag-agahan." Anyaya ni Nanay Tere.
Sandaling tinapunan nang tingin ni David si Jarred bago sinagot ang ginang, "I'm not yet hungry po, 'Nay..." Aniya bago tuluyang nagsalin ng tubig sa baso.
"Hala, sige— ipapagtira ko na laang kayo ni France ng agahan bago kami umalis. Kami naman ni Jarred ay tatawid muli sa bayan para mamili nang ating pagkain."
David just nodded in response, before started to prepare his own coffee.
Ilang oras na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nasisilayan ni David ang bulto ni Franchesca. Simula nang tuluyang umalis sina Nanay Tere at Jarred, ay hindi pa lumalabas ng silid ang dalaga— kaya naman abot-langit na ang pag-aalala niya rito.
Sa ilang linggo na nakasama niya si Franchesca sa iisang bahay, ni minsan ay hindi ito tinanghali nang gising. Kaya naman matinding pala-isipan sa binata, kung ano na nga ba ang lagay nito ngayon.
"Dāmn it! These thoughts were killing me," Inis na usal ni David. "I can't take this anymore!" Aniya at dali-daling tinungo ang kwarto ng dalaga.
At first he was hesitant to knock on Franchesca's door, ngunit mas nanaig pa rin ang pag-aalala niya sa kalagayan nito ngayon.
"France..." Mahinahong turan ng binata habang patuloy sa kanyang mahihinang pagkatok.
Ilang sandali pa ang lumipas, ngunit walang Franchesca na bumungad, ni sumalubong sa pinto.
"France, are you there?" Patuloy niyang tanong. "Papasok na ako ha? Nag-aalala na talaga ako sa'yo e." Aniya bago tuluyang pinihit ang seradura ng pinto.
"Heto na, binuksan ko na 'yung pinto..." Wika pa ni David bago tuluyang nabuksan nang pagkaluwang-luwang ang pintuan.
Bumungad sa binata ang tahimik at maaliwalas na silid ni Franchesca. Palihim siyang napangiti nang makita ang marumi at nagkalat na bra, panty at iba't ibang kasuotan ng dalaga sa isang sulok.
"Nakapasok na ako sa kwarto mo," Turan pa ni David habang abala sa pagsuyod ang kanyang paningin. "Don't worry, my eyes were shut kaya hindi ko makikita ang pinaka-iingatan mo— kung sakaling... alam mo na." Malokong sambit niya habang papasok ito sa loob ng kwarto.
When David finally reached the edge of Franchesca's bed, he saw her hooded body under the blanket.
"France..." Aniya saka bahagyang niyugyog ang paa ng dalaga. David didn't get any response from her— kaya naman mabilis siyang umupo sa gilid ng kama nito. "France... are you okay in there?" Nag-aalalang saad niya saka unti-unting tinanggal ang kumot na tumatabing sa mukha nito.
He slowly pulled out a few strands of Franchesca's hair that's blocking its face, at bumungad kay David ang maamo nitong mukha.
"Hmmm..." Tanging ungot lang ng dalaga, habang nananatiling nakapikit pa rin ang mga mata.
He immediately noticed the agony in her face, so he quickly caresses Franchesca's forehead, para makita kung may sakit ba ito.
"France, are you okay? Pawis na pawis ka na o," Aniya habang pinupunasan ang butil-butil nitong pawis sa noo. "Bakit ba kasi nakakumot ka pa," Nag-aalalang saad ng binata, saka tuluyang tinanggal ang kumot na tumatabing sa katawan nito.
"Ang init-init na nga ng panahon, nagkabalot ka pa sa kumo— oh my God!" Sigaw ni David at dali-daling napatayo sa kanyang nakita.
Napabalikwas naman si Franchesca sa sigaw na kanyang narinig sabay sabing, "What happened?" Gulat na tanong nito habang hindi alintana ang gulo-gulo niyang buhok.
"Fūck! You're bleeding!" Namumutlang anas ni David.
Kunot noong sinundan naman ni Franchesca ang direksyon ng pinapatungkulan ng binata, at agad namilog ang kanyang mga mata sa nakita.
"Shoot!" Bulyaw ng dalaga at dali-daling tinungo ang kanyang banyo.
Mabilis itong sinundan ni David, "Hey, Baby... are you alright?" Pagtatanong nito sa labas ng pintuan.
"I-I'm fine David..." Tugon ni Franchesca.
"Would there be anything else I can help you with—"
"No!" Mabilis niyang sagot. "I-I'll be fine... Just leave my room, please." Pakiusap niya rito.
David just took a deep heave, "Okay, just let me know if you need anything." Sinserong saad pa ng binata bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Nang marinig na tuluyan nang nakalabas si David sa kayang silid ay nagpakawala na lang si Franchesca ng isang hinaing.
"Shocks! Nakakahiya talaga!" Namumula ang mukhang sambit niya sa hangin, habang hindi maipinta ang mukha dahil sa inabot niyang kahihiyan.
Matapos malinis ang kanyang sarili ay agad namang lumabas ng kanyang silid si Franchesca para kumain ng almusal. Agad siyang natigil sa paglalakad nang mabungaran niya roon si David, na ngayon ay abala sa ginagawa nito sa kusina.
During those times— Franchesca didn't know what to do. Kung totoo lang ang kasabihan na nangunguha ang lupa, ay agad niyang hihilingin na magpalamon dito dahil sa kahihiya na bumabalot ngayon sa kanyang sistema.
Her guts were not strong enough to face him. So instead of going to the kitchen, she chose to step back to completely escape nor shun from David.
Ngunit nang aktong hahakbang na siya patalikod ay agad niyang narinig na nagsalita ang binata,
"There you are..."
Naestatwa si Franchesca sa kanyang kinalalagyan at nahihiya itong hinarap, "U-uy! Kukuha lang sana ako ng tubig." Aligaga niyang turan saka nagmamadaling pumunta sa ref.
Hindi man direktang balingan, ngunit ramdam ni Franchesca ang mapanuring tingin ni David. Kaya naman bago pa tuluyang manlambot ang kanyang mga tuhod ay walang sabi-sabing naglakad siya papalabas ng kusina.
"Where are you going, baby?" Habol na tanong ni David.
Mariing napapikit na lang si Franchesca saka nakangiwi itong hinarap, "Ahh... Ano kasi... L-lalabas na sana ako e. Heh.. he." Alanganin niyang sambit at palihim na napangiwi.
"Mamaya na," Pagpipigil ni David at walang sabi-sabing hinawakan ang magkabilang balikat ng dalaga para paupuin ito sa hapag-kainan. "Just seat, ako na'ng bahala sa'yo."
"P-pero... David."
"No buts, Ms. Andrada. Alam kong may mestrual cramps ka," Anito saka nagsalin ng isang inumin sa tasa. "That's why I made you a ginger tea." Saad ni David bago inihain sa lamesa ang almusal at tsaa na kanyang ginawa.
"Ginger Tea? For menstrual cramps?" Nagtatanong ang mga matang turan ni Franchesca rito.
"Yes!" Ngiting tagumpay na usal ng binata saka naupo sa tapat ng dalaga. "Ginger is effective for cramps and reduces bleeding that lead to severe pain— instead of drinking ibuprofen, mefenamic acid or any other drugs, mag-Ginger Tea ka na lang. It's an organic ways to hush the gush, you know. Plus! Masarap na, mabango pa." Saad nito habang ngumunguya ng tinapay.
Nagpatango-tango naman si Franchesca sa kanyang mga narinig. Hindi niya alam na sa kabila pala ng pagiging maloko't pilyo ni David ay may naitatago pala itong kaalaman sa buhay— at sobrang maalaga rin pala ito, kumpara sa kanyang inaakala.
Sandaling sumimsim ng tsaa si Franchesca, "Masarap nga," Aniya saka binalingan ang binata. "Thank you, David." Sinserong saad pa niya.
"Anything for you, France!" Anito saka kumindat. "Basta ikaw, nanginginig pa." Saka nagpakawala nang malakas na halakhak.
Napangiti na rin si Franchesca sa nakakahawang halakhak nito. Hindi man niya aminin, ngunit parang hinahanap-hanap na niya ang pisikal na pigura at nakakalokong pag-uugali nito.
Agad namang kinabahan si Franchesca sa isipin na iyon. She slowly held her heart pendant, at pinakiramdaman kung bakit tila nag-iba ang ihip ng hangin sa pagitan nilang dalawa ni David.
"Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. I know, if I'm letting myself fall in love to someone means I'm totally taking a real risk— a real love makes me feel vulnerable again. Is this the sign that I am asking for, Dylan? Ito na ba ang senyales para tuluyan na kitang kalimutan?"
Mga tanong na gumugulo sa isipan ni Franchesca— mga tanong na pilit umuusig, kung ano nga ba ang ibig sabihin nang umuusbong niyang damdamim para kay David.
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top