NH Chapter: 7

Biyernes ng gabi, abala ang lahat ng trabahador ng Heaven's Club dahil maraming customer ang nagsipuntahan sa gabing iyon. Ilang oras pa lang ang nagdaan sa kanyang pagse-serve ng mga order, ay halos mahilo na si Brae dahil sa hindi magkanda-ugaga ang kanyang mga gawain. Isama mo pa ang dami ng mga parokyanong paroo't parito na naglalakad sa nasabing establisyamento.

Nasabi kasi ni Charity na tuwing biyernes ay ganito talaga sa Club, dahil ito ang araw na kung tawagin nila ay The Heaven's Night. Kung saan magpe-perform ang mga entertainer doon. Hindi naman maintindihan ni Brae kung anong ibig sabihin no'n. Pilit n'yang tinatanong si Charity, ngunit hindi siya sinasagot ng dalaga. Palagi lang nito sinasabi na tingnan na lang niya ang mangyayari mamaya pagpatak ng alas onse ng gabi, bago nito nginingitian si Brae nang napakatamis.

Hindi na naman nangulit pa ang dalaga at ipinagpatuloy na lang ang kanyang pagseserbisyo sa mga customer. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay si Brae sa amoy ng club. Ang pinaghalong amoy ng alak, magkahalong pawis at uri ng pabango, at sa huli ay ang usok ng sigarilyo na talagang sinusukuan ng kanyang sikmura. Pinayuhan naman siya ni Charity na kumain ng candy para kahit papaano'y mabaling doon ang kanyang atensyon.

Habang dala ni Brae ang isang bucket ng beer na order ng isang customer doon, ay biglang namatay ang lahat ng ilaw sa buong paligid.

"Ahhhhh!" Sigaw niya sa gitna ng kadiliman.

Wala siyang makitang liwanag sa loob ng club, kaya't kakapa-kapa siyang lumakad upang bumalik muli sa bar counter. Ngunit nang akmang hahakbang na siya pabalik, ay biglang bumukas ang mga ilaw sa harap ng maliit na entablado. Napabaling ang kanyang atensyon doon at nakita niya na unti-unting lumiwanag ang buong entablado at pumailalang ang isang instrumental na tugtugin.



(Play the Song "Careless Whisper" Instrumental)



Napansin ng dalaga na may mga usok din na nagkalat sa harap ng stage, na parang mga ulap kung titingnan sa malayuan. Maya-maya lamang ay nakita ni Brae na may lumabas na babaeng naka-maskara sa entablado. Nakasuot ito ng kulay puting hinabing tela, na animo'y isang anghel dahil sa suot nitong pakpak. Dahan-dahan itong naglakad sa gitna ng stage habang gumigiling-giling ang bewang.

Para namang natulala si Brae sa dating ng pagsayaw ng babae.

Nakita niya kung paano ito gumiling nang husto na animo'y nang-aakit. Napansin naman niya ang mga parokyano na hindi magpakali sa kinauupuan ng mga ito, dahil sa sobrang kasabikan. Kasabikan, na parang mga buwaya na hayok na hayok na makatikim ng laman o 'di naman kaya'y mga bampira na sabik na sabik na makasimsim ng purong dugo.

Nanlaki ang mga mata ni Brae, nang mapansing unti-unting hinuhubad ng babaeng nagsasayaw ang mga saplot nito sa katawan. Sinimulan nitong tanggalin ang kanyang puti saplot pang-itaas, at inihagis iyon sa kaliwang bahagi nang entablado kung saan nasalo ito ng isang parokyano.

"Wooohhhoooo!" Malakas na sigaw nito na kahit malakas ang tugtugin ay maririnig mo pa rin ang baritonong timbre ng boses nito.

Ang sumunod naman ay ang suot nitong puting guwantes, na dahan-dahang pinadausdos sa kanyang kaliwang paa paakyat sa pagitan ng kanyang mga hita, saka inihagis sa kanang bahagi ng entablado. Nasalo naman agad ito ng isang matipunong lalaki at ipinaikot-ikot din ito sa ere, ngunit hindi masyado maaninag ni Brae ang mukha nito, dahil sa madilim na parteng iyon ng club.

Napansin ni Brae na sandaling huminto ang babaeng performer, saka tumalikod sa entablado para kalasin ang mumunting saplot na tanging tumatabing sa malulusog nitong dibdib. Nang tuluyan na nitong naialis ang kanyang huling saplot pang-itaas, ay iniikot-ikot ng performer ang kanyang brasiyer sa ere habang ang kaliwang braso naman ay nakatabing sa kanyang mga dibdib. Patuloy lang ito sa pag-ikot ng kanyang saplot pang-itaas, na nakapagpabaliw lalo sa mga parokyano, na animo'y mga asong ulol dahil sa sunod-sunod na malalakas na hiyawan ng mga ito.

Halos hindi na nakagalaw si Brae sa kanyang kinatatayuan, dahil ngayon lang siya nakasaksi ng ganitong klaseng performance. Ang buong akala niya ay basta lang magsasayaw ang babae sa entablado, naisip niya na kaya pala hindi sinasabi sa kanya ni Charity ang tungkol dito ay para siya na mismo ang makasaksi sa tinatawag nilang The Heavens Night.

"Kaya pala Heavens Night ang tawag nila rito, dahil sa mala-anghel na pagtatanghal ang matutunghayan ng mga customer dito." Saad ni Brae sa kanyang sarili.

Napabalik na lang ang dalaga sa kanyang katinuan nang biglang may tumapik sa kanyang balikat, "Uy 'te, natulala ka riyan. Kanina pa hinihintay ng customer 'yung order nila." Bungad ni Charity habang bitbit ang tray na may isang plato ng sisig.

"Ahh... Oo, susunod na ako." Tanging sambit ng dalaga, bago naglakad papunta sa gitna kung saan naroon ang mga customer.

Habang nagsisilbi si Brae sa grupo ng mga parokyanong nag-order ng beer, ay napansin niya ang babaeng performer na tanging maskara at underwear pambaba na lang ang suot nito. Patuloy pa rin ito sa paggiling, habang ang mga braso ay papalit-palit sa pagtakip ng kanyang dibdib na parang nang-aakit.

Tulalang nakatingin lang si Brae sa ibabaw ng entablado, at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay natabig niya ang isang bote ng beer sa mesa, na siyang dahilan kaya't natapon ito sa pantalon ng isang customer doon.

"Ano ba 'yan Maiden, mag-ingat ka nga!" Singhal ng isang babaeng entertainer doon.

Nataranta naman si Brae sa pangyayaring iyon, kaya't mabilis niyang kinuha ang boteng natumba saka inabutan ng maraming tissue ang customer, "S-sir... P-pasensya na po kayo." Hinging pasensyang saad ng dalaga habang nanginginig ang mga kamay sa pagpupunas ng lamesa.

"Tatanga-tanga ka kasi!" Sabat pa ng babaeng entertainer na namukhaan niya, walang iba kundi si Pamela isa sa mga alipores ni Venus.

"S-sorry po t-talaga, sir." Sinserong sambit ni Brae sa customer, na hindi man lang niya nakuhang tingnan sa mukha dahil sa sobrang kaba.

Nanginginig ang mga kamay na pinunasan ni Brae ang lamesa habang ang ibang mga customer doon ay tutok pa rin sa panonood sa babaeng nagpe-perform sa stage.

Patuloy pa rin sa pagpupunas ang dalaga, nang biglang may humawak sa kanyang kamay. Nagulat si Brae sa biglang paghawak na iyon, kaya't mabilis niyang binalingan ang mukha ng customer. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maaninang kung sino ang taong iyon.

Si Sir, na nagligtas sa akin sa lalaking brusko. Nakatulalang sambit ng dalaga sa kanyang isipan.

Mas lalong nanlaki ang mga ni Brae nang magsalubong ang kanilang mga paningin ng binata, na ngayon ay nakangiti na sa kanya. Para s'yang nahipnotismo sa dating ng pagtitig nito sa kanya, nasilayan na naman niya ang maganda nitong mga mata, na para sa dalaga'y hindi nakakasawa tingnan.

Napabalik na lang si Brae sa kanyang katinuan nang biglang magsalita si Pamela, "Bilisan mo nga riyan, Maiden. Nakakaistorbo ka eh!" Singhal pa nito, saka lumingkis na parang isang ahas sa braso ng binata.

"Sige na Miss, ayos na 'yan." Malambing na usal naman ng binata saka binitawan ang kamay ni Brae.

Ipinagpatuloy naman ni Brae ang kanyang pagpupunas nang biglang may nagsalita sa kanyang likuran, "Matt," Napalingon siya rito nang mabosesan si Venus, na ngayon ay nakasuot ng pulang roba. "Hello Sweetie." Maarteng usal ng dalaga saka humalik sa pisngi ng binata.

Nagulat naman si Brae sa ginawang paghalik ni Venus, kaya't yumuko na lamang siya't ipinagpatuloy ang pagpupunas para hindi magsalubong ang kanilang mga paningin ng dalaga.

"Hoy Pam, lumayo ka sa customer ko!" Mataray na anas nito kay Pamela.

Agad naman nitong inihiwalay ang braso sa binata sabay sabing, "Chillax V, kaya nga binabakuran ko si Matt para hindi sulutin ng iba."

"Shut up! Hindi ko hinihingi ang tulong mo!" Singhal lang ni Venus dahil sa kainisan.

"Okay fine, ang init na naman ng ulo mo Ateng."  Saad ni Pamela saka umalis upang puntahan ang kanyang sariling customer.

Nagpupunas pa rin si Brae ng lamesa nang marinig niyang muling nagsalita si Venus, "Nagustuhan mo ba 'yung performance ko kanina, sweetie?" Malanding wika nito saka inihilig ang ulo sa kaliwang balikat ng binata.

Ilang segundo pa ang lumipas, ngunit hindi man lang narinig ni Brae na sumagot ang binata. Dala ng kanyang kuryusidad ay palihim niya itong tinapunan ng tingin, at gano'n na lang ang kanyang pagkakagulat dahil mataman na pala s'yang tinititigan nito.

Nainis naman si Venus sa hindi pagsagot ni Matt, kaya sinilip nito kung ano ang pinagkaka-abalahan ng binata. Uminit ang ulo ni Venus dahil nakita niyang titig na titig ang binata kay Brae, kaya naman nagsalita na itong muli, "Hoy Maiden, umalis ka na nga rito. Ang bagal-bagal mo kumilos riyan!" Iritableng saad nito saka tinaasan ng kilay ang dalaga.

Hindi na naman sinalubong pa ni Brae ang init ng ulo ni Venus, kaya mabilis niyang tinapos ang pagpupunas kahit hindi pa ito ganoon kapulido.

Ilang oras pa ang lumipas, ay naging abala na si Brae sa pag-aasikaso ng mga parokyano sa Club. Pumunta si Brae sa banyo upang mag-ayos ng kanyang sarili, bahagya kasing sumakit ang kanyang ulo dahil hindi na kinaya ng aircon ang mga usok ng sigarilyo sa loob ng establisyamento.

Naghilamos ng mukha si Brae, para kahit papaano'y humupa ang sakit nang kanyang ulo. Inayos niya ang kanyang sarili bago nagpasyang lumabas ng banyo. Habang naglalakad, ay patuloy pa rin sa pag-aayos ng kanyang damit si Brae. Hindi niya namalayan na may makakabangga na pala siya, dahil sa kanyang pagka-abala.

"Ay! Sorry po." Hingi niyang paumanhin dinto saka yumukod tanda ng kanyang paghingi ng dispensa.

Hindi naman nagsalita ito, kaya mabilis na binalingan ni Brae ang kanyang kaharap ngayon. Laking gulat niya nang makita si Venus na masama ang tingin sa kanya. Wala siya sa mood na makipagtalo rito, kaya minabuti na lamang niyang magpatuloy sa paglalakad palayo sa dalaga.

Bago pa niya tuluyang malampasan si Venus, ay mabilis nitong hinawakan ang kanyang kaliwang braso kaya napadaing na ang dalaga sa higpit ng pagkakahawak nito, "A-ano bang problema mo Venus, nasasaktan ako." Daing niya habang iniinda ang higpit ng pagkakahawak nito sa kanyang braso.

"Di ba sinabi ko sa'yo na h'wag kang haharang sa daraanan ko, dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo." Nagngingitngit ang mga ngiping anas nito.

Sa puntong iyon ay nilingon na ito ni Brae, at kitang-kita niya ang panlilisik ng mga mata nito sa kanya, "B-bitawan mo ako, w-wala akong ginagawa sa'yo."

Mas lalo namang humigpit ang kapit ni Venus sa braso ng dalaga saka ito muling nagsalita, "Si Matt, bakit ka nakikipagtitigan sa kanya?!" Singhal nito kay Brae.

"H-hindi naman ako nakikipagtitigan, siya ang tumititig sa akin."

"Manahimik ka!" Sigaw nito.

Nang akmang sasabunutan na nito ang dalagang si Brae, ay may biglang nagsalita sa kanilang likuran, "Venus!" Bulyaw nito, kaya't sabay na napatingin dito ang dalawang dalaga.

"M-matt." Gulat na saad nito saka binitawan ang braso ni Brae. Nagmamadali naman itong lumapit sa kinatatayuan ng binata saka ipinulupot ang mga braso sa leeg ni Matt, "Tara na sweetie, gusto mo ba mag-session ngayon." Malanding saad ni Venus, na animo'y walang kapangahasang nagawa.

"Doon na tayo mag-usap sa table." Seryosong usal naman ni Matt habang diretsong nakatingin kay Brae.

"P-pero..."

Hindi na natapos ni Venus ang kanyang sasabihin nang biglang putulin ito ng binata, "Sige na, susunod na ako sa'yo." Maawtoridad na usal nito saka tinanggal ang braso ng dalaga sa kanyang leeg.

"Argh!" Inis na sambit ni Venus saka padabog na umalis sa harap ni Matt.

Napayuko na lang si Brae dahil sa pangalawang pagkakataon ay pinagtanggol na naman siya ng binata. Ilang segundo lang ang lumipas ay tuluyan na rin siyang nagpasalamat sa kabutihan nito, "T-thank you po, sir." Pasasalamat niya sa binata, saka naglakad palayo rito.

"Wait..."

Napatigil naman ang dalaga nang biglang magsalita si Matt. Nilingon naman agad ito ni Brae saka tiningnan ang binata na parang nagtatanong ang mga mata.

Agad naman itong lumapit sa kinatatayuan ni Brae saka ini-angat ang braso niya, "Your arm is bleeding." Nag-aalalang sambit ni Matt habang titig na titig sa sugat ng dalaga.

Tiningnan naman agad ni Brae kung ano ang tinutukoy ng binata at napansin niya na dumudugo na pala ang kanyang braso dahil sa pagdiin ng mga kuko ni Venus, na hindi niya namalayan dahil sa pakikipagbuno niya sa dalaga.

"A-ayos lang po sir, gagamu..."

Hindi na natapos ni Brae ang kanyang sasabihin nang biglang balutan ni Matt ng panyo ang kanyang braso.

Natulala na naman si Brae sa mukha ng binata, na ngayon ay ilang pulgada na lang ang lapit sa kanyang mukha. Para na naman siyang nananaginip nang gising dahil sa pagtitig niya sa maamo nitong mukha. Ngunit nagulat si Brae nang bigla siyang balingan nito, kaya naman nagpasalamat na lang siya rito, "T-thank you po, sir." Nahihiya niyang sambit dito saka binawi ang kanyang braso.

"No worries, just take care of yourself."

Malambing na usal ni Matt at nanlaki ang mga mata ni Brae nang bigla nitong haplusin ang kanyang kaliwang pisngi. Natulala na naman siya dahil sa ginawang iyon ni Matt, at hindi na niya namalayan na nakaalis na pala ito sa kanyang harapan.



*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top