NH Chapter: 36
Matapos ang seremonyas ay dumiretso ang mag-asawang Matt at Brae patungo sa kabilang bahagi ng garden kung saan gaganapin ang reception.
"Are you happy, Love?" Malambing na usal ni Matt habang naglalakad patungo sa reception.
"Sobra Love, h-hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na tayo. Nananaginip ba ako?" Nagniningning ang mga matang saad ni Brae habang magkahawak kamay sila ng binata.
Mababatid mo sa itsura nito ngayon ang walang humpay na kasiyahan dahil sa wakas ay kasal na sila ng pinakamamahal niyang si Matt. Hindi pa rin ito makapaniwala na masosorpresa siya nang ganoon ni Matt.
"You're not dreaming, Love... We're really married." Nakangiting sambit naman ni Matt dito saka hinaplos ang mukha ng kanyang asawa.
"I love you Matt, hindi mo alam kung paano mo ako napasaya ngayon dahil pinakasalan mo ako sa hindi ko inaasahang pagkakataon." Madamdaming turan ni Brae saka hinawakan ang kamay nito na humahaplos sa kanyang kaliwang pisngi.
"I love you more Brae, and I'm one of the most luckiest man in the world because I finally got married to the woman that I love." Usal pa ni Matt saka ginawaran ng isang halik sa labi si Brae, dahilan para parehas na mapapikit ang mga mata ng mag-asawa.
Nasa ganoong posisyon ang dalawa nang biglang may tumikhim sa bukanang bahagi ng reception, "Ehem... Ehem.."
Nang marinig nila iyon ay agad napahiwalay si Brae sa kanilang mga halik para balingan ang taong ito. Nakita niya ang isang babae na nakatayo sa bukana ng reception na may dalang folder. Nakangiti lang ito sa kanya na parang kilalang-kilala siya ng dalaga. Hindi ito kilala ni Brae kaya ngumiti na lang din siya rito ng alanganin.
"Vanessa, is there a problem?" Biglang turan ni Matt dito.
Nangunot naman ang noo ni Brae nang marinig ang pangalan na iyon, "So, ibig sabihin ito 'yung Vanessa na kausap ni Matt sa telepono kagabi?" Naguguluhang sambit nito sa kanyang sarili.
"Nothing that I can't handle sir Matt, sinundo ko lang po kayo para sabihing mag-i-start na po ang ating program."
"Okay susunod na kami ng asawa ko, thank you." Ani Matt sa dalaga.
"Alright, congratulations po Mr. & Mrs. Montenegro." Nakangiting wika ni Vanessa bago ito lumayo sa kinatatayuan ng mag-asawa.
Naiwan naman sina Matt at Brae na magkahawak kamay at patuloy pa rin sa pag-iisip si Brae tungkol sa dalagang si Vanessa.
Para namang nababasa ni Matt ang naibulalas ni Brae sa kanyang isip tungkol kay Vanessa, kaya nagsalita agad ito nang, "Yes Love, siya 'yung Vanessa na kausap ko kagabi sa cellphone at hindi ka po dapat magselos, dahil si Vanessa ang kinuha kong wedding coordinator natin." Nakangising usal ni Matt na animo'y nang-aasar kaya mabilis itong nakatanggap ng isang hampas sa dibdib mula sa dalaga.
"H-hindi Ah! Hindi naman ako nagseselos, ano bang sinasabi mo." Namumula ang mga pisnging sagot ni Brae saka umiwas ng tingin sa kanyang asawa.
Mabilis naman itong ikinulong ni Matt sa kanyang mga bisig sabay sabing, "Eh ano 'yung narinig ko kaninang umaga? What was that again?" Anito at pakunwaring tumingala habang inaalala ang sinabi ni Brae.
"Hmmm... Sigurado pupuntahan lang niya 'yung Vanessa na 'yon. Kainis!" Humahalakhak na anas pa ni Matt at gayang-gaya pa nito kung paano iyon isinantinig ni Brae.
"Ihhhh... Nakakainis ka Love!" namumula ang mga pisnging saad ng dalaga bago isinubsob nang husto ang kanyang mukha sa matipunong dibdib nito.
"It only proves that you really love me." Feeling proud na usal ni Matt dahilan para humiwalay si Brae sa kanyang pagkakasubsob.
"Hindi ka naman mahangin niyan ano po?" Sarkastikong sambit nito sa binata.
"Ayos lang, malakas naman talaga ang dating ko pagdating sayo eh." Ani Matt bago kinindatan ang kanyang asawa.
"Oo na po, pasalamat ka makulit ka kung hindi wala akong Maddie ngayon."
"And I always thank God for that, siya talaga ang nagbigay ng strength sa akin para i-pursue ka. I love you Mrs. Montenegro."
"I love you too Mister ko." Kinikilig na sambit ni Brae bago siya siniil ng halik sa labi ni Matt.
Masayang naidaos nina Matt at Brae ang kanilang kasal, habang abala ang lahat sa kani-kanilang pagku-kwentuhan, nakita ni Brae na pumunta si Mamang Dyosa sa gitna ng mini stage bitbit ang walang kordon na mikropono.
"Magandang Gabi po sa inyong lahat," Nakangiting bungad nito sa mikropono. "Gusto ko lang i-congratulate sina Mr. & Mrs. Montenegro sa kanilang pag-iisang dibdib," Saad pa nito sa mag-asawa.
"Ngunit bago matapos ang gabing ito, ay meron po kaming inihandang pasabog sa inyo na dance number mula sa Montenegro Brothers." Kinikilig na usal ni Mamang Dyosa at mababatid mo rito ang kasabikan sa kanyang inanunsyo.
"Ready na ba ang lahat?" Pagtatanong pa nito habang inuumang ang mikropono sa madla.
"Simulan na 'yan!" Biglang sigaw nina Charity at Girlie.
"Psssttt... Mga inday h'wag kayong atat." Sarkastikong turan ni Dyosa sa mga dalagita.
"Mamang ilabas mo na sila!" Sigaw naman ni Pamela at Venus na kasama ngayon ang boyfriend niyang si Andrew. Matapos kasi nang pagkakadisgrasiya ni Venus, ay roon lang nagpahayag nang damdamin si Andrew para sa dalaga. Nagkapalagayan ang mga ito ng damdamin para sa isa't isa hanggang sa humantong na ito sa kanilang pag-iibigan.
"Alright, Fafa Matt halikan este halika na rito sa stage. Palakpakan po natin ang Montenegro Brothers!" Masiglang saad ni Dyosa bago bumaba ng entablado.
Nahihintay ang lahat sa paglabas ng mga kapatid ni Matt sa stage, nang biglang magsimulang tumugtog ang isang pamilyar na kanta para sa lahat.
(Play the song Dahil Sayo Instrumental)
Sinimulan ni Matt ang pagkanta, at habang isinasambit ang mga liriko ay sinabayan pa niya ito nang pagsayaw. Hindi makapaniwala si Brae na marunong palang sumayaw ang kanyang asawa. Ang buong akala niya ay napakaseryoso lang nito sa buhay, ngunit sa kabila pala ng seryosong aura nito ay nagkukubli ang kakulitan at pagkaaggresibo ng binata.
Ilang segundo lang ang lumipas nang biglang marinig ni Brae ang hiyawan at tilian ng mga kababaihang bisita nila roon. Nakita niya na lumabas ang mga kapatid ni Matt galing sa backstage at sabay-sabay na kumanta't sumayaw sa gitna ng entablado.
🎶Dahil sa'yo ako'y matapang
Dahil sa'yo ako'y lalaban
Para sa'yo pagmamahal na walang katapusan
Dahil sa'yo merong pangarap
Pagmamahal ko sayo'y tapat
Para sa'yo pagmamahal na higit pa sa sapat.
Gagawin ko ang lahat para lang sa'yo sinta
At basta't nandito ka ako'y liligaya.🎶
Matamis na ngiti ang rumehistro sa labi ni Brae, dahil sa unang pagkakataon ay nakita na niya sa personal ang mga kapatid ni Matt na sina Lucas at David. Minsan nang naipakilala ni Matt ang mga ito sa dalaga sa pamamagitan ng video-call, ngunit masyadong busy ang mga ito sa kani-kanilang mga trabaho kaya't hindi nabigyan nang pagkakataon na makilala ni Brae ang mga binata sa personal.
Napabalik na lang si Brae sa realidad nang magsalita ang batang si Maddie sa kanyang kanlungan, "P-pa... Papapa." Mumunting sambit nito habang nakangiting nakatingin sa direksyon ng kanyang Ama na sumasayaw sa gitna ng stage.
"Very good si Papa?" Lambing ni Brae rito saka itinayo ang kanyang anak sa kanyang kanlungan.
Matapos ang munting sorpresa na iyon ni Matt kasama ang kanyang mga kapatid ay dumiretso agad ito sa kanyang asawa, "Love, nagustuhan mo ba 'yung performance ko?" Nakangiting usal nito habang hinihingal pa.
"Opo Love, hindi ko alam na magaling ka palang sumayaw?" Natatawang sambit niya rito habang pinunasan ang iilang butil ng pawis ni Matt sa noo gamit ang tissue.
"Of course Love, dancer kaya ako no'ng high school." Feeling proud na turan nito saka dinampian ng halik sa labi ang dalaga.
Nasa ganoong posisyon ang mag-asawa nang biglang may pumukaw sa kanilang pandinig, "Hoy Matthew, tuka ka nang tuka riyan." Nakakalokong anas ng isang boses sa kanilang likuran.
Mabilis naman itong nilingon ni Brae at nakita niya ang bunsong kapatid ni Matt, walang iba kundi si David.
Photo CTTO
"Shut up David!" Mabilis na bulyaw naman ni Matt dito.
Sa halip na sumagot, ay nakangisi lang itong inismiran ni David bago binalingan si Brae. "Hello Ate Brae, nice to finally meet you." Masayang bati nito bago bumeso sa pisngi ng dalaga.
"Hey Dave, kung maka-Ate ka naman... Mas matanda ka pa sa asawa ko noh." Biglang usal ni Matt, saka inakbayan ang kanyang asawa.
"You're older than me, so Ate ang itatawag ko kay Brae." Mapang-asar pa na sagot nito, na siyang kinainis ni Matt. Sa lahat ng magkakapatid ay si David ang pinaka-malakas pagdating sa pang-aasar. Minsan ay napaka-intimidating nang dating nito, dahil na rin sa kanyang ugaling makulit at presko.
"Ha! I'm just 28 and you're 26... Dalawang taon lang ang tanda ko sa'yo, kaya h'wag mong matawag-tawag na Ate ang asawa ko." Iritableng anas ni Matt rito.
"Chillax Bro, I'm just teasing you." Ngiting asong usal nito saka itinaas pa sa ere ang kanyang dalawang kamay na animo'y sumusuko sa mga pulis.
Nasa ganoong usapin ang dalawang binata nang biglang may baritonong boses ang pumagitna sa usapan nila, "You two, stop it!" Maawtoridad na turan nito dahilan para mabilis na balingan ito ni Brae.
Photo CTTO
Gaya ng kay David, ito rin ang unang pagkakataon na makakaharap ni Brae nang personal ang panganay na kapatid ni Matt, na walang iba kundi si Lucas. Bahagyang nailang naman si Brae sa presensya nito, dahil kumpara kay David na palangiti't appoachable. Ay iba ang aura ni Lucas, masyado itong seryoso at halata ring hindi ito pala-ngiti at pala-imik kumpara sa kanyang mga nakababatang kapatid.
"Hey old man, what's with the frown face?" Biglang pambibiro ni Matt dito habang hawak ang kamay ng kanyang asawa.
"Eh paano, pinasayaw mo ba naman sa harap ng maraming tao. Sa tingin mo matutuwa ba si Lucas niyan." Natatawang buska ni Dave rito.
Tanging first name basis lamang ang tawagan ng magkakapatid na Montenegro, dahil kinalakihan na nila ito noong mga panahong sila'y naninirahan pa sa Amerika. Simula nang makatapos nang pag-aaral ang magkakapatid, ay nagsimula na ang mga itong mamuhay nang sari-sarili kaya't minsanan na lang sila kung magkita-kita.
"Shut up Dave, ikaw naman ang may pakana ng dance number na 'yan." Sagot lang ni Matt dito.
"What? Effective naman ahh— Na-surprise naman natin si Brae, so what's wrong with that?" Walang ganang usal ni David saka prenteng umupo sa tabi ni Brae habang nakasandig pa ang mga siko sa likod ng upuan.
"Tsss..." Ismir lang ni Matt dito, bago binalingan ang kanyang asawa. "Love, please meet our eldest, Lucas. Bro, si Brae asawa ko na." Nakangising saad nito saka hinalikan ang kamay ni Brae.
"Hello po, ikinagagalak ko po kayong makilala." Nahihiyang sambit naman ng dalaga saka inilahad ang kanyang kamay sa nakakatandang kapatid ni Matt na si Lucas.
Mabilis naman itong tinanggap ni Lucas bago nakipagkamay sa dalaga, "I've heard so much about you and I'm glad that you and Matt finally settled down. Akala namin ay tatandang binata na ito dahil hindi na nag-girlfriend ulit simula nang mawala si Mommy Em." Nakangiting saad lang ni Lucas bago binitawan ang kamay nito.
Tanging ngiti lang ang naisagot ni Brae rito dahil naiilang pa rin siya sa presensya ng binata.
"Wow naman! Ikaw ba 'yan Lucas, ngumingiti ka na pala ngayon." Biglang pambubuska ni David sa kanyang kapatid.
"Tsss... Fūcktard!" Sagot lang ni Lucas dito bago umupo sa katabing upuan ni Matt.
Nakikinig lang si Brae sa usapan ng magkakapatid, naisip niya na sabik na sabik ang mga ito sa isa't isa dahil matagal na hindi nagkikita't nagkakasama ang magkakapatid na Montenegro.
Nasa ganoong pag-iisip si Brae nang biglang magsalita si David, "Brae, can I carry her?" Nguso nito sa batang si Maddie.
"Oo naman, heto." Saad ni Brae saka iniabot ang bata sa kanyang tiyuhin.
"Hey David, careful with my precious Maddie. Baka mapilayan." Biglang banat naman ni Matt sa sobrang pag-aalala para sa kanyang anak.
Kunot noong tiningnan lang ito ni David sabay sabing, "O.A. na nga K.J. pa ni Daddy, 'di ba Maddie?" Anito sa kanyang pamangkin habang nilalaro-laro ito sa kanyang kanlungan.
"Idiot." Napapailing na lang na sagot ni Matt dito.
*****
Matapos ang selebrasyon nang pag-iisang dibdib ng mag-asawang Matt at Brae, ay dumiretso ang mga ito sa isang hotel para roon muna mag-stay sa gabing iyon. Naiwan naman sa condo unit ang kanilang anak na si Maddie kasama ang Ina ni Brae na si Aling Dolores at mga kapatid nito na sina Biboy, Liezel at Jun. Doon muna tumuloy ang pamilya ng dalaga dahil bukas nang umaga ay lilipad sila ni Matt patungong Maldives, kung saan susulitin ng mag-asawa ang wedding gift ni Lucas na out of the country trip para sa kanilang honeymoon.
"Wait Love, let me carry you." Ani Matt nang marating nila ang bukana ng kwartong kanilang inupahan ng gabing iyon.
"Kailangan ba talagang buhatin pa ako?" Natatawa namang saad ni Brae sa kanyang asawa.
"Yes Love, wala namang mawawala kung susundin natin, right?"
Nakangting tumango na lang si Brae rito at segundo lang ang lumipas nang maramdaman niyang lumutang na siya sa ere, dahil sa pagbuhat sa kanya ni Matt na pa-bridal style. Tatawa-tawang nakapasok naman ang mag-asawa sa kanilang kwarto bago umupo si Matt sa couch habang nakakandong patagilid sa kanya si Brae.
"Ano kaya pa ng powers mo?" Natatawang buska ni Brae sa binata dahil hingal na hingal ito sa kanilang pagkaka-upo.
"Wait lang Love," Isal ni Matt bago isinandal ang kanyang likod sa couch para magpahinga. "Grabe, ang bigat mo na ngayon, Love."
Tiningnan naman ito nang masama ni Brae bago binitawan ang mga katagang, "Malamang ikaw kaya manganak, tingnan lang natin kung hindi madagdagan 'yang timbang mo." Nakangusong anas nito sa kanyang asawa.
At nang akmang aalis na ito sa kandungan ng binata, mabilis itong hinablot ni Matt sa bewang, "Love, I'm just kidding okay? Gusto mo patunayan ko pa sayo na hindi ako napagod eh." Nakangising usal ng binata habang taas-baba ang kanyang magkabilang kilay.
"Ewan ko sa'y..." Hindi na natapos ni Brae ang kanyang sasabihin nang biglang siilin siya ng halik ni Matt sa labi.
Hindi na binitawan ni Matt ang mga labi ng kanyang asawa at dahan-dahang tinanggal ang tali nang nakapusod nitong buhok, dahilan para unti-unting maglaglagan ang mga hibla ng buhok ni Brae sa pagkakatali nito.
Nalulunod na napatugon na rin ang dalaga sa mga halik ni Matt at ramdam na ramdam niya ang kanilang namumuong nag-iinit na sistema.
Dahan-dahang ibinababa ni Matt ang zipper ng wedding gown ni Brae habang patuloy sa paghaplos nang makinis na likuran ng kanyang asawa. Patuloy sa paglasap ng tamis ng bawat isa ang mag-asawa. Hanggang sa binuhat na ni Matt ang dalaga kaya maagap na napakawit ang mga binti ni Brae sa bewang ng kanyang asawa.
Photo CTTO
Dahan-dahang ibinaba ng binata si Brae sa kama saka ito humiwalay sa kanilang mga halik. Madaling nahubad ni Matt ang kanyang mga saplot kaya't bumungad kay Brae ang naghuhumindik nitong kahabaan.
Nakita ni Brae na iniangat ni Matt ang laylayan ng kanyang gown saka ipinasok ang kanyang ulo roon. Napaigtad ito nang maramdaman niya ang mainit na hininga ng binata na humahalik sa kanyang mga hita.
"Ohhhh..." Tanging ungol ni Brae habang patuloy sa paghalik ang binata sa kanyang balat patungo sa kanyang kaselanan. Bawat halik na iginagawad ni Matt ay nag-iiwan ng kakaibang kiliti sa buong sistema nito.
Segundo lang ang lumipas nang maramdaman niyang ibinaba na ni Matt ang kanyang mumunting saplot na tumatabing sa kanyang pagkababae.
"Aaahhhh..." Walang ibang lumalabas sa lalamunan ni Brae kundi ungol ng kasarapan dahil sa paglalaro ni Matt sa pinaka-maselang parte ng kanyang katawan. Para na naman siyang nakalutang sa alapaap dahil sa pinaghalong ekspertong kamay at dila nito na talagang nakakapag-pabaliw sa kanyang buong pagkatao.
Nang matapos sa paglasap si Matt doon, ay nakita ni Brae na nakangiting lumitaw ang ulo nito sa laylayan ng kanyang gown bago siya nito pinaibabawan.
"Hi Love." Namamaos na usal nito.
Tanging matamis na ngiti lamang ang sinagot ni Brae rito habang namumugay ang mga mata dahil sa ginawa ng kanyang asawa.
"I love you Mrs. Montenegro." Ani Matt habang nakatukod ang mga kamay sa magkabilang gilid ng ulo ni Brae.
"I love you too Mister ko." At nang masabi ni Brae ang katagang iyon ay mabilis siyang siniil ni Matt nang mapupusok na halik at kalaunan ay sabay nilang naisagawa ang tawag ng nag-iinit nilang mga sistema.
*****
Kamusta naman ang pagpapakilala ng mga fafables na Montenegro Brothers? 😍😍😍
Finale na ang next at pagkatapos ay Epilogue na tayo, Lovies! ❤️
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top